You are on page 1of 2

ANG AKING SARILING TALAMBUHAY

Ako si Jon Nathan Ladimo, labing-anim na taong


gulang. Ako ay ipinanganak noong ika-4 ng Enero ng 2008 sa
bayan ng Villasis. Ang tatay ko ay si Jonathan Ladimo at ang
nanay ko naman ay si Marilou Divina. Kami ay may
negosyong Funeral Home noon na pinatakbo ng lolo at papa
ko. Ako ay lumaki rito sa Villasis kasama ang aking papa,
lolo at lola, at mga pinsan ko. Si mama ko naman ay OFW na
umuuwi rito sa Pilipinas paminsan-minsan.
Ladimo, Jon Nathan
D.
Ako ay nagsimulang mag-aral sa Methodist church noong ako ay apat na
taong gulang pa lamang. Dito ko nakilala ang isa sa mga pinakamatalik kong
kaibigan ngayon, si Lester. Nang ako ay anim na taong gulang na, lumipat ako sa
King’s Kid Christian School Inc. upang ipagpatuloy ang pag-aaral ko sa unang
baitang. Sa tatlong taon kong pag-aaral dito, marami akong naging kaibigan na
hanggang ngayon ay nakakausap at nakaka-bonding ko parin tulad nila Chelsea at
Raggy. Mula Nursery hanggang ikatlong baitang, ako ay nag-aral sa mga
relihiyosong paaralan. Dito ko na rin napagtagpo na mayroon akong hilig sa
asignaturang matematika at dito rin ako nagsimulang sumali sa mga math contests.
Sa tulong ni Ma’am Raiza, na parehong adviser at coach ko noon, ako ay
napamahal sa matematika. Pagdating ko sa ikaapat na baitang, ako ay lumipat sa
Villasis I Central School Sped Center. Panibagong school kaya sa unang araw,
nahihiya pa ako. Pero habang tumagal, nag-enjoy ako sa paaralang ito kahit ito ay
“public school lamang”. Syempre may mga nakilala ulit akong mga bagong
kaibigan tulad nina Nathan at Brix. At dito lang ulit kami naging magkaklase ni
Lester. Sa ikaanim na baitang lang ulit akong nakipag-contest sa math, kasama sina
Valerie at Pauleen. Kada-uwian, mag-rereview kami nang isang oras kasama si
Ma’am Juliefer na coach namin. Ako ay lubos na nagpapasalamat ka Ma’am
Juliefer sapagkat siya ang dahilan kung bakit nakiki-contest pa rin ako hanggang
ngayon.

Palapit na ang aming graduation nang bigla silang mag-announce na walang


pasok ng isang linggo… dalawang linggo… hanggang hindi natuloy ang aming
graduation. Pagdating ng high school, sa Don Ramon E. Costales Memorial
National High School ako nag-enroll. Buong araw, pagbabad sa laptop ang
inaatupag ko dahil modular ang mode of learning noon. Laro ng Valorant dito…
nood ng anime doon… puro laro ang ginawa imbes na magsagot ng modules.
Pagdating sa ikawalong baitang, ganun pa rin ang ginagawa ko. Ito yung panahon
na nag-tatransition pa lang ang mundo pabalik sa dati. Hindi pa rin full face-to-face
ang klase kaya wala akong ganang mag-aral.

Kalagitnaan sa ikasiyam na baitang, bumalik na ang lahat sa normal.


Nakalalabas na ulit ako ng bahay at nakakapagbisekleta kasama ang aking mga
kaibigan. Nakapupunta pa kami sa mga malalayong lugar. Bumalik na ulit ako sa
pagsali sa mga math contests pagkalipas ng tatlong taong hindi nakaka-compete.
At sa wakas, nakapag-moving up ceremony na ulit nang face-to-face sa closed-
gym ng Villasis. Ngayon, nasa ikasampung baitang na ako, andami kong naging
ka-close na mga kaklase ko na hindi ko gaano nakakasama noon. Sobrang saya ng
school year na ito. Nakapunta sa Davao dahil sa competition, very proud of myself.
Konti na lang at magiging Completer na ako. I also recently did an admission test
for the Saint Louis University Senior High School so good luck to me on that, the
school said we’ll get the results on the 3rd week of May. HOPING na makapasa
ako, iiyak kapag hindi. So yeah, that has been my life so far. I’m grateful to
everyone who has been a part of my life. I still have so much I want to do in my
life so I’ll keep making memories with the people I love.

“Do what you love, love what you do.”

You might also like