You are on page 1of 3

PRAYER OF CONSECRATION TO THE SACRED HEART OF

JESUS AND THE IMMACULATE HEART OF MARY

Most Sacred Heart of Jesus, Truly present in the Holy Eucharist, I


concentrate my body and soul to be entirely one with Your Heart, being
sacrificed at every instant on all the altars of the world and giving praise to
the Father pleading for the coming of His Kingdom.

Please receive this humble offering of myself. Use me as You will for the
glory of the Father and the salvation of souls.

Queen of the most Holy Rosary, and tender Mother of all people, I
concentrate myself to you and to your Immaculate Heart and recommend to
You my family, relatives and friends, the Diocess of Lucena, my country and
the whole human race.

O Immaculate Heart of Mary, Queen of Heaven and Earth, rule over


me, and my family and teach us how to allow the Heart of Jesus to rule and
triumph in us and around us, as it has ruled and triumph in You. Amen.

O God of infinite goodness and mercy, fill our hearts with a great
confidence in our Most Holy Mother whom we involve under the title of the
Immaculate Heart of Mary and grant us by her most powerful intercession all
the graces, spiritual and temporal which we need. We ask this through Jesus
Christ our Lord. Amen.
Ad Jesum Per Mariam

Isinatagalog na Panalangin ni Msgr. Teodoro Bacani


Panalangin Para Pagkalooban ng Karisma ng Espiritu Santo

Diyos Espiritu Santo, sa aming buhay sa mundo, kaylaki ng


pangangailangan namin sa iyong KARISMA. Sa pamamagitan ng
Inyong Karisma, binibigyan Mo kami ng kakayahang tumulong sa
aming kapwa, sa aming Simbahan, sa aming Sambayanan, sa aming
pakikisalamuha sa isat’isa. Ang mga karisma na ito’y gagamitin namin
para sa kapakanan ng aming kapwa. Sapagkat tinawag Mo kami para
maglingkod sa Iyo, idinadalangin namin na pagkalooban Mo po kami ng
mga karisma na hiniling ni San Pablo para sa kanyang Sambayanan.

Pagkalooban Mo po kami ng ganap na karunungan para sa aming


bansa at Simbahan. Tulungan Mo po kaming makapangusap ng mga
salita kung saan matutuklasan Ka namin at si Kristong ipinako sa Krus
sa gitna ng mga suliranin, pagsubok at mga tiisin.

Pagkalooban Mo po kami ng kaalaman. Ituro Mo po sa amin ang


tunay na mahalaga sa buhay ng tao. Hingahan Mo po kami Espiritung
Banal upang lahat ng aming isipin ay may kabanalan. Huwag nawa
kaming malayo sa katotohanan. Bigyan Mo po kami ng buhay na
pananamplataya. Punuin Mo po kami ng katapatan sa Iyo at ng
pananalig na makapagpapakilos ng bundok.

Bigyan Mo po kami ng Karisma na makapagpapagaling, ng tapat


na paglilingkod na makapagpapahilom ng mga alaala, na makagagamot
sa mga sakit at karamdaman sa karaniwan at di –karaniwang paraan
tulad ng Iyong nais, sa pamamagitan ng pakikipagkasundo at
pagbibigay katarungan sa Sangkatauhan.

Kami’y lakas-loob na humihingi ng himala para makagawa kami


nang may kapangyarihan. Sa pamamagitan ng kaloob na ito’y bigyan
Mo po kami ng lakas para makakilos nang higit sa makatao o
makamundong pag-iisip o pagkilos nang sa gayo’y higit na gumanda at
magpanibago ang aming buhay at sambayanan.
Bigyan Mo po kami ng kaloob na PROPESIYA. Tulungan Mo po
kaming makapagsalita ng Iyong salita at aral ni Jesus nang may
katapangan at katatagan. Gabayan Mo po kami at palakasin para sa
aming kabutihan at sa aming kapwa.

Isinasamo naming bigyan Mo po kami ng kakayahang kumilatis sa


mga espiritu. Nawa’y huwag naming bayaan ang aming mga sarili na
malinlang ng mga panrahuyo ng mundo. Makilala nawa namin ang mga
hilig na nagmumula sa masama at nagtutulak sa kasamaan at lahat na
nagmumula sa Diyos at naghahantong sa kabanalan.

Lakas-loob na hinihiling po namin ang kakayahang magsalita ng


iba’t ibang wika ng mga anghel at ng mga tao para makapagpuri kami
sa Diyos na banal at Santatlo at lumigaya kami sa kanyang piling.

Sumasamo kami na kalakip ng kakayahang magsalita ay bigyan


Mo po kami ng kakayahang magbigay-interpretasyon at
magsakatuparan ng magagandang adhikain at matatayog na hangarin,
maisalin ang nakapagpapasiglang karanasan at mga oras ng
pagdalangin sa mga konkretong pang araw-araw na gawaing kristiano.
Huwag Mo pong ipahintulot na malinlang kami ng maling paniniwala at
hindi wastong paggawa.

O Banal na Espiritu, sa pamamagitan ng Iyong mga karisma na


iba’t-iba at natatangi, kami nawa’y maging bagong nilikha at mamuhay
kami hindi na para sa aming sarili kundi para sa Kanya na namatay at
muling nabuhay para sa amin, handang kumpletuhin sa aming sariling
katawan ang mga kulang pa sa pagdurusa ni Kristo para sa Kanyang
Katawan, ang Simbahan. Amen.

You might also like