You are on page 1of 3

Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan. Bilugan ang titik ng napiling sagot.

Bawal ang magpalit o magbura ng sagot. Bawal mangodiko at mangopya

Mahabang Pagsusulit Sa Filipino Vii (Ikalawang Markahan)

1. Bakit nagdesisyong umalis ang sampung magigiting, matatapang at mararangal na Datu sa Borneo sa
Epikong “Maragtas”?
a. Dahil pinalayas sila ni Sultan Makatunao
b. Dahil naduwag silang labanan si Sultan Makatunao
c. Dahil alam nilang dadanak ang dugo at maraming mapapahamak kapag nilabanan nila si Sultan Makatunao
d. Dahil nagsasawa na silang mamuhay sa Borneo
2. Papaano inilarawan ang Datung si Sumakwel sa Epikong “Maragtas”?
a. Matapang, palabiro at matalino
b. Masayahin, matapang at Punong Ministro
c. Mabait, magalang at matalino
d. Mabait, matapang at matalino
3. Papaano naging mararangal ang sampung datu sa “Epikong Maragtas”?
a. Ayaw nilang pumatay at may mapahamak kung sakaling lalabanan nila ang Sultan
b. Isinuko nila ang kanilang dangal sa Sultan na si Makatunao
c. Umalis sila kasama ang kanilang mga katulong
d. Marami silang pagkaing dinala para sa gagawing paglalakbay
4. Ano ang pinaka katangian ni Labaw Donggon sa epikong “Hinilawod”?
a. Takot na lumaban
b. Mahilig sa mga magagandang babae
c. Mahilig sa digmaan
d. Walang pakialam sa kanyang pamilya
5. Anong klaseng mga anak sina Asu Mangga at Abyang Baranugon sa epikong “Hinilawod”?
a. Matatapang at mapagmahal na anak
b. Mapagtanim ng sama ng loob
c. Masayahin at palabiro
d. Matatapang at walang galang
6. Ito ay mga orasyon ng mga sinaunang tao sa Pilipinas.
a. Bugtong b. Alamat c. Kwentong Bayan d. Bulong
7. Papaano inilarawan ang Tondo sa awiting “Hari ng Tondo”?
a. Payapa at maaliwalas b. Magulo at mapanganib
c. Masaya at malinis c. Mababait ang tao at matatalino
8. Ito ay isang uri ng kanta na ang laman o layunin ay mapalakas ang pag-ibig sa Inang Bayan at sumasalamin sa
araw-araw na pamumuhay ng mga katutubo.
a. Awiting-bayan b. Maikling awitin c. Maikling Kwento d. Alamat
9. Sa awiting-bayan na Tong-pakitong-kitong ano ang inilalarawan na malaki at masarap?
a. Paruparo b. Papaya c. Alimango d. Bahay
10. Ito ay tumutukoy sa pinagmulan ng mga bagy-bagay.
a. Alamat b. Kwentong Bayan c. Maikling-kwento d. Bulong
11. Ano ang nangyari kay Daragang Magayon habang naliligo sa Ilog Rawis?
a. May nakita siyang ahas malapit sa ilog b. Binosohan ng mga kalalakihan
c. Nadulas at muntik nang malunod c. Umulan nang malakas at di na nakauwi
12. Sila ang mga magulang ni Daragang Magayon.
a. Raha Pagtuga at Dawani b. Raha Makusog at Malayon
c. Raha Sumakwel at Dawani d. Raha Makusog at Dawani
13. Papaano ipinakita ni Magayon ang pagmamahal sa kanyang ama?
a. Handa siyang magpakasal sa lalaking hindi niya mahal upang mapalaya ang ama
b. Namatay siya para sa kanyang minamahal na ama
c. Binayaran niya ng mahal ang taong dumakip sa kanyang ama
d. Itinakas niya ang kanyang ama upang di makita ng kalaban
14. Alin sa sumusunod na uri ng pag-ibig ang tumutukoy sa pagmamahal sa pamilya?
a. Eros b. Agape c. Storge d. Philia
15. Ito’y antas ng wika na ginagamit ng mga tao sa partikular na pook o lalawigan, makikilala ito sa kakaibang
tono o punto.
a. Balbal b. Lalawiganin c. Kolokyal d. Pormal
16. “Wit ko bet ang ombre na itey, chikibambam” ang wikang ito ay halimbawa ng?
a. Balbal b. Lalawiganin c. Kolokyal d. Pormal
17. “Ala ey, baket ganire ang pagkaeyn? Para gang hindi naluto” ang wikang ito ay halimbawa ng?
a. Balbal b. Lalawiganin c. Kolokyal d. Pormal
18. Sino ang umawit sa awiting “Upuan”?
a. Parokya ni Edgar b. Apo Hiking Society c. Bamboo d. Gloc 9
19. Papaano inilarawan ang lipunan sa awiting “Upuan”?
a. Pantay-pantay ang tingin sa mamamayan at mahihirap
b. Maayos at payapa ang pamumuhay ng bawat pilipino
c. Nagpapakasasa sa kayamanan ang mga mayayaman habang lalong naghihirap ang mga mahihirap.
d. Matulungin ang mga namumuno sa bansa na tinutukoy sa awit
20. Sino ang tinutukoy na nakaupo sa awiting “Upuan”?
a. Mga guro na laging nakaupo
b. Mga mahihirap na ayaw umalis sa kanilang lugar
c. Mga mag-aaral na tamad mag-aral
d. Mga kawani ng gobyerno na walang pakialam sa tunay na kalagayan ng bansa
21. Ito ay antas ng wika na standard at kinikilala o ginagamit ng nakararami.
a. Pormal b. Impormal c. Balbal d. Kolokyal
22.Kailan ipinanganak si Gloc 9?
a. October 8, 1977 b. October 18, 1997 C. October 18, 1977 d. October
23. Ito ay uri ng dula na nagwawakas sa pagkasawi o pagkamatay ng pangunahing tauhan.
a. Komedya b. Melodrama c. Parsa d. Trahedya
24. Masaya ang pagtatapos ng uri ng dulang ito sapagkat nagkakasundo ang mga pangunahing tauhan.
a. Komedya b. Melodrama c. Parsa d. Trahedya
25. Ang layunin ng uri ng dulang ito ay magpatawa gamit ang mga nakakatawang pananalita.
a. Komedya b. Melodrama c. Parsa d. Trahedya
26. Ang kwentong “Romeo at Juliet” ay halimbawa ng anong uri ng dula?
a. Komedya b. Melodrama c. Parsa d. Trahedya
27. Ang “Senakulo” na halimbawa ng dula sa panahon ng kastila ay tumutukoy sa
a. Dulang itinatanghal sa lansangan at nagpapamalas ng paghahanap ng pansamantalang tirahan
nina Maria at Jose doon sa Betlehem
b. Tradisyunal na pagsasadula ng mga pangyayari hinggil sa mga dinanas ni Hesu-Kristo bago at
pagkaraang ipako siya sa krus
c. Ito ay isang prusisyon na ginaganap sa madaling araw ng Linggo ng pagkabuhay
d. Nagsasadula ito tungkol sa paghahanap ni Reyna Elena ng krus na pinagpakuan kay Hesus
28. Ito ay nagsasadula tungkol sa paghahanap ni Reyna Elena ng krus na pinagpakuan kay Hesus
a. Senakulo b. Panuluyan c. Tibag d. Salubong
29. Dulang may kantahan at sayawan na mayroong isa hanggang limang kabanata at nagpapakita ng mga sitwasyon ng
Pilipino. Anong uri ng dula ito sa panahon ng kastila?
a. Komedya o Moro-moro b. Salubong c. Komedya d. Sarswela
30. Ito’y sikat na dula sa kabisayaan na tumutukoy sa pagmamalupit ng mga Sultan sa kanilang mga aliping babae.
a. Wayang Orang at Wayang Purwa b. Wayang Purway at Orag
c. Ati-atihan Festival d. Alamat ni Daragang Magayon
31. Saan ipinagdiriwang ang sikat na Ati-atihan Festival?
a. Naga Aklan b. Aklanon c. Kalibo Aklan d. Kalibo Aklanon
32. Papaano ipinapakita ng mga taga bisaya ang pagmamahal sa kanilang kultura?
a. Nagigising sila nang maaga at naliligo sa ilog habang umaawit
b. Maaga silang nagrorosaryo at naghahanda para sa sayaw at parada
c. Maaga silang nagigising upang maghanda ng maraming pagkain para sa mga bisita
d. Nahihiya silang ipagmalaki kanilang kultura
33. Alin sa uri ng Pangulong tudling o Editoryal na binibigyang halaga ang isang taong may kahanga-hangang
nagawa o taong may malaking kontribusyon sa lipunan?
a. Pasalaysay b. Paglalarawan c. Pangangatwiran d. Espesyal na okasyon
34. Ito naman ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng
katangiang nakahihigit sa karaniwang tao.
a. Epiko b. Maikling Kwento c. Dula d. Bayani
35. Ano ang pinakasikat na dula sa kabisayaan?
a. Wayang Orang at Wayang Purwa b. Wayang Urang at Wayang porwa
c. Wayang Porang at Wayang Urwa c. Wayang Purang at Wayang Porwa
36. Halimbawa ng epiko na tungkol sa kasaysayan ng sampung magigiting, matatapang at mararangal na datu.
a. Hiligaynon b. Hinilawod c. Magayon d. Maragtas
37. Ito ay kwentong tumutukoy sa isang batang papel na humiling na maging totoong bata?
a. Mabangis na Lungsod b. Alamat ng Waling-waling
c. Si Nemo ang batang Papelsa d. Alamat ng Daragang Magayon
38. Bakit hiniling na lamang ulit ni Nemo na bumalik sa pagiging papel matapos matupad ang kanyang hiling na
maging totoong bata?
a. Napagtanto niyang mahirap maging totoong bata lalo nang naranasan niya ang hirap
b. Namimis na niya ang kanyang mga kalaro na papel
c. Gusto niya munang magpahinga kasi napagod siya sa kakalaro
d. Nababahuan siya sa mga kalarong bata
39. Ito ang tawag sa bangka sa Epikong “Maragtas”
a. biday o barangay b. Bingka o barangay c. Biniday o barangay d. Wala sa pagpipilian
40. Sa epikong “Maragtas”, ilan sa mga datu ang may asawa na?
a. 7 b. 6 c. 4 d. 5
41. “Huwag mo nang dagdagan ang basura dito!” ang pahayag na ito ay galing sa kaninong karakter sa maikling
kwentong “Si Nemo ang Batang Papel”?
a. Sa mga kapwa bata ni Nemo b. Kay Pisara c. Kay dagat d. Kay mesa
42. Tungkol saan ang Wayang Orang at Wayang Purwa?
a. Ito ay tungkol sa magkapatid na matagal na panahong hindi nagkita
b. Ito ay tungkol sa dalawang katulong na pinalayas ng kanilang amo
c. Ito ay tungkol sa pang-aalipin ng Sultan sa kanyang mga aliping babae
d. Ito ay tungkol sa dalawang taong nagmamahalan
43. Ang sumusunod ay halimbawa ng mga dulang umiiral pa rin sa kasalukuyang panahon maliban sa isa, saan dito?
a. Salubong b. Senakulo c. Tibag d. Panunuluyan
44. Ang mga salitang “totoo, tunay, talaga, pero/subalit” ay halimbawa ng anong uri ng bahagi ng pananalita?
a. Pang-ugnay b. Pangngalan c. Pandiwa d. Panghalip
45. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang ginamitan ng salitang naghahambing?
a. Si Jeremy ang nagmamay-ari sa bagong Bike na iyan.
b. Binigay ni Florilyn kay Chastine ang naiwan niyang pitaka.
c. Higit na matangkad si Crislyn kesa kay Joana Marie.
d. Tumaba si Miko dahil sa kakakain ng Pansit Canton na binibili sa Back Gate.
46. Ano sa sumusunod ang hindi ginagamit na salita sa paghahambing?
a. Mas b. Higit c. Halos d. Siya
47. Bakit pinamagatang “Mabangis na Lungsod” ang kwento ni Adong sa Quiapo?
a. Ang kwento ay tungkol sa malupit na karanasan ni Adong sa lugar na iyon bilang isang pulubi.
b. Ang kwento ay tungkol sa malulupit na hayop na nakatira sa lugar na iyon.
c. Ito ay dahil sa May kapangyarihan ang lungsod kung kaya’t naging mabangis ito
d. Ito ay dahil sa mga magulang ni Adong na walang awang nagmamalupit sa kanya
48. Ano ang inilalarawan ni Adong sa kwentong “Mabangis na Lungsod” ni Efren R. Abueg?
a. Siya ay naglalarawan sa mga hayop na walang awang pinapatay upang may makain
b. Siya ay naglalarawan sa mga batang pulubi na ginagamit ng mga sindikato upang kumita ng pera.
c. Siya ay naglalarawan sa mga mapang-abusong tao na walang magawa sa buhay
d. Siya ay naglalarawan sa mga pilipinong gahaman sa pera
49. Papaano inilarawan ang karamihan sa mga tao sa lugar ni Adong lalo na ang mga dumadaan sa simbahan?
a. Maalalahanin b. Mapagbigay c. Mapanghusga d. Matulungin
50. Sino ang tinutukoy sa kwento na mapang-abuso, mapanakit at walang awang nang-aakin ng hindi naman kanya?
a. Bruno b. Baranugon c. Aling Ebeng d. Mga tao

You might also like