You are on page 1of 24

MGA NILALAMAN

CORONILLA................................................................................................................... 2
LETANIA SA MAHAL NA VIRGEN NG CONSOLACION, SANTA MONICA AT
SAN AGUSTIN................................................................................................................ 4
Pambungad na Panalangin......................................................................................... 7
Panalangin kay San Agustin....................................................................................... 9
Panalangin sa Bawat Araw ng Nobena...................................................................11
Unang Araw…………………………………………………………………………………………………..11
Ikalawang Araw……………………………………………………………………………………………13
Ikatlong Araw………………………………………………………………………………………………14
Ikaapat na Araw…………………………………………………………………………………………..15
Ikalimang Araw …………………………………………………………………………………………..16
Ikaanim na Araw …………………………………………………………………………………………17
Ikapitong Araw ……………………………………………………………………………………………18
Ikawalong Araw …………………………………………………………………………………………..19
Ikasiyam na Araw ……………………………………………………………………………………….20
Pangwakas na Panalangin ……………………………………………………………………………23

[1]
PINAG-ISANG NOBENA
Sa Karangalan ni
SANTA MONICA at SAN AGUSTIN

CORONILLA

Namumuno : Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng


Espiritu
Santo.
Bayan : Amen.
(Matapos ang Bawat artikulo ng Sumasampalataya ay magkakaroon ng
paninilay o maikling katahimikan at susunod ang pagdarasal ng Ama namin
at Aba Ginoong Maria.)

1. Sumasampalataya ako sa Diyos Amang


makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng
langit at lupa.
(Ama namin at Aba Ginoong Maria)

2. Sumasampalataya ako kay Hesus, iisang Anak


ng Diyos, Panginoon nating lahat.
(Ama namin at Aba Ginoong Maria)

3. Ipinaglihi sa pamamagitan ng Espiritu Santo,


at ipinanganak ni Santa Mariang Birhen.
(Ama namin at Aba Ginoong Maria)

[2]
4. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, Ipinako sa
krus, namatay, inilibing.
(Ama namin at Aba Ginoong Maria)

5. Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao at


nang may ikatlong araw, nabuhay na mag-uli.
(Ama namin at Aba Ginoong Maria)

6. Umakyat sa langit, at naluklok sa kanan ng


Amang makapangyarihan sa lahat.
(Ama namin at Aba Ginoong Maria)

7. Doon nagmumulang paparito at huhukom sa


nangabubuhay at nangamatay na tao.
(Ama namin at Aba Ginoong Maria)

8. Sumasampalataya ako sa Diyos Espiritu


Santo.
(Ama namin at Aba Ginoong Maria)

9. Sumasampalataya ako sa Banal na Simbahan


Katolika, sa kasamahan ng mga Banal.

(Ama namin at Aba Ginoong Maria)

10. Sumasampalataya ako sa kapatawaran ng

[3]
mga kasalanan.
(Ama namin at Aba Ginoong Maria)

11. Sumasampalataya ako sa pagkabuhay na


mag-uli ng mga nangamatay na Tao.
(Ama namin at Aba Ginoong Maria)

12. Sumasampalataya ako sa buhay na walang


hanggan.
(Ama namin at Aba Ginoong Maria)

(Ang huling Ama namin at Aba Ginoong Maria ay


ipapahayag para sa natatanging panalangin o
natatanging hangarin na Santo Papa.)
Aba po, Santa Mariang Reyna, Ina ng Awa, ikaw ang
kabuhayan at katamisan; aba, pinananaligan ka namin.
Ikaw ang tinatawag namin, pinapanaw ng taong anak ni
Eba. Ikaw rin ang pinagbubuntuhang-hininga namin ng
aming pagtangis dito sa lupang bayang kahapis-hapis.
Ay! Aba pintakasi ka namin, ilingon mo sa amin ang mga
matá mong maawain, at saka kung matapos yaring
pagpanaw sa amin, ipakita mo sa amin ang iyong Anak
na si Hesus. Santa Maria, Ina ng Diyos, maawain,
maalam at matamis na Birhen.

[4]
LETANIA SA MAHAL NA VIRGEN NG
CONSOLACION, SANTA MONICA AT SAN AGUSTIN

Panginoon kaawaan mo kami. *


Kristo, kaawaan mo kami.
Panginoon kaawan mo kami, *
Kristo kaawaan mo kami.
Kristo pakingan mo kami, *
Kristo pakapakinggan mo kami

Diyos Ama sa Langit, *Kaawaan mo kami.


Diyos Anak, Tagapagligtas ng mundo, *Kaawaan mo
kami.
Diyos Espiritu Santo, *Kaawaan mo kami.
Banal na Santatlo, Isang Diyos, *Kaawaan mo kami.

*Ipanalangin mo kami.
Maria, Ina namin, at Ina ni Hesus. *
Maria, Ina ng Consolacion, *
Maria, bukal ng aming pag-asa, *
Maria, kanlungan ng mga makasalanan, *
Maria, Talang Gabay ng aming buhay, *
Maria, bukal ng tagumpay sa aming mga tukso, *
Maria, na nagdadala sa amin kay Kristo, *
Maria, na nag-iingat sa amin kaisa ni Kristo, *
Maria, nagliligtas sa amin sa pamamagitan ni Kristo, *

[5]
Maria, Ina ng Konsolasyon at aming Patron, *

San Agustin, tagumpay ng Grasya ng Diyos, *


San Agustin, tapat sa grasya ng Diyos, *
San Agustin, nagliliwanag sa Dalisay na pag-ibig ng
Diyos, *
San Agustin, puno ng sigasig sa kadakilaan ng Diyos, *
San Agustin, maningning na tala sa kalangitan ng
Simbahan, *
San Agustin, ubod ng dakila at kababaan, *
San Agustin, matatag na tagapagtanggol ng
Pananampalataya, *
San Agustin, ang dumaig sa mga heresiya. *
San Agustin, prinsipe ng mga Obispo at pantas ng
Simbahan, *

Santa Monica, mapitagang ina ni San Agustin, *


Santa Monica, na ang panalangin ang nagligtas kay
Agustin sa kasalanan, * Santa Monica, na ang mga
panalangin ang naghatid kay Agustin sa Diyos, * Santa
Monica, ina ng mga banal at huwaran ng lahat na ina, *
Santa Monica, huwaran ng mga babaeng balo, *
Santa Monica, matiisin sa pagsubok, *
Santa Monica, mapagtanggap sa mga pighati, *
Santa Monica, mapayapa sa kamatayan, *
Santa Monica, tapat na anak ni Maria, Ina ng
Consolacion,
[6]
Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng
sanlibutan, Iligtas mo kami. Kordero ng Diyos na nag-
aalis ng kasalanan ng sanlibutan, Pakinggan mo kami.
Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng
sanlibutan, Kaawan mo kami.

Ipanalangin mo kami, O Santang Ina ng Consolacion,


Nang kami’y maging marapat magkamit ng mga pangako
ni Kristo.

Ipanalangin mo kami, O Amang San Agustin,


Nang kami’y maging marapat magkamit ng mga pangako
ni Kristo.

Ipanalangin mo kami, O inang banal, Santa Monica,


Nang kami’y maging marapat magkamit ng mga pangako
ni Kristo.

Manalangin Tayo O Panginoong Hesukristo, Ama ng


Awa at Diyos ng lahat ng kaaliwan, buo mong igawad sa
Iyong mga lingkod na, sa masayang pagpaparangal
namin sa Banal na Maria, Ina ng Consolacion, kami man
ay matulungan nang dahil sa kanyang mga pighati,
mapatatag sa aming mga hirap at pagsubok sa buhay, at

[7]
sa kamatayan, ay magkamit ng hindi malirip na kaaliwan
ng Langit magpasawalanghanggan. Amen.

Pambungad na Panalangin

(Agosto 18 – Agosto 26)


SANTA MONICA
Mapitagang Ina ng dakilang Agustin, pinagsumikapan mong
baguhin ang nawawalay mong anak, hindi ng pananakot
kundi ng pananalanging puno ng luha. Mamagitan ka para
sa lahat ng mga ina ng aming panahon upang maakay nila
ang kanilang mga anak sa Diyos. Turuan mo po sila kung
paanong manatiling malapit sa kanilang mga anak, maging
ang mga anak na nawalay na ng landas. Minamahal naming
Santa Monica, ina at asawang uliran, maraming pighati ang
tumarak sa iyong puso sa tanang iyong buhay. Subalit hindi
ka nawalan ng loob at pananampalataya. Nanalangin ka
nang may katatagan, pagtitiyaga at malalim na
pananampalataya para sa pagbabago ni Patricio ang iyong
minamahal na asawa, at ni Agustin ang minamahal mong
anak. Bigyan mo kami ng iyong katatagan, pasensya, at
pagtitiwala sa Panginoon. Mamagitan ka para sa amin,
minamahal naming Santa Monica upang pakinggan ng Diyos
ang aming mga panalangin para kay/sa [banggitin ang
hiling dito], at ipagkaloob sa amin na tanggapin ang
Kanyang kalooban sa lahat ng bagay, sa pamamagitan ni
[8]
Hesukristong Panginoon namin, kaisa ng Espiritu Santo,
isang Diyos magpasawalang hanggan. Amen

(Agosto 19 – Agosto 27)


SAN AGUSTIN
Panginoon, Diyos ng walang hanggang karunungan, hinirang
Mo ang Tagapagtangkilik naming si San Agustin upang
gamitin sa pagpapahayag ng mga katotohanan ng aming
pananampalataya. Sa kanyang mga isinulat ay nahahayag
ang mga katotohanan tungkol sa Iyo, kung ano ang
patutunguhan namin at kung ano ang dapat naming maging
tugon sa Iyo. Itinanghal namin siyang Pantas ng simbahan
sapagkat ang kanyang mga aral ay magpapatatag sa
pananampalatayang Kristiyano at nagpapalinaw sa buhay
namin bilang Iyong mga nilikha at anak. Itinuturo niya na
kami ay nauukol lamang sa Iyo at sa iyo dapat na isuko at
italaga ang aming sarili sapagkat hindi mapapanatag ang
aming kalooban kung hindi kami sasandig sa iyo.
Kaya nga, sa aming pagpaparangal kay San Agustin, kami ay
lumalapit sa Iyo upang humingi ng kapatawaran sa mga
pagkakataong kami ay nagkasala, lumihis ng landas ng
kabanalan, namumuhay sa kalayawan at pinawalang-halaga
ang mga itinuturo ng aming pananampalataya. Tulad ng
ginagawa Mo kay San Agustin, patuloy mo nawa kaming
tawagin tungo sa pagbabagong-buhay at mag-alab nawa ang
aming puso sa pag-ibig sa Iyo at sa paglilingkod sa Iyong

[9]
Sambayanan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesu-
Kristo kasama ng Espiritu Santo, magpasawalang-hanggan.
Amen.

Panalangin kay San Agustin

Minamahal naming San Agustin, taglay ang lubos na


pananalig at pagtawag sa Diyos Ama na pinagbubuhatan ng
lahat ng pagka-Ama sa lupa, kami ay napaaampon sa iyo
bilang isang ama. Dala ng mahabang kasaysayan ng
pakikipag-ugnayan n gatin bayan sa iyo at sa iyong pagtugon
sa aming mga kahilingan na nagpapahayag ng iyong maka-
amang pagtangkilik, ikaw ay naging malapit sa amin. Ito rin
ay nagmula sa iyong kabantugan sa pangangasiwa bilang
Obispo sa Sambayanan ng Diyos, inalagaan mo ang noon ay
munti pa at lumalaking Simbahan sa pagbibigay linaw sa
kanyang mga aral kaya ikaw ay tinagurian bilang isa sa mga
ama ng Simbahan.
Ngayon, aming ama, patuloy mong ipamalas ang iyong
maka-amang pangangalaga sa amin. Ang iyo nawang
pagpapamalas na ito ay maghatid sa aming pagkilala sa
Diyos Ama na Maylalang sa ating lahat at tunay na
pinagmumulan ng bawat biyayang ipinakikiusap namin sa
iyo. Idalangin mo sa Diyos na makamit namin sa buhay na
ito ang mga kinakailangan namin lalung-lalo na ang
kahilingang ito. (Ilahad ang kahilingan). Pagkalooban
[10]
nawa kami ng Diyos ng banal na karunungan na patuloy na
magsasaliksik sa kanya at sa kanyang kalooban upang si
Kristo ang Katotohanan at Karunungan ng Diyos ay maghari
sa amin ngayon at magpakailanman. Amen.

Panalangin sa Bawat Araw ng Nobena

Unang Araw
(Agosto 18)
Alalahanin mo minamahal na Santa Monica, ang ligayang
bumaha sa iyong puso noong ibigay ni Agustin, ang anak ng
iyong mga panalangin at luha, ang kanyang buhay sa
Panginoon. Idulog mo po sa harap ng Diyos ang aming mga
panalangin. Kamtin para sa amin, kung ito ay kalooban ng
Diyos, ang mga biyayang aming hinihiling sa pamamagitan
mo upang aming maranasan ang kasiyahan na ang aming
mga dasal ay Kanyang tinugon Amen.

(Agosto 19)
Dakila ka, O Panginoon, at karapat-dapat na purihin, dakila
ang iyong kapangyarihan at walang hanggan ang Iyong
karunungan. Ang tao na bahagi ng Iyong sangnilikha ay
nagnanais na Ikaw ay papurihan, ang tao na nagtataglay sa
sarili ng tanda ng kanyang kasalanan at patunay na
nilalayuan mo ang mga palalo. Gayunpaman, sa kabila nito,
[11]
ang tao ang bahaging ito ng Iyong sangnilikha, ay
nagnanasang magpuri sa Iyo. Pinag-aalab Mo siya upang
malugod na makapagpuri sa iyo, sapagkat nilikha Mo kami
para sa Iyo at ang puso namin ay walang kapanatagan
hanggang hindi tumatahan sa Iyo. Siya nawa.
Ama naming mapagmahal, pinupuri ka namin at
ipinagdarangal sa iyong walang hanggang karunungan na
laganap at nababanaag sa buong sanlibutan. Sa bawat bagay
at buhay na nilikha nakikita ang mga tanda ng karunungan
at panukala ng kanilang Manlilikha. Ito, Panginoon, ang
katotohanang sinasaliksik at natagpuan ni San Agustin.
Hindi Mo pinatigil ang kanyang puso at isip sa paghahanap
ng kanyang pinagmulan. Gayundin ang ginagawa Mo ay
ipinadarama sa bawat tao, ang hindi manatili sa mga bagay
na Iyong nilikha upang hanapin namin ang higit at tunay na
bukal ng kaligayahan, na kami ay hindi nauukol para sa
daigdig na ito, sa mga lumilipas na bagay rito. “Sapagkat
nilikha mo kami para sa iyo at ang puso namin ay walang
kapanatagan hanggang hindi tumatahan sa Iyo.”
Kaya, Panginoon, lubos kaming nagpapasalamat sa iyo sa
biyayang ipinunla mo sa puso ng aming Tagapagtangkilik na
si San Agustin at sa karunungang ibinigay Mo sa kanya.
Katulad niya, sa Iyo nawa namin matagpuan ang
katiwasayan ng aming puso. Itulot Mong huwag mapayapa
ang aming sarili kung kami ay mapawalay sa Iyo. Kaisa ni
San Agustin, sama-sama nawa kaming maghanap tuwina sa

[12]
Iyo, makamit ang mga biyayang kailangan namin at mabatid
ang Iyong kalooban para sa bawat isa sa amin at sa aming
bayan. Alang-alang kay Hesu-Kristo na tangi naming
Tagapamagitan sa Iyo kasama ng Espiritu Santo, iisang
Diyos magpasawalang hanggan. Amen.

Ikalawang Araw
(Agosto 19)
Alalahanin mo minamahal na Santa Monica, ang ligayang
bumaha sa iyong puso noong ibigay ni Agustin, ang anak ng
iyong mga panalangin at luha, ang
kanyang buhay sa Panginoon. Idulog mo po sa harap ng
Diyos ang aming mga panalangin. Kamtin para sa amin,
kung ito ay kalooban ng Diyos, ang mga biyayang aming
hinihiling sa pamamagitan mo upang aming maranasan ang
kasiyahan na ang aming mga dasal ay Kanyang tinugon
Amen.

(Agosto 20)

Panginoong Hesus, itulot Mong makilala ko ang aking sarili,


itulot Mong makilala Kita at walang hangarin kung hindi
Ikaw lamang. Loobin Mong kamuhian ko ang aking sarili
upang mahalin Ka, at gawin ang lahat ng bagay alang-alang
sa Iyo. Pakaabahin ko nawa ang aking sarili at Ikaw ang
aking itanghal, at walang isipin kundi Ikaw. Loobin Mong
mamatay ako sa aking sarili upang mabuhay sa Iyo, at
[13]
tanggapin ang lahat ng mga nangyayari bilang kaloob Mo.
Loobin Mong limutin ko ang aking sarili at lumakad sa
likuran Mo, at laging magnasang sumunod sa Iyo. Siya nawa.

Ikatlong Araw
(Agosto 20)
O maluwalhating Santa Monica, pagkatapos ng buong buhay
ng mga panalanging puno ng luha, pagaayuno at sakripisyo,
pinagkalooban ka sa wakas ng kasiyahang masaksihan ang
pagbabalik loob ng _iyong asawa’t anak. Nang ang iyong
anak na si Agustin ay nagbalik sa Pananampalataya, sinabi
mo, “Ipinagkaloob ito sa akin ng Diyos nang higit pa sa aking
kahilingan. Ano pa ang ginagawa ko dito sa mundo?” Ilang
araw ang lumipas pumanaw kang maligaya at mapayapa sa
Diyos. Ipagkaloob mo sa amin ang ganyang kapayapaan,
pananampalataya at pagtanggap sa kalooban ng Diyos upang
mamuhay kaming mapayapa sa lahat ng araw ng aming
buhay, at yumao kaming maligaya sa makalangit na tahanan,
panatag na alam naming kami ay may kaligtasang walang-
hanggan. Amen

(Agosto 21)

Banal na Espiritu, makapangyarihang Patnubay, banal na


tagapag-ugnay ng Ama at Anak, pag-asa ng mga nagdurusa,
mahal na pananahan. Itanim Mo sa mga naghihinawa
[14]
naming kaluluwa ang apoy ng Iyong pag-ibig upang lubusan
kaming mag-pailalim sa Iyo. Nananalig kami na sa sandaling
Manahan Ka sa amin ay ipaghahanda mo rin ng isang
tahanan sa amin ang Ama at ang Anak. Kaya nakikiusap
kami, halina sa aming piling, halina at kami ay dalisayin.
Wala nawang masamang pagnanasa ang makapangayari sa
amin. Minamahal Mo ang aba at tinatanggihan ang palalo.
Halina sa amin, luwalhati ng mga buhay, pag-asa ng mga
namamatay. Patnubayan Mo kami ng Iyong biyaya upang
lagi kaming maging kalugod-lugod sa Iyo. Siya nawa.

Ikaapat na Araw
(Agosto 21)
O maluwalhating Santa Monica, nakikita mo sa mundo
namin ngayon ang mga ina at mga babaeng asawa na labis
ang paghihirap dahil sa kanilang mga asawa’t anak.
Nadarama mo ang kanilang nararamdaman sapagka’t
dumaan ka din sa nasabing mga paghihirap. Subalit nagawa
mong lagpasan ang mga ito sapagkat nanampalataya ka na
ang masuliranin mong asawa’t anak ay mga hamong bigay ng
Diyos. Nahirapan ka at nanalangin ka nang walang maliw
para sa kanila. Binago ng Diyos ang puso ng iyong asawa’t
anak. Ipagkaloob mo po sa amin ang ganyang pagsisikap at
Pananampalataya upang kami man ay pakinggan ng Diyos.
Amen

[15]
(Agosto 22)

Ipagkaloob mo ang Iyong sarili sa akin, O Diyos. Ibalik na


muli ang Iyong sarili sa akin. Iniibig Kita, at kung ito ay
kulang pa, bayaan Mong ibigin Kita ng lalo at higit. Hindi ko
kayang sukatin na alamin kung gaano ang kulang na pag-ibig
upang ang aking buhay ay tumalima sa Iyong pagkandili sa
halip na lumayo, hanggang maitago sa likod ng Iyong
mukha. Ito lamang ang aking nababatid, na sa sandaling
mawalay ako sa Iyo, ito ay magdudulot ng masama sa akin,
hindi lamang sa aking kapaligiran kundi gayon din sa loob
ng aking pagkatao, at para sa akin ang lahat ng kasaganaan
ay kakulangan kung Ikaw ay wala. Siya nawa.

Ikalimang Araw
(Agosto 22)
O maluwalhating Santa Monica, idinudulog namin sa iyo ang
mga ina na nangingibang bayan upang humanap ng
masaganang buhay para sa kanilang pamilya. Sa kanilang
pagtulog na laging inaalaala ang kanilang mga asawa’t anak,
nangangarap silang makapiling ang kanilang mga mahal sa
buhay. Subalit kailangan nilang magsikap para sa
magandang kinabukasan ng kanilang mga anak. Dalangin
namin na iyong ingatan ang mga kababaihang ito at upang
magsikap sa pag-aaral ang kanilang mga anak. Dalangin
[16]
namin ang ugnayan nila sa isa’t isa upang ang paghihiwalay
na tinitiis nila ngayon ay huwag maging sagabal sa isang
masayang pamilya. Amen.
(Agosto 23)

Tumatawag ako sa Iyo, aking Diyos, aking pag-ibig, Ikaw na


lumikha sa akin, at hindi lumimot sa akin, bagaman nilimot
Kita. Tinatawag Kita sa aking kaluluwa na inihanda Mo
upang tanggapin Ka sa pamamagitan ng pagnanasang
ipinunla Mo dito. Huwag Mo akong pabayaan ngayong ako
ay dumudulog sa Iyo, sapagkat bago pa man ako tumawag sa
Iyo, ako ay inuudyukan ng marami at iba’t ibang salita,
upang mula sa kalayuan Ikaw ay aking marinig at ako ay
makapagbagong-loob at manawagan sa Iyo gaya ng
panawagan Mo sa akin. Siya nawa.

Ikaanim na Araw
(Agosto 23)
O maluwalhating Santa Monica ikaw ay nagpunyagi para sa
pagbabalik-loob ng iyong asawa’t anak sapagkat hangad
mong makapasok sila sa buhay na walang hanggan. Ang
Langit ang lagi mong hinahangad at naglakbay ka ng
malalayo upang hanapin ang iyong anak, at nagdasal ng
mahahabang oras sapagkat nais mong magkasama-sama ang
iyong pamilya sa langit. Hindi ka naakit ng makamundong
tagumpay nang si Agustin na anak mo ay maging tanyag sa
kanyang pagsasalita at karunungan. Nais mong gugulin sa

[17]
tanang buhay niya ang paghahanda para sa langit at iyan na
nga ang kanyang ginawa. Pakinggan mo ang aming pagluhog
upang ang diwa ng Langit ang bumalot sa aming buhay.
Huwag nawa kaming mabulag ng makamundong tagumpay.
Gabayan mo kami kay Hesus at ihanda mo kami sa aming
pagtatagpo. Amen

(Agosto 24)

Panginoon, nagsusumamo ako sa Iyo… sumilang nawa ang


katotohanan mula sa daigdig at manaog ang katarungan
mula sa kalangitan… Ibahagi nawa namin ang aming
pagkain sa mga nagugutom at patuluyin ang mga
nangangailangan at walang masilungan sa aming tahanan.
Damitan nawa namin ang mga hubad, at huwag
lapastanganin ang aming kapwa. Sa sandaling mangyari ang
ganitong gawain sa daigdig, anong buti nito. Itulot Mong
magningas ang ilaw namin na panandalian lamang. At sa
pagdaan namin sa ganitong uri ng pagkilos tungo sa
kaligayahan ng pagninilay sa Iyo, at makamit ang salita ng
buhay mula sa langit, magsilbi nawa kaming mga tanglaw sa
daigdig na humahawak sa katotohanan ng Iyong Salita. Siya
nawa.

Ikapitong Araw
(Agosto 24)
O maluwalhating Santa Monica, sa pag-aalaala ng kanyang
mga hakbang sa pagbabalik-loob, si Agustin na anak mo ay
[18]
hindi malimot ang iyong luha’t mga panalangin. Nasaksihan
niya ang pagdarasal mo gabi-gabi na hipuin ng Diyos ang
puso niya at talikdan ang kanyang mga kasalanan. Ang
kanyang pagbabagong buhay ay iyong kagagawan sapagkat
kahit ang Diyos ay hindi kayang tiisin ang iyong katapatan at
katatagan sa pananalangin para sa kanya. Ngayong ikaw ay
nasa Langit, batid naming pinakikinggan ka ni Hesus at
hindi Niya kayang talikdan ang iyong mga panalangin.
Mamagitan ka sa amin at dinggin ang aming mga pagluhog.
Nawa’y magbagong buhay din kami at palitan ang aming
mga mali ng tamang gawa. Amen.

(Agosto 25)

O Panginoong aking Diyos, pakinggan Mo ang aking


panalangin at sa Iyong habag, magiliw Mong dinggin ang
aking hinahangad, sapagkat nag-alab ito hindi lamang para
sa aking sarili kundi alang-alang din sa kapakanan ng aking
kapwa. Nakikita Mo ito sa aking puso. Ihahandog ko sa Iyo
ang paglilingkod ng aking diwa at dila; ipagkaloob Mo sa
akin ang anumang maiaalay ko sa Iyo. Sapagkat “ako ay salat
at mahirap,” at “Ikaw ay sagana sa lahat ng tumatawag sa
Iyo,” Ikaw na Malaya sa mga alalahanin, ay nangangalaga sa
amin. Sa lahat ng kapalaluan at kasinungalingan, ilayo Mo
ang aking mga labi. Ang Iyo nawang Banal na Kasulatan ang
maging dalisay kong kasiyahan. Huwag nawa akong mahulog
sa pagkakamali sa pagbasa nito, huwag ko nawang ilihis ang
iba sa maling paggamit nito. Siya nawa.
[19]
Ikawalong Araw
(Agosto 25)
O maluwalhating Santa Monica, sa pag-aalaala ng kanyang
mga hakbang sa pagbabalik-loob, si Agustin na anak mo ay
hindi malimot ang iyong luha’t mga panalangin. Nasaksihan
niya ang pagdarasal mo gabi-gabi na hipuin ng Diyos ang
puso niya at talikdan ang kanyang mga kasalanan. Ang
kanyang pagbabagong buhay ay iyong kagagawan sapagkat
kahit ang Diyos ay hindi kayang tiisin ang iyong katapatan at
katatagan sa pananalangin para sa kanya. Ngayong ikaw ay
nasa Langit, batid naming pinakikinggan ka ni Hesus at
hindi Niya kayang talikdan ang iyong mga panalangin.
Mamagitan ka sa amin at dinggin ang aming mga pagluhog.
Nawa’y magbagong buhay din kami at palitan ang aming
mga mali ng tamang gawa. Amen.

(Agosto 26)

O Diyos, itulot Mong makilala at maibig Kita upang


matagpuan ko ang kaligayahan sa Iyo. Dahilan sa hindi ko
ito lubusang maisasakatuparan sa mundong ito, tulungan
mo akong umunlad araw-araw hanggang sa maisagawa ko
ito ng ganap. Loobin Mong makilala Kita ng lubos at higit sa
[20]
daigdig na ito, upang mahalin Kita ng ganap. Sa ganitong
paraan, maging dakila ang aking kaligayahan sa daigdig, at
maging ganap sa piling Mo sa kalangitan. Siya nawa.

Ikasiyam na Araw
(Agosto 26)
O maluwalhating Santa Monica, sa huling araw ng aming
nobena, iniluluhog namin sa iyo ang patungkol sa maraming
mga batang ina na hindi pa handa sa pagiging ina. Malaking
suliranin sa ngayon ang mga hindi ginustong pagbubuntis.
Dahil dito, maraming mga kabataan ang nahinto sa pag-
aaral upang harapin ang responsibilidad na ito, na hindi
naman nila kaya. Liwanagan po ninyo ang mga kabataan at
bigyan mo ng mga guro na magpapaunawa sa kanila na ang
pagtatalik nang hindi kasal ay mapanganib at isang
kasalanan. Sila nawa’y mamuhay sa kanilang pagiging bata
nang hindi nagkakasala at gabayan sa mga kasiyahan ng mga
bagay na espiritwal. Amen.

[21]
(Agosto 27)

O Panginoon naming Diyos, sumasampalataya ako sa Iyo,


Ama, Anak, at Espiritu Santo… Sa abot ng aking makakaya at
sa pagkakaloob Mo sa akin ng kapangyarihan ay hinahanap
Kita. Nagpagal ako at nagsumikap. O Panginoon kong Diyos,
tangi kong pag-asa, tulungan Mo akong sumampalataya at
huwag tumigil sa paghahanap sa Iyo. Loobin Mong lagi na
masigasig kong hanapin ang Iyong mukha. Dulutan Mo ako
ng lakas upang hangarin Ka, sapagkat tinutulungan Mo
akong matagpuan Ka at pinagkalooban Mo ako ng malaking
pag-asa upang ikaw ay matagpuan. Narito ako sa Iyong
harapan, taglay ang aking katatagan at ang aking kahinaan.
Pag-ingatan Mo ang una at paghilumin ang pangalawa.
Narito ako sa Iyong harapan taglay ang aking lakas at
kamangmangan. Kung saan Mo binuksan ang pinto para sa
akin, papasukin Mo ako; kung saan Mo ipininid, buksan Mo
sa aking pagmamakaawa, loobon Mong alalahanin Kita,
maunawaan at mahalin. Siya nawa.

[22]
Pangwakas na Panalangin

Ama naming mapagmahal, pinupuri ka namin at


ipinagdarangal sa iyong walang hanggang karunungan na
laganap at nababanaag sa buong sanlibutan. Sa bawat bagay
at buhay na nilikha nakikita ang mga tanda ng karunungan
at panukala ng kanilang Manlilikha. Ito, Panginoon, ang
katotohanang sinasaliksik at natagpuan ni San Agustin.
Hindi Mo pinatigil ang kanyang puso at isip sa paghahanap
ng kanyang pinagmulan. Gayundin ang ginagawa Mo ay
ipinadarama sa bawat tao, ang hindi manatili sa mga bagay
na Iyong nilikha upang hanapin namin ang higit at tunay na
bukal ng kaligayahan, na kami ay hindi nauukol para sa
daigdig na ito, sa mga lumilipas na bagay rito. “Sapagkat
nilikha mo kami para sa iyo at ang puso namin ay walang
kapanatagan hanggang hindi tumatahan sa Iyo.”

Kaya, Panginoon, lubos kaming nagpapasalamat sa iyo sa


biyayang ipinunla mo sa puso ng aming Tagapagtangkilik na
si San Agustin at sa karunungang ibinigay Mo sa kanya.
Katulad niya, sa Iyo nawa namin matagpuan ang
katiwasayan ng aming puso. Itulot Mong huwag mapayapa
ang aming sarili kung kami ay mapawalay sa Iyo. Kaisa ni
San Agustin, sama-sama nawa kaming maghanap tuwina sa
Iyo, makamit ang mga biyayang kailangan namin at mabatid
ang Iyong kalooban para sa bawat isa sa amin at sa aming
[23]
bayan. Alang-alang kay Hesu-Kristo na tangi naming
Tagapamagitan sa Iyo kasama ng Espiritu Santo, iisang
Diyos magpasawalang hanggan. Amen

Inilathala at inihanda ng

Hermandad de la Correa y de Santa Rita de Cascia


San Alonso de Orozco Chapter

Fundada en el Año 2019

Parroquia de Santa Rita de Cascia


Binagbag, Angat, Bulacan

[24]

You might also like