You are on page 1of 2

“Senior High Graduate”

Isang linggo na lamang at darating na ang araw ng aking pagtatapos. Darating


na din mula sa ibang bansa ang aking inay kaya excited na ako.

Ako nga pala si Anna, mayroong 18 taong gulang. Isa ako sa mga mag-aaral na
unang gagraduate sa K to 12 curriculum. Ang aking inay ay isang domestic helper sa
Hong Kong. 3 taon pa lamang ako ay nagtatrabaho na roon ang aking inay dahil
maagang nawala ang aking tatay, at kailangang matustusan ang pangangailangan
naming dalawang magkapatid.

“Delos Santos, Anna. With high honors”


Hindi ko makakalimutan ang pagkakataong ito na tawagin ang aking pangalan
sa entablado, at masabitan ako ng medalya ng aking inay. Nakatanggap ako ng mataas
na karangalan at alam ko na bunga ito ng aking pagsisikap sa pag-aaral. Pangarap ko
ang maging isang guro kaya ito ang kukuhanin kong kurso sa aking pag eenrol sa
kolehiyo.
Matapos ang isang linggo ay umalis na ulit patungong ibang bansa ang aking
inay upang muling makatapagtrabaho.

Makalipas ng ilang linggo ay nakapasa ako sa entrance exam sa pamantasan na


nais kong pasukan sa kolehiyo. Sobrang saya ko dahil hakbang na muli ito para
matupad ko ang aking mga pangarap para maging isang guro.

Ngunit isang araw bago ang aking enrollment ay kinausap ako ng aking inay.
“Pasensya na anak. Hindi na kita kayang pag-aralin ng kolehiyo. Tumigil ka
muna sa pag-aaral, saka na lang ulit kapag nakabawi na ako sa mga bayarin.”

Mistulang tumigil ang aking mundo. Hindi ko maisip na hihinto ako sa pag-
aaral. Sobrang sakit. Hindi na ako tumuloy sa pag-eenrol. Sobra din ang
panghihinayang ng aking mga kaibigan, pati na rin ng mga dati kong guro noong
mabalitaan nila ang pagtigil ko sa pag-aaral. Pakiramdam ko ay maraming tao ang
nabigo sa akin.

“Nakapagtapos ako ng senior high, kaya maghahanap ako ng trabaho. Madali


naman akong matatanggap”. Iyan ang laman ng isip ko dahil tinuturing na mataas na
pinag-aralan din naman daw ang pagtatapos ng K to 12.

Isang araw ay gumising ako nang maaga upang maghanap ng maa-apply-an na


trabaho. Kailangan ko ito para makapag-ipon ako kahit papaano para sa aking pag-
aaral.

Tumungo ako sa sa isang hotel upang mag-inquire at magpasa ng resume.


Malakas ang loob ko na matatanggap ako sa kahit anong posisyon dahil senior high
graduate ako at may karangalan. Ngunit pagkalabas ng isang babae ay sinabi niya sa
akin na wala daw silang maibibigay na trabaho sa akin dahil ang hinahanap nila para
sa bakanteng posisyon ay college graduate at may experience. Ito ang una kong
pagkabigo sa paghahanap ko ng trabaho.
Pumunta agad ako sa ibang lugar para doon maghanap ng trabaho. Pumasok
ako sa isang mall upang mag-apply bilang cashier ngunit hindi pa din ako natanggap
dahil college graduate ang kailangan nila.

Umupo muna ako sa isang tabi upang magpahinga.

“Bakit ganoon? Bakit ayaw nila akong tanggapin samantalang nakapagtapos


naman ako ng senior high? Akala ko ba ay kaya ipinatupad ang kurikulum na ito ay
para bigyan ng pagkakataong makapag trabaho ang mga kabataang hindi na kayang
tustusan ang pag-aaral nila sa kolehiyo?” Ilan iyan sa mga tumatakbo sa aking isip
habang nagpapahinga. Unti-unti na akong nawawalan ng pag-asa ngunit pinilit kong
tumayo para ipagpatuloy ang paghahanap ko ng trabaho.

Pumasok ako sa isang fast food restaurant at nagpasa ng aking resume. Siguro
naman ay matatanggap na ako dito dahil hindi naman siguro nila kailangan ng college
graduate. Habang naghihintay ako ay sinabihan ako ng isang staff na bumalik na
lamang ako at tatawagan nila ang aking number para sa interview.

Umuwi na ako para makapag pahinga. Naghanap na lamang ako ng trabaho


online dahil baka sakaling may mas makikita ako roon. Paulit-ulit akong nagpasa ng
resume, sa lahat ng makikita kong pwedeng pasukan, dahil baka sakaling matanggap
na ako.

Ilang linggo na ang lumipas ngunit wala pa ding tumatawag sa number ko.
Maya’t maya ang pagchecheck ko ng aking e-mail, ngunit wala pa ding tumatanggap
sa akin. Unti- unti na akong nawalan ng pag-asa sa aking mga pangarap. Sobra ang
pagkabigo ko sa aking sarili. Akala ko ay mayroon pa rin ang mararating, at
magkakarooon ako ng maayos na trabaho kahit na senior high grauate lamang ako
ngunit mali pala ito.

Ngunit hindi ako sumuko sa aking pangarap. Kailangan kong makapag-aral


para maiahon sa hirap ang aking pamilya.

Dalawang taon ang nakalipas at nakabalik ako sa pag-aaral. Nasa ikalawang


taon na ako ng aking pag-aaral sa kursong dati ko lamang pangarap. Mas binigyan ko
ng halaga ang aking pag-aaral dahil alam ko na isa ako sa mga kabataang pinagpala
na makapag aral ng kolehiyo sa kabila ng kahirapan. Mas nagkaroon ng linaw sa
aking isip ang kahalagahan ng pagtatapos ng pag-aaral upang magkaroon ng maayos
na hanap-buhay sa hinaharap.

You might also like