You are on page 1of 7

MGA DAPAT

TANDAAN
SA SILID-ARALAN
HINDI BAWAL ANG MAGDALDALAN.
Tiyakin lamang na ang mga pinag-
uusapan ay makatutulong sa ating lahat at
hindi ka nakakadisturbo sa daloy ng talakayan.

HINDI BAWAL ANG CELLPHONE.


Tiyakin na ang dahilan ng pagtetext ay
kasinghalaga ng mga dapat nating matutuhan
sa klase na ito, hindi para sa ibang dahilan
kundi para sa sarili mo, malay mo ipo-promote
ka dahil sa galing mo sa Filipino.
HINDI BAWAL MATULOG.
Tiyakin lamang na habang natutulog ka
ay naiintindihan lahat na dapat nating
matutuhan sa loob ng klase.

HINDI BAWAL LUMIBAN.


Tiyakin lamang na ang dahilan ng
pagliban ay hindi na dapat ipagpaliban sa
susunod na araw dahil “emergency” o “life
between death” na ang dapat pagpilian, o di
kaya’y araw ng iyong kasal.
HINDI BAWAL MAHULI.
Tiyakin lamang na nahuli ka dahil
mahalaga ang inasikaso hindi dahil talagang
wala kang layunin na dumating nang
maaga.

HINDI BAWAL KUMAIN HABANG


NAKIKINIG.
Tiyakin lamang na habang kumakain
ay hindi umaalis ang atensyon sa pinag-
uusapan.
HINDI BAWAL LUMABAS.
Tiyakin lamang na mahalaga ang pinunta sa
labas hindi dahil gusto mo lang magpahangin sa
labas o kaya’y wala lang dahil trip pumuslit.

HINDI BAWAL ANG WALANG PAKIALAM SA


MGA NANGYAYARI.
Tiyakin lamang na hindi nasasayang ang mga
oras mo sa loob ng isang araw pati na ang perang
ginastos ng iyong magulang para sa ‘yo sa pag-
aaral. Kung pinagpawisan mo ang perang
ipinambayad, at hindi ka nanghihingi, bahala kang
sayangin ito. Ngunit kung hindi, makonsensya ka.
Baka makarma ka, hindi ka na tuloy mapo-promote.
HINDI BAWAL MAGTANONG.
Tiyakin lamang na ang mga tanong ay
nasa sakop pa rin ng mga pinag-uusapan.

HINDI BAWAL ANG MAGREKLAMO.


Tiyakin lamang na kapag nagreklamo
ka ay may napakaganda kang imumungkahi
upang malutas ang sa tingin mo kalbaryo
para sa iyo.
HINDI BAWAL MAKINIG.
Tiyakin lamang na ang pinakikinggan
ay ang mahahalagang bagay na tinatalakay
at hindi ang tsismis ng katabi.

HINDI BAWAL MATUTO.


Tiyakin lamang na ito ang layunin mo
sa pagdalo ng klase hindi dahil gusto mo
lang magpa-cute dito…

You might also like