Professional Documents
Culture Documents
INTRO
Kleng: With a healthy mindset, utang na loob becomes an act of generosity and gratitude. But with
fixed mindset, utang na loob is a debt we will forever pay.
: Ako si Kleng, 27 years old. Breadwinner ako at kakagraduate ko lang ng college. Nakailang hinto na
ako sa pag aaral dahil sa kapos kami sa pera at may apat akong nakababatang kapatid na sa akin
umaasa. Working student ako simula high school hanggang sa makapagtapos ako ng kolehiyo. Kung
nagtataka kayo kung nasaan ang mga magulang ko, namatay ang tatay ko apat na taon na ang
nakalipas. Ang nanay ko naman ay nasa bahay lamang. Nag aalaga ng mga kapatid kong nasa
elementary at highschool pa lamang. Minsan napapadalas ang pagsusugal nya at madalas na
umuwing lasing. Hindi sya nagsusumbong sa akin pero alam ko na lubog sya sa utang dahil sa mga
bisyo nya.
:Matapos ang ilang linggong pag pa-process ng aking mga papeles ay nakatakda na akong
makipagsapalaran bukas. Nakuha ako bilang nurse sa bansang Amerika. Masaya akong nag iimpake ng
mga gamit ko ngayon. Sa wakas… maiaahon ko na sa hirap ang pamilya namin..
Eksaktong pagsara ko ng aking maleta ay narinig kong bumukas ang pinto ng aming kwarto… pag
lingon ko ay nakita ko ang nanay kong lango sa kalasingan.
:Ayan nanaman ang ugali ng nanay ko na ipinapamukha sa akin na parang utang ko sa kanya yung
buong buhay ko. Minsan nga sinasabi nya sa akin na sa akin nakasalalay ang retirement nya dahil
bayad ko na yon sa mga pagsasakripisyong nagawa nya.
NEXT SCENE:
Malaki ang hospital na pinasukan ko bilang nars. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko
ngayon. Naghahalo-halo ang kaba at excitement. Sa totoo lang sinunod ko lamang ang gusto ng aking
nanay na maging nars dito dahil daw maganda ang sahod. Wala na din ang nagawa at kumuha ng
kursong nursing. Habang gina-guide ako ng aking mga kasamahan sa mga aking gagawin sa hospital at
kung saan ako ia-assign ay hindi ko maiwasang mamangha sa ganda at kung gaano ka high tech ng
kanilang hospital.
Na-assign ako sa geriatrics kung saan mga matatandang pasyente ang aking aalagaan. Sanay naman
na akong mag alaga ng matanda dahil ilang beses na rin akong mamasukan bilang caregiver sa mga
bahay bahay sa aming probinsya.
Lunch break na agad at naisipan kong tawagan muna ang aking ina para maipalam na nasa trabaho na
ako.
Tatlong taon na akong nagtatrabaho at kakapadala ko lang ng aking sahod sa aking inay.
Makakapagpadala na ulit ako kay inay para sa mga kapatid ko at sa pinaparenovate na bahay namin.
Sa wakas ay nakaramdam na ng kaginhawaan ang aking pamilya. Napagisipan kong tawagan ang aking
inay para ipaalam na naipadala ko na ang pera. Nasa canteen ako ngayon para makapag almusal na
kasama ang mga katrabaho kong naging kaibigan ko na din.
Pagka angat ko ng aking tingin ay nakita ko si Mactracy at si laurence na may hawak na tray na may
lamang mga pagkain. Sila ay parang naging bestfriend ko na dahil pareho kaming incharge sa geriatrics
section. Nagkukwentuhan kami habang kumakain at patuloy ko paring kinocontact ang nanay ko dahil
sa pag-aalala.
Napaisip ako sa sinabi ni Mac. Oo nga may kakayahan pa naman ang aking inay para makapag trabaho
pero ayaw na nya kasi maginhawa naman na dawang buhay nya dahil sa akin.