Professional Documents
Culture Documents
Department of Education
Region IX, Zamboanga Peninsula
Zamboanga del Sur Division
KUMALARANG NATIONAL HIGH SCHOOL
Kumalarang, Zamboanga del Sur
Panuto: Basahin nang tahimik ang bawat kuwento. Pagkatapos, basahin ang mga tanong at
isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
Karapatang Sibil
Kinikilala ng bayan ang mga karapatang sibil ng mga mamamayan. Ito ay sumasakop sa
kalayaan nating makamit ang kaginhawaan at makipag-ugnayan sa isa’t isa. Kabilang sa
karapatang sibil ay karapatan sa pananalita at pamamahayag, kalayaan sa relihiyon,
paninirahan at paglalakbay, magkaroon ng ari-arian, maiwasan ang pagka-alipin, at iba pa.
May karapatan ang bawat isa, maging anuman ang katayuan nito sa lipunan, laban sa di-
makatuwirang pagdakip at lihim na pagpapabilanggo. Ang writ of habeas corpus ang
kautusang mula sa hukuman na nagsisiguro sa karapatang ito. Dagdag pa rito ang kautusang
Miranda (Miranda Rule) na buod ng mga karapatan ng nasasakdal. Itinadhana ang mga ito at
ipinagtibay. Kabalikat ng karapatang ito ay ang prinsipyo ng isang nakasuhang mananatiling
inosente hanggang hindi napapatunayang nagkasala (innocent until proven guilty) at nang
walang pasubali (beyond reasonable doubt). Maipatutupad ito kung isasailalim sa isang
mablis, hayagan, at patas na paglilitis. Ang pagdadaos ng mabilis na paglilitis at pagkakaloob
ng hustisya ay ayon na rin sa kasabihang “justice delayed is justice denied.”
Bilang ng mga Salita: 166
(Pilipinas: Ugat ng Lahing Pilipino 6, Inocencio, et. Al (2006). Wizard Publishing Haws, Inc.,
Tarlac, Tarlac.)
Mga Tanong:
1. Alin sa sumusunod ang HINDI saklaw ng karapatang sibil? (Literal)
HINDI saklaw ng karapatang sibil ang karapatan _________________ .
a. na maipahayag ang saloobin
b. na makapagbiyahe saan man nais
c. na magpatayo ng titirhan saan man
d. sa malayang pagsamba at pananalig
18. Ano ang ginamit ng may-akda upang ipaabot ang mensahe nito? (Critical)
a. Binanggit ang pinagmulan ng paksa.
b. Nakasaad ang mga solusyon ng paksa.
c. Tinalakay ang sanhi at bunga ng paksa.
d. Nagbigay ito ng mga halimbawa sa seleksyon.
19. Alin sa sumusunod ang isa pang magandang pamagat para sa seleksyon? (Pagsusuri)
a. Lakas-Bisig ng ating Bansa
b. Mga Manggagawa ng Ating Bayan
c. Mga Suliranin ng mga Manggagawa
d. Pinagmulan ng Hukbong Paggawa sa Pilipinas