You are on page 1of 2

DKGMScript

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VIII
SCHOOLS DIVISION OF SAMAR
Catbalogan City

2023 DIVISION FESTIVAL OF TALENTS (DFOT

Direk Ko,Ganap Mo SCRIPT

SI NINA
SCENE 1

NARRATOR: Ang kadiliman ay nakalatag na sa buong santinakpan., Mahimbing na natutulog ang mga
taga San Diego pagkatapos na makapag-ukol ng dalangin sa kanilang mga yumaong mga kamag-anak.
Pero si Nisa ay gising. Siya ay nakatira sa isang maliit na dampa. My isang oras din bago mararating ang
kanyang tirahan mula sa kabayanan. Habang kalung kalong niya ang bunso nyang anak na sanggol para
patulugin, bigla siyang napatigil at dumungaw sa bintana.

NINA: Julio? Anak ko? (naiiyak niyang sambit)

SCENE 2

ASAWA: (pumasok ng padabog at tinatawag ang kanyang asawa ) Nina! Nasaan ka?1 Ipaghanda mo
ako ng makakain at ako’y nagugutom!

NINA: Ngunit wala ka naming binigay sa akin pambili ng makakain… (napatigil sya sa pagsasalita)

ASAWA: Ano?! Lintik! Talo na nga ako sa sugal tapos wala ka pang ihahain sa akin?! Wala ka talagang
silbi! (at biglang umalis sabay isinara ang pinto ng padabog)

NARRATOR: Hindi niya inaasikaso ang mga anak, tanging si Nina lamang ang kumakalinga kina Espin,
Julio at sa bunsong anak na sanggol pa. Pabaya ang kanyang asawa at mapanakit kaya naman
nakakatikim ng sakit ng katawan si Nina. Gayunpaman, para kay Nina ang kanyang asawa ay ang
kanyang bathala at ang kanyang mga anak ay ang mga anghel.

NINA: Maya-maya lamang ay darating na ang aking mga anak, na sina Espin at Julio, kailangan ay
maihanda ko na itong kanilang makakain. (masiglang sabi nito. Pagkatapos makaluto ni Nina ay itinabi
muna niya ang pagkain upang balikan ang bunso niyang mahimbing na natutulog sa duyan.

SCENE 3

NARRATOR: Kalong-kalong ang anak na bunso na sanggol pa, biglang dumating ang asawa ni Nina sa
bahay nila.

ASAWA: Oh! Ang dami ata nating pagkain ngayon! Tamang tama dahil ako’y nagutom sa sabungan.
Iabot mo nga sa akin ang pinggan at ako’y kakain. (sabay hinila ang upuan)

NINA: Ngunit, maaari bang hintayin muna natin dumating ang ating dalawana anak na sina Espin at
Julio? Upang tayo’y sabay sabay kumain.

ASAWA: Ang dami mo naming satsat! Kukuha ka ba ng pinggan o baka gusto mo na namang
masaktan?! Ha?! (akma siyang sasampalin at iilag si Nina para mailayo ang sanggol)

NINA: Sige, ipaghahanda nakita (mahina niyang sagot, sabay kukuha ng pinggan)

ASAWA: Yan ganyan dapat! Sumunod ka sa aking mg autos upang tayo’y magkasundo. (mayabang na
sagot nito)

NARRATOR: Sa kasamaang palad, hindi natikman ng magkakapatid ang inihanda ng kanilang ina
sapagkat nilantakan ng kanilang ama ang mga pagkaing inihain na dapat sa kanila. Nang mabusog ang
asawa ni Nina, ito ay muling umalis dala dala ang sasabunging manok.
ASAWA: Siya nga pala wag mong kakalimutang humingi ng pera sa mga anak mo ha. Reserba ko yan
para may pang sabong ulit ako bukas, Huwag na huwag mong kakalimutan kung ayaw mong
malintikan! (ani nito bago pa man tuluyang umalis.)

NINA: (napatango na na lamang ito habang humihikbing nakatingin sa ubos na pagkain na para sana
sa kanyang mga anak.)

SCENE 4

NARRATOR: Windang ang puso ni Nina. Hindi nito mapigilan na hindi umiyak. Paano na ang kanyang
dalawang anghel? Ngayon lamang sya nakapagluto ngunit inubos ng kanyang walang pusong asawa.

NINA: Ano kayang sasabihin ko sa aking mga anak? (umiiyak na tanong nito sa kanyang sarili) Wala na
silang makakain sa kanilang pagdating. Kawawa naman ang aking mga anak. (patuloy napag-iyak nito)

NARRATOR: Luhaang nagsaing muli si Nina at inihaw na lamang ang nalalabing daing na tuyo. Naalala
Dala-dala ang anak niyang bunso, dali-daling binuksan ni Nina ang pinto ng bahay, upang salubungin
ang kapitbahay at tanungin kung anong nangyari sa dalawa niyang anak. Sa narinig na balita, bigla
siyang napahagulgol na parang pinagsakluban ng langit at lupa sa sinapit ng mga anak.
niyang tiyak na darating na gutom ang kanyang mga anak.

NINA: Kailangang maihanda ko na agad ito bago pa man dumating ang aking mga anak. Tiyak na
gutom at pagod na pagod sila.

SCENE 5

NARRATOR: Hindi mapakali si Nina sa paghihntay. Dumungaw sa bintana habang kalong ang bunsong
anak. Upang maaliw ang sarili, umawit siya ng ilang beses at saglit na tinigil ito. Pinukulan nya ng
tingin ang kadilimang bumabalot sa kapaligiran.

NINA: (humming…)

NARRATOR: Nagkaroon ng malungkot na pangitain si Sisa. Siya ay dumadalangin sa Mahal na


Panginoon ng biglang nagulantang sa malakas na tawag ng kanilang kapitbahay, na nagmula sa labas
ng kanilang bahay. Ibinalita nito na wala na ang dalawang magkapatid na sina Espin at Julio dahil
nahulog si Espin mula sa ikaapat na palapag ng ginagawang gusali kung saan nagtatrabaho ang dalawa
bilang construction workers. Sinagip ni Julio si Espin at hindi nakayanan ni Julio ang bigat ng kapatid
kaya pareho silang bumagsak sa semento at kapwa namatay sa taas ng binagsakang gusali.

SCENE 6

NINA: (Umiiyak na parang nawawala sa sarili. Sobrang nanghihinayang at naaawa sa sarili ang
naramdaman sa sinapit ng mga ito. Gusto nyang isumbat at isisi lahat sa asawa nya ang sinapit ng
kanyang mga anak, pati na ang buhay na mayroon siya kasama ang iresponsable at walang kwenta
nyang asawa.

----------------------- THE END ---------------------

You might also like