You are on page 1of 3

Wikang Filipino

Ang tulang ito ay para sa mga taong

Di kayang pahalagahan ang wikang ginagamit sa bansang ito

Di kayang mahalin ang wikang katutubo

At di kayang respetuhin ang wikang nakabihasnan ng ating mga ninuno

Buwan nanaman ng agosto

Buwang ipinagdiriwang an gating wikang pambansa, wikang Filipino

Buwan ng pag papahalaga sa wikang katutubo

At buwan ng paggamit ng kulturang nakabihasnan ng ating mga ninuno

Kaya palagi nating pakatandaan

Wikang Filipino wag nating kalimutan

Dahil isa ito sa mga mahahalagang yaman

Yamang higit pa sa gintot pilak

Yamang hindi maipahiwatig kung anong sayat galak

At yamang nagbibigay liwanag sa daang tinatapak

Bakit ang mga kabataan ngayoy kasintahan ang kaligayahan

Pinipilit ang saril sa taong di naman siya ang nagugustuhan

Pag aaral muna bago kalandian

Mabuti pat kabisaduhin mo muna ang lupang hinirang


Minsan nasagi sa isip ko

Kung saan nahango at nagmula ang wikang ito

Sino nga ba ang nakaimbento ng wikang Filipino

Ngunit sa kabila nitoy nagpapasalamat ako

Dahil isa ito sa mga ginintuang yaman ng mga mamamayang Filipino

Ngunit di ko naisip na ganito ang mangyayari

Ang pag pilit sa sarili na kabisaduhin ang ibang lenggwahe

Kabisaduhin ang mga lenggwaheng espanyol at koreano na wala naming silbi

Tila nalamon na ang sistema ng ating mga sarili

Inuubos ang oras sa di naman importante

Akala mo naman , ni hindi nga alam ang ibat ibang bayani

Bakit ang ibay wikang Filipinoy kinalimutan

Hindi naman ito tulad ng ex mo na kinalimutan dahil di pinaglaban

At bakit ang ibay wikay di kayang mahalin

Siguro ubos na ang pag mamahal sa taong di naman siya kayang ibigin

Sino nga ba ang nag sasabing hindi ka isang Filipino

Kung sa pilipinas ka lumaki at nananalaytay sa iyong dugo ang pagka pilipino

Ang pagiging kulay kayumanggi at pag kakaroon ng respeto

At ang pagiging magalang at pagiging matalino

Wikang Pilipino ikaw ay mabuhay

Ang mga mamamayang pilipinoy nag bibigay buhay


Kaunawaan at kapayapaan ang iyong taglay

At siya may gabay

Gabay sa nararating na tagumpay

You might also like