You are on page 1of 2

Bayer, Jean Kezia M.

BTLED-HE 1A

Ang A-Z Dyornal Ko Ngayong Pandemya

A-Alerto, simula pandemya ay naging alerto na ako mas nabigyan ko nang oras ang aking
sarili.
B-Batayan, dahil sa online class madami akong mga batayan na ginagamit upang maging
mas maging malawak ang aking natutunan.
C-Creative, dahil marami akong nadiskubre na mga talento ko at mga habits na akala ko
noon ay hindi ko magagawa pero kaya ko palang gawin.
D-Detalye, sa online class madaming mga guro ang nagbibigay ng iba't ibang detalye sa
amin, kung ano ang mga dapat gawin at kung ano rin ang mga hindi dapat gawin.
E-Edukasyon, kahit may pandemya mahalaga talaga na ipagpatuloy ang klasi kahit online
class para patuloy na may matutunan ang mga estudyante.
F-Friendly, naging mas friendly ako ngayong online class at natutunan kung mag approach
sa aking mga kaklase kapag may mga tanong ako. Madami din akong mga naging kaibigan
dahil sa online class.
G-Gastos, dahil wala kaming wifi nanghihingi lamang ako ng pera sa aking mga magulang
para may internet ako at para din makagawa ako sa mga gawaing online.
H-Helpful, nakatutulong ang online class para iwas tayo sa covid at nakatutulong din ito sa
akin para maging independent ako.
I-Independyente, naging independent ako simula nagkaroon ng online class. Ako na
mismo ang gagawa ng paraan upang may matutunan ako at hindi na ako nakadepende sa
iba.
J-Jolly, ako ay masayahing tao at madali lang akong pasayahin. Minsan may mga klase
talagang nakakaaliw para hindi makatulog yung mga estudyante.
K-Kagipitan, simula noong nagkaroon ng pandemya mas lalong humihirap ang aming
paghahanap-buhay, pero kahit ganon paman gumagawa parin ng diskarte ang aking mga
magulang para ipagpatuloy ang aking pag-aaral kahit online class.
L-Listahan, mahalaga sa akin na mayroong listahan sa mga gawain para madali kong
maorganisa kung ano ang mga dapat gawin.
M-Mahiyain, ako ay napakamahiyaing tao at natatakot din akong magsalita sa harap ng
maraming tao. Pero nang dahil sa online class unti unting na boost ang aking confidence.
N-Nag-aabang, ngayong online class palagi akong nakaabang sa aking cellphone kung
may mga panibago bang gawain at para magawa ko na din agad.
O-Obedient, kung may mga gawain man, ako ay nagpapasa bago paman ang deadline at
sinusunod ko din kung ako ang mga tagubilin ng guro.
P-Positibo, ako ay positibong mag isip kahit ano man ang mangyari, kasi kapag negatibo
kang mag isip maaring negatibo din ang resulta. Kaya dapat maging positibo lang tayo.
Q-Quiet, hindi ako yung taong palaging nagsasalita sa klase, nagsasalita lamang ako kapag
tinatawag yung pangalan ko o kaya kapag may gusto lamang akong sabihin.
R-Responsibilidad, sa online class may mga responsibilidad tayong ginagampanan
halimbawa ay ang pagpasa ng mga gawain bago deadline, pagiging magalang sa guro at
iba pa.
S-Sincere, ako yung taong nagpapakita ng magandang ugali sa mga guro dahil lahat
naman tayo ay nahihirapan sa online class at kailangan lang nating intindihin ang isa't isa.
T-Talento, ngayong pandemya may mga talento akong nadiskubre, talento sa pagguhit at
pagsasayaw. May mga ina-aral din ako bukod sa academic class.
U-Ugali, dapat alam natin kung tama ba ang pinapakita nating ugali. Para sa akin bago ako
may gawin ay pinag-iisipan ko muna kung tama ba o mali at kung ano kaya ang maidudulot
nito.
V-Valiant, kung may gusto akong makamit ay matapang kung hahamonin ang ano mang
mga hamon, kahit na nahihirapan na ako sa online class ay patuloy parin akong lumalaban.
W-Wisdom, dahil sa online madami akong natutunan lalong lalo na sa aking sarili.
Nakatamo ako ng karunungan sa pamamagitan ng karanasan at pag-aaral at pagsunod sa
mga payo ng Diyos.
X-Xany, minsan sa klasi malakas talaga energy ko at masasabi kong energetic ako lalo na
kapag hindi boring yung klasi.
Y-Youthful, masasabi ko na bata pa talaga ako at naiisip ko din minsan na kailangan ko
munang magpakasaya habang bata pa ako. Okay lang naman magpakasaya pero isipin mo
muna ang iyong limitasyon.
Z-Zappy, ako ay isang palabirong tao nagbibiro din ako sa klase minsan pero pinaiisipan ko
muna yung biro ko kung ito ba ay nakakasakit ng damdamin sa ibang tao.

You might also like