You are on page 1of 2

Nagngangalang Roldan Villena, ipinanganak ako noong ika-30 ng Marso, 2000 sa Calapan, Pilipinas.

Ako
ay lumaki sa isang mayamangpamilya na may apat kapatid. Sa aking kabataan, ipinakita ko na ang aking
hilig sa pag-aaral at pananaliksik.Natapos ako ng mataas na paaralan bilang normal na mag aaral ngunit
mukhang hindi naging masaya ang aking mga magulang sa resulta.

Matapos ang high school, nagpatuloy ako sa Senior Highschool ng dalawang taon pa at pinagpatuloy ko
ang kolehiyo upang kumuha ng kurso sa Information Technology sa Minscat. Sa loob lamang ng 1 taon at
kalahati sapagkat sa panahong yun, kapos ako sa mga kagamitang kailangan ko sa aking kurso at
pangsustento sa aking pag aaral kadahilanang hindi ako makasabay sa aking mga kaklase, pinilit kong
maging aktibo hanggang sa aking makakaya taong 2020 dumating ang pandemic dito sa Pilipinas at
umuwi ako sa aming probinsya sapagkat nagkaroon ng pagsabog ng sakit at nagdeklara ng quarantine
ang buong bansa.

Ngunit hindi ako sumuko sa pag -aaral ko sa Minscat upang matapos ko man lang ang isang sem dahil
akoy nagbabalak lumipat sa Clarendon College dahil ito ang mas malapit samin.Nang matapos na nga
klase naisipan kong mag enrol sa Clarendon College bilang isang Bachelor of Secondary Education major
in Filipino ngunit hindi ko natapos ang sem sapagkat nagkaroon kami ng pagtatalo ng tito ko sa hindi
magkakaintindihan at ako ay binantaang papatayin. Sa pangamba na din at pag aalala ko sa mga kasama
ko sa bahay hindi ko na itinuloy ang pag-aaral ko at lumuwas ako ng Laguna sa aking mga kamag anak
doon. Sinubukan kong mag apply sa Iba't ibang uri ng trabaho ngunit walang tumanggap sa akin dahil
hindi pasok sa standard nila ang hindi nakapagtapos ng pag-aaral

Sa kadesperado magkaroon ng trabaho ako ay namasukan nalang na trabahador sa aking Tiyahin. Sa


pakikisama at pagiging mabuti sa kapwa, nakuha ko loob ng aking tiyahin at akoy pinamahala niya ng
kanyang taniman, naging maganda ang aking kita at sobra sobra pa ang aking kinikita dahil na din sa iba
ko pang side line kaya naisipan ko na nang hindi nalang ako mag aaral ngunit may kirot sa dibdib kong
iniisip na "Hanggang dito nalang ba talaga ako" ngunit nababalewala ko yun sapagkat sa mga kinikita ko
natutulungan ko rin ang aking pamilya at ga kapatid sa pagtustos ng pangangailangan nila sa araw-araw
at sa kanilang pag-aaral kaya napapamahal na rin ako sa aking ginagawa kahit na mahirap at hindi ko na
inaalala ang aking pangarap.

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon. Napatay ang Aking Tiya sa isang diskwento kaya napahinto na
rin kami sa pagtatanim bumalik ako dito sa Mindoro una , Nasa Mindoro ang taong special sa buhay ko
at yan ang aking kasintahan at miski hindi ko natapos ang pag-aaral ko sa Clarendon ay nakatanggap pa
rin ako ng Unifast at isa pa ayaw kong maging pabigat sa aking mga magulang at ayaw ko na meron
silang masabi sakin sa madaling sabi umuwi ako dito sa Mindoro para ituloy ang naudlot ko pangarap.
Marami mang nangyaring masasalimuot sa buhay ko nagkahiwalay tinuroy ko pa din ang isa kong
pangarap, ang mag aral sa kasalukuyan ako at nag aaral sa Paaralan ng Clarendon College wala na
naman kami ng aking kasintahan ngunit hindi ito naging hadlang upang ako ay hindi ipagpatuloy ang
pangarap ko miski na hindi ko na siya kasama. Sa kasalukuyan nakikitira ako sa Tito ko ngayon at siya ang
magtataguyod ng aking pag aaral kapalit nito ang pagtatrabaho sa kanya at kasa kasama niya na din
sapagkat nag iisa nalang siya sa buhay.

Hindi pa natatapos dito ang kabanata ng aking buhay ngunit marami akong natutunan sa aking
paglalakbay sa mundong ito natutunan ko na wag nating asahang magiging pantay ang trato satin ng
mundo ngunit hindi ito ang dahilan upang maging hadlang sa ating pangarap, naging magulo man ang
buhay ko ngunit itutuloy ko ang pangarap ko hindi naman ganun ang plano sa inaasahan ko ngunit sabi
nga nila magbabago ang plano ngunit wag babaguhin ang pangarap.

Naging mabuti ang epekto sakin ng mga hindi magagandang nangyari sa buhay ko natuto akong mapag
isa at hindi umaasa sa iba, naging matatagal , naging malakas , natutong alagaan at pahalagahan kung
anong meron, at mas lalo pang naging mabuti sa kapwa at nauunawaan ang bawat sitwasyon . At lalong
lalo na sa kabila ng mga pighating naranasan ko mas lalo akong napalapit sa Diyos at hindi nag anlingan
na magtiwala sa kanya

Ako nga po pala si Roldan Villena patuloy na tumatakbo sa buhay wag tayo at hindi pupwedeng sumuko
sapagkat hindi mo man alam pero may mga taong lihim na inaalala at iniingatan tayo kaya mapapayo ko
lang ingatan ang sarili hindi man para sa iyong sarili kundi para sa iyong mahal sa buhay. Yun lamang po
at marami pang susunod.o

You might also like