You are on page 1of 18

Republic of the Philippines

Department of Education
DIVISION OF SOUTH COTABATO
TALUFO INTEGRATED SCHOOL
Tboli West III District

Date: JANUARY 27, 2021


Grade Level & Learning Area: GRADE 10-ARALING PANLIPUNAN
Quarter No. /Module No.: IKALAWANG MARKAHAN/MODYUL 7
Format: SCHOOL-ON- THE-AIR
Length: 30 MINUTES/1800 SEC
Scriptwriter/Presenter: AIRINI MAY L. GUEVARRA
School: TALUFO INTEGRATED SCHOOL
Lesson Title: MGA ISYU SA PAGGAWA
Objectives/Competencies: 1. Naisa-isa ang mga hinaharap ng iba’t ibang anyo ng
suliranin at hamon sa paggawa ng mga Pilipino.
2. Natutukoy ang maraming idinulot ng globalisayon
sa paggawa, at
3. Nasusuri ang mga kasanayan para sa ika 21-siglo.
TECNHINCIAN SPIELS ETA (1800
INSTRUCTION SEC)
INSERT MSC 142 sec
PROGRAM ID
MSC UP, 20 sec
SUSTAIN
OBB… MSC Magandang araw sa mga ginigiliw naming mag-aaral sa 22 sec
FADE UNDER
ikasampung baitang. Ito ang inyong paaralang
panghimpapawid sa Araling Panlipunan. Nagagalak ako
na makasama kayo sa ating pag-aaral sa pamamagitan
nang radyo. Ako ang inyong guro sa himpapawid AIRINI
MAY L GUEVARRA mula sa TALUFO INTEGRATED
SCHOOL.

MSC UP, 5 sec


SUSTAIN
Siguraduhin ninyong nasa isang lugar kayo ngayon na 22 sec
komportable at maayos na naririnig ang ating
broadcast. Matanong ko lang…. kamusta na ba kayo?
(PAUSE) Mabuti kung may laman ang inyong mga tiyan

1
upang maging alerto ang inyong mga pag-iisip at
maayos na maunawaan ang ating aralin ngayong araw.

MSC UP, 5 sec


SUSTAIN
Sa puntong ito, nais kung kuhanin ninyo ang inyong 17 sec
modyul bilang (7) pito, para sa leksyon ukol sa MGA
ISYU SA PAGGAWA. Inuulit ko ang leksyon natin ngayon
ay tungkol sa MGA ISYU SA PAGGAWA. Sige, kunin nyo
na ang inyong modyul.

MSC UP, 5 sec


SUSTAIN
Bago natin simulan ang bago nating leksyon, nais ko 43 sec
munang ipaalala sa inyo ang inaral natin noong
nakaraan. Handa ka na ba? Tingnan nga natin kung ano
ang iyong natutunan sa huling paksang tinalakay.
Bibigyan ko kayo ng limang (5) minuto para sagutin ang
mga sumusunod na tanong: Handa ka na ba? Unang
tanong.
1. Ano ang konsepto at perspektibong pananaw ng
globalisasyon bilang isang isyung pang-
ekonomiya?
Ikalawang tanong:
2. Ano ang implikasyon at epekto ng iba’t ibang
anyo o dimensiyon ng globalisasyon sa lipunan?
Pangatlong tanong:
3. Ano ang epekto na dulot ng globalisasyon?

MSC UP, 5 sec


SUSTAIN
Tapos na ang limang (5) minuto 65 sec
Wow! Magaling! Tama!
Ang salitang ‘’globalisasyon’’ ay ginagamit sa iba’t-ibang

2
konteksto at perspektibo. Nagkakaroon ng
globalisasyon dahil kinikilala ng mga bansa na hindi sila
mabubuhay nang walang pakikipag-ugnayan sa ibang
bansa. Ayon sa World Bank at Intenational Monetary
Fund, lubos na mahalaga ang pagtutulungan ng mga
bansa upang umunlad na kung saan ito raw ang
pangunahing layunin ng globalisasyon.
Ang globalisasyon ay maituring na isang isyung pang-
ekonomiya na kung saan binago nito ang pamumuhay
ng mga tao na may mabuti at hindi mabuting epekto na
dulot nito na nangangailan ng malaking pag-uunawa
upang matugunan ang dulot nito.
Magaling! Mabuti naman at naalala nyo pa ang
nakaraang leksyon nating tungkol sa GLOBALISASYON:
KONSEPTO AT ANYO .(REVIEW OF PREVIOUS LESSON)

MSC UP, 5 sec


SUSTAIN
Ngayon ay handa na tayo para sa panibagong aralin! 13 sec
Game na ba kayo? (PAUSE) Kung kailangan ninyong mag
banyo, gawin nyo na ngayon dahil sa ilang saglit lang ay
ihahatid ko na sa inyo ang bago nating leksyon.

MSC UP, 5 sec


SUSTAIN
Gaya ng nabanggit ko kanina, ang ating leksyon ngayong 93 sec
araw ay tungkol sa MGA ISYU SA PAGGAWA. Ang mga
manggagawang Pilipino ay humaharap sa iba’t ibang
anyo ng suliranin at hamon sa paggawa tulad ng
sumusunod: Mababang Pasahod, Kawalan ng seguridad,
Job Mismatch at Kontraktuwalisasyon. Ang modyul na
ito ay nahahati sa tatlong aralin, ito ay ang mga:
• Aralin 1- Isyu sa Paggawa

3
• Aralin 2- Idinulot ng Globalisasyon sa Paggawa
• Aralin 3- Hamon at Suliranin sa Paggawa
Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
1. Naisa-isa ang mga hinaharap ng iba’t ibang anyo ng
suliranin at hamon sa paggawa ng mga Pilipino
2. Natutukoy ang maraming idinulot ng globalisasyon sa
paggawa, at
3. Nasusuri ang mga kasanayan para sa ika 21-siglo.
Ngayon, buksan ang inyong modyul sa pahina pito (7) at
subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit upang
matukoy ang lawak ng iyong kaalaman tungkol sa mga
paksang tatalakayin. Bigyang-pansin ang mga tanong na
hindi masasagutan ng wasto at alamin ang sagot nito sa
iba’t ibang aralin sa modyul na ito. Bibigyan ko kayo ng
limang (5) minuto para sagutin ang mga sumusunod na
tanong? Handa ka na ba? Umpisahan mo na!

MSC UP, 5 sec


SUSTAIN
Tapos na ang limang (5) minuto para sagutin ang 302 sec
paunang pagtataya. Ngayon ay isa isa nating sasagutin
ang mga tanong at bigyang-pansin ang mga tanong na
hindi masasagutan ng wasto at alamin ang sagot nito sa
iba’t ibang aralin sa modyul na ito. Unang tanong:
1. Alin sa sumusunod ang pangunahing dahilan ng
pangingibang bansa o pagmigrate ng mga Pilipino?
a. Makapag-aral sa mga tanyag na unibersidad sa ibang
bansa
b. Matuto ng makabagong kasanayan at kakayahan
c. Makapaghanapbuhay na may mataas na sahod
d. Makapagbisita at makapaglibang sa mga
makasaysayang pook. Ito ay tumutukoy sa pagkakaroon
ng kaibahan sa klima?

4
Ang tamang sagot ay letrang C. Magaling!
2. Isang kondisyon kung saan ang mga manggagawa ay
walang makita o mapasukang trabaho.
a. Underemployment c.Unemployment
b. Employment d.Brain drain
Mahusay! Ang tamang sagot ay letrang C
3. Isang kondisyon kung saan may trabaho ang isang
manggagawa pero hindi tugma sa kanyang tinapos na
kurso.
a. Underemployment c. Unemployment
b. Employment d. Brain drain
Wow! Magaling! Ang tamang sagot ay letrang A
4. Marami sa mga pamilya ng OFWs ay nakakaranas ng
pangungulila sa kanilang kaanak na humahantong sa
pagkawasak nito. Paano kaya sila matutulungan?
a. Makisimpatya sa kanila.
b. Magtayo ng isang samahan ng mga pamilya ng OFW
upang gumabay sa kanila.
c. Bigyan sila ng load pantawag sa kanilang kaanak.
d. Bigyan sila ng sulat isa-isa.
Tama! Letrang B ang tamang sagot
5. Malimit hindi nababanggit ang epekto ng migrasyon
paggawa sa tatanggap o nagpapadala ng lakas paggawa.
Alin sa mga pahayag na ito ang nagsasaad na
nakakabenepisyo ang papapadala at pagtanggap ng
migranteng manggagawa?
a. Ito ay isang one-way flow na pabor sa bansang
nagpapadala.
b. Ang migranteng manggagawa ay isang asset sa
nagpapadala at tumatanggap na bansa kahit saan man
sa mundo.
c. Ang mga migranteng manggaggawa ay pasanin ng

5
tumatanggap na bansa.
d. Napeperahan
Napakagaling! Ang tamang sagot ay letrang B
6. Suriin ang larawan na nasa ibaba. Paano nakaapekto
ang globalisasyon sa lokal na kultura ng mga bansa lalo
na sa mga bansang papaunlad pa lamang tulad ng
Pilipinas?
a. Ang pandaigdigang migrasyon ay nakakapagdudulot
ng brain drain sa mga bansang papaunlad pa lamang.
b. Ang pandaigdigang kalakalan ay nakakapagsusulong
ng kamulatan sa ibat-ibang kultura.
c. Ibat-ibang uri ng hanapbuhay ang napupunta sa mga
bansang papaunlad pa lamang.
d. Ang mga katutubong kultura ay hindi na mawala
dahil sa pag-iisa ng kultura ng mga bansa sa daigdig na
bunga ng globalisasyon.
Wow! Mahusay! Letrang D ang tamang sagot
7. Dahil globalisasyon, marami ang nagiging
kakompetensiya ng mga karaniwang kalakal ng mga
maliliit na negosyante. Bilang economic adviser ng
Pangulo, ano ang maimumungkahi para matulungan
sila?
a. Hayaan silang magbenta kahit saan nila gusto.
b. Huwag silang magbayad ng buwis upang lumaki ang
kita sa negosyo.
c. Gumawa ng programang maglalaan ng karagdagang
pondo upang makipagsabayan sa mga dayuhan.
d. Gumawa ng anunsiyo na hayaan na lamang
magnegosyo ang mga dayuhan sa kanilang lugar.
Tumpak! Magaling! Ang tamang sagot ay letrang C
8. Ayon sa POEA (Philippine Overseas Employment
Administration) ngayon ay tinatayang 2,000 araw-araw

6
ang mga Pilipino na umaalis ng bansa sa pamamagitan
ng ang 1600 opisyal na ahensiya sa emigration, at bawat
taon ay umaabot ng 1.3 milyong Pilipino ang
nagtutungo ng ibang bansa. Ano ang maaaring hakbang
ng pamahalaan upang matulungan ang mga
manggagawang Pilipino?
a. Gumawa ng mga polisiyang proprotekta sa mga
manggagawang Pilipino sa ibayong dagat.
b. Tanggapin nang malugod ang mga donasyong
ibinibigay ng mga OFW at OCW sa mga nasalanta ng
kalamidad.
c. Maging mahigpit sa mga remittances ng mga Pilipino.
d. Hayaan silang pagmalupitan at makulong sa ibang
bansa
Tama! Letrang A ang tamang sagot.
9. May okasyon ng pagsasama-sama ng mga ahensya na
tumutugon sa mga problema sa lakas paggawa.
Inimbitahan kang maging kritiko sa isang paligsahan sa
pinaka-tumpak na Labor Developmental Plan ng mga
presenters. Paano mo susukatin ang isang matalino at
matatag na developmental plan?
a. Dami ng pamamaraan ng paglutas
b. Dami ng mga kasangkot na ahensya at sangay ng
pamahalaan
c. Kaangkupan, nilalaman at organisasyon nito
d. Kakapalan, kagandahan at presentasyon nito
Mahusay! Ang tamang sagot ay letrang C
10. Ang ating bansa ay mayaman sa mga agrikultural na
produkto. Ang ating pangulo ay nagnanais na paigtingin
ang agrikultura ng ating bansa upang makasabay ang
ating bansa sa mga hamon ng globalisasyon. Ikaw ay
isang kawani ng Department of Agrarian Reform, ano

7
ang maari mong maimungkahi sa pangulo na siyang
makakatulong sa pagpapaunlad ng ating agrikultura?
a. Pag-aralin ang mga magsasaka upang lumawak ang
kanilang kaalaman sa pagsasaka.
b. Magkaroon ng pangmatagalang programa para sa
magsasaka na nagbibigay sa kanila ng pondo upang
makabili ng sapat na pataba, butil at makabagong
teknolohiya upang maparami ang kanilang ani.
c. Mamahagi ng lupa sa mga magsasaka upang lumaki
ang kita nila
d. Bigyan pa ng iba pang hanapbuhay ang mga
magsasaka upang magkaroon sila ng sapat na kita para
sa kanilang kabuhayan.
Magaling! Tamang sagot ay letrang B.
Natapos mo ang unang pagsubok sa araling ito. Huwag
kang mag-alala kung tama man o mali ang iyong naging
kasagutan. Sa pagpapatuloy mo sa pag-aaral ng paksang
ito mapagtitibay mo ang iyong tamang sagot at
maiwawasto ang maling konseptong nabuo.

MSC UP, 5 sec


SUSTAIN
Ang mga problema sa paggawa tulad ng nagbubunyag 70 sec
ng kadena ng mga sanhi at epekto na nag-uugnay sa
pang-ekonomiya, pampulitika at kulturang mga
kadahilanan isang komprehensibong pagsusuri ng mga
problemang ito ang maaring magbigay ng kasangkapan
sa mga manggagawa, kaya may pangangailangan na
maunawaan ang istruktural at moral na batayaan ng
mga isyu.
Mga Isyu ng Manggagawa
1. Mababang sahod
2. Kondisyon ng Paggawa

8
3. Hindi Makataong Pagtrato
4. Walang Seguridad sa Trabaho
5. Underemployment
6. Diskriminasyon
7. Kawalan ng Organisadong Unyon
Ano ang mga Isyu sa Paggawa?
Kung ang manggagawa ay tatanggalin sa trabaho (hindi
lamang ang mga regular na empleyado, kasama rin ang
mga part-time at ang mga humigit sa 14 na araw ang
pagtatrabaho) ay patakaran na ipagbigay-alam ng may-
ari ng kumpanya sa manggagawa ang gagawing
pagtanggal bago ang isang buwan, o kinakailangang
bayaran ang manggagawa ng halagang kita sa 1 buwan
(ito ang tinatawag na Dismissal Notice Allowance).

MSC UP, 5 sec


SUSTAIN
Sa puntong ito buksan ang inyong modyul sa pahina 455 sec
labing-isa (11), gawin natin ang GAWAIN 1: Halina’t
Tuklasin, Trabaho sa’tin.
PANUTO: Alamin ang mga uri ng trabaho na makikita sa
sariling munisipalidad ayon sa sektor na kinabibilangan.
Isulat sa graphic organizer ang mga napag-alaman.
Unahin nating ang sektor ng agrikultura:
Tama! Paghahayupan, Paggugubat, at Pangingisda
Sa sektor ng industriya naman:
Magaling! Pagmamanupaktura, Pagmimina at
Konstruksiyon ng mga daan/gusali
At ang huli ay ang sektor ng serbisyo
Tumpak! Mahusay! Pulis, Bombero at Clerk ng mga
Bangko
SEKTOR NG AGRIKULTURA SEKTOR NG INDUSTRIYA SEKTOR NG SERBISYO
Hal. Pagsasaka Hal. Call Center Hal. Guro
Paghahayupan Pagmamanupaktura Pulis
Paggugubat Pagmimina Bombero

9
Pangingisda Konstruksiyon ng mga Clerk sa Bangko
daan/gusali
Bilang kabahagi ng komunidad, mahalagang maging
mulat ka sa mga ISYU NG PAGGAWA.
Ayon sa ulat ng Department of Labor and
Employment(DOLE) 2016 upang matiyak ang kaunlarang
pang-ekonomiya ng bansa kailangang iangat ang antas
ng kalagayan ng mga manggagawang Pilipino tungo sa
isang desinteng paggawa (decent work), na naglalayong
na magkaroon ng pantay na oportunidad ang bawat isa
anuman ang kasarian para sa isang disente at marangal
na paggawa.
May Apat na Haligi para sa Isang Disente at Marangal na
Paggawa Una:
1. Employment Pillar- Tiyakin ang Paglikha ng
Sustinableng Trabaho, Malaya at Pantay na
Oportunidad sa Paggawa, at Maayos na
Workplace para sa mga Manggagawa.
2. Social Protection Pillar- Hikayatin ang mga
kompanya, pamahalaan, at mga sangkot sa
paggawa na lumikha ng mga mekanismo para sa
“proteksyon” ng manggagawa, katanggap-
tanggap na pasahod, at oportunidad.
3. Worker’s Rights Pillar- Naglalayong palakasin at
seguruhing ang paglikha ng mga “Batas” para sa
paggawa at matapat na pagpapatupad ng mga
karapatan ng mga manggagawa.
4. Social Dialogue Pillar- Palakasin ang laging
“bukas na pagpupulong” sa pagitan ng
pamahalaan, mga manggagawa, at kompanya sa
pamamagitan ng paglikha ng mga collective
bargaining unit.
Ano ang kalagayan ng mga Maggagawa sa Iba’t-ibang

10
Sektor?
Sektor ng Agrikultura
Lubusang naapektuhan ang mga lokal na magsasaka
dahil sa mas murang naibebenta ang mga dayuhang
produkto sa bansa. Nagkakaroon din ng kakulangan
para sa mga patubig at suporta ng pamahalaan sa
pagbibigay ng ayuda lalo na kapag may mga
nananalasang sakuna sa bansa tulad ng bagyo, tagtuyot,
at iba pa.
Pagconvert ng mga lupang sakahan upang patayuan ng
mga subdivision, malls, at iba pang gusaling
pangkomersiyo para sa mga pabrika, pagawaan,
bagsakan ng mga produkto mula sa TNC’s at ang patuloy
na pagliit ng lupain agrikultural at ng mga kabundukan
at kagubatan. Ang pagkakaroon ng Tax incentives sa
mga TNC’s, Degerularisasyon sa mga polisiya ng Estado
at pagsasapribado ng mga Pampublikong Serbisyo.
Mga Industriyang Naapektuhan ito ay ang mga :
Konstraksiyon, Telekomunikasyon, Beverages,Mining at
enerhiya
Sa Sektor ng Serbisyo naman
Mababang Pasahod sa mga manggagawang Pilipino,
Malayang patakaran ng mga mamumuhunan at samu’t-
saring suliranin tulad ng overwork, mga sakit na
nakukuha mula sa trabaho lalo sa hanay ng mga
maggagawa sa BPO at patuloy na pagbaba ng bahagdan
ng bilang ng Small Medium Enterprises (SME’s)
Ano ang Epekto ng Kontrakwalisasyon sa mga
manggagawa?
Hindi sila binabayaran ng karampatang sahod at mga
benipisyo na tinatamasa ng mga regular na empleyado
Ang Department Order 18-A ng DOLE 2011 ay

11
naghahayag ng patakaran ng Pamahalaan laban sa
pagpapakontrata.
Ano ang mga Mahalagang Karapatan ng isang
manggagawa?
Maraming mahalagang karapatan ng mga manggagawa,
subalit ang pinakamahalagang karapatan ng
manggagawa na itinataguyod ng INTERNATIONAL
LABOR ORGANIZATION (ILO) ay ang sumusunod:
Una, ang mga manggagawa ay may karapatang sumali
sa mga unyon na malaya sa paghihimasok ng
Pamahalaan at tagapangasiwa
Ikalawa, ang mga manggagagawa ay may karapatang
makipagkasundo bilang bahagi ng grupo sa halip na
mag-isa,
Ikatatlo, bawal ang lahat ng mga anyo ng sapilitang
trabaho lalo na ang mapang-aliping trabaho at
trabahong pangkulungan. Dagdag pa rito, bawal ang
trabaho bunga ng pamimilit o “duress”.
Ikaapat, bawal ang mabibigat na anyo ng trabahong
pangkabataan. Samakatuwid, mayroong minimum na
edad at mga kalagayang pangtatrabaho para sa mga
kabataan.
Ikalima, bawal ang lahat ng mga anyo ng diskriminasyon
sa trabaho: Pantay na sweldo para sa parehong
trabaho.
Ikaanim, ang mga kalagayan ng pagtatrabaho ay dapat
walang panganib at ligtas sa mga manggagawa. Pati
kapaligiran at oras ng pagtatrabaho ay dapat walang
panganib at ligtas.
Ikapito, Ang sweldo ng manggagawa ay sapat at karapat
dapat para sa makataong pamumuhay.
Ang mga manggagawang Pilipino ay humaharap sa

12
iba’t-ibang anyo ng suliranin at hamon sa paggawa
tulad ng;
1. Mababang Pasahod
2. Kawalan ng seguridad
3. Job-mismatch
4. Kontraktuwalisasyon
Ilan sa maraming naidulot ng globalisasyon sa paggawa
ay ang mga sumusunod:
1. Demand ng bansa para sa iba’t-ibang kakayahan o
kasanayan sa paggawa na globally standard.
2. Mabibigyan ng pagkakataon ang mga lokal na
produkto na makilala sa Pandaigdigang Pamilihan.
3. Binago ng globalisasyon ang workplace at mga salik
ng produksiyon.
4. Dahil sa mas mura at mababa ang labor o pasahod sa
mga manggagawa kaya’t madali lang sa mga
namumuhunan na magpresyo ng mura o mababa laban
sa mga dayuhang produkto.
Sa puntong ito nais kung buksan ninyo ang inyong
modyul sa pahina labing lima (15) at sagutin ang
Pamprosesong tanong sa Pagyamanin. Bibigyan ko kayo
ng limang (5) minuto para sagutan ang mga sumusunod
na tanong? Handa ka na ba? Unang tanong:
1. Sinu-sinong manggagawa ang nakaranas ng hindi
pantay na oportunidad at mas vulnerable sa mga pang-
aabuso?
Ikalawang tanong:
2. Anu-anong hamon sa paggawa na kasalukuyang
kinakaharap ng mga manggagawang Pilipino?

MSC UP, 5 sec


SUSTAIN

13
Tapos na ang limang (5) minuto, tara at talakayin natin 100 sec
ang mga tanong at ang posibleng sagot sa mga
katanungan.
1. Sinu-sinong manggagawa ang nakaranas ng hindi
pantay na oportunidad at mas vulnerable sa mga pang-
aabuso?
Wow! Magaling! Tama ang iyong sagot!
Ang mga Domestic Helper ang uri ng manggagawang
nakakaranas ng hindi pantay na oportunidad, bukod
dito, sila rin ay higit na vulnerable sa mga pang-aabuso
katulad ng maliit na sahod, sobra sobrang trabaho,
kulang sa pahinga at pagkain, at mga pisikal, berbal at
seksuwal na pang-aabuso.
2. Anu-anong hamon sa paggawa na kasalukuyang
kinakaharap ng mga manggagawang Pilipino?
Tumpak! Mahusay!
Sa kasalukuyan, hindi maitatago na ang mga
manggagawang Pilipino ay nahaharap sa mga hamon o
suliranin sa paggawa. Katulad na lang ng
KONTRAKTUWALISASYON, Sa kontraktuwalisasyon ang
mga manggagawa ay mababa ang sahod, walang
benepisyo at seguridad sa trabaho, at hindi nare-regular
o walang tyansa para maregular at magkaroon ng
permanenteng trabaho. Job Mismatch ito ay tumutukoy
sa hindi pagiging align ng kakayahan ng manggagawa sa
kanyang trabaho. Isa itong hamon sapagkat hindi
lamang nahihirapan ang mga manggagawa sa paggawa
ng trabaho kung hindi ay hindi rin nalilinang ang mga
kakayahan o kasanayan ng mga manggagawa.
Binabati kita dahil sa puntong ito malinaw na sa iyo ang
ating leksyon tungkol sa MGA ISYU SA PAGGAWA.

14
MSC UP, 5 sec
SUSTAIN
Mahalaga para sa isang tao ang paggawa sapagkat ito 145 sec
ang paraan upang makapaglingkod sa iba at maitaguyod
niya ang kanyang dignidad.
Ayon sa isang akda na pinamagatang “Work: The
Channel of Values Education”, ang paggawa ay isang uri
ng aktibidad ng tao. Ito ay maaaring mano – mano na
tulad ng sa pagtatayo ng bahay at maaari rin namang
bilang isang ideya na tulad ng mga gumagawa ng
patalastas para sa isang produkto. Ito ay bunga ng
pagkilos ng tao na ang layunin ay tumugon sa
pangangailangan ng kapwa. Sa tuwing ang tao ay
gagawa, ang ating pagkilos o paggawa ay hindi lamang
tulad ng isang hayop o makina. Tao lamang ang may
kakayahan sa paggawa. Ang paggawa ay isang gawain
ng tao na nangangailangan ng orihinalidad,
pagkamalikhain, at pagkukusa. Ito ay maaaring
magbunga ng produkto na maaaring materyal o
pagbabago sa isang bagay.
Mga Mahahalagang Layunin ng Paggawa: Ang tao ay
gumagawa upang…
 kumita ng pera na pambili ng kanyang mga
pangunahing pangangailangan.
 makapag – ambag sa patuloy na pag – unlad at
pagbabago ng agham at teknolohiya.
 maiangat ang kultura at moralidad ng lipunang
kinabibilangan
 makatulong sa mga nangangailangan bigyang –
dahilan ang pag – iral ng tao
Ang tao ay gumagawa upang kumita ng pera na pambili
ng kanyang mga pangunahing pangangailangan tulad ng

15
pagkain, damit, tirahan, gamot, at marami pang iba.
Ang serbisyo para sa linya ng kuryente at tubig ay
nangangailangan din ng pera upang maging madali ang
pamumuhay ng tao.
Ang tao ay pinagkalooban ng Diyos ng talento upang
siya ay patuloy na umunlad bilang kasapi ng kanyang
komunidad. Kabilang na dito ang matalinong paggamit
ng agham at teknolohiya.
Dapat na maunawaan ng tao na ang paggawa ay
mayroong panlipunan aspekto at hindi dapat ihiwalay
ang pagiging responsable para sa pag – angat ng kultura
at moralidad ng lipunang kanyang kinabibilangan.
Kailangan ng tao gumawa bilang tugon sa nais ng Diyos
at sa pangangailangan na panatilihin at paunlarin ang
sangkatauhan.
Ang paggawa ang nagbibigay ng katuturan sa buhay ng
tao. Sa pamamagitan ng paggawa nakakamit ng tao ang
mga sumusunod:
 suporta para sa pansariling pangangailangan
 pagpapayaman ng pagkamalikhain
 mataas na tiwala sa sarili
 dangal sa pagkatao
 pagkakataong makisalamuha at makisama sa iba
 pagkakataong isabuhay ang tunay na pagbibigay
 pagkakataon na maipagpatuloy ang bokasyon
 pagiging kabahagi sa paggawa tungo sa
kaganapan ng sarili at ng kapwa magampanan
ang tungkulin sa Diyos
Bilang panapos para sa karagdagang gawain, gumawa
ng isang liham ng pangako para sa inyong mga
magulang o kapatid na naghahahanap-buhay at ibigay

16
ito sa kanila bilang pasasalamat.

MSC UP, 5 sec


SUSTAIN
Naway naging makabuluhan ang ating talakayan 84 sec
ngayong araw. Ating isapuso at isaisip ang kahalagan ng
PAGGAWA at pag-aaral sa panahon ng pandemya. Nais
kong magpasalamat sa mga taong naging bahagi ng
ating talakayan gamit ang radyo.
Sa ating minamahal na magulang na naging gabay ng
mga bata tungo sa pagkatuto.
Sa ating station manager na si MAAM ROSDANE STA.
MARIA, RSW, sa ating program manager na si SIR
JOHNARY ORELLA, sa ating chief technician na si SIR
RONILO MAGSAEL at sa ating radio technician ngayon
na si SIR JONATHAN LEGAL, Division of South Cotabato
sa pamumuno ni DR. RUTH ESTACIO, Division
Superintendent, Tboli West 3 District Supervisor MAAM
MARGARITA LAPASTORA, at sa aming Punong Guro na
si SIR WILSON B. FRANCISCO na nagbigay sa akin ng
oportunidad na ibahagi sa inyo ang aking kaalaman.
Maraming Salamat sa pagbibigay halaga sa edukasyon
sa gitna ng pandemyang kinakaharap ng buong mundo.
Serbisyong pang-edukasyon, para sa bata, para sa
bayan.
Sama sama sa pagsulong sa Edukalidad
Tboli Shine, Tboli Knoon.
Muli ito ang inyong guro sa himpapawid AIRINI MAY L.
GUEVARRA ng TALUFO INTEGRATED SCHOOL na nag-
iiwan sa inyo ng isang kasabihan na “ANG WASTONG
EDUKASYON AY PAHALAGAHAN, ITO AY SUSI SA IYONG
KINABUKASAN”
Hanggang sa muli…. Paalam.

17
INSERT MSC 142 sec
PROGRAM ID
TOTAL AIRING 1800 sec
TIME

Prepared by:

AIRINI MAY L. GUEVARRA


Teacher II
NOTED:

WILSON B. FRANCISCO
Principal I
APPROVED:

MARGARITA M. LAPASTORA
Principal II/PIC

18

You might also like