You are on page 1of 3

ANG AKING TALAMBUHAY

Marami ang nagsasabi na ang pinakamasayang araw na nangyari sa ating buhay ay ang ipinanganak tayo, kaya dapat ating pahalagahan
at pagyamanin ang buhay na ipinagkaloob sa atin ng Maykapal. Ang pagpapahalaga sa ating karanasan ay isang batayan kung paano natin
nabibigyang halaga ang mga nangyari sa ating buhay.

Noong Septyembre 18, 2004, eksaktong 6:20 ng umaga, aking nasilayan at naramdaman ang kagandahan at kahiwagahan ng ating
mundo. Ang aking ina na si Husle S. Agne ay nagsilang ng kanyang panganay na anak sa hospital ng Victoria, Tarlac. Hindi mawari ang saya
ng aking ina noong araw na iyon. Ngunit natatandaan ko pa ang naikwento sa akin ng aking ina na wala raw ang aking ama sa kanyang tabi
noong ako’y kanyang isilang. Narito daw siya sa Nueva Vizcaya upang maghanap-buhay. Nalaman naman agad ng aking ama na si Juanito S.
Agne Jr. na nanganak na ang aking ina kaya’t bumyahe agad siya papuntang Tarlac. Sobrang saya raw ng aking ama noong ako’y kanyang
masilayan. Siya pa nga raw ang nag-isip at nagbigay ng aking pangalan. Sa katunayan nga ay hindi Liezl Jane ang una kong naging pangalan
kundi Wil Jane, ngunit pinapalitan ito ng aking mga magulang at ginawa nalang na Liezl Jane. Doon sa Tarlac nanganak ang aking ina
sapagkat naroon ang aking lola upang mag alaga sa kanya kapag siya ay nanganak na. ngunit makalipas lamang ng anim na buwan mula
noong ako’y isinilang ay iniuwi na kami ng aking ama dito sa Aritao upang dito na kami manirahan.

Noong ako’y apat na taong gulang, ay nagkaroon na rin ako ng lalaking kapatid, siya si Tweljohn S. Agne. Ipinanganak naman siyang
malusog ngunit habang siya’y lumalaki ay nagiging sakitin siya. Palagi sa hospital ang aking mga magulang noong maliit pa lamang ang
aking kapatid dahil palagi siyang nagkakasakit. Dala ng palagi akong naiiwan sa aking lola noong ako ay bata pa dahil palagi ang mga
magulang ko sa hospital upang bantayan ang aking kapatid, natuto akong maging isang independent. Kwento sa akin ng aking mga magulang
ay kaya ko na raw asikasuhin ang aking sarili sa edad lamang na apat. Hindi ko na raw kailangan pang magpatulong sa iba upang maligo at
kumain dahil kaya ko na raw ang sarili ko noon. Hindi ako nagtanim ng galit sa aking mga magulang noong mga panahong iyon dahil
naiintindihan ko ang aming naging sitwasyon. Bagkos, ay mas nagpokus ako sa aking sarili upang matuto pa ng iba pang gawaing bahay.
Hindi rin daw ako katulad ng ibang mga bata noon na naiinip kapag wala silang kalaro dahil mas kaya ko at mas gusto ko raw ang maglaro
nang mag-isa.

Nagsimula akong pumasok sa paaralan ng Calitlitan Day Care Center nong ako’y limang taong gulang. Sakitin parin ang aking kapati
noon kaya’t kung minsan ay ang mga tito o tita ko na lamang ang naghahatid at nagbabantay sa akin sa paaralan dahil ang aking mga
magulang ay nasa hospital na naman. Ngunit kahit ganoon ang aking naging sitwasyon, hindi ko hinayaan na mapabayaan ko ang aking pag-
aaral. Bagkus ay ginalingan ko pa ang mag-aral kaya naman madali akong natututo sa aming mga nagiging aralin. Sa Papa ko ako natutong
magsulat ng aking pangalan. Strikto siya pagdating sa aking pag-aaral kaya naman mas lalo ko pang ginagalingan sa aming paaralan dahil
takot na takot ako noon na mapagalitan.

Noong ako’y anim na taon, nagsimula ako sa aking elementarya sa Calitlitan E.S. Nasa unang baiting pa lamang ako ay magaling at
marunong na akong magsulat at magbasa. Ako ang isinasali ng aking mga guro sa lahat ng contest ‘tulad ng mga quiz bee, essay writing
contest, spelling contest, at mga reading contest. ‘Mula una hanggang ika-anim na baiting ay ako ang isinasali sa lahat ng mga patimpalak.
Pati sa mga extra-curricular activities ay wala din akong pinalalampas. Ako rin ang palaging presidente sa aming klase at nagiging officer din
ako ng iba’t-ibang club at student council. Nagtapos ako ng elementarya na mayroong karangalan na “With High Honors”. Alam kong proud
ang aking mga magulang ngunit ang hindi nila alam na kahit pagod na pagod na ako sa pag-aaral ay ginagawa ko parin ang lahat ng aking
makakaya. Dahil natatakot ako na baka ma-dissapoint ko sila. Ayos lang naman para sa akin iyon dahil nag eenjoy naman ako sa mga
ginagawa ko at hindi naman sila nagkulang sa paalala na nasa tabi ko lang sila palagi.

Dumating ang araw na pinakahinihintay ko, ang “high school life”. Marami kasi ang nakapag-sabi sa akin na ang buhay sa sekondarya ang
pinakamasaya sa lahat. Which is totoo naman. Dito sa Aritao National High School ako nag-aral. Maraming pagsubok ang iyong haharapin
ngunit masaya. Dito ko naranasan ang totoong buhay bilang isang mag aaral. Madami akong mga naging kaibigan ngunit ang mga kaibigan
ko parin ngayon ay ang mga kaibigan ko noong elementarya pa lang dahil naging kaklase ko din sila. Dito ko rin naranasan ang unang
pagkakataon na ako ay nagmahal at nasaktan. Ngunit sa kabila ng aking pag-eenjoy bilang isang High School Student, ay hindi ko parin
pinapabayaan ang aking pag-aaral. Sa kasalukuyan ay nasa ika-labing isang baiting ako bilang isang ABM student. Mahirap ngunit kakayanin
para sa pangarap, at upang maiahon ko ang aking pamilya mula sa hirap.
Sa ngayon, ay masaya na ako sa aking buhay at kontento na sa kung ano mang meron ako ngayon, dahil hindi naman nagkulang ang aking
mga magulang sa pag-aalaga at pag-aaruga sa aming magkapatid. Nagpapasalamat nga ako sa Diyos na sila ang aking naging mga magulang.
Handa akong gawin ang lahat ng mga bagay na makakapag-pasaya sa kanila. At patuloy akong magsisikap sa abot ng aking makakaya
hanggang matupad ko na ang aking mga pinapangarap sa buhay.

You might also like