You are on page 1of 5

Phil-IRI Pangkatang Pagtatasa sa Pagbasa, Grade 7

Karapatang Sibil

Kinikilala ng bayan ang mga karapatang sibil ng mga mamamayan. Ito ay sumasakop sa kalayaan
nating makamit ang kaginhawaan at makipag-ugnayan sa isa’t isa. Kabilang sa karapatang sibil ay
karapatan sa pananalita at pamamahayag, kalayaan sa relihiyon, paninirahan at paglalakbay, magkaroon
ng ari-arian, maiwasan ang pagka-alipin, at iba pa.

May karapatan ang bawat isa, maging anuman ang katayuan nito sa lipunan, laban sa di-
makatuwirang pagdakip at lihim na pagpapabilanggo. Ang writ of habeas corpus ang kautusang mula sa
hukuman na nagsisiguro sa karapatang ito. Dagdag pa rito ang kautusang Miranda (Miranda Rule) na buod
ng mga karapatan ng nasasakdal. Itinadhana ang mga ito at ipinagtibay.

Kabalikat ng karapatang ito ay ang prinsipyo ng isang nakasuhang mananatiling inosente hanggang
hindi napapatunayang nagkasala (innocent until proven guilty) at nang walang pasubali (beyond
reasonable doubt). Maipatutupad ito kung isasailalim sa isang mablis, hayagan, at patas na paglilitis. Ang
pagdadaos ng mabilis na paglilitis at pagkakaloob ng hustisya ay ayon na rin sa kasabihang “justice
delayed is justice denied.”

Bilang ng mga Salita: 166 (Pilipinas: Ugat ng Lahing Pilipino 6, Inocencio, et. Al (2006). Wizard Publishing
Haws, Inc., Tarlac, Tarlac.)
Panuto: Basahin nang tahimik ang bawat kuwento. Pagkatapos, basahin ang mga tanong at isulat ang titik
ng tamang sagot sa sagutang papel.

Mga Tanong:

1. Alin sa sumusunod ang HINDI saklaw ng karapatang sibil? (Literal) HINDI saklaw ng karapatang sibil
ang karapatan _________________ .
a. na maipahayag ang saloobin c. na magpatayo ng titirhan saan man
b. na makapagbiyahe saan man nais d. sa malayang pagsamba at pananalig

2. Alin sa sumusunod ang sinasabi sa seleksyon? (Literal)


a. Ang karapatan ay ayon sa katayuan natin sa lipunan.
b. Kilala ang ating bayan sa pagpaptupad ng Miranda Rule.
c. Maraming mga karapatang sibil na kinikilala ang ating bayan.
d. Mahusay na naipatutupad ang karapatang sibil sa ating bayan.

3. Paano kaya ipinapakita ng ating bayan ang pagkilala sa karapatang sibil? (Inferntial)
a. Hindi ito nilalabag sa ating bansa.
b. Pinag-aaralan ang mga ito ng lahat ng mamamayan.
c. Inililimbag at ipinapaabot sa lahat ang tungkol dito.
d. May mga kautusang nagsisiguro sa pagkilala ng mga ito.

4. Ano ang panlaban natin sa di-makatuwirang pagdakip at lihim na pagpapabilanggo? (Literal)


a. Ito ay napapaloob sa Miranda Rule.
b. Lilitisin at ikukulong ang nagkasala.
c. Makatarungan na paglilitis ang kasunod nito.
d. Tamang panangga rito ang writ of habeas corpus.

5. Ano ang nasasaad sa writ of habeaus corpus? (Literal)


a. Laban ito para hindi masampahan ng kaso.
b. Ito ay panangga sa di-makatwirang pagkadakip.
c. Nakalahad dito ang karapatan laban sa paglilitis.
d. Ipinapahayag nito ang karapatan na madama ang kaginhawahan.
6. Ano ang kahulugan ng pangungusap sa loob ng kahon? (Paghinuha)
a. Tunay na inosente ang nasasakdal na may prinsipyo.
b. Kabalikat ng taong nakasuhan ang kanyang prinsipyo.
c. May kabalikat ang taong nakasuhan lalo kung inosente.
d. May proteksyon ang nasasakdal hangga't hindi nasisiguro ang sala.

7. Ano ang layunin ng sumulat ng seleksyon? (Critical)


a. Hatid nito ang isang balita. c. Nais nitong magbigay ng kaalaman.
b. Gusto nitong magbigay ng aral. d. Hangad nitong magbigay ng pananaw.

8. Ano ang ginamit ng sumulat ng seleksyon upang ipaabot ang mensahe nito? (Critical)
a. Binanggit ang pinagmulan ng paksa. c. Tinalakay ang sanhi at mga bunga ng paksa.
b. Nakasaad ang mga suliranin ng paksa. d. Nagbigay ng mga halimbawa tungkol sa paksa.

9. Saan matatagpuan ang pangunahing ideya ng seleksyon? (Critical) Ito ay makikita sa


______________________ ng seleksyon.
a. gitna c. katapusan
b. simula d. simula at katapusan

10. Alin sa sumusunod ang isa pang magandang pamagat para sa seleksyon? (Critical)
a. Pagkilala sa Ating Karapatan c. Mga Dulot ng Sibil na Karapatan
b. Mga Halimbawa ng Karapatan d. Sibil na Karapatan sa Malayang Bansa

Ang Hukbong Paggawa ng Pilipinas

Ang hukbong paggawa ng ating bansa ay binubuo ng mga taong may edad na 15 taong gulang
pataas. Itinuturing silang may sapat nang lakas, kasanayan, at kakayahan sa paggawa o produksyon.
Ngunit hindi lahat ng saklaw ng edad na 15 taon at pataas ay kasapi ng hukbong paggawa. Kabilang nito
ay ang mga kabataang nag-aaral, mga inang hindi naghahapbuhay, yaong may mga kapansanan, mga
matatanda na at hindi na naghahanapbuhay, o ang mga nagretiro na sa paghahanapbuhay.

Nahahati sa iba’t ibang pangkat ang hukbong paggawa ng Pilipinas. Nariyan ang sector ng
agrikultura, industriya, serbisyo, at propesyonal. Karamihan sa mga kasapi ng hukbong paggawa sa mga
sektor na nabanggit ay gumagamit ng lakas-bisig sa paggawa. Subalit hindi lamang ito ang gamit sa
produskyon. Nakatutulong ding higit ang lakas-isip na nakukuha sa pag-aaral at pagsasanay.

Ang mga nagtatapos sa pag-aaral ng kusa ay maaaring pumasok ng trabaho bilang mga
propesyonal na doctor, guro, inhinyero, abogado, accountant, at iba pa. Hindi lamang sa loob ng bansa
matatagpuan ang mga manggagawang Pilipino. Mula noong taong 1975 ay mabilis na ang pagtaas ng dami
ng mga migranteng Pilipinong naghahanapbuhay sa ibang bansa. Karaniwang trabaho nila ay bilang nars,
caregivers, seaman, domestic helpers, manggagawa sa konstruksyon, at kahit pa bilang mangaawit at
mananayaw.

Bilang ng mga Salita: 212 (Inocencio, et. Al Pilipinas: Ugat ng Lahing Pilipino 6 (2006). Wizard Publishing
Haws, Inc. Tarlac, Tarlac)

11. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa hukbong paggawa? (Literal)


a. mga matatandang nasa opisina c. mga mag-aaral na gumagawa ng aralin
b. retiradong patuloy na nagtatrabaho d. mga inang tumutulong sa paghahanapbuhay

12. Alin sa sumusunod ang sinasabi ng seleksyon tungkol sa hukbong paggawa? (Literal) Lahat sila ay
_______________________________ .
a. walang pagod sa paghahahanapbuhay
b. walang tigil ng pagpapalakas at pagsasanay
c. nangangarap maghanapbuhay sa ibang bansa
d. may kasanayan at kakayahan na makibahagi sa produksyon

13. Alin sa sumusunod ang HINDI kasama sa lakas-bisig sa paggawa? (Paghinuha)


a. doktor c. karpintero
b. hardinero d. mangingisda

Nakukuha ang lakas-isip sa pag-aaral at pagsasanay

14. Ano ang kahulugan ng pangungusap sa loob ng kahon? (Paghinuha)


a. Nasasanay ang nag-aaral na mag-isip. c. Nararapat na sanayin ang takbo ng pag-iisip.
b. Nahahasa ang kaisipan sa pag-aaral. d. Mauunawaan ng nag-iisip ang pinag-aaralan.

15. Sino sa sumusunod ang HINDI kasama sa hukbong paggawa? (Paghinuha)


a. isang pari na nagmimisa
b. isang dyanitor na may sakit
c. isang pulis na makikita sa lansangan
d. isang musmos na nagtitinda ng sampagita sa kalye

16. Saan matatagpuan ang pangunahing ideya ng seleksyon? (Critical) Ito ay makikita sa
______________________ ng seleksyon.
a. gitna c. katapusan
b. simula d. simula at katapusan

17. Ano ang layunin ng sumulat ng seleksyon? (Critical)


a. Hatid nito ang isang balita. c. Nais nitong magbigay ng kaalaman.
b. Gusto nitong magbigay ng aral. d. Hangad nitong magbigay ng ibang pananaw.

18. Ano ang ginamit ng may-akda upang ipaabot ang mensahe nito? (Critical)
a. Binanggit ang pinagmulan ng paksa. c. Tinalakay ang sanhi at bunga ng paksa.
b. Nakasaad ang mga solusyon ng paksa. d. Nagbigay ito ng mga halimbawa sa seleksyon.

19. Alin sa sumusunod ang isa pang magandang pamagat para sa seleksyon? (Pagsusuri)
a. Lakas-Bisig ng ating Bansa c. Mga Suliranin ng mga Manggagawa
b. Mga Manggagawa ng Ating Bayan d. Pinagmulan ng Hukbong Paggawa sa Pilipinas
20. Ano ang pangunaking ideya na tinalakay sa seleksyon? (Paghinuha) Tinalakay sa seleksyon ang
_______________________________.
a. mga problema ng hukbong paggawa
b. uri ng pamumuhay ng hukbong paggawa
c. iba’t ibang halimbawa ng hukbong paggawa
d. mga pagsasanay at mga paghihirap ng hukbong paggawa

Phil-IRI Form 1A
Talaan ng Pangkatang Pagtatala ng Klase (TPPK)
Halimbawa ng Nasagot na TPPK

Baitang: 7 Seksyon: APPLE Guro: Gng. Rhea A. Sevidal


Paaralan: Sta. Maria National High School Petsa: Ika-18 ng Hulyo, 2019
Antas ng Pangkatang Pagtatasa: 7

Nakakuh Bilang ng Tamang Sagot Kabuuan Markan Markan


a ng (Ayon sa Uri ng Tanong) g Marka g g
Pagtatas < 14 >14*
a
Pangalan / o X Literal Paghihinuha Kritika
(Inferential) l
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11.
12.
13.
14.
15.
16.
17.
18.
19.
20.
21.
22.
23.
24.
25.
26
27.
28.
29.
30.
31.
32.
33.
34.
35.

You might also like