You are on page 1of 10

Home

ABOUT Us
FAQS
DONATE / HELP US
Prayer Request
Contact Us

Mga Pagbasa
Way of the Cross
Daan ng Krus

Miyerkules, Disyembre 16, 2020


December 16, 2020

in Tagalog Mass Readings

Podcast: Download (Duration: 6:23 — 5.3MB)

Day 1 • Tagalog Christmas Novena • December 16 • …


Mga Pagbasa Para sa Aguinaldo Mass (Simbang Gabi)
Ika-16 ng Disyembre sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon

Isaias 56, 1-3a. 6-8


Salmo 66, 2-3. 5. 7-8.

Nawa’y magpuri sa iyo ang lahat ng mga tao.

Juan 5, 33-36

16th of December (Aguinaldo Mass) (White)

UNANG PAGBASA
Isaias 56, 1-3a. 6-8

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Ang sabi ng Panginoon sa kanyang bayan:


“Ayon sa katarungan
at laging matuwid ang inyong gagawin.
Ang pagliligtas ko’y
di na magluluwat, ito ay darating,
ito’y mahahayag sa inyong paningin.
Mapalad ang taong gumagawa nito,
ang anak ng taong ang tuntuni’y ito.
Ginaganap niya ang marapat gawin sa Araw ng Pamamahinga,
sa gawang masama, ang kanyang sarili’y iniiwas.”
Di dapat sabihin ng isang dayuhang nakipagkaisa sa bayan ng Diyos,
na siya’y hindi papayagan ng Panginoon
na makisama sa pagsamba ng kanyang bayan.”
Ito naman ang sabi ng Panginoon
sa mga dating dayuhan na ngayo’y
kabilang sa kanyang bayan,
buong pusong naglilingkod sa kanya,
nangingilin sa Araw ng Pamamahinga;
at matapat na nag-iingat sa kanyang tipan:
“Dadalhin ko kayo sa Sion, sa aking banal na bundok.
Ipadarama ko sa inyo ang kagalakan sa aking Templo.
Tatanggapin ko ang inyong mga handog,
at ang Templo ko’y tatawaging bahay-dalanginan ng lahat ng bansa.”
Ipinangako pa ng Panginoon,
sa mga Israelitang ibinalik niya mula sa pagkatapon,
na marami pa siyang isasama sa kanila
para mapabilang sa kanyang bayan.

Ang Salita ng Diyos.


SALMONG TUGUNAN
Salmo 66, 2-3. 5. 7-8

Nawa’y magpuri sa iyo ang lahat ng mga tao.

O Diyos, pagpalain kamit’ kahabagan,


kami Panginoo’y iyong kaawaan,
upang sa daigdig mabatid ng lahat
ang iyong kalooban at ang pagliligtas.

Nawa’y magpuri sa iyo ang lahat ng mga tao.

Nawa’y purihin ka ng mga nilikha,


pagkat matuwid kang humatol sa madla;
ikaw ang patnubay ng lahat ng bansa.

Nawa’y magpuri sa iyo ang lahat ng mga tao.

Nag-aning mabuti ang mga lupain,


pinagpala kami ng Poon, Diyos namin!
Ang lahat sa ami’y iyong pinagpala,
nawa’y igalang ka ng lahat ng bansa.

Nawa’y magpuri sa iyo ang lahat ng mga tao.

ALELUYA

Aleluya! Aleluya!
Halina’t kami’y dalawin.
Kapayapaan mo’y dalhin
upang umiral sa amin.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 5, 33-36

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga Judio, “Nagpasugo kayo kay Juan, at nagpatotoo siya tungkol
sa katotohanan. Hindi sa kailangan ko ang patotoo ng tao; sinasabi ko lamang ito para maligtas kayo. Si Juan
ay parang maningas na ilaw na nagliliwanag noon, at kayo’y sandaling nasiyahan sa kanyang liwanag.
Ngunit may patotoo tungkol sa akin na higit sa patotoo ni Juan: ang mga gawang ipinagagawa sa akin ng
Ama, at siya ko namang ginaganap – iyan ang nagpapatotoo na ako’y sinugo niya.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Pages: 1 2 3

Mga Pagbasa Kahapon Mga Pagbasa Bukas


« Martes, Disyembre 15, 2020 Huwebes, Disyembre 17, 2020 »

MAGNILAY TAYO!
Pagnilayan natin ang Salita ng Diyos, ang salitang nagbibigay buhay! Mahalaga ang ang pagbabahagi ng pagninilay upang mas
maunawan pa natin ang mensahe ng ating Diyos para sa bawat isa sa atin.

{ 7 comments… read them below or add one }

Mark Jefferson Magno November 4, 2020 at 6:19 pm

Salamat sa Diyos!

Reply

Reynald Perez December 13, 2020 at 6:10 pm

PAGNINILAY: Ang ika-16 ng Disyembre ay ang pasimula ng isang mahahalagang tradisyon bilang
mga Pilipino kapag malapit nang sumapit ang Kapaskuhan. Ito yung tinatawag na Ordo bilang
“Aguinaldo Masses” o mga Misang Pasiyam na Araw na Nobena patungo sa pagdiriwang ng Pagsilang
ng Panginoon. Mas popular ang tawag nitong mga Misa bilang “Misa de Gallo” at “Simbang Gabi”.
Kadalasan ang Simbang Gabi ay ginaganap mula ika-15 hanggang 23 ng Disyembre na kadalasa’y
magdamagang din ang liturhiya sa pagsapit ng alas ocho ng gabi. Samantala ang Misa de Gallo naman
ay ginaganap mula ika-16 hanggang 24 ng Diysmbre sa pagsapit ng alas quatro o alas cinco ng umaga.
Ang “Gallo” ay isang salitang Kastila na nangangahulugang “tandang”.

Anupamang tawaging natin itong tradisyon, ang mga Misang ito ay isang nobena na ginaganap siyam
na araw bago ang pagdiriwang ng Pagsilang ni Hesus sa araw ng Pasko. Katulad ng Mahal na Birheng
Maria na naghintay sa loob ng siyam na buwan bago ipanganak si Kristo, tayo rin ay nanabik sa loob
ng siyam na araw para sa masayang pagdiriwang ng Kapaskuhan bilang pag-aalala sa Diyos na naging
Tao.

At Unang Araw ng ating Nobena para sa Pasko, narinig natin ang patotoo ni Hesus sa mga Hudyo
tungkol sa kanyang sarili. Bilang Anak ng Diyos, nababatid niya ang dakilang kalooban ng kanyang
Ama. Kaya ito yung kanyang pakay kung bakit siya’y dumating sa daigdig. At bilang tanda ng kanyang
pagdating, itinukoy ni Hesus ang kanyang pinsan na si San Juan Bautista bilang isang maningas na
ilaw na nagningning sa kadiliman ng kasalanan. Sapagkat alam natin na si San Juan Bautista ay
nagpahayag ng isang binayag ng pagsisisi at pagbabalik-loob bilang paghahanda sa daraanan ng
Panginoon.

Kaya ang mensahe ngayong pasimula ng ating “Christmas novena” ay ang pagiging mabuting saksi
para kay Kristo. Alam po natin ang kwento ng Unang Pasko na narinig natin at palagi nating maririnig
nitong mga darating na banal na araw ng Kapaskuhan. Subalit patuloy na umiiral ang pag-ibig ng
Diyos kahit sa mga taong hindi pa siyang lubos na nakikilala at pinapaniwalaan.

Nawa’y maging katulad tayo ni San Juan Bautista na hayaang magningning ang ilaw ng liwanag ng
Diyos sa ating buhay upang ipasa natin ang ilaw na iyan sa ibang tao.

Reply

Francisco Azupardo December 16, 2020 at 7:51 am

Salamat sa Diyos. Amen.Aleluya

Reply

Reynald Perez December 16, 2020 at 11:40 am

Pagninilay: Ngayong papalapit na tayo sa pagdiriwang ng Kapaskuhan, ang ating gawain ngayong
Adbiyento ay isang pananabik sa pagdating ng ating Panginoon.

Ang Unang Pagbasa ngayon ay ang paanyaya ng Diyos na patuloy na magtiwala sa kanya, at lumapit
sa kanya upang sila’y mas pagpapalain. Ang pananampalataya at pagkilala sa kanya ay
nangangahulugugang na maging tapat sa kanyang mga utos at ang tipan na mas kilalanin natin siya
bilang Panginoon ng ating buhay.

Ang Ebanghelyo ngayon ay ang pagbabalita ng mga alagad ni San Juan Bautistang nakabilanggo
tungkol sa kanyang pinsang si Hesukristo. Nabilanggo si Juan alang-alang sa paninindigan sa
pagtutuwid ng kamalian nina Herodes at Herodias ukol sa kanilang pakikiapid. Kaya nagpadala siya ng
mga mensahero kay Hesus upang malaman kung sino talaga nitong ipinahayag niya sa Ilog Jordan
bilang Panginoong ipaghanda ng daan. At ang tugon ni Kristo ay ang kanyang mga magagandang
gawain sa mga mahihirap, inaapi, mga maysakit, at iba pang nangangailangan ng tulong ng Diyos. At
sinasabi rin ni Hesus na mapalad ang sumasampalataya sa kanya at sa kanyang ministeryo.

Ang Adbiyento ay isang panahon ng pagbabalik-loob at pamumuhay sa katuwiran at pamumuhay na


ayon sa pamantayan ng Diyos. Si San Juan Bautista ang ating gabay upang tayo ay maghanda ng isang
diretsong daan para patuloy na dumating ang Panginoon sa ating buhay. At higit dito ay si Hesus ay
maging ehemplo natin upang ipagdala natin ang kagandahang-loob ng Diyos, lalung-lalo na sa mga
nangangailangan nito.

Reply
Dong December 16, 2020 at 1:01 pm

Pinupuri ja namin panginoong hesukristo nazareno AMEN

Reply

PATRICK CU December 16, 2020 at 1:28 pm

Salamat sa Diyos! AMEN!

Reply

Edward C Ramirez December 16, 2020 at 1:57 pm

Salamat sa diyos

Pinupuri ka namin panginoong hesukristo!!

Reply

Leave a Comment

Name *

E-mail *

Website

Submit

Previous post: Martes, Disyembre 15, 2020

Next post: Huwebes, Disyembre 17, 2020


Mga Pagbasa Ngayong Araw
Today's Mass Readings

Miyerkules, Disyembre 16, 2020

Podcast: Download (Duration: 6:23 — 5.3MB)

Miyerkules ng Ika-3 Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon

Isaias 45, 6b-8. 18. 21b-25


Salmo 84, 9ab-10. 11-12. 13-14

Lupang tiga’y ‘yong diligin, Poon, sa ‘yong pagdating.

Lucas 7, 19-23

Mga Pagbasa Para sa Aguinaldo Mass (Simbang Gabi)


Ika-16 ng Disyembre sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon

Isaias 56, 1-3a. 6-8


Salmo 66, 2-3. 5. 7-8.

Nawa’y magpuri sa iyo ang lahat ng mga tao.

Juan 5, 33-36

« Basahin at Pakinggan ang Kabuuan »

Mga Pagbasa Kahapon Mga Pagbasa Bukas


« Martes, Disyembre 15, 2020 Huwebes, Disyembre 17, 2020 »
Ad shopee.ph Higit Pa ▼

Awit at Papuri Communications is a


pioneering Catholic social communications
apostolate based in Manila, Philippines. It is
the first Filipino website to publish and offer
complete Daily Tagalog Mass Readings
online. Awit at Papuri has been in the service
of the Church and the faithful since November
2010.
Search

To search, type and hit enter

Calendar
December 2020
S MT WT F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
« Nov Jan »

Monthly Archives

Monthly Archives December 2020 (31)

Donate

Allow us to continue
doing this ministry.
Make a donation
today.

Awit at Papuri Communications © 2010-2020 | Privacy Policy

You might also like