Professional Documents
Culture Documents
Magkapatid sa ina sina Dante at Julio ngunit buong kapatid ang turing nila
sa isa’t isa. Namatay ang tatay ni Dante noon at ni minsan naman ay hindi
nagkwento si Aling Nena tungkol sa ama ni Julio. Bata pa raw ito para
malaman ang tungkol sa ama niya.
Isang araw, habang naglalaro sina Julio at Dante kasama ng kanilang mga
kaibigan, pumunta sa may kanto yung bolang nilalaro nila. Hinabol ito ni
Julio at doon niya napansin na may matandang sapatero pala sa kanto.
Tinanong ni Julio ang kuya niya tungkol sa sapatero. Noong una, mukhang
nagulat ito ngunit sinabi na lang sa kanya na huwag ng pansinin iyon.
“Sapatero? Ahh… ‘Di ko alam kung sino iyan. Hayaan mo na, pasa mo na
yung bola,” sagot ni Dante sa bunsong kapatid.
Hindi umimik si Julio ngunit napansin niyang naiwang ang tingin ng nanay
niya sa matandang sapatero.
Sinundo nila si Dante sa paaralan bago umuwi. Pagdating nila sa bahay nila,
pumasok na sila agad ay binilin ng nanay niya na huwag na silang maglalaro
sa labas. Pagpasok ng dalawang bata, bumalik sa labas si Aling Nena.
Maikling Kwento
Napansin ito ni Julio at lumabas rin siya upang tingnan kung saan pumunta
ang nanay niya. Sinundan niya ito ng patago noong makitang lumapit sa
matandang sapatero ang ina niya.
“Nais ko lamang siyang makita. Gusto ko sana siyang makilala pero alam
kong ayaw mo kaya dito lang ako sa malayo. Patawad sa lahat, lubos kong
ipinagsisihan ang mga nagawa ko,” sagot ng sapatero kay Aling Nena.
Kumain na sila at natulog ngunit bago pa man tuluyang nakatulog ang ina ng
dalawang bata, napaiyak siya habang iniisip kung gaano kalaki ang puso ng
anak niya. Bakas sa mga mata ng bata na hindi ito nagalit sa ama niya.
Simula noon, araw-araw nang nakakadalaw ang sapatero sa bahay nina Julio.
Kahit sa labas lang sila hinahayaang mag-usap noong una, unti-unti ay
lumambot rin ang puso ni Aling Nena.
Sa nakikita ni Aling Nena sa anak niya, natutunan niya ring patawarin ang
ama nito at subukang maging magkaibigan silang muli.
Ano ang masasabi mo sa maikling kwento na ito? Pwede mong ibahagi ang
iyong reaksyon o ang aral na iyong natutunan mula sa maikling kwento sa
pamamagitan ng komento.