Naalala ko pa ang sinabi ng aking mahal na ina, ilang oras ang nakalipas
nang ako ay lumabas sa sinapupunan, naisip niya ang pangalang "alexis"
at napangiti ako, iyon din ang unang pagkakataon na nakita nila ang aking ngiti. kaya pinangalanan nila akong " Alexis Aguja". Hindi ito kumbinasyon ng pangalan ng tatay ko at ng nanay ko, dahil ang tatay ko ay Alejandro Aguja at ang nanay ko ay Maria fe Aguja. Masasabing malaki ang pamilya namin pero masaya, sabi ng iba, mas masaya kapag mas marami.
Nagsimula akong pumasok sa paaralan bilang kinder I noong ako'y apat
na taong gulang. Natatandaan ko, kung minsan sa silid-aralan ay nag aaway kami ng aking kaklase kinurot niya ako na naging dahilan ng aking pag-iyak ng malakas kahit na palagi kaming nag-aaway ay mahal pa rin namin ang isa't-isa bilang magkaibagan.
Noong ako'y anim na taon, nagsimula ako sa aking elementarya Sa aking
unang grado ay palagi akong umiiyak kapag inaaway ako ng aking mga kaklase na lalaki. Naranasan ko rin na mapalo ng titser dahil sa paglalaro ng goma. Galit na galit ako noon sa aking titser. Sa gradong ito ay nagsimula rin akong magtanong tungkol sa crush, kung ano ba talaga ito. Masasabi ko rin na sa aking elementarya ay marami akong naging kaibigan.
Dumating din sa punto na nakilala ko ang aking kauna- unahang "crush",
kapag siya'y lumalapit sa akin ay nahihiya ako at parang nawawalan ng lakas na harapin siya. Ang aking natitirang taon sa Hinugayan ako Elementary School ay naging masaya dahil mas lalo kong nakilala ang aking mga kaibigan at mas lalo kaming napalapit sa isa't isa. Dumating ang araw ng aming pagtatapos kailangan na naming magpaalam sa isa't isa dahil kami ay magkakalayo-layo na..Nooong araw na iyon ay hindi ko mapigilang umiyak dahil talagang ma mimiss ko sila, pero ganito talaga ang buhay may oras na kailangan mong humiwalay sa mga kaibigan para sa iyong pangarap. Dumating ang araw na pinakahihintay ko ang "highschool life" marami kasi ang nakapagsabi sa akin na ang buhay sa sekondarya ang pinakamasaya sa lahat. Kaya naman halo-halong emosyon ang aking nadama. Noong araw ng pasukan ay hindi ko alam ang aking gagawin dahil sa medyo may kalakihan ang aming paaralan. Hindi ko alam kung saang "building" ko hahanapin ang aking pangalan at seksyon pero mga ilang sandali ay nakita ko rin ito. Nang makapasok na ako sa aming silid ay nakaagaw pansin sa akin ang isang lalaki at naramdaman ko ang bilis ng tibok ng aking puso, ito na siguro ang tinatawag nilang "love at first sight". Marami ang nagbago sa akin noong panahong iyon dahil dito ko unang natagpuan ang aking unang pag-ibig na naging dahilan na natuto akong mag sinungaling sa aking mga magulang. Sa aking natitirang taon sa sekondarya ay masasabi kong naging masaya at talagang marami akong hindi malilimutang karanasan.
Dumating ang araw ng aming pagtatapos nakaramdam ako ng lungkot at
saya sa araw na iyon. Maalungkot dahil mahihiwalay na naman kami ng aming mga kaibigan sa isa't isa, Masaya dahil magkakaroon na naman ng bagong kaibigan at panibagong buhay na naman ang aming tatahakin. Haly! talagang nakaka miss ang "highschool life" ang sarap balik-balikan. Totoo pala talaga na masaya ang hayskul dahil dito nagsisimula ang lahat.
Sa ngayon bilang isang senior high school na studyante, masaya ako at
patuloy akong magsisikap sa abot ng aking makakaya hanggang sa matupad ko ang aking mga pangarap sa buhay.
Ako ay isang mag-aaral at anak na may mataas na layunin sa buhay. Ang
aking pangalan ay [Iyong Pangalan], at ako ay ipinanganak noong [Iyong Petsa ng Kapanganakan] sa [Iyong Lugar ng Kapanganakan]. Ako ay lumaki sa isang simpleng pamilya na nagmumula sa [Iyong Lugar ng Pamilya] at ako ay panganay sa aming mga magkakapatid. Ang aming mga magulang ay sina [Pangalan ng Ina] at [Pangalan ng Ama], sila'y masisipag at masinop sa aming kinabukasan.
Bilang isang mag-aaral, ako ay kasalukuyang kumukuha ng [Kursong
Kinukuha] sa [Pamantasan o Eskwelahan kung Saan Ako Nag-aaral]. Ipinagpapatuloy ko ang aking edukasyon upang magkaruon ng mas malalim na kaalaman sa aking larangan at maging handa para sa mga hamon ng hinaharap. Sa aking buhay bilang anak, aking kinikilala ang halaga ng pamilya at nagbibigay-pugay sa aking mga magulang sa kanilang mga sakripisyo para sa amin. Ginagampanan ko rin ang aking mga responsibilidad sa tahanan, tulad ng pag-aalaga sa mga kapatid ko at pagtulong sa gawaing bahay. Ang mga halimbawang ito ay nagbibigay inspirasyon sa akin upang magpatuloy na maging mabuting mag-aaral at anak, at naghahangad ako na maging instrumento ng pagbabago at tagumpay para sa aming pamilya at sa lipunan.