You are on page 1of 3

Pagbati sa pangalan ng ating Panginoong Hesus!

Kami po ay labis na nagagalak na ipagbigay-alam sa inyo na ang Jesus Christ Followers’ Church Apostolic Inc. (Lipa Chapter)
ay magdiriwang ng ika-labing siyam na anibersaryo (19th Anniversary) sa Disyembre 16, 2023, ganap na ika-labindalawa ng
hapon (12:00 PM).

Kaugnay po nito ay malugod po namin kayong inaanyayahan upang maging bahagi sa espesyal na araw na ito.

Samahan po ninyo kami sa aming pagpapasalamat para sa mga taon ng pagpapala, paglago, at di-magliparang pananampalataya.

Nais rin po naming hingin ang bilang ng mga dadalo at aasahan po namin ito bago o sa ika-dalawa ng Disyembre (December 2,
2023).

Ang inyong pagdalo ay magbibigay-lasa sa aming anibersaryo, at kami ay lubos na naghahangad na makasama kayo sa
pagdiriwang na ito. Sama-sama tayong tumanggap ng “Panibagong Sigla” mula sa ating Panginoong Hesus!

Para sa karagdagang impormasyon o katanungan, mangyaring makipag-ugnayan kay Sis. Saye M. Listanco (09551480227).

Aasahan po namin ang inyong pagdalo sa makulay na okasyong ito habang ating pinagpapasalamat ang labing siyam na taon ng
pananampalataya, bendisyon, pagpapala at pag-ibig ng Diyos.

Pagpalain po tayo ng Panginoong Hesus!

Sumasainyo,

Ptr. Rodolfo D. Jalbuna


JESUS CHRIST FOLLOWERS’ CHURCH APOSTOLIC INC.- LIPA
GABAY SA LOKASYON NG KAGANAPAN: MANGYARI LAMANG PONG HANAPIN ANG “CAP DEVELOPMENT CENTER, LIPA,
BATANGAS“ MULA SA INYONG GOOGLE MAP O WAZE. NARITO PO ANG DIREKSYON MULA SA LIPA TAMBO EXIT.

You might also like