You are on page 1of 3

Literary Piece #4: GENDER and SEXUALITY

The Updated Letters of Urbana and Felisa


By Jose Javier Reyes
(NCR)

12 Hunyo

Pinakamamahal kong Ate Fely:

Masaya at malungkot. Iyan ang aking nararamdaman habang isinusulat ko ang aking liham ngayong nandirito na ako
sa Maynila. Maliit pa tayo pinangarap ko nang makapag-aral dito sapagkat wala akong nakikitang kinabukasan sa
pagtatanim ng ampalaya at kalabasa o sa pag-aalaga ng ating mga paboritong manok, baboy at kambing kahit na ba
tinuturing natin silang bahagi na ng ating pamilya.

Maayos naman ako dito sa dormitory. Labingdalawa kami sa kuwarto at kung gabi ay nahihirapan lamang ako dahil
hindi lang kami siksikan kundi kaiingay ng aking mga kasamahan. Tama ka, ate Fely. Iba ang mga babaeng namantsahan
ng kabalahuraan ng lungsod. Wala silang pakundangan sa kanilang pananalita. Kung mabihis sila ay hantad ang mga dibdib
at ipinaparada ang mga nakaluwang pusod para tuksuhin ang mga kalalakihan. Ako ang napapahiya para sa kanila ngunit
nagsasawalang-kibo na lamang.

Sa katunayan lagi akong walang kibo dahil wala ring kumakausap sa akin. Ang estudyanteng natutulog sa ikalawang-
palapag ng aking kama ay saksakan ng kiri. Walang inatupag kundi magpintura ng mukha, magsuklay ng buhok at
pagkuwentuhan ang inaatupag nila ng kanyang kasintahan kapag sila ay nalulugmok sa dilim. Diring-diri ako sa kanya:
sabi nga ng aming kasera, yan raw si Betsy ay daig pa ang patis na sawsawan na ng halos lahat ng mga kalalakihan sa aming
paaralan. Hindi ko alam kung maaawa ako sa kanya o pandidirihan.

Papaano siya makakakuha ng matinong asawa pagdating ng panahon kung natikman na siya ng buong bayan? Lagi
kong iniisip ang inukilkil sa aking utak ni Nanang bago ako lumisan sa ating nayon: na pahalagahan ko ang aking
pagkababae at huwag na huwag maging marupok sa mga tukso ng mga kalalakihan dito sa Maynila… kahit ang totoo ay
ang dami-dami talagang mga gwapo at maraming kahawig si Piolo Pascual. Ngunit huwag kang mag-alala, ate Fely.
Nakatanim sa aking utak at puso ang mga dakilang aral na itinuro sa akin nina Nanang at Tatang.

At kahit kabila’t kanan ang mga mestisuhing binata na kung makatingin ay puno ng kalaswaan at pagnanasa, hinding-
hindi ko ipagpapalit ang aking si Juaning sa sino man sa mga ungas na ito. Ginagalang ko ang aking pagkababae.

Laging kasama ka sa aking panalangin, ate. Sana ipagdasal mo na ring magkaroon ako ng kaibigan dahil mahirap rin
itong walang kumakausap at makausap. At hindi rin nila maiintindihan kapag kinakausap ko ang aking sarili para huwag
lamang mapanis ang aking laway.

Nagmamahal,
Banang

09 Agosto

Hi, Ate!
Parang it’s OK na rin here. Wow, pa-Ingles-Ingles na ako ha? Pasensya ka na. Kasi sabi ng friend kong si Betsy it’s not
cool daw if I talk in heavy Tagalog not unless I am an activist or a Communist. At naku, alam mo namang takot tayo sa
Komunista even if they say that they are really maka-masa hindi ba? At saka ever since sumali si Kuya Junjun sa NPA, di
ba sabi nila na hindi na rin siya believe kay God. Whatever!
Anyway OK rin ang school. Kaya lang parang shift na yata ako ng course because medyo boring ang accounting. At saka
after a while, it’s kinda nakakasakit ng ulo with all the numbers here and numbers there. Uso raw dito yung HRM – o kaya
MassComm. Besides, it’s more tsika naman to work in a hotel or sa TV studio or sa Regal Films kaysa naman to be a kadiri
accountant di ba? Whatever!

Anyway again thank you sa prayers mo ha? Marami-rami na rin akong friends now. At least, hindi na ako all alone sa
kwarto sa dorm pag weekend. We go out na like sa Megamall (grabe ang laki!) and then one time Betsy and her boyfriend, si
Jacko (gwapo, ate, hawig kay Dingdong Dantes pero gumagalaw ang bibig pag nagsasalita) took me to Glorietta.

Ay, ate! Glorietta is like heaven kahit naligaw-ligaw ako ha? Ang daming tao talaga at bihis na bihis lahat, parang
magpaparty kahit kakain lamang ng spaghetti o bibilig ng kropek na sinasawsaw sa kamatis. Grabe! Tapos they took me pa
to Rockwell dahil doon daw talagang class! Class naman talaga, ate. As we say out here in Manila, mega-to-the-max ha?
Walang nakasuot ng tsinelas sa Rockwell kahit ang daming naka-shorts! Iba talaga out here, ha?

Anyway, I cannot write long. We will got out kasi dahil it’s another Friday night and Wilson –yung isa pang boyfriend
ni Betsy—is giving me a date. Ate, don’t worry. Inaalam ko lamang ang buhay-Maynila. Ina-understand ko lang ang mga
bago kong friends at yung kanilang tinatawag na lifestyle para naman hindi ako ma-out-of-place.

Ate, pakisabi na rin kay Nanang na please lang huwag nang magpadala ng mga tinatahi niyang blouse na may
nakaburdang mga bulaklak. Kasi, that’s not the get-up out here. Request ko na lang na magpadala na lang siya ng kahit
kaunting pera para naman makabili ako ng masusuot kahit sa tiangge sa Greenhills. Hindi ko na ma-wear yung mga paldang
lampas-tuhod ang haba dahil pinagkakamalan akong dispatsadora sa canteen sa aming school.

Regards na rin kay Juaning. Sabihin mo nakuha ko yung kanyang pinadalang photo na kasama ang kanyang kalabaw.
Whatever!
Gotta go,
Bunny

10 October

Hey, Sister!

You should really visit me here, Sis! I mean now na that I have ang dami-daming friends, na, oh wow! Like talagang oh,
wow!
I mean, kung naiwan ako there, what would have become of me no? I mean like last night, Jennalyn and three other of
my tropa, we went to this place called Porch where talaga namang shet! Ang dami-daming cute!!! I mean, I have never seen
so many ang dami-daming cute including artistas like Patrick, Cogie, and some other pa na ang dami talagang tisoy, sis!
At saka now that I sorta know na Manila, iba talaga! We went pa to this place called Wasabi and then straight to
Makati Avenue in this in na in joint called Orange na talaga namang may tropa ang I just went like slamming ha? There we
met even more guys and sis, akala ko heaven na yung San Mig Lights but you should try yung tequila ha? I was like sorta
weng-weng already pero fun, sis! Fun!
Well, yeah I know medyo pissed off sina Mom and Dad dahil medyo ukray yung grades ko and all that pero kasi naman,
hindi talaga ako maka-relate sa HRM. Siguro shift course na lang uli ako, no? Well, lahat naman of my katropa shift nang
shift ng course kaya normal lang yon. Besides, I don’t think naman I’m gonna be masaya being a hotel receptionist lang ano?
So baka shift ako sa MassComm.
And, no, ate! Hindi ako nagda-drugs ha?! I know na Mom thinks na I’m going around with adik-adiks just because yung
pinadala kong picture naka-labas yung tiyan ko and naka-maong shorts ako and all that. Tapos she thinks na I am luka-luka
dahil I added five more earrings on each ear including one on my nose. But that’s the way we dress here, ano? Gusto niyo ba
akong pagtawanan ng mga friends ko?
Well, don’t tell them na lang nagpa-tattoo ako, ok? Ok it’s kalokohan pero cute naman eh. Girls here wear tattoos at
saka cute naman yung design ng demonyong may tinutugtog na ukulele na pinalagay ko sa aking hita. Work of art yon in a
way no?
At saka please tell that Juaning na to stop sending me those baduy letters ha? May paiyak-iyak pa and all that shit.
Kadiri as in grabeng kadiri! At saka sabihin mo nga sa kanya na maligo siya. Everytime he sends me pictures, paitim nang
paitim siya. Yuuuuuck!

Ingatski,
Urvie

12 December
hi big sis:
Guess wht? i jst got a new clphn & like my frnds I realizd i cant liv wdout txting. Dis is d way we tok hir. its cald hi
tek pero u wil not undrstnd dat til u get hir 2 mnla.
Just broke up wid my bf sam. pero oks lang ksi b4 we split on na kami ni luigiboy. b4 sam namn, medyo badtrip c tony
dahil nabust ang gago kaya buti na lang binreak ko na cya even if he promisd to kill all my relatives pag iniwan ko him. kaya
mas ok c luigiboy & u wil not even suspek dat he just came out of jail 4 illegal pssession of firearms. mdyo sabog lang cya at
times—at me pagka-war freak dahil 4 na pinatay pero more times hes ok lang. besides, anak cya ng general ano? kaya mdyo
tkot lang d ppl sa kanya ksi nga skinhead at mron rin cyang tattoo ng snake sa nek pero btr naman than sam na kulay pink
ang buhok tapos flop pa yung rock band nya no? or c tony na pumapatol sa bading ksi artist daw. yah, rite!
lst nite luigiboy gave me dis pill ksi sbi nya it will make me feel gud. sbi ko, scared me sa pills kasi i only take yung
natural—especially lagkitan, say nya 4 d xperience, so i xperienced it. oks naman, bond kmi agad, feels as in in para we r one
talaga. masakit lang sa panga & drink ka ng drink ng 2big pero sarap 2 party ha! ganda 2 yakap-yakap yehey.
U want me to send u some of dis stuff 4 xmas? try mo sis! feeling gud ka, promise! wlang binatbat d kare-kare of lola
sula. heben, man, heben! sarap tama more dan nomads.
Got news: juaning getting married daw 2 luring. pikot ba? Just send him congrats and tell him,
“mwahahahahahahahahahaha!” bagay sila. At least, juaning will now stop snding corny ltters no?
Tell mom & dad I nid na money. not sure if i will go home 4 xmas. mababa2 lang me der. saya me na here.

meri xmas/hpy new yir


b-ny
ps. tell mom/dad m luking 4 another skul. not 2 worry. dami pa skulls hir.

You might also like