You are on page 1of 7

Pagsusuring basa sa “Ginawa ko ang Lahat”

Pagkilala sa may akda:


Si Aira Shane C. Marges ay ipananganak sa General Santos city, noong March 02,
2002. Anak nila Manuel Marges at Darcy Marges. Isa siyang Nursing student sa
paaralan na kilalang Notre Dame of Dadiangas University.

Uri ng Panitikan:
Ang Ginawa ko ang lahat ay isang maikling kwento, na kung saan ay ipinapakita ang
isang OFW na nagtatrabaho bilang isang nurse sa Ohio at niloko ng kanyang asawa at
di nagtagal ay naka asawa ng isang sundalong amerikano na taga Ohio rin.

Layunin ng Akda:
• Layunin ng kwentong ito na ipakita sa mga mambabasa na di lahat ng tao ay
mapagkakatiwalaan dahil kahit sila ay nangako sayo, kung magloloko sila ay
magloloko talaga sila. Na kahit ano pang paghihirap na gawin mo para sa kanila
ay hindi ito magiging sapat upang sila’y manatili.
• Layunin din ng kwentong ito na ipakita sa mga mambabasa na sa lahat ng hirap
at sakit na iyong dinadanas ay makakamtan mo parin ang saya sa kabila ng lahat
ng mga ito.

Tema O Paksa ng Akda:


“Di lahat ng tao ay mananatiling tapat sayo kahit pa sila’y nangako, pero may isang tao
na alam na alam sa sariling mamahalin at poprotektahan sa anumang oras.”

Mga tauhan sa Akda:


• Elizabeth- Pangunahing tauhan, isang OFW na nurse na nagtatrabaho sa Ohio
bilang isang nurse. Mapagmahal na ina at gagawin ang lahat mabigyan lang ng
magandang buhay ang kanyang pamilya.
• Khairro- dating asawa ni Elizabeth, isang pulis. Mahal na mahal ang kanyang
mga anak ngunit niloko niya ang kanyang asawa.
• Knight- Kuya ni Elizabeth na isang Engineer, mapagmahal na nakakatandang
kapatid at gagawin ang lahat upang hindi masaktan ang kanyang pinakakamahal
na nag iisang kapatid.
• NK- Panganay na anak ni Elizabeth, mapagmahal sa kanyang mga kapatid at
ina.
• Lauren- Bunsong anak ni Elizabeth
• Kamden- Sundalong Amerikano na nakatira sa Ohio, mahal na mahal si
Elizabeth kahit noon pang may asawa ito pero dahil nga ito ay may asawa na
sinubukan niya itong kalimutan ngunit nalaman niyang niloko ito ng asawa nito
kaya’t hinayaan niya ang sarili na lalong mapamahal kay Elizabeth. Isa siyang
mayamang sundalo.
• Mga magulang ni Khairro- Mayayamang negosyante, noong una ay di sila payag
sa relasyon ni Kamden at Elizabeth ngunit napansin nilang mahal na mahal ito ni
Kamden kaya’t pumayag na sila. Mahal na mahal rin nila ang anak ni Elizabeth.

Tagpuan:
Airport, Hospital, Apartment, Bahay ng kuya ni Elizabeth, Bahay nila Elizabeth,
Central Ohio

Nilalaman/Balangkas ng mga pangyayari:


Ang nangyayari ay nagpapahayag ng pananaw ng may akda.

Mga kaisipan/ideyang taglay ng akda:


Sinasalamin din ng akdang ito ang katotohanang kahit nangako pa ang taong
iyan kung manloloko ito ay magloloko at magloloko parin ito. Ang gusting
ipahatid ng manunulat ay kahit nasasaktan at nahihirapan ka may isang taong
gusting gusto kang pasiyahin.

Istilo ng pagsusulat:
Ang istilo ng pagsusulat ay kathang isip lamang at di binase sa pangyayari sa
buhay, sitwasyon o karanasan.

Buod:
Ako nga pala si Elizabeth Nite Velasquez, dating nurse sa Amerika at asawa ng isang
pulis na nag ngangalang Khairro Velasquez. May apat kaming mga anak, tatlong lalake
at ang bunso ay babae. Masaya ang aming pamilya noong una dahil maayos naman
ang aming pamumuhay, may negosyo ako at sapat naman ang kinikita ng aking asawa.
Ng biglang nagka problema, bumagsak lahat ng negosyo ko at kinailangan mag loan ng
aking asawa subalit hindi ito sapat. Kaya nakapag desisyon akong bumalik sa ibang
bansa para mag trabaho ulit bilang isang nurse, alam kong mahihirapan ako pero wala
akong ibang naiisip na paraan upang mataguyod ang aking pamilya. Mag iisang buwan
na ako dito sa Ohio, namimiss ko na ang aking asawa at aking mga anak pero
kailangan kong magpakatatag. Inaasikaso ko ngayon ang pamilya ng namatay na bata,
napansin kong wala ang magulang ng batang namatay at ang na andito lamang ay ang
kanyang mga kapatid. Isang babae na ngayon ay nag paalam sa akin upang sagutin
ang kanyang telepono at yung lalake na sa palagay ko ay kaedad ko lamang siya’y
nakayuko at parang pasan ang buong mundo kaya siya ay nilapitan ko. Tumayo siya at
pinantayan ako, pamilyar siya pero kapansin-pansin ang pamumula ng kanyang mukha.
“So, the Ms. kind in the grocery really cares for people huh? Thank you for
sympathizing with me. I appreciated it a lot, I missed her so much but yeah like
what you had said she’s in a better place.” Siya pala yung sundalong nakita ko sa
grocery noong isang araw. “Oh! so you’re that guy, it’s nothing sir. I should keep
going now I have a lot of work to do.” “Wait can we be friends?” Simula noon
naging matalik na kaming magkaibigan. “Eli, bumisita agad ako sa bahay niyo
pagkadating ko ng bansa. Nasa paaralan ang iyong mga anak bukas ang gate
kaya pumasok nalang agad ako. Wag kang mabibigla at pakatatagan mo ang loob
mo dahil pag pasok ko sa kabahayan niyo nakita ko ang iyong asawa at
kasambahay na nag lalampungan sa inyong sala. Eli umuwi ka na kailangan ka
ng mga anak mo.” Napabagsak ako, ng hina at napaluhod parang nawalan ng buhay.
Ng mahimas-masan ay nag bihis ako upang mag tungo sa hospital na pinag
tatrabahuan ko at humingi ng emergency leave. Kinabukasan ay pumunta agad kami
ng bahay ko, bukas ang gate kaya di na naming kailangan mag doorbell at bukas rin
ang pinto papasok sa mismong bahay kaya tuloy tuloy kaming pumasok nila kuya
kasama si Kamden na walang ekspresyon sa mukha. Ng makarating sa sala’y napansin
naming walang tao, may naririnig kaming ingay sa kusina kaya’t tinungo naming ang
daan papuntang kusina at iyon nga nag lalampungan ang aking kasambahay at aking
asawa naiiyak ako! Nagagalit ako! Nanghihina ako! Nakatulala lang ako at biglang
napaluhod sa sahig na sanhi para tumigil sila sa kahayupang ginagawa nila. Biglang
sinugod ni Kamden at Kuya si Khairro at pinagsusuntok. “Hon magpapaliwanag ako,
kuya
tigilan niyo muna ako! Kam tigil na nasasaktan ako!” Ilang taon na ang buwan na
ang lumipas mula ng iniwan naming si Khairro at dito na namuhay sa ibang bansa,
binenta ni kuya ang kanyang mga ari-arian sa Pinas para makapagbili ng bahay dito at
yun nga bumili si kuya ng bahay na malapit lang rin dito sa apartment ko. Nasa Central
Ohio kami, agada gad rin naman kami lumipat sa bahay na naibili ni kuya. Si Kamden
ay dito narin nakatira sa amin, niligawan niya ako ngayon at bukas na bukas ay
sasagutin ko na siya gusto rin naman siya ng aking mga anak kaya walang magiging
problema tutulungan niya akong kalimutan si Khairro.

Aral:
“Huwag manloko ng tao kung alam mo naman na siya’y naghihirap at umalis para lang
mabigyan ka ng magandang buhay.”

Simula:
Ako nga pala si Elizabeth Nite Velasquez, dating nurse sa Amerika at asawa ng isang
pulis na nag ngangalang Khairro Velasquez. May apat kaming mga anak, tatlong lalake
at ang bunso ay babae. Masaya ang aming pamilya noong una dahil maayos naman
ang aming pamumuhay, may negosyo ako at sapat naman ang kinikita ng aking asawa.
Ng biglang nagka problema, bumagsak lahat ng negosyo ko at kinailangan mag loan ng
aking asawa subalit hindi ito sapat. Kaya nakapag desisyon akong bumalik sa ibang
bansa para mag trabaho ulit bilang isang nurse, alam kong mahihirapan ako pero wala
akong ibang naiisip na paraan upang mataguyod ang aking pamilya.

Gitna:
Mag dadalawang taon na akong nandito sa Ohio, kumuha narin ako ng part time job sa
gabi dahil umaga hanggang hapon lang naman ako nagtatrabaho sa hospital.
Nababahala na ako kasi ilang buwan na rin na di tumatawag ang aking asawa. Sobrang
hirap mawalay sa aking pamilya, noong isang araw ay nagkautang pa ako kay Kamden
dahil wala akong maipadalang pera para sa tuition ng aking apat na anak. Kakayanin ko
to para sa kanila, para may magandang kinabukasan ang aking mga anak. Habang
ako’y nag lilinis ng aking apartment dahil day-off ko naman ay may tumawag sa aking
telepono, ang aking kapatid. Kaya dali dali ko itong sinagot, “Oh bakit ka napatawag
kuya Knight? Alam mo ba kung nasaan ang mga anak at asawa ko? Di pa sila
tumatawag sa akin mag tatatlong buwan na. Nag-aalala na ako pero anong
magagawa ko di ko rin kayo matawagan dahil ang akala ko nasa Japan ka pa pero
nakita ko yung post mo na kahapon ka lang bumalik ng Pinas.” Tahimik ang
kabilang linya ang maririnig lamang ay ang malalaming hininga na halatang nalulungkot
at galit. “Eli, bumisita agad ako sa bahay niyo pagkadating ko ng bansa. Nasa
paaralan ang iyong mga anak bukas ang gate kaya pumasok nalang agad ako.
Wag kang mabibigla at pakatatagan mo ang loob mo dahil pag pasok ko sa
kabahayan niyo nakita ko ang iyong asawa at kasambahay na nag lalampungan
sa inyong sala. Eli umuwi ka na kailangan ka ng mga anak mo.”

Wakas:
Ilang taon na ang buwan na ang lumipas mula ng iniwan naming si Khairro at dito na
namuhay sa ibang bansa, binenta ni kuya ang kanyang mga ari-arian sa Pinas para
makapagbili ng bahay dito at yun nga bumili si kuya ng bahay na malapit lang rin dito sa
apartment ko. Nasa Central Ohio kami, agada gad rin naman kami lumipat sa bahay na
naibili ni kuya. Si Kamden ay dito narin nakatira sa amin, niligawan niya ako ngayon at
bukas na bukas ay sasagutin ko na siya gusto rin naman siya ng aking mga anak kaya
walang magiging problema tutulungan niya akong kalimutan si Khairro. Kinabukasan ay
sinagot ko na nga siya tuwang tuwa siya pati na rin ang aking mga anak, sinabi rin ni
Kamden na babalik siya ng Pilipinas at aayusin ang birth certificate ng aking mga anak
upang palitan ang kanilang apelyido ng Lopez dahil ayaw na niyang maging bahagi ng
buhay ng aking mga anak si Khairro nakakalungkot syempre pero kasalanan naman ni
Khairro bakit umabot sa ganito. Galing si Kamden sa mayamang pamilya, di agad
naging madali ang pag tanggap sa amin ng kanilang pamilya pero ipinaglaban kami ni
Kakde sa prosesong iyon muntik na kaming mag hiwalay pero mahal na mahal kami ni
Kamden kaya’t ngayon ay inaasikaso na namin ang darating naming kasal. Kasama ng
aking mga anak ang magulang ni Kamden, na mahal na mahal sila. Ngayon masasabi
ko na sa ginawa kong paghihirap noon ay sa wakas mamumuhay na kami ng tahimik at
masaya dito sa Ohio.

Teoryang Pampanitikan:
Ang kwentong ito ay Realismo.

• Humanismo- “Biglang may isang matanda na natumba at nahulog lahat ang


kanyang mga pinamili ngunit ang mga taong nakakita sa matandang ito ay
tinititigan lamang nila ito kung kaya’t dali dali ko itong tinulungan makatayo at ng
magawa ito ay sisimulan ko na sanang pulutin ang mga pinamili ng matanda
ngunit may dalawang tao na naka soot ng uniporme ng Marine na nag
papahiwatig na ang dalawang matikas at poging mga lalakeng iyon na
tumutulong na ngayon sa akin ay nag tatrabaho sa USMC o United States
Marine Corps. Noong matapos naming damputin ang mga supplies na nagkalat
sa sahig ay sabay kaming tatlo na tumayo. “Thank you for helping me.” Sabi
ng matanda kaya kami ay ngumiti na lamang sa kanya habang tinitignan naming
siya na papaalis upang masiguro na siya’y maayos na.”
• Realismo- “Eli bukas na bukas ay pupunta tayo ng bahay niyo, yung asawa
mo ang sarap sarap sapakin nangako siyang mamahalin ka niya hanggang
dulo pero anong ginawa niya niloko niya ang pinakamamahal at nag iisa
kong kapatid. Pasensya kung lagi akong wala sa tabi mo noon, pero
ngayon sa labang ito Eli di na mawawala si kuya kasama mo na ako kaya
pakatatagan mo ang iyong loob.” Realismo ito dahil pinapakita dito na kahit ito
ay nangako magloloko parin ito kung di ka talaga mahal ng isang tao.
• Feminismo- “Kaya nakapag desisyon akong bumalik sa ibang bansa para mag
trabaho ulit bilang isang nurse, alam kong mahihirapan ako pero wala akong
ibang naiisip na paraan upang mataguyod ang aking pamilya.”
• Historikal- “Sir I know it’s hard to accept that your little sister is gone, but always
think that wherever she is now she is happy and no longer feels the pain she
suffers for more than a year now. I’ll tell you a story though it’s not the same as
you because it was your little sister who died and mine was my best friend. Back
then we were so close, he was 2 years older than me so I treat him like a real big
brother. I was his best friend and at the same time his little sister. He got
diagnosed with Lung cancer when he was just 20 years old, after a year he died.
It was supposed to be a beautiful day because it was his birthday. He died at his
birthday, he died in my arms saying he loves me and I was the best little sister he
could never had because he was just an only child. He left a note that says I
should keep going and forget what happened about him, that I should focus on
becoming a nurse. I was sad and so mad that a doctor couldn’t save him, but I
remembered what he said that I should forget that he’s dead because he’s
always alive, here in my heart. So sir don’t be sad now, and just think that your
sister is now in better place away from pains but always do remember your
memories deep inside your heart there she is alive.”
• Bayograpikal- Ako nga pala si Elizabeth Nite Velasquez, dating nurse sa
Amerika at asawa ng isang pulis na nag ngangalang Khairro Velasquez. May
apat kaming mga anak, tatlong lalake at ang bunso ay babae. Masaya ang aming
pamilya noong una dahil maayos naman ang aming pamumuhay, may negosyo
ako at sapat naman ang kinikita ng aking asawa. Ng biglang nagka problema,
bumagsak lahat ng negosyo ko at kinailangan mag loan ng aking asawa subalit
hindi ito sapat.
• Eksistensiyalismo- “Kaya nakapag desisyon akong bumalik sa ibang bansa
para mag trabaho ulit bilang isang nurse, alam kong mahihirapan ako pero wala
akong ibang naiisip na paraan upang mataguyod ang aking pamilya.”
• Imahismo- “Naiwan si Khairro na nakahiga sa sahig nakatulala, nag dudugo ang
ilong dahil sa mga suntok nila kuya.”
• Markismo- Kasama ng aking mga anak ang magulang ni Kamden, na mahal na
mahal sila. Ngayon masasabi ko na sa ginawa kong paghihirap noon ay sa
wakas mamumuhay na kami ng tahimik at masaya dito sa Ohio.
• Moralistiko- “Khairro you became my friend, Natuto akong mag tagalog dahil
sayo kaya Salamat sa lahat. Sinaktan mo yung babaeng pinangako ko sa aking
sarili na proprotektahan ko habang buhay, dahil noong ako’y nahihirapan
nandyan siya para iangat ako. Nangako ka sa akin Kamden na iingatan mo siya
at hihintaying bumalik. You’re so stupid! Ngayon wala ka ng babalikan! I’ll take
her and your kids! I already said that to you, once you’re going to make a wrong
move I’ll take them away from you. It was supposed to be a joke pero ngayon
totoo na.”
• Sosyolohikal- “niloloko ako habang ako’y nasa ibang bansa tinitiis ang
pangungulila sa kaniya at aking mga anak di ako makabalik agad dahil kulang pa
ang paghihirap na aking ginagawa para kami’y makabangon”

Mga Tunggalian
Tao laban sa Tao
• Ang pagloloko ng kanyang asawa habang siya’y nasa ibang bansa
nagpapakahirap para lang di sila maghirap at mabigyan sila ng magandang
buhay.

You might also like