You are on page 1of 3

ANG AKING TALAMBUHAY

BIYAYA NG MAYKAPAL

Ako si Erika Joyce Fabian Alfaro. Ipinanganak noong Nobyembre ng Ika dalawampu’t-
apat sa taong dalawang libo sa syudad ng San Fernando, Pampanga. Ako ang pinakabata sa
aming dalawang magkapatid. Ang aking mga magulang ay sina Elmer Supan Alfaro at Jonaliza
David Fabian. Lumaki ako sa bayan ng aking itay, sa San Pedro Cutud Syudad ng San Fernando.
Ang trabaho ng aking tatay noon ay pamamasada ng wheeler sa kanto. At ang aking nanay
naman ay ginagabayan kami sa araw-araw.
Nag-aral ako ng Kinder sa aming bayan. At nakapag-aral naman ako ng grade 1
hanggang grade 3 sa San Fernando Elementary School. Kinalaunan, kaylangan na naming
lumipat ng bahay kung saan lumaki ang aking nanay. Sa Lourdes, Minalin, Pampanga. Kaya
naman sa Lourdes, Elementary School ko na ipinagpatuloy ang aking pag-aaral hanggang sa
makapag tapos ako ng grade 6.
Nang tumungtong na ako ng secondarya, Ipinag-aral ako ng aking nanay sa San Matias
National High School. Dito sa paaralang ito ako nakapag tapos hanggang grade 12. Kaya naman
sa anim na taon kong pag-aaral sa bayang ito, napamahal na ako sa lugar. Dahil dito ko nahubog
ang aking pag-dadalaga. Dahil sa may kalayuan ang paaralang ito, natuto akong sumakay ng jeep
at mag commute mag-isa. Dito kona rin naranasang magkaroon ng totoong mga kaibigan. At
syempre dito ko din nakilala ang aking first love, na hanggang ngayon kasama ko pa din sa
pagtupad ng aking mga pangarap.
Sa pag-uumpisa ng aking pangarap, nais kong maging CPA balang araw. Kaya naman
ipinag-aral ako ng aking magulang sa kilalang skwelahan sa bacolor. Sa Don Honorio Ventura
State University. Napaka- palad ko dahil naabutan ko ang libring tuition fee sa paaralang ito.
Kaya naman hindi ako nag dalawang isip na kunin ang accountancy na kurso. Ngunit sa
kasamaang palad, hindi ko naipasa ang qualifying exam ng kursong ito. Sa panahong iyon, hindi
ko alam kung ano ang gagawin ko, kaya naman pabalik- balik ako sa skwelahan upang
magtanong at maki- usap kung ano bang dapat gawin para mabigyan pa ako ng pag-kakataon na
makuha ang kursong gusto ko. Ngunit wala talaga. Kaya naman pinayuhan ako ng nakatataas sa
skwelahan na ipasa ang aking mga requirements sa ibang kurso nalang upang hindi masayang
ang taon ng aking pag-aaral. At kung nanaisin ko pa din na kunin ang accountancy na kurso mag
shift na lamang ako sa paglipas ng isang taon. Ginawa ko naman iyon. Ipinasa ko na ang aking
mga requirements sa kursong Ekonomics. Sa paglipas ng mga araw. Unti- unti ko na itong
tinatanggap dahil ipinag katiwala ko na sa Diyos ang lahat at sinabing “Lord, kung hindi po ito
para sa akin, kayo na po ang bahalang idala ako sa aking tamang landas.”
Makalipas ang ilang araw pagkatapos kong magdasal ng taimtim. Dalawang araw na lang
bago ang pasukan. Nakita ko ang post sa social media ng admin sa kursong accountancy. na
sinasabing, binibigyan ng pagkakataon muli ang mga gusting lumipat sa kursong ito. Kaya
naman pagka-basa ko sa anunsyong ito. Napasambit ako ng “Salamat Lord sa ibinigay niyong
sign.’’ Tsaka na ako nag dali-daling sabihin sa aking nanay. At ang saya sa aming mga mata ay
hindi mo mawari. Kinabukasan, ako ay nagpunta sa skwelahan upang ipasa ang aking mga
requirements. At sa awa ng panginoon, nakapasok ako sa kursong accountancy.
Ngayon, ako ay nasa ikalawang taon na sa kolehiyo. Sa kasamang palad, sa di-inaasahang
pagkakataon. Naranasan natin ang pandemya kaya naman sa pagpapanatili ng ating kaligtasan.
Hanggang hindi pa nababakunaan lahat ng tao, Walang face to face na kase ang magaganap.
Mahirap para sa ating lahat. Ngunit, napakabuti ng ating panginoon at binigyan niya pa din
tayong lahat na magpatuloy sa ating buhay. Lalung-lalu na ang aming pag-aaral at trabaho ng
lahat ng tao.
Kaya naman kahit mahirap ang sitwasyon dahil sa pandemya, kinakaya ko na matapos
ang kursong ibinigay sa aking ng panginoon. Dahil ito ay isang biyayang kailanmang
ipagpapasalamat ko…

You might also like