You are on page 1of 2

1.Pwede ko po bang malaman kung saan at kalian po kayo ipinanganak?

Sagot:Ipinanganak po ako sa bayan ng Alicia Zamboanga Sibugay noong Ika-13 ng Disyembre,1977

2.Ilang taon nap o ba kayo?

Sagot: Sa ngayon ,salamat sa ating Poong maykapal na umaabot na ako sa edad na 45

3.Anong karangalan po ang inyong natanggap?

Sagot:Noong nasa high School pa ako,sa aming seksyon ay kumukuha ng top ten ang aming guro,at
sabihin kong napakaswerte ko dahil napanatili ko ang ikaapat na bilang hanggang sa akoy
nakatapos.Noong sa kolehiyo na para sa akin ,ang karangalan na aking natanggap sa aking sarili ay
natapos ko ang aking pag-aaral sa kolehiyo sa tulong ng aking mga magulang at siyempre sa pagtitiyaga
ko sa aking pag-aaral na kahit napakalayo ng MSU-Marawi nakayanan ko lahat.

4.Ilang taon na po kayong nagtuturo sa paaralang ito?

Sagot:Ang unang assignment ko noon ay sa paaralan ng MONCHING NATIONAL HIGH


SCHOOL,MONCHING,SIAY,ZAMBOANGA SIBUGAY.Ako’y nagtuturo doon ng siyam(9) na taon.At ako’y
lumipat sa paaralang Malangas National High School dahil mas malapit sa bahay namin dito sa Diplahan.
Sa kasalukuyang paaralan na aking tinuturuan ay nasa limang taon(5) na rin.

5.Anong taon ka po nakapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo at saan poi to?

Sagot: Nakatapos po ako sa aking pag-aaral sa kolehiyo noong taong April 4, 2001.Pagkapasa ko sa board
Exam hindi agad ako nakakuha ng item sa Deped dahil wala pa itong bakante.habang naghihintay ako ng
item nakapagturo naman ako bilang local paid sa Kapitol ng Sibugay.Maraming paaralan po aking
napasukan.Kahit local paid lang ako masaya pa rin ako dahil dagdag karanasan koi yon sa aking
pagtuturo.Hanggang sa nabigyan ako ng item noong October 13,2008.Malaki ang aking pasasalamat sa
Diyos at mayroon na akong permanenteng trabaho.

Natapos ko po ang aking pag-aaral sa Mindanao State University-Marawi City.

6.Ano po bang iyong kursong natapos?

Sagot:Noong una,ang kursong gusto ko talaga ay Midwifery.Dahil sa kulang sa pinansyal di natuloy


ito dahil ayaw ng aking mga magulang.Sila ang pumili sa aming kurso at dahil anak lang tayo at sila ang
mag-papaaral sinunod ko ang kanilang kagustuhan na kunin ang kursong pagtuturo.Pagkatapos ko sa
high School,nagtake agad ako ng entrance test sa MSU-BUUG at base sa naging resulta ng aking test.Ako
ay nakapasok sa AB-Filipino Department sa BUUG-MSU ng isang semester lamang .Dahil ayaw ng aking
mga magulang ng AB ako’y lumipat sa MSU-Marawi upang mag-enroll sa BSED-Filipino.

7.Ano po bang grado ang iyong tinuturuan niyo ngayon?

Sagot:Noong bagong lipat ako sa Malangas National High School..Nagtuturo ako ng Filipino 10 at
Filipino 8 mayroon akong anim na loads at dalawang preparasyon sa aking banghay aralin at mga biswal
eyds.Medyo nahihirapan ako noon.Mabuti na lamang at nabago na ngayong School Year na ito.Ang
tinuturuan ko ngayon ay puro Filipino 8 na lamang at medyo magaan na para sa akin at nakapokus ka na
lang sa Baitang 8.
8.May ibang sabdyek po bang kayong tinuturuan?

Sagot:Wala na po.Puro Filipino 8 lahat.

9.Saan po ba kayo nakapagtapos ng pag-aaral ng Elementarya at high School?

Sagot:Dahil nakatira kami sa Alicia zamboanga Sibugay doon na rin naming natapos ang elementarya at
sekondarya naming.

10.Meron po ba kayong trabahong napasukan bago kayo nagtuturo dito.Meron ano poi to?

Sagot.Oo,sa sinabi ko kanina na nagtuturo ako mahigit apat na taon sa pagtuturo bilang Lokal
Paid.Pero bago yan nakapagtrabaho din ako sa Munisipyo ng Payao,Zamboanga Sibugay bilang assistant
ng Head ng Radio Communication Office. At na assigned rin ako sa Payao,District Hospital sa opisina ng
mga nurses doon.Ako po ay taga ayos ng mga files nila s opisina.Ang aking sahod noon ay umabot
lamang ng 3500 kada buwan.Masaya na rin ako at least may pera at trabaho ako noon.Sa ngayon
salamat sa Diyos,at mayroon na talaga akong permanenteng trabaho.

11.Ano po bang achievements ninyo po at ano po ito?

Sagot:Para sa akin ang aking pinakamalaking achievements sa buhay ay noong nakakuha na ako ng
permanenteng trabaho.Dahil para sa akin,mahirap kong walang magandang trabaho.Una ,kailangan
natin ng pinansyal sa lahat ng bagay.Dahil sa aking trabaho sa ngayon,mayroon na akong nabili na mga
lupain,palayan at nakapagpatayo na ako ng aming pinapangarap na bahay kasama ang aking pamilya.

Tungkol naman sa aking pagtuturo,pinakamalaking tagumpay ko na rin na nagtuturo ako ng mabuti


sa mga mag-aaral na puno ng may pagmamahal.Naituturo ko sa kanila ang magandang asal at
nabibigyan ng mga pag-aalala sa mga magagandang

You might also like