You are on page 1of 2

ML: Maling Lumimot

Double kill, Triple Kill, Maniac na may kasamang pagmumura


Bigla ‘kong naalimpungatan sa lakas ng hiyaw at tawa
ng mga naglalaro sa tapat ng bintana
Hindi lang mga kabataan katulad ko, pati sina ate, tito at tita

Sila’y aking tinitigan ako’y Nagmuni-muni


Bakit biglang ganito ang mga nangyayari, hindi ko mawari.

Ang lahat ng pangalan ng hero sa ML, kabisado nila


Pero ang pagiging makabayan hindi nila magawa
Lupang Hinirang , Panatang makabayan
hindi nila maawit at mabigkas pag walang kasabayan.

Welcome to Mobile legends, hanggang madaling araw , walang tulugan


Pero pag Filipino Subject nila,tulo laway, lakas pa nang hilik
Naku mukhang unan na lang ang Kulang.

Lakas makapagyabang na Mythic na daw siya,


Pero grado sa Filipino kamusta na?

Sa tingin ko kung mababa ang grado dahil di pursigido


iyon ang tunay na canser sa lipunan.
Please Banned a Hero,
pwede pakiusap din Wikang Katutubo wag nating hayaan.

Kung iyong tore nga sa Mobile legends kaya mong protektahan at ipaglaban
Sa paggamit ng Wikang Filipino at Wikang Katutubo
ikaw rin dapat ay may paninindigan.
Iyong wika natin kasi ngayon parang si Layla na lang
Isinasantabi , matapos mapakinabangan.

Kung sa pag-ibig nga gumagawa ka nang paraan


para mahalin ka niya .
Bakit hindi mo rin gawin ito sa katutubo mong wika.
Huwag naman tayong maging parang si Angela,
isang puppet sunod-sunuran sa kung ano ang uso
Kpop, Wikang English inaaral para lang masabi na matalino,
Wikang Filipino tuluyan ng nababago.
Five seconds till the enemy reaches the battlefield, smash them
Tama, smash them wag nating pahintulutang tayo ay wasakin

Ganoon na lang ba kalakas si Helcurt,


kaya niyang balutin ng kadiliman
Ang buo nating pagkatao
na kinakalimutan na natin ang ating Pagka-Pilipino.

Hahayaan na lang ba natin ang SS ni Aldous


na tayo’y patayin kahit mula siya sa malayo.
Hahayaan na lang ba nating mga wikang
mula pa sa dulo pa ng dagat pasipiko,
Ang papatay sa Wikang Filipino.

Request Back-up, pakiusap lahat sana tayo’y magtulungan


Upang ibalik ang mga wikang siyang nagbuklod sa ating lahat.

Iwasan rin sana nating maging isang Nana at si Lylia,


Lakas makatakas, tinatakasan ang mga nakagawian at Kultura.
Sana ang katangian ni Harley ang taglayin ng mga Pilipinong nangibang bansa
Matutong magpabalik-balik sa pinanggalingan niya.
Huwag kang mag-alala kung mala-Guineverre ka
kasi ,si Gusion ,si Lesley ang Gusto niya
Nandiyan naman ang Wikang Filipino para saluhin ka
ipahayag mo sa lahat ang sakit na nadarama.

Dapat maging si Odette at Johnson tayo ,


Wikang Filipino plus Pilipino oh di ba ang ganda ng kombo,
Kombinasyon ay perpekto.

Tayo’y maging tulad ni Pharsa


lumilipad nang napakataas upang Ipagmalaki kung sino talaga siya.

Dapat rin nating mapagtanto:


Kung Ang Wikang Filipino at lahat ng Katutubong Wika sa Pilipinas
kung may pakiramdam at buhay lamang ang lahat ng mga ito
tiyak, tiyak ang sakit at sobrang kirot na ng kanilang mga puso.
Kasi-harap-harapan silang ipinagpapalit, kinakalimutan at naloloko

Alam naman natin kung gaano kasakit ,


Sa taong mahal natin kahit mahigpit ang ating kapit
Iyon bang iniwan ka niya
Dahil hindi ka sapat kaya humanap ng iba
Sana naman , wag na natin itong Ipadama sa kanila
Subukin nating maging si Estes, at si Rafaela
Gamutin natin ang sakit na dinulot natin sa kanila

Assasin, Mage at MM hindi sana ganito ang ating asta


Porke pangmalakasan ang kaalaman sa Wikang Ingles ay astig at kilala na

Subukin din nating maging fighter at tank


Matuto tayong ipaglaban
Panghawakan ang Pangakong wika natin ang mamahalin, tatangkilikin
at hindi hahayaang mawala.
At sa huli ating makamit ang tunay na Tinatawag na Victory.
Iyon ay ang Wikang Filipino at Mga Wikang katutubo sa isip at puso natin ay mananatili.

You might also like