You are on page 1of 16

GE Fil 3

Midterm/ Finals
Modyul II

SANAYSAY SA TULUYAN

 Iba pang halimbawa ng sanaysay sa Tuluyan

 Maikling Kwento
 Anekdota
 Talambuhay
 Pabula
 Parabula
Maikling Kwento
Isang anyo ng tuluyan na ukol sa buhay ng tao, masaya man o malungkot,
makulay at nag-iiwan ng impresyon o kakintalan sa mambabasa sa pinakamatipid na
paraan.
Bakya
ni Hernando R. Ocampo

Isang kapitbahay ang nagbalita kay Aling Sebya sa nangyaring putukan sa may pabrikang ng
tabako kaninang hapon. Ang mga welgista ay hindi raw mapayapa kaya’t nagkagulo, kaya’t ang mga
pulis ay napilitang mamaril. At ngayo’y kakaba-kaba ang dibdib ni Aling Sebya. Nakaupo sa pagpanhik sa
kanilang hagdanan at kunot ang noong nakamata sa kadiliman ng eskinitang tumutumbok sa kanilang
tahan. Magtatakipsilim pa lamang, ngunit ang dilim ay halos laganap na, sapagkat ang lilim ng
nagtaasang gusali sa magkabilang panig ng eskinita ay mga tabing ng makapal na di mapapalagusan ng
sinag ng araw sa kanluran. Tanghaling tapat lamang kung magliwanag ang eskinitang ito, habang ang
araw ay hindi pa natatabingan ng mga nagtataasang gusali, kaya’t sa tanghaling tapat lamang kung
sumigla ang kulay ng nagpapayatang katawan ng mga naninirahan sa mga giray-giray na dampa sa
looban ng eskinita.

Habang walang kibong nakamasid si Aling Sebya sa kadiliman ng eskinita ay payapa naming
natutulog ang isang pasusuhing sanggol sa kniyang kandungan. At nang makapanaog ng hagdanan ay
dalawang batang babae ang naglalaro ng bahay-bahayan. Ang tatlong anak ni Aling Sebya: marungis, at
gula-gulanit ang damit, namamayat nanlalalim ang mga mata – na kagaya ng kanilang ina.

Mula pa kanginang nakatulog ang pasusuhing bata sa kanyang kandungan ay binalak ni Aling Sebya
na ipasok at ilagay sa duyan ang batang nahihimbing (malamig ang simoy ng hangin sa may hagdanan;
ang malamig na simoy ng hangin ay masama sa batang natutulog; ang malamig na simoy ng hangin ay
masama sa batang manipis ang damit) ngunit hanggang ngayo’y di maiwan-iwan ni Aling Sebya ang
mapanhik ng kanilang hagdanan. Mula pa kanginang nabalitaan niya ang nagyaring barilan sa may tapat
ng pagawaan ay hindi na makaalis si Aling Sebya sa pagkaupo sa may hagdanan kaya’t pinabayaan na
niyang matulog ang bata sa kaniyang kandungan, habang ang noo’y nangungunot sa kakaba-kaba ang
dibdib na nakamat sa kadilliman ng eskinita.

Pamaya-maya ay narinig ni Aling Sebya ang yabag ng isang tao sa dako pa roon ng eskinita, at siya’y
nagulat kaya’t ang batang natutulog sa kanyang kandungan ay nagising at umiyak.

“Tulog na, anak,” ang wika ni Aling Sebya. “Tulog na at darating na ang tatay.”

Ang bata ay nakatulog naman uli, at kakaba-kaba ang dibdib ni Aling Sebya sa pinakinggan ang
yabag ng taong dumarating, ngunit ito’y di niya mapagsino (hindi ganoon ang lakad ni Tonyo; di ganoon
ang imbay ng kaniyang katawan) kundi noon lamang nalaman nang mapatapat sa kanilang tahanan.

“Pareng Milyo,” ang bati ni Aling Sebya, na lalong kumaba ang dibdib nang makilala ang dumarating.
“Hindi ba ninyo namamataan ang inyong kumpareng Tonyo?”

“Magandang gabi po, kumara,” ang sagot ng binata. “nagkita po kami sa miting ng mga welgista
kanginang hapon. Bakit? Hindi pa po dumarating ang kumpare?”

Hindi alam ni Aling Sebya na mayroon palang miting ang mga welgista kanginang hapon. Ito’y di
nabanggit sa kanya ni Tonyo. “Salamat, kumpare,” ang nawika na lamang ni Aling Sebya.

1
“Marahil ay di malalunan at darating din ang iyong kumpare.”

“Siya nga, kumare, marahil ay nasabit lamang ang kumpare sa tabi-tabi, ang pabirong sagot ni Mang
Milyo, at pagkaraan ng ilang sandal ay nagpaalam at nagpatuloy sa paglalakad na pauwi sa kanilang
tahanan.

Ang dalawang batang babae sa lupa ay huminto sa kanilang paglalaro nang kau-usap ni Aling Sebya
ang kumpare niyang si Milyo. At nang makaalis na si Mang Milyo ay tuluyan nang pumanhik ang
dalawang bata, at sandal ring pinagmasdan ang wari’y natitigilang anyo ni Aling Sebya,subalit dala
marahil ng kadiliman di nila nakita ang namumutlang mukha at ang nanginginig na labi ng kanilang ina.
Kaya’t ang mga bata’y walang masabi kundi,” Nanay, nagugutom kami.” “ Oo mga anak,”ang marahang
sagot ni Aling Sebya. “Sandali na lamang at darating na ang inyong ama.” Sandali na lamang at darating
siyang may pagkain.
Sapagkat bago umalis sa bahay si Mang Tonyo ay nangako mag-uuwi ng makakain nilang mag-anak.
Siya’y nagsasadya sa himpilan ng mga welgista at doon kukuha ng kanilang makakain. Kaunting bigas,
ilang latang sardinas, ilang panutsa: pagkaing marahil ay di tatagal sa kanila ng dalawa o tatlong araw,
ngunit pagkain din na pansamantalang maipapantawid-gutom. “Kaya’t ihanda mo sana agad ang ating
lutuan at uuwi akong maaga,” ang biro pa ni Mang Tony okay Aling Sebya.
“Uwi kana sana agad, tatay.” Ang wika naman ng mga anak nila. “Oo uuwi akong maaga.” Sapagka’t
alam din naman ni Mang Tonyo na kanginang umaga’y isinaing ng lahat ni Aling Sebya ang bigas na huli
niyang nakuha sa himpilan ng mga welgista. Ang kalahati ng sinaing ay inalmusal nila kanginang umaga,
at ang natira’y nauubos sa tanghalian.
“Wala na tayong maisasaing mamayang gabi,” ang sabi ni Aling Sebya. Ngunit si Mang Tonyoay di rin
sumagot. “Tingnan mo ang mga anak mo. Di ka ba naawa sa kanila?”
At pagkaraan ng ilang sandal: “Tingnan mo ang sarili mo. Ni ang bakya mong luma ay di mapalitan.”
Sapagkat kanginang umaga ay inayos na naman ni Aling Sebya ang luma’t sira-sirang bakya ni Mang
Tonyo.”Bakit hindi ka pa bumalik sa pabrika? Ang balita ko’y marami na raw nagsisibalik sa dati nilang
trabaho.”
“Mga walang hiyang eskirol!” ang naibulalas na lamang ni Mang Tonyo.
“Marahil ay may anak din silang nagugutom,” ang wika naman ni Aling Sebya.
Si Mang Tonyo ay tumindig at walang kibong tumungo sa kinasasabitan ng lumbo nilang inuman. . Ito’y
kinuha at isinalok sa katabing banga ang tubig at walang kibong nagpatuloy sa kaniyang pag-inom.
Pagkatapos ay nagbalik si Mang Tonyo at mahinahong nagsalita.
“Alam kong ikaw at ang mga bata’y hirap na hirap sa pagkatigil sa aking trabaho,” ang wika niya kay
Aling Sebya. “Ngunit ano ang ating magagawa: kung babalik kami ay tatanggapin nga kami ng may-ari ng
pabrika. Nguni’t kami’y pagtatawanan sa aming kahinaan, at lalo kaming tatratuhin nang higit kaysa
hayop. Ganyan ba ang gusto mong gawin sa akin?”
Si Aling Sebya naman ang di sumagot.
“Pabayaan mo Sebya’t mga ilang araw na lamang at susuko rin ang mga kapitalistang iyan. Ang lider
naming ay walang hinto sa kanyang paglakad, at ang wika’y kaunting pagtitiis lamang at makakamtan na
naming ang tagumpay.”
Si Aling Sebya ay nasiyahan marahil sa paliwanag ni Mang Tonyo. “Ang naalala ko lamang ay ang
kakainin natin. Wala na tayong maisasaing mamayang gabi.”
“Pabayaan mo Sebya, at magsasadya ako sa himpilan. Kukuha ako n gating maipantawid-gutom, at
ilang araw pa’y hindi tayo maghihirap. Kaunting pagpapasakit lamang at giginhawa na an gating buhay.”
Kaya’t nang makaalis na si Mang Tonyo ay inutusan ni Aling Sebya ang dalawang bata. “Pagbuhitin
niyo ang pangangahoy, at nang mailuto narin ang iuuwi nang inyong ama.” At ng makaalis na ang
dalawang bata ay pinatulog naman ni Aling Sebya ang pasusuhin niyang anak. PAgkatapos ay sinimulan
niyang linisin ang kanilang bahay, isang gawaing may ilang araw ding hindi niya natupad sapol ng
magsimula ang aklasan. Habang ito ay naglilinis ng kanilang bahay ay hindi niya nalaman kung bakit
sumigla ang kanyang kalooban, at di niya alumanang siya’y humimig ng isang masayang awitin.
2
Ngunit, ngayo’y narinig na naman ni Aling Sebya ang: “Nanay, nagugutom kami; nagugutom kami,
Nanay.”
“Sandali na lamang, mga anak, darating ng inyong ama. Sandali na lamang at kakain na tayo.” Ang
anas ni Aling Sebya. Ngunit ang dalawang bata ay nagpatuloy rin sa kanilang pagdaing. “Nanay, gutom
na gutom na kami, gutom na gutom na kami Nanay.”
“Huwag kayong maingay, mga anak.” ang sabi ni Aling Sebya, sapagkat nang sandaling yao’y
nakarinig na naman siya ng yabag ng mga taong dumarating, (ito na marahil si tonyo. Saan kaya siya
nasabit at ginabi ng uwi? Marahil at gutom narin si Tonyo.) At pinagmasdan mabuti ni Aling Sebya kung
sino ang dumarating. (Sino kaya ang mga kasama ni Tonyo? Sino kaya ang kasama niyang ito? Ngunit
hindi ganyan ang lakad ni Tonyo.) At pagkaraan ng ilang sandali’y dalawang tao ang nagdaan sa tapat ni
Aling Sebya. Pinag-uusapan ang nangyaring gulo sa tapat ng pagawaan, at narinig ni Aling Sebya na pito
raw na welgista ang napatay.
Pitong welgista! Pitong welgista ang napatay. Napatay. Pitong welgista ang napatay. Napatay!
Napatay!
“Hindi! Hindi maari ang gayon!” ang biglang naibulalas ni Aling Sebya.
“Si tonyo’y darating na. Ilang sandal na lamang at si Tonyo’y darating na.” At sinabayan ng tindig at
tuloy masok na kabahayan ng kanilang tahanan na ngayo’y namumusikit na sa dilim. Ngunit ang
kadiliman ay hindi na alumana ni Aling Sebya. Ang gasera ay hindi na niya nakuhang sindihan. Binaltak
sa sampayan ang lamping ipinambalot sa pasusuhing bata. (Pitong welgista. Pitong welgista ang
napatay. Napatay napatay!) Nagsabit sa balikat ng isang lumang dupanda, at pinagsabihan ang
dalawang anak na babae. “Dito muna kayong dalawa at sasalubungin ko ang inyong ama. Sandali
lamang ako, mga anak.”
Ngunit ang dalawang bata’y natatakot marahil sa dilim kaya’t nagsisiiyak at ayaw magpaiwan. Kaya si
Aling Sebya ay nanaog na kilik ang natutulog na bata sa isang kamay at akay-akay ang dalawang bata sa
isang kamay. “Dali, dali kayo mga anak.” Ang wika ni Aling Sebya ng makalabas na sila sa kadiliman ng
eskinita.
(Pitong welgista. Pitonmg welgista ang napatay. Patay!)
“Ngunit baka siya dumating sa bahay at wala siyang abutang tao,”ang malakas na sabi ni Aling Sebya
sa kaniyang sarili. “Magagalit siyang walang sala.”
At tinangka ni Aling Sebya na magbalik sa bahay, ngunit ang mga paa niya’y patuloy sa paghakbang
na tungo sa may pagawaan ng tabako. Kaya’t pinagbilinan na lamang ang dalawang anak na babae na
kilalanin ang lahat nang masalubong nila sa magkabilang panig ng daanan upang sila’y di magkalisi ni
Mang Tonyo. Ilang sandali pa at nakarating na ang mag-ina sa tapat ng pagawaan. Lilinga-linga si Aling
Sebya at di malaman ang kaniyang gagawin, sapagkat liban na sa ilang pulis ang nakabantay sa pintuan
ng pagawaan ay wala siyang nakitang ibang tao. Nais sana niyang magtanong sa mga pulis kung hindi
nila namamataan ang kaniyang asawa, ngunit naalala ni Aling Sebya, ang narinig niyang pinag-uusapan
ng dalawang tao hinggil sa ginawang pamamaril ng mga pulis na siyang ikinamatay ng pitong welgista.
Lalo na’t ng Makita ni Aling Sebya na di lamang batuta kundi baril na mahaba ang dala-dalang mga pulis
ay ibig niyang pandurahan ang mga pulis at naghanap panga si Aling Sebya ng mauupuan upang
magpasuso sa nagising na sanggol.
Sa isang tabi ng daanan ay nakakita si Aling Sebya ng isang basurang latang yuping-yupi. Dito siya
naupo at habang pinapasuso ang bata ay iniisip ang….
(Marahil nasa bahay na si Tonyo at galit na galit. Nasabat lang marahil sa isang kakilala kaya ginabi
ng uwi. Ngayon ay marahil nasa bahay na siya. Ano kaya ang sasabihin ni Tonyo sa pag-alis kong ito?
Magalit kaya sa akin? Ngunit habang pinagmamasdan ni Aling Sebya ang pinasususo niyang anak ay
nararamdaman niya ang luhang nag-uunahang dumadaloy sa kanyang pisngi.
“Hindi! Hindi maaring mangyari ang gayon.” Ang biglang naibulalas ni Aling Sebya: at pagkaraan ng
ilang sandal ay pinilit niyang manalangin. “Diyos ko, huwag niyo po itulot ang mangyari ang gayon. Iligtas
niyo po si Tonyo sa mga kapahamakan. Diyos ko..”
Ang panalangin ni Aling Sebya ay bilang nagambala nang marinig niya ang tinig ng dalawang batang
babae: “Nanay! Tignan mo ito! Nanay! Tignan mo ito!” At isang bungkos ng tsenilas at bakya ang buong
pagmamalaking ipinakita ng mga bata sa kanilang ina.
“Saan ninyo nakuha iyan?” Ang tanong ni Aling Sebya habang pinagmamasdan ang bungkos ng mga
tsenilas at bakya.
3

“Diyan…” Ang wika ng mga bata sabay turo sa basurahang kinauupuan ni Aling Sebya.
Kagagalitan sana ni Aling Sebya ang mga bata at pagsasabihang kailan man ay huwag silang kukuha
ng hindi nila pag-aari, ngunit ang balak na ito’y hindi natuloy sapagkat sa sandaling yaon ay nakilala niya
ang isang paa ng bakyang-luma, marumi at sira-sira. “Ito nga- ito nga ang bakya ng iyong ama,” ang saba
niya matapos na mapagbiling-biling ang bakyang kinuha niya sa mga bata. At ng mapansin ang mga
bahid ng dugong tuyo sa bakya ay biglang napatindig si Aling Sebya at waring nahihibang na nagsalita:
“Dugo…dugo….Diyos ko, ano kaya ang nangyari kay Tonyo? Diyos ko huwag niyo po itulot na mamatay
si Tonyo. Hindi po siya maaring mamatay. Hindi… hindi siya maaaring mamatay.”
Ang bakya ay nahulog sa kamay ni Aling Sebya, at siya’y muling naupo sa basurahan. “Ang tatay niyo,
mga anak,” ang bulong niya. “Dali kayo mga anak. Dali kayo’t baka hindi na natin abutin ang inyong ama.
Siya marahil ay sugat-sugatang naghihintay sa bahay.” At si Aling Sebya ay muling tumindig at akmang
lumakad. Ngunit ang mga paa niya’y waring may pataw sa tinggang mabigat at hindi man lamang niya
maihakbang…..

Pangalan:________________________________ Oras at Araw:__________________

Kurso/Seksyon:____________________________ Propesor: ____________________

GAWAIN
A. Bilugan ang mga salitang magkasingkahulugan.

1. pabrika gusali pagawaan bodega

2. putukan awayan barilan batuhan

3. Makita mapaglagusan mapaghintayan mapagdaanan

4. Sira-sira lumang-luma giray-giray pawid na pawid

5. Narinig napagsino nakilala nakita

6. Kembot taas imbay galaw

7. Kapitalista pinuno namumuhunan dayuhan

8. Aklasan pagtitipon welga programa

9. Anas bulong impit hiyaw

10. Nababalot naaninag namumusikit natatanglaw

4
B. Ipaliwanag ang ibig sabihin ng sumusunod na mga pahayag.

1. At ngayo’y kakaba-kaba ang dibdib ni Aling Sebya.

______________________________________________________________________

2. Tanghaling tapat lamang kung sumigla ang kulay ng nagpapayatang katawan ng mga
naninirahan sa mga giray-giray na dampa sa looban ng eskinita.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
3. Siya ay magsasadya sa himpilan ng mga welgista at doon kukuha ng kanilang makakin.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
4. Mga walang hiyang eskirol!
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
5. Ngunit kami’y pagtatawanan sa aming kahinaan, at kaming tatratuhin nang higit kaysa
hayop.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
6. “Dali kayo mga anak. Dali kayo’t baka hindi na natin abutin ang inyong ama.”
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
5
C. Magtala ng mga pangyayari mula sa kwento na nangyayari pa rin sa kasalukuyan.

Anekdota
Ang anekdota ay isang uri ng tuluyan ng maikling salaysay ng isang pangyayaring
lubhang kawili-wili at katangi-tangi. Layunin ng anekdota ang makalugod o magbigay ng
kawilihan sa bumabasa o makikinig nito. Ang tauhan sa uri ng salaysay na ito ay
karaniwang kilala o tanyag at isa sa kaniyang mabubuting katangian ang napapaloob sa
anekdota.
Si Pangulong Manuel L. Quezon at ang Magwawalis
Sa Zamboanga, ang mga kasamahan ng Pangulong Quezon ay nagkagulo noon.
“Nasaan anmg Pangulo?” Ang tanungan ng isa’t isa.
“Hanapin ninyo!” Ang pabulyaw n autos ng nag-aalalang punong tagatanod.
Hanap ditto at hanap doon ang kanilang ginawa.
Ngunit wala ang Pangulong Quezon,
Samantala, sa isang malaking bato sa may pangpang, isang lalaki may kakisigan ang
matiwasay na nakikipag-usap sa isang matandang may hawal na walis.
“Ay nako amang!” ang daing ng matanda. Batang-bata pa nang ako’y nagsimulang ng
tungkuling ito. Ngayon ay marami na akong anak. Ngunit heto nagwawalis parin ako hanggang
ngayon. Ano ang magagwa sa akin ng pamahalaan. Wala, walang, wala! Ang aking arawang
kita ay kulang pa sa aking sariling bibig kaya’t hirap makatuntung ng paaralan ang aking mga
anak.”
“Marahil po naman ay malapit na kayong magantipalaan ngayon,” Ang wika ng kausap.
“Ngayon pabang matanda na ako at mahina pa? Wala na akong pag-asa anak,” ang
hinanakit ng matandang lalaki.
“Huwag kayong mawalan ng pag-asa, Lolo.” Ang pang-aliw na wika ng kausap. “Habang
nabubuhay ang tao ay hindi dapat mawalan ng pag-asa.” Pagkatapos siya ay lumakad na at
sumama sa mga tagapagtanggol na gulat na gulat nangsiya’y matagpuang kausap ang
magwawalis.
6
Napatingin lamang ang matanda sa kaniyang kausap.
Pagkaraan ng ilang araw, ang gantimpala ay dumating nga. Nataas ang tungkulin ng
matanda at Malaki ang nadagdag sa sahod.Anong laki ng katuwaan ng magwawalis.
“Parang may bibig anghel ang aking nakausap na iyon.” Ang wika niya sa kanyang may
bahay pagkatapos na maikwento ang kanyang pakikipag-usap sa hindi niya nakikilalang lalaki.
“Hinding-hindi nalaman ng matanda na ang kanayng kausap at nadaingan ay si Pangulong
Quezon.

Pangalan:__________________________________ Oras at Araw:________________

Kurso/Seksyon:_____________________________ Propesor:____________________
GAWAIN
A. Isulat ang tsek (/) sa bilog na tutugon sa sagot sa bawat tanong.

Oo Hindi
1. Isang maikling salaysay ang anekdota na uri ay tula.

2. Karaniwang tanyag ang tauhan sa anekdota.

3. Tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa si Manuel L. Quezon.

4. Nangyari ang kuwento sa Zamboanga.

5. Isang magwawalis ang kausap ng isang lalaki may kakisigan.

6. Nakikipagkwentuhan lamang ang matanda sa makisig na lalaki.

7. Binigyan ng pera ng makisig na lalaki ang matanda.

8. Ang kausap ng matanda na makisig na lalaki ay si Pangulong

Manuel L. Quezon.

9. Napag-aral ng magwawalis ang kniyang mga anak sa

pamamagitan ng trabaho niya na pagwawalis

10. Puno ng hinanakit ang Magwawalis habang nagkukuwentuhan

sa makisig na lalaki.

B. Itala ang iba’t ibang pangyayari sa anekdota.

1. Mga pangyayari sa pagkawala ni Pangulong

Manuel L. Quezon Habang nasa Zamboanga sila.

Dito isulat:
8

2. Mga pangyayari habang nag-uusap ang

matandang Magwawalis at si Pangulong Manuel
L. Quezon

Dito Isulat:
3. Mga pangyayari pagkatapos mag-usap ni 9
Pangulong Manuel L. Quezon at matandang
Magwawalis.

Dito isulat:
10
Sanaysay
Isang uri ng tuluyan na nagpapahayag ng mga opinyon o kuro-kuro tungkol sa
isang mahalagang isyu o paksa. Maaring pormal o di-pormal ang sanaysay.

Ang Konsepto ng Lipunan

ni Magdalena O. Jocson

Lipunang sagana, lipunang payapa, lipunang maunlad, lipunang nagkakaisa at lipunang

maka-Diyos, ito ang lipunang nais kong pamuhayan habang ako’y nabubuhay.
Kagalang-galang na Lupon na Inampalan, mga panauhin, mga guro at kapwa ko kabataan,
mapitagang araw ang aki’y pagbati sa inyong lahat.
Binanggit ko sa simula ang aking pangarap sa isang bansa na dapat maging kabuuan
upang makapamuhay ang kaniyang mga mamamayan nanag walang pangamba.
Pilipinas – mapalad ka sa muling pagsilang! Ang panahon ng kababalaghan ay hindi pa
lumilipas. Hindi ang kbalaghang pandaliang lunas, kundi ang kabablaghan ng masidhing
pagbabagong-bihis na dumatal sa puso ng bawat Pilipino. Ang lahing kayumanggi ay may bago
ng pagkakakilala sa sarili. May kabihasnan nang muling maipagkakapuri, palibhasa’y may mga
anak-lider na ang diwa at puso ay may pagtatangi sa kapwa lagging umunawa at nagmamahal.
Kaya’t bawat Pilipino ay nagtatamasa na dumadaloy sa biyayang tulad ng kasaganaang hatid
ng diwa ng pag-unlad.
Katugon ang pamahalaan sa pagsasakatuparan ng pagbibigay-katotohanan, ano ang
Pilipinas sa dako pa roon? Magiging pangunahing hangarin n gating pamahalaan na magkaisa
ang ating lahi sa ilalim ng katarungan at karangalan na iangat ang kalagayan ng mga
nabubuhay sa karalitaan, kawalang-muwang at kawalan ng pagkakataon, upang sila man ay
maging kawatan ng pagkakataon, upang sila ay maging mahalagang sangkap ng isang
lipunang makatao.
Araw-araw ditto sa lipunang may puso, pantay-pantay ang mga mamamayan. May
disiplina.May unawaan. May simulain ng paggalang na nagpapahalaga mga ugaling katutubo n
gating mga dakilang bayani. Naglilingkod nang tapat; malinis at marangal – lipunang
tagapagtanggol ng mga naaapi, lipunang kumikilala sa walang kapantay na kapangyarihan ng
Diyos! Tunay na lipunang may puso, pagka’t ang kaniyang puso ay naghangad na mabigyan ng
halaga ang marami niyang anak, gaya ng pag-ibig ng Diyos sa lipunan ng bagong siglo: ang
katahimikan, ang kasaganaan, ang kaunlaran ang kaligayahan na siyang katangian tuwing
lilipas ang makabuluhang panahon.
Huwag tayong malungkot at mangamba, pag-unlad ay nakangiti sa Perlas ng Dagat
Silangan. Pag-asa at pag-ibig ang mga proyekto sa pabahay, pagkain sa hapag,
paghahanapbuhay sa disenteng pamumuhay. Nariyan din ang “Sagip Kalikasan”. Maraming
programang sinisikap ng pamahalaan na magkaroon ng pasasakatuparan.
Isang panawagan ang aking isinasatinig para sa kapwa ko kabataan. Humarap tayo sa
katotohanan na dapat ay kaisa tayo ng pamahalaan sa pagpapa-unlad ng bansa. Paghandaan
natin ang isang mga kasalanan ay nagging maligaya ang bawat pagdatal ng pagbabago sa
ating buhay.Nawa’y magbigay halimbawa ang pangunguna ng ating mga lider na ang puso ay
pumipintig para sa kaniyang mga kababayan. Kay ganda ng katahimikan! Kay bango ng
kalinisan! At kay ningning n gating bukas! Kung daantaon mang inalipin ng mga banyaga an
gating bayan at nilunod an gating laya, sabay-sabay nating isigaw ang, “KILOS PINOY!” na
magpapakatotoo na an gating lipunan ay may puso. Kaya’t, AKO,IKAW,KAYO,TAYONG lahat
ay tatawagin nang mapalad na salinlahi

11

Pangalan:__________________________________ Oras at Araw:________________

Kurso/Seksyon:______________________________ Propesor:___________________

GAWAIN

A. Sagutin ang sumusunod na mga tanong.

1. Ayon sa persona, ano ang lipunang nais niyang pamuhayan habang

nabubuhay?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
2. Ipaliwanag ang kababalaghan na tinutukoy sa ikaapat na talata ng sanaysay.
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
3. Ano ang ginawa ng pamahalaan upang magkaroon ng pagkasasakatuparan
ang mga layunin ng patutunguhan ng Pilipinas sa dako pa roon?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
4. Sino ang pinanawagan ng sumulat at ano ang kanyang panawagan?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
5. Ipaliwanag ang ibig sabihin ng,”kay ganda ng katahimikan! Kay bango ng
kalikasan! At kay ningning n gating kinabukasan!”
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
12
B. Iguhit ang lipunang nais tirahan at ipaiwanag kung bakit ito ang ibig na tirahang.
Dito iguhit:

Paliwanag:

13
C. Bumuo ng islogan sa paksang “Pangrap kong lipunan.”
Ipaliwanag ang binuong islogan.
Dito ilagay:

14
Talambuhay
Uri ng tuluyan na naglalaman ng tala ng buhay ng tao patay man o buhay:
Francisco Balagtas
Si balagtas ay makata ng kaniyang panahon, ito ay panahon ng pagbabago ng
pananaw na hatis ng pagkamulat ng kaisipan. Ang kaniyang Florante at Laura ay
maliwanag na katibayan ng pagkakaangkop ni Balagtas sa kaniyang panahon, na
nagsilang ng mga kamalayan sa sarali.
Si Balagtas ay ipinanganak noong Abril 2, 1788 sa Panginay, Bigaa, Bulacan.
Ang kaniyang ina ay si Juana de la Cruz at ang kaniyang ama ay si Juan Balagtas.
Noong 1799, nagpunta siya sa Maynila upang makapag-aral. Nagtapos siya
noong 1812 sa Colegio de San Jose ng Canones, Espanol, Humanidades Teolohiya at
Pilosopiya. Nakilala naman niya si Maria Asuncion Rivera noong 1835 at siya naming
nagbigay ng kakaibang inspirasyon sa kaniya. Nangarap silang dalawa na
magkatuluyan, ngunit sinamang palad siya dahil may karibal na mayaman at may
kapangyarihan. Ang karibal niya ay ssi Mariano Kapule na nagging mapalad sapagkat
siya ang pinaksalan ni Maria Asuncion Rivera.
Isang malungkot na pangyayari pa ang naganap sa kaniyang buhay ng
makulong siya dahil sa idinamanda ng isang mayamang pamilya sa hindi malamang
kadahilanan. Nakalaya siya noong 1838 sa bilangguan at noon din nagawa at isinilang
ang Florante at Laura.
Sa pagpunta niya sa Balanga, Bataan pagkalaya sa bilanguan, nakilala niya si
Juana Tiambeng. Nag-ibigan sila at ikinasal noong 1842. Nagkaroon sila ng isang anak.
Nakulong na naman siya ng anim na buwan sa Balanga, Bataan at tatlo’t kalahating
taon naman sa Maynila.
Marami sa dulong isinulat niya ay may anyong moro-moro. Pinalaya siya noong
1860 at siya ay 63 taong gulang na noon. Bumalik siyang muli sa Udyong, Bataan at
naratnan niyang ang kaniyang pamilyang naghihirap. Lumikha siya ng mga dula, drama
at mga sainete. Maraming naniniwala na ang pinakamaganda sa lahat ng kniyang
nilikha ay ang Florante at Laura.
Namatay siya sa gulang 64.

You might also like