Professional Documents
Culture Documents
Inihanda ni:
Mercy M. Almonte
Instruktor
Talaan ng Nilalaman
Sandosenang Sapatos
Maikling Kwento ni Luis P. Gatmaitan, M.D.
Tata Selo
Maikling Kwento ni Rogelio Sikat
KASAL
Maikling Kwento ni Eli Rueda Guieb III
Impeng Negro
Maikling kwento ni Rogelio Sicat
Sandaang Damit
Maikling kwento ni Fanny Garcia
Kwento ni Mabuti
Maikling kwento ni Genoveva Edroza-Matute
Bagong Paraiso
Maikling kwento ni Efren Abueg
– at pag-iinitan ka pa. Bago ka pa lang dito, pare. Yan ang unang matututuhan mo dito
sa ob-lo pagtagal-tagal mo.
Umiiyak kanina ang waswas ko, pare. Isi ka lang, sabi ko. Ito ang kapalaran natin, e.
Naawa siguro sa ‘kin. Matagal nang ito ang haybol ko at bibilang pa ng maraming taon
na ito ang haybol ko. Sabi ko naman, ayaw ka ba n’on, konkreto ang bahay ko at
ginugwardiyahan pa ng les-pu? Nagpapatawa lang ako, pare lungkot din ako. Sabik na
ako sa laya, pare. Naaawa na rin ako sa waswas ko na di ko alam kung paano
nabubuhay ngayong narito ako sa ob-lo.
Pare, sindihan mo yan. Huwag mo lang ipapatanaw ang baga sa labas. Takpan mo ng
lukong ng palad mo.
Anong kaso mo pare? Arson, pare. Ha-Ha-ha! Isang ospital ang sinunog ko – o
pinagtangkaang sunugin. Dahil hindi nasunog lahat, pare. Tersiya parte lang ng bilding
ang kinain ng apoy.
Hindi ka siguro maniniwala, pare. Kami ang gumawa ng ospital na iyon. Sa Quezon City
‘yun, pare. Yong pribadong ospital na ari ng magkapatid na mestisong instik, Lim ang
apelyido. Ang ibig kong sabihin, pare. isa ako sa mga peon, ‘yung nagtayo n’on, kantero
‘ko pare — ‘yon bang tagahalo ng semento.
Nang magawa namin yon pare, para ‘kong pintor na nakagawa ng obra maestra.
Gano’n pala ang mararamdaman mo pag nakagawa ka, pag nakabuo ka ng isang
magandang bagay. ‘Yon lang kasi ang magandang bagay na nagawa ko sa buong
buhay ko. Alam ko, ang arkitekto ang nagplano n’on, pero, isa ‘ko sa mga gumawa.
Kung masasabi niyang siyang gumawa n’on, masasabi ko rin na ako. paano mo
matatayo ang isang bilding pare, kung wala kang tagahalo ng semento? Di mo ‘yon
maitatayo sa pamamagitan ng lapis at papel lang.
Nang mayari namin ‘yon pare, di ko pagsawaang tingnan. Paulit-ulit kong minasdan.
Lalagay ako sa malayo, sa harapan, at hahagurin ko ng tingin. Papa’no parang isang
magandang babae, pare na maya’t maya’y gustong mong ukulan na humahanga at
nagmamalaking tingin dahil alam mong mga kamay mo ang katulong na gumawa at
bumuo.
At ito ang pinagtangkaan kong sunugin, pare! Ha-Ha! Sasabihin ko sa ‘yo kung bakit.
Uumpisahan ko sa simula.
Mahigit na ‘sang taon naming ginawa ang ospital na ‘yon pare. Nang mayari ang
pundasyon, marami sa mga kasamahan ko ang doon na natutulog. Alam mo na, para
makatipid sa pasahe. Nang malaon, sinabi ko ke Luding — Luding ang pangalan ng
waswas ko, pare — na do’n na rin ako matutulog, kasi kahit na nasa Quezon City rin
kami nakatira e malayo sa amin ang ginagawang bilding, kailangan magdalawang
sakay ka sa bus at dyip.
“Sige” sabi ng waswas ko.” Nang makatipid tayo ng kontisa gastos” Kasi pare, minimum
lang ang pagana sa ‘kin sa ginagawang ospital. Ang minimum no’n disiotso, hustong-
husto lang sa pagkain at pangangailangan naming mag-asawa.
Sasabihin Ko muna sa ‘yo Kung saan kami nakatira no’n, pare. Ang haybol namin no’n
e hindi talagang bahay kundi isang maliit na kubo, mas tama sigurong tawaging barung-
barung ‘yon, dahil mas marami ang yero – na unti-unti naming naitayo sa isang
bakanteng lote sa tabi ng isang bagong tayo ring subdibisyon. Pinsan ng waswas ko
ang inhenyerong nagtayo ng subdibisyon at napakiusap namin sa kanyang bakanteng
ngang loteng ‘yon, na di na sakop ng lupa ng subdibisyon, na kaibigan naman ng
inhiyerong pinsan ng waswas ko. Ang ibig ko lang sabhin dito, pare, legal naman ang
pagkatira sa subdibisyon, hindi kami talagang iskwater na basta na lang nagtayo ng
bahay, sa lupa ng me lupa. Sabihing nakatira, pero hindi iskwater.
Ang hirap ng lagay namin do’n pare. Para kaming etat, sa tabi ng isang basong gatas.
Bakit e medyo maaskad ang kara ko. Kung tingnan ako ng mayayamang taga
sabdibisyon e parang bang sa anumang sandali’y lolooban ko ang malaki at
magaganda nilang bahay. Ang talagang dahilan lang nama’y nakakapagpapangit ang
aming barung-barong, sa tingin, sa magaganda nilang bahay sa sabdibisyon at ibig
nilang kami’y umalis.
Hirap kami no’n, pare. Ang layo ng iniigiban ko ng tubig. Wala pang ilaw. Ayaw kaming
pakabitin ng koryente sa sabdibisyon. Ang ibig nga nila’y Kami’y umalis.
Sa itinatayong bilding na nga ako natutulog at umuuwi lang kung Sabado ng hapon. Me
kasama naman sa bahay ang waswas ko, ang kanyang ina na nakapisan na sa amin
mula pa nang kami’y ikasal. kung gabi, masaya kami sa ginagawang bilding. Me
magpa¬pabili ng kuwatro kantos at pararaanin namin ang mga oras sa kantahan at
kwentuhan. O gagalain namin ang buong bilding na kung baga sa tao e kalansay pa
lang. Ang pasikot-sikot ng bilding e alam na alam namin, pare, na parang guhit ng
aming palad.
Nang matapos na ang bilding – nang matapos na, ang ibig kong sabihin at me doktor
na at me tumatanggap na ng pasyente – siya namang pagbubuntis ng waswas ko. ‘Yon
ang una naming anak, pare. Wala pa kaming ‘sang taong kasal nang umpisahan
naming gawin ang ospital.
“Alam ko”, sabi ko. kailangan ‘yon. kami ang gumagawa no’n, di ba? Gamot at pagkain
lang ang babayaran mo sa pri ward doon at konting donasyon na ibibigay.”
“Ikaw, kung gusto mong do’n ako manganak e di do’n” sabi ng waswas ko.
“Meron ka bang alam na ibang ospital na maari mong pangana¬kan?” , sabi ko.
Tumingin lang sa akin ang waswas ko at hindi sumagot. Alam na niya na ang
pinakamalapit na ospital sa ‘min e ang ginawa namin. Me ilang ospital naman na me pri
ward din, pero iyo’y malayo na sa amin o nasa maynila na.
Wala pa ‘kong masasabi sa ‘yo tungkol sa waswas ko. Mabait siya, pare. Siya ‘yong
kung sisigawan mo’y tatalungko na lang sa isang sulok. Sunud-sunuran sa gusto ko,
pare. Maganda pa. nakita mo naman sa bisitor rum kanina. Me mukha naman, di ba?
Sa madaling salita’y lumaki at lumaki ang tiyan ng waswas ko. Nang walong buwan na
ang kanyang kabuntisan e ping-uusapan uli namin ang kanyang panganganak. Para
kaming nagdidril kung ano ang gagawin kung magkakasunog. Sabagay, kailangan ‘yon.
Malayo ang subdibisyong aming iniiskwat sa kalsada na daanaan ng mga sasakyan.
kaya halos lahat ng taga subdibisyon e me kotse.
“Pa’no kung dumating ang oras ng manganganak kang wala ako rito sa bahay?” tanong
ko ke Luding. Mangyayari lang ‘yon, pare sa araw na nasa trabaho ako. Me ginagawa
kaming bahay no’n sa Pasay.
Tumawa ang waswas ko at ang sabi, “Di ganon din ‘yon. Maglalakad din ako hanggang
sa abangan ng sasakyan.” “iba talaga ‘yung narito ‘ko,” sabi ko.
Naging problema sa ‘kin ang panganganak ng waswas ko. Unang anak ko ‘yon, pare,
unang pagkakataon na magiging tatay ako. Maiintindihan mo naman siguro kung bakit
gano’n na lang ang paghahangad kong malagay sa ayos ang panganganak niya,
huwag malagay sa panganib ang aming magiging anak.
Pare, halos gabi-gabi’y pinag-uusapan namin kung ano ang ipapangalan sa aming
magiging anak. Ang waswas ko’y mahilig sa mga pangalang Amer’kano at gusto niya
ang mga pangalang Michael at Leonard at Robert, kung lalaki ang bata at kung babae
nama’y gusto niya ang pangalang Elizabeth at Jocelyn at Roda. Ang gusto ko nama’y
Lualhati, kung babae ang bata, at Joselito kung lalaki. Me kapatid kasi akong namatay
na Jose ang pangalan at ikinabit ko ang Lito dahil ‘yon ang gusto kung maging palayaw
n’ya Paboritong ko kasing artista si Lito Lapid, pare, Gaya ng nasabi ko na, sunod-
sunuran sa ‘kin ang waswas ko at nagkasundo kami sa pangalang gusto ko.
Me isa pang dahilan kung bakit ayokong malagay sa panganib ang buhay ng aming
magiging anak, pare. Gustong-gusto ng waswas ko ang kanyang pagbubuntis. Ang ibig
kong sabihin pare, gustong-gusto niyang maging ina. Napapakiramdaman ko ‘yon sa
‘ming mga pag-uusap tungkol sa batang isisilang, kung nagsasabi siya ng mga
pangalang Amer-kano na ibig niya para sa bata, kung pinag-uusapan namin kung saan
pag-aaralin ang bata. Likas lang siguro ‘yon sa bawat babae. Bawat babae’y gustong
maging ina. At ayokong maging sentimental, pare. Ang gusto ko sa waswas ko’y natural
din sa mga lalaki, di ba?
Nobyembre, manganganak ang waswas ko at alam ko kung papasok ang buwang ito.
Matatapos pa lang ang Oktubre, namumulaklak na ang talahib sa pagpasok ng
Nobyembre at sa panganganak ng waswas ko.
Nasa trabaho ‘ko pare, nang magdamdam ang waswas ko. Umaga no’n. Ang
pangyayari’y hindi ko nakita. Ikinuwento na lang sa ‘kin ng waswas ko kinagabihang
puntahan ko siya sa ospital. Gan’to, pare. Isang oras pagkaalis ko ng bahay, sumakit
ang tiyan ng waswas ko – talagang oras na ng panganganak niya, naramdaman niya.
Hindi niya ‘ko matawagan sa telepono – siyempre walang telepono sa bahay na
ginagawa namin. Hindi naman daw niya mautusan ang nanay niya na puntahan ako at
pasabihan. Medyo engot ang matanda, pare, aanga-anga at mahina pa ang tenga.
Sinabi na lang niya sa nanay niya na pumirme sa bahay at pupunta na siyang mag-isa
sa ospital. Lalakad siya hanggang sa kalsada, gaya ng usapan namin, at sasakay sa
dyip o taksi at magpapahatid sa ospital. Me pantaksi siya. Lagi siyang may
nakahandang pantaksi na ibinigay ko sa kanya mula sa sandaang naipon ko.
Biruin mo ‘yon, pare? Kumakain pa raw! Pare, akong may kotse at me nagsasabi sa ‘kin
na ang kapitbahay ko’y manganganak, maski na ‘ko nasa ibabaw ng waswas ko’y,
babangon ako at uunahin kong asikasuhin ‘yung manganganak. Pero, pare, kumakain
pa raw! Hindi man lang pumasok at sinabi ro’n sa asawa na ang waswas ko’y nasa
labas at parang asong naghahanap ng mapapanganakan!
‘Mapapanganak na ‘ata ‘ko , Misis”, sabi raw ng asawa ko. “Baka di na ko umabot sa
ospital.”
Buti na lang at lumabas si Mr. Cajucom at nakita ang waswas ko. Naawa naman siguro
– o baka nisip na kargo de konsensiya niya kung mamamatay ang waswas ko sa labas
ng kanyang geyt – iniwan ni Mr. Cajucom ang pagkain at agad daw nagbihis, pinasakay
sa kotse ang waswas ko at isinugod sa ospital. Ang totoo, pare, nag-oopisina ang Mr.
Cojucom na ito. Hindi naman niya kailangan ihatid sa ospital ang waswas ko, kailangan
idaan lang niya sa ospital sa pagpasok niya sa opisina.
Eto na ang masakit, pare. Kung sa iyo nangyari ‘to e baka nakapatay ka ng tao.
Sasabihin ko muna sa ‘yo kung anong kotse meron ang Mr. Cojucom na ‘to, pare.
Mustang ‘yon, pare, erkondisyon at bago. Malalaman mo naman kung bago ang kotse
dahil sa plaka, di ba? Ang gara pare, kulay berde. Nakikita ko ang kotseng ‘yon pag
gumagala si Mr. Cajucom sa loob ng subdibisyon. Pare, kahit sa layong isang kilometro,
masasabi mong ang me are no’n e hindi basta-bastang tao. Maatik, ibig kong sabihin.
Bumaba raw ng kotse ang waswas ko, sapo ang parang babagsak niyang tiyan, at sabi
raw ke Mr. Cajucom: “Salamat ho, Mr. Cajucom”, at no’n siguro nalaman ng mga
sumalubong na ang waswas ko’y nakiangkas lang sa kotse, “Sa pri ward lang ako”.
Pare, isa-isa raw tumalikod ang mga nars at attendants. Me natira namang isang nars,
na sabi raw sa waswas ko: “Titingnan ko ho kung me bakante, maghihintay muna kayo
ro’n”.
Maghintay muna raw, pare. Namimilipit na ang waswas ko sa sakit ng tiyan. maghintay
raw muna.
Naupo ang waswas ko sa lobi at naghihintay. At nakalimutan na siya pare. Sinabi kong
nakalimutan, pero ang dapat ‘atang sinabi ko’y hindi inintindi. Dahil beinte minutos pa
ang naka¬raan, sabi ng waswas ko, e hindi pa rin sumisipot ang nars na nagsabi sa
kanya na maghintay siya ro’n.
Malungkot, pare. Do’n na napanganak ang waswas ko, at ang pagkaguluhan siya ng
mga nars at doktor at isakay sa estretser at isugod sa elebeytor para dalhin sa
emerdiyensi rum. Eh huli na patay na ang bata. Bopol ako sa ingles pare, mahina ‘ko
riyan at wala ‘kong naiintindihan sa mga salitang ingles na sinabi nila na siyang dahilan
raw ng pagkamatay ng bata. Pero ang waswas ko pa rin ang pinaniniwalaan ko. Sabi
ng waswas ko’y namatay ang aking anak dahil bumagsak sa semento. Simpleng-
simple. pare. Bumagsak sa semento.
Nakita ko ang bata, pare. Nang gabing iyon ng sumugod ako sa ospital pagkagaling sa
bahay. Nakapagpapaalala, pare, sa isang kuting na nabalian ng leeg. Kuting, pare.
pusa. Napaiyak ako, pare.
Pare, mamamatay ba ang batang ‘yon kung halimbawang ang asawa ng waswas ko’y si
Mr. Cajucom? Kung halimbawang kame ang me are ng mustang?
At nangyari yon. Pare, sa ospital na ang mga kamay ko ang katulong na gumawa.
Masakit, pare!
Nang gabing ‘yon, sa priward, pare – iyak nang iyak ang waswas ko. Gusto raw niyang
maghabol. Hindi raw niya mapapaya¬gang mamatay ng gano’n na lang ang aming
anak. Sabi ko’y ano ang magagawa namin? Mapapalabas ba naming kasalanan ng
ospital kung nanganak siya sa paghihintay sa lobi? Pinaghintay naman siya. di ba? At
ang ospital e maraming pera sa husgado, kami’y wala. Inalo ko na lang waswas ko.
Pare, nagtawa pa ‘ko. Sabi ko’y gagawa uli kami ng beybi. Gagabigabihin namin, sabi
ko. Pero ngitngit ako, pare. Iyak ng iyak ang misis ko. Kawawa naman daw ang aming
anak.
Eto pa ang isa na talaga namang nakakaasar, pare. Kinabukasan ng gabing youn
sumugod ako sa ospital, kinuha ko ang patay na bata at ibinurol sa aming bahay.
Kinabukasa’y nagbalik ako para ilabas ang waswas ko. Ayaw ni Luding na magtagal
do’n, pare, at naiitindihan mo siguro kung bakit. Isa pa’y inaalala niya na baka lumaki
ang babayaran. At gano’n nga ang nangyari, pare. Nang pinaghahanda ko na ang
waswas ko sa paglabas, sinabi sa ‘kin ng isang nars na pumunta raw muna ako sa
kahero at babayaran ko ang dapat bayaran. Nagpunta naman ako. Pare, ang
pinababayaran sa ‘kin sa ospital, sa gamot daw at sa pagkain at sa kuwarto e dos
sientos beinte! Pare para ke pang naging pri- ward ‘to kung magbabayad din ako ng
ganitong kalaki? Halos naisigaw ko sa kahero. Hindi ngayo’t priward ang tinigilan ng
asawa mo e pri ward na lahat. Sabi naman ng kahero, pare. Gusto kong mandagok!
Ang dala kong pera’y sisenta pesos – ang beinte pesos ng sandaan ko’y ibinigay ko
nga ke Luding at ang iba’y di ko alam paano nagasta ibinayad ko yon sa kahero at
nangako ako – pumirma ako promissori not ‘ata ang tawag don’n – na bukas e
babayaran ko ang kakulangan. Dahil namatay ang bata, pumayag na rin ang ospital.
Saka ko pa lang nailabas ang waswas ko.
Ayokong maawa sa sarili, pare. Hindi raw dapat sa tao yang maawa ka sa sarili dahil
pag naawa ka sa sarili mo e maiingit at mamumuhi ka naman sa iba, na hindi raw
dapat. Pero nang gabing ‘yong nakaburol ang anak ko at patulo nang patulo ng luha
ang waswas ko e gano’n ang nararamdaman ko. Pare, ni walang umilaw sa patay ng
sanggol kundi dalawang kandila na inalagay namin ni Luding sa ulunan at paanan ng
kabaong. Hindi namin magawang makikabit ng koryente sa pinakamalapit na bahay sa
subdibisyon, dahil baka kami tanggihan at pumayag man ang bahay na ‘yon e
kailangang bumili rin kami ng kordon at iba pang gamit, na baka hindi na kaya ng bulsa
ko. Ang ibinayad namin sa ataul e inutang ko lang sa me ari ng bahay na aming
gingagawa, Me mga kasama ako sa trabaho at kaibigan na nag-abot sa ‘kin ng sampu,
lima, dalawa, pero iniukol ko ‘yon sa gagastusin sa libing at sa dapat ko pang bayaran
sa ospital. Awang-awa ako sa sarili, pare. Bale ba’y ni walang nagpunta sa bahay sa
dalawang gabing pag-kakaburol sa bata. Sabagay, mabuti na rin ‘yon dahil wala kang
malaking iintindihing pakakapehin at aalukin ng biskuwit. Pero sa mga nakatira ro’n e
hindi makidalamhati sa ‘yo kung me patay ka, makakaramdam ka ng sakit ng loob.
Maaawa ka sa sarili mo.
Kinabukasan namin inilibing ang bata. Pumalya uli ako sa trabaho. Dalawang araw na
‘kong pumapalaya sa trabaho at ikatlo ang araw na ‘yon. Nang umuwi kami nang
maggagabi na, pagkagaling sa libing, naupo ang waswas ko sa tabi ng bintana at
tumingin sa labas. Parang walang nakikita tumitingin lang sa labas. Ayaw magsalita,
pare. Para ‘lang mabubuwang, pare. Ang nanay niya’y ayaw ring magsalita at mahirap
namang kausapin dahil medyo engot nga at mahina ang tenga. Lumalabas ako, pare.
Nagpunta ako sa daraanan ng sasakyan na me tindahang nagbibili ng alak at pumasok
at nagbuwal ng isang bilog.
No’n ko naisip na magpunta sa ospital. Hindi na malinaw sa isip ko kung bakit nagpunta
ako ro’n sa ospital. Siguro’y no’n ko naisip na magbayad ng kulang ko – ng utang ko.
Siguro’y gusto ko ipakilala sa ospital na kahit na ‘ko mahirap, kahit hirap na hirap sa
buhay e me konti ako, ng tinatawag na dignidad at nakakakilala ako ng masama’t
mabuti at marunong akong magbayad ng utang ko – kahit sa kanila na pumatay ng
sanggol ko. Ewan ko, anu’t anuman, pare, nagpunta ‘ko sa ospital. Binayaran ko ang
utang ko. Ipinakilala kong marunong akong magbayad ng utang at nasiyahan ako ng
konti at sinira ko ang promisori not sa harap ng kahero, nang ibigay niya ‘yon sa ‘kin
nang magbabayad ‘ko.
Galing ako sa kahero, patungo na sa labasan ko, nang mapatingin ako sa palibot na
gaya ng nakaugalian ko sa ospital na ‘yon. Pare, siguro nga’y senglot ako, ang tingin ko
sa mga doktor at mga nars na nakikita ko’y nakatawang mga alamid na pumatay sa
batang inilibing ko at ang waswas kong nakatulala sa bahay at ang pangyayaring sa
mga susunod na araw e maaaring wala na kaming kakanin. Naramdaman kong gusto
kong manira, pare. Gusto kong sirain, wasakin ang bilding na ‘yon na lagi kong
ipinagmamalaking isa ‘ko sa mga gumawa.
Pumanhik ako sa ikalawang palapag. Me isang silid do’n na no’ng ginagawa pa lang
namin ang bilding e tinutulugan namin ng mga kasama kong peon. Ngayo’y pahingahan
‘yon ng mga dalaw at ng nars at doktor na napapagod sa trabaho. Pumasok ako ro’n at
umihi sa sopa. Inihian ko rin ang telebisyon na para sa bisita. Ang gusto ko lang e
Magdumi at manira, pero nang wala na ‘kong maiihi, naisip ko namang magwasak.
Nabuwang na nga ‘ko, pare. Ibinuwal ko ang mga kurtina. Siniliban ko rin ang mga
magasing naro’n at ang apoy e idinuldol ko sa lahat ng bagay maaring magdingas.
Naglagablab na ang silid nang lumabas ako. Isang attendant na lalaki and nakakita sa
‘kin. Nakita niya ang usok at apoy na lumalabas sa ilalim ng nakasarang pinto at
nahulaan ang ginawa ko. Tumakbo ako. Hinahabol niya ‘ko at sa ibaba inabutan. Pero
malaki na ang apoy, pare. Nagpalipat-lipat na ‘yon sa maraming silid.
Apat na atendant at guwardiya and gumulpe sa ‘kin pare, bago ako ibinigay sa les-pu.
Pero tersiya parte nga ng ospital ang nasunog ko.
Yosi pa, pare? Nadadalhan pa ‘ko ng yosi ng waswas ko, Ewan ko kung sa’n siya
kumuha ng ibinigay nito. Naghahanap buhay daw siya kahit pa’no pero di ako
nagtatanong kung ano ang hanapbuhay ‘yon. Wala siyang alam na trabaho pare. Paris
ko rin siyang bopol. Baka masaktan lang ang loob ko kung malalaman ko kung anong
hanapbuhay ‘yon kaya di ako nagtatanong.
Sige, pare, matulog na tayo. Mag-aalas diyes na siguro. Dito sa ob-lo, pare, lalo na sa
gabi, kailangan hulaan mo lang ang oras. Kasi nga’y walang me relo dito. Ni hindi mo
naman masilip ang langit sa labas mahulaan mo sa ayos ng mga bituin, kung anong
oras na nga. Wala kang masisilip dito kundi pader at rehas. Ewan ko naman kung me
langit nga sa labas. Hindi na ‘ko bilib sa langit, pare. Matagal na ‘kong kinalimutan ng
Diyos.
***************
Sandosenang Sapatos
Maikling Kwento ni Luis P. Gatmaitan, M.D.
(Unang Gantimpala, Palanca Awards 2001)
Sapatero si Tatay. Kilalang-kilala ang mga likha niyang sapatos dito sa aming bayan.
Marami ang pumupunta sa amin para magpasadya. Ayon sa mga sabi-sabi, tatalunin
pa raw ng mga sapatos ni Tatay ang mga sapatos na gawang-Marikina. Matibay,
pulido, at malikhain ang mga disenyo ng kanyang mga sapatos.
“Paano mo ba naiisip ang ganyang istilo? Kay ganda!”
“Siguro, dinadalaw ka ng musa ng mga sapatos at suwelas.”
“Parang may madyik ang iyong kamay!”
Sa lahat ng papuri, matipid na ngingiti lamang si Tatay. Tahimik na tao si Tatay.
Bihirang magsalita.
Lumaki akong kapiling ang mga sapatos na gawa ni Tatay. Madalas ay kinaiinggitan
ako ng mga kalaro at kaklase ko. Buti raw at sapatero ang Tatay ko. Lagi tuloy bago
ang sapatos ko kapag pasukan, kapag pasko, kapag bertdey ko, o kung nakatanggap
ako ng honors sa klase. Ginagawan pa niya ako ng ekstrang sapatos kapag may mga
tira-tirang balat at tela.
“Buti ka pa Karina, laging bago ang sapatos mo. Ako, lagi na lang pamana ng ate ko.
Sa ‘kin napupunta lahat ng pinagkaliitan n’ya,” himutok ng isang kaklase.
Nasa Grade II na ako nang muling magbuntis si Nanay. Kay tagal naming hinintay na
magkaroon ako ng kapatid. Sabi ng Lola ko, sinagot na raw ang matagal nilang dasal
na masundan ako.
“Naku, magkakaroon na pala ako ng kahati sa mga sapatos! Pero di bale, dalawa na
kaming igagawa ni Tatay ng sapatos ngayon.”
Habang nasa tiyan pa si baby, narinig kong nag-uusap sina Tatay at Nanay.
“Nagpa-check up ako kanina. Sabi ng doktora, babae raw ang magiging anak natin!”
“Talaga! Kung babae nga, pag-aralin natin ng ballet . Gusto kong magkaanak ngballet
dancer ! Ngayon pa lang ay pag-aaralan ko nang gumawa ng mga sapatos na pang-
ballet .”
Pero hindi lahat ng pangarap ni Tatay ay natupad. Nagulat kaming lahat nang makita
ang bago kong kapatid. Wala itong paa. Ipinanganak na putol ang dalawang paa!
Nakarinig kami ng kung ano-anong tsismis dahil sa kapansanan ng kapatid ko. Siguro
raw ay binalak na ipalaglag ni Nanay ang kapatid ko kaya kulang-kulang ang parte ng
katawan. Nilusaw raw ng mga mapinsalang gamot ang kanyang mga paa. Isinumpa raw
ng mga diwata ng sapatos si Tatay dahil mahal na itong sumingil sa mga pasadyang
sapatos. O baka raw ipinaglihi si Susie sa manika.
“Nanay, bakit po ba walang paa si Susie?”
“Nagkaroon kasi ako ng impeksyon anak. Nahawa ako ng German measleshabang
ipinagbubuntis ko pa lang ang kapatid mo. At.iyon ang naging epekto,” malungkot na
kuwento ni Nanay.
Hindi na magiging ballet dancer ang kapatid ko. Malulungkot si Tatay. Araw-araw,
ganu’n ang naiisip ko kapag nakikita ko ang mga paa ni Susie. Kaya pinilit ko si Nanay
na muling pag-aralin ako sa isang ballet school (dati kasi, ayaw kong mag-ballet). Pero.
“Misis, bakit hindi n’yo po subukang i-enrol si Karina sa piano, o sa painting, o sa
banduria class? Hindi yata talagang para sa kanya ang pagsasayaw,” sabi ng titser ko
sa Nanay ko.
Nalungkot ako. Hindi para sa aking sarili, kundi para kina Tatay at Susie, at sa mga
pangarap na masyadong mailap.
Saksi ako kung paanong minahal siya nina Tatay at Nanay. Walang puwedeng manloko
kay Bunso. Minsan, habang kami ay nagpipiknik sa parke, may isang mama na
nakakita kay Susie.
“Tingnan n’yo o, puwedeng pang-karnabal ‘yung bata!” turo nito kay Susie.
Biglang namula si Tatay sa narinig. Tumikom ang mga kamao. Noon ko lang nakitang
nagsalubong ang mga kilay ni Tatay. Muntik na niyang suntukin ito. “Ano’ng problema
mo, ha?”
Mabuti’t napigilan siya ni Nanay.
Isang gabi, habang nakahiga kami sa kama , narinig kong kinakausap ni Tatay si Susie.
“Anak, hindi baleng kulang ang mga paa mo. Mas mahalaga sa amin ng Nanay mo na
lumaki kang mabuting tao.at buo ang tiwala sa sarili.” Masuyo niya itong hinalikan.
Hindi tumigil si Tatay sa paglikha ng sapatos para sa akin. Pero napansin ko, kapag
sinusukatan niya ang paa ko, napapabuntung-hininga siya. Pagkatapos ay titingin sa
kuna.
“Sayang, Bunso, di mo mararanasang isuot ang magagarang sapatos na gawa ni
Tatay.” bulong ko sa kanya.
Lumaki kami ni Susie na malapit ang loob sa isa’t isa. Hindi naging hadlang ang
kawalan niya ng paa para makapaglaro kami. Marami namang laro na di
nangangailangan ng paa. Lagi nga niya akong tinatalo sa sungka, jackstone ,scrabble,
at pitik-bulag. Ako ang tagapagtanggol niya kapag may nanghaharot sa kanya. Ako ang
tagatulak ng wheelchair niya. Ako ang ate na alalay!
Noon ko natuklasan na marami kaming pagkakatulad. Parehong magaling ang aming
kamay kaysa aming mga paa. Ako, sa pagpipinta. Siya, sa pagsusulat ng mga kuwento.
At oo nga pala, si Tatay, kamay rin ang magaling sa kanya!
Minsan, ginising ako ni Susie. Sabi niya, nanaginip siya ng isang pambihirang sapatos.
Napakaganda raw nito sa kanyang mga paa.
“May paa siya sa panaginip?” gulat na tanong ko sa sarili.
“Maniwala ka, Ate, kay ganda ng sapatos sa panaginip ko. Kulay dilaw na tsarol na may
dekorasyong sunflower sa harap!”
Magbebertdey siya noon . At napansin ko, tuwing nalalapit na ang kanyang kaarawan,
nananaginip siya ng mga sapatos.
“Ate, nanaginip na naman ako ng sapatos. Kulay pula ito na velvet at may
malakingbuckle sa tagiliran.”
Binanggit din niya sa akin ang sapatos na kulay asul na bukas ang dulo at litaw ang
mga daliri niya. Ang sapatos na puti na may kaunting takong at may ribbon na pula. Ang
sapatos na yari sa maong na may burdang buwan at mga bituin. Ang sandalyas na
parang lambat. Ang kulay lilang sapatos na may nakadikit na bilog na kristal sa harap.
Manghang-mangha ako sa kung paanong natatandaan niya maski ang pinakamaliliit na
detalye ng mga sapatos – ang disenyong bulaklak, ribbon, butones, sequins ,beads , o
buckle . Inaangkin niya ang mga sapatos na ‘yon.
“Ate, paglaki ko, susulat ako ng mga kuwento tungkol sa mga sapatos na
napapanaginipan ko. Ikaw ang magdodrowing, ha?”
Paglipas pa ng ilang taon, namahinga na si Tatay sa paglikha ng mga sapatos.
Gumagawa na lamang siya ng sapatos para sa mga suking di matanggihan. Noong
nagdaos siya ng kaarawan, niregaluhan ko siya ng isa kong painting na may
nakapintang isang pares ng maugat na kamay na lumilikha ng sapatos. Binigyan naman
siya ni Susie ng isang music box na may sumasayaw na ballet dancer .
“Pinasaya n’yo ang Tatay n’yo,” sabi ni Nanay.
Pagkatapos noon , naging masasakitin na siya. Labindalawang taon si Susie nang
pumanaw si Tatay.
Isang araw, hindi sinasadya’y napagawi ako sa bodega. Naghahalungkat ako ng mga
lumang sapatos na puwedeng ipamigay sa mga bata sa bahay-ampunan Sa
paghahalughog, nabuksan ko ang isang kahong mukhang matagal nang hindi
nagagalaw. Naglalaman ito ng maliliit na kahon. Mga kahon ng sapatos na maingat na
nakasalansan!
” Para kanino ang mga sapatos? May umorder ba na hindi nai-deliver?” tanong ko sa
sarili.
Pero nang masdan ko ang mga pares ng sapatos na ‘yon, nagulat ako. Taglay ng mga
sapatos ang pinakamahuhusay na disenyo ni Tatay. Iba-iba ang sukat nito. May
sapatos na pang-baby. May sapatos na pambinyag. May pang- first communion. May
pangpasyal. May pamasok sa eskuwelahan. May pangsimba. May sapatos na pang-
dalagita.
Lalo akong nagulat nang mabasa ang kanyang dedication sa nakasabit na papel:
Para sa pinakamamahal kong si Susie,
Alay sa kanyang unang kaarawan
Inisa-isa ko ang mga kahon. Lahat ng sapatos na nandoon ay para kay
Susie. Diyata’t iginagawa ni Tatay si Susie ng mga sapatos?
Para kay Susie, lugod ng aking buhay
Sa pagsapit niya ng ikapitong kaarawan
Taon-taon, hindi pumalya si Tatay sa paglikha ng sapatos sa tuwing
magdaraos ng kaarawan si Susie! Sandosenang sapatos lahat-lahat.
Handog sa mahal kong bunso. Sa kanyang ika-12 kaarawan
Napaiyak ako nang makita ang mga sapatos. Hindi ko akalaing ganu’n pala kalalim
magmahal si Tatay. Binitbit ko ang sandosenang sapatos at ipinakita ko kina Nanay at
Susie.
“H-Hindi ko alam na may ginawa siyang sapatos para sa ‘yo, Susie.” Namuo ang luha
sa mga mata ni Nanay. “Inilihim niya sa akin ang mga sapatos.”
“A-Ate, ito ang mga sapatos na napanaginipan ko.” Hindi makapaniwalang sabi ni Susie
habang isa-isang hinahaplos ang mga sapatos.“Ha?”
Noon ko lang naalala ang mga sapatos na ikinukuwento ni Susie.
Dilaw na tsarol na may dekorasyong sunflower sa harap. Kulay pulang velvet na may
malaking buckle sa tagiliran. Asul na sapatos na bukas ang dulo at litaw ang mga daliri.
Kulay puti na may kaunting takong at may ribbon na pula. Sapatos na yari sa maong na
may burdang buwan at mga bituin. Sandalyas na parang lambat. Kulay lilang sapatos
na may nakadikit na bilog na kristal sa harap.
Naisip ko, tinawid kaya ng pag-ibig ni Tatay ang mga panaginip ni Susie para
maipasuot sa kanya ang mga sapatos?
Hindi ko tiyak.
Ang tiyak ko lang, hindi perpekto ang buhay na ito. Gaya ng hindi perpekto ang
pagkakalikha sa kapatid ko. Pero may mga perpektong sandali. Gaya ng mga sandaling
nilikha ni Tatay ang pinakamagagarang sapatos para kay Susie.
************
Huling Hikbi ng Kahapon
Maikling Kwentoi ni Erika Calbayog
Hindi magkamayaw ang kababaihan ng ianunsyo ni Aling Teray ang huling numero
para sa larong Bingo. Samu't-saring emosyon ang makikita sa mukha ng bawat
kalahok. Mayroong nalulungkot, naiinis at natutuwa. Si Tessa na anak ni Aling Linda ay
matamang nakamasid sa ina habang binibilang nito ang perang napanalunan.
Agad namang tumalima ang bata. Makalipas ang ilang sandali ay humahangos itong
bumalik sa ina at iniabot ang sigarilyo.
"Eto ang sampung piso, ibili mo ng gamot ang kapatid mo" wika ng ina.
"Nasa bahay pa ni Aling Teray ate, ito daw ang gamot ni bunso." tugon ni Tessa
habang iniaabot ang gamot.
Maghapong hindi umuwi si Aling Linda noong araw na iyon. Sina Carmen at
Tessa ang tanging nag-alaga sa bunsong
kapatid. Si Tessa ang nagluluto ng pagkain samantalang si Carmen naman ang nag
iintindi sa kapatid. Pagsapit ng gabi, masayang dumating si Aling Linda dala ang perang
napanalunan. Umupo ito sa harap ng hapag kainan at nagsimulang magbilang.
"Mataas pa rin po ang lagnat niya, inay. Hinahanap po nya kayo kanina. Hindi
nyo man lang po sya nagawang bisitahin. Ano po ba ang nangyayari sa inyo? Simula
ng mamatay si ate nagkaganyan na kayo! Di ba po sabi nyo ang ipangsusugal namin ay
ipambili na lang namin ng pagkain. Inay, tigilan nyo na yan. Ang laki laki na po ng
pinagbago nyo. Napapabayaan nyo na po kaming mga anak nyo!" umiiyak na wika ni
Carmen.
"Wag na wag mong idadamay ang kapatid mo dito Carmen dahil hindi siya ang
dahilan ng lahat ng ito!" sigaw ni Aling Linda sa anak at mabilis na pumasok sa kwarto.
Naiwang umiiyak si Carmen habang minamasdan ang kapatid. "Kung nandito lang sana
si tatay, hindi ito mangyayari sa atin".
Nang gabing iyon, hindi dalawin ng antok si Carmen, naaalala niya ang buhay
nila noong kasama pa nila ang kapatid na si Lita at ang kanyang amang si Mang Kardo.
"Anak, bangon na at pupunta tayong palengke upang magtinda ng mga gulay"
utos ng kanyang ina kay Lita, ang panganay niyang anak. Agad namang tumalima si
Lita at naghanda para sa pag alis. "Carmen, ikaw na ang bahala sa
iyong mga kapatid habang wala pa ang iyong ama" pagpapatuloy pa nito.
Ilang sandali pa ay makikita na ang mag-ina sa daan sunong ang bilao ng gulay.
"Itay sa'n po kayo galing?" tanong ni Carmen sa ama ng malamang dumating na ito.
"Nagpastol lang ng baka, anak, kumusta ang gising mo?" tanong ng ama.
"Mabuti naman po Itay, katunayan nga po ako ang nagluto ng almusal natin.
Tinulungan ko po si nanay" masiglang tugon ni Carmen sa ama.
"Kumain na kayo nina Tessa anak at dadalhan ko pa ng pagkain ang iyong ina at
kapatid sa palengke" wika ng ama."Anak, pagbutihin mo ang iyong pag-aaral sapagkat
iyan lamang ang tanging maipapamana namin sayo ng iyong ina" pagpapatuloy nito
habang sinasalansan ang mga pagkain sa basket.
"Opo naman itay, gusto ko pong makatulong sa inyo ni nanay" tugon ni Carmen
Lumipas ang maghapon, dumating na sina Aling Linda kasama ang ama at si Lita mula
sa palengke. "Carmen, kumusta sina Tessa at Junior? Hindi ba kayo nag away?"
tanong nito.
"Mabuti naman po sila inay" tugon nito. Nilapitan ng ina ang anak at saka hinagkan.
"Magpapakabait kayo ha, huwag na huwag kayong masasangkot sa anumang gulo.
Huwag na huwag din kayo magsusugal ang perang ipangsusugal nyo ay ipambili na
lamang ninyo ng pagkain" mahabang pahayag ng ina.
"Hindi ka aalis Lita, makakaraos din tayo maaaring sa isang araw lalakas din
ang kita natin sa palengke" mariing pagtutol ng ina sa suhestyon ni Lita.
Lumipas ang dalawang linggo ngunit mababa parin ang benta sa palengke. Muli
na namang inusisa ni Lita ang ina sa nais nito.
"Pumapayag na ako pero mag iingat ka doon ha. Pag hindi mo na kaya umuwi
kana" tugon ng ina.
"Inay, gusto ko din pong magtrabaho sa pabrika tulad ni ate Lita" ang wika ni
Carmen sa ina.
"Oo anak, basta pagbutihin mo lamang ang iyong pag aaral para hindi lang
katulad ng ate mo ang maging trabaho mo." tugon ng ina.
"Pag nawala ako sa pabrika, ikaw na ang papalit sa akin" natatawang tugon ni
Lita. "Kaya magpalaki ka na agad para makapagtrabaho ka na sa pabrika" pabiro pa
nitong tugon.
"Inay, babalik na po ako sa pabrika, mag iingat po kayo lagi. Mahal na mahal ko
po kayong lahat" wika ni Lita sabay yakap sa magulang.
"Mahal na mahal ka din namin anak" tugon ni Mang Kardo.
"Pag-ingatan mo ang iyong sarili. Hindi ko nagustuhan ang sinabi mo kanina kay
Carmen. Saan ka naman pupunta, anak?" tanong ng ama. Ngumiti na lamang si Lita
bilang tugon.
Kinabukasan, maagang nagising si Aling Linda. Inihanda na niya ang mga gulay
na dadalhin sa palengke. Hindi na niya ginising si Carmen dahil alam niyang pagod ito
dahil sa maghapong pamamasyal kasama ang kapatid. Hindi na rin niya isinama ang
asawa para ito na ang magbantay ng mga anak habang natutulog ang mga ito. Sa
daan, isang grupo ng kababaihan ang nakita niya. May pinag uusapan ito ngunit hindi
naman niya mawari kung ano sapagkat nagmamadali siya sa paglalakad. Pagdating sa
palengke ay kaagad siyang tinawag ng kasamahan niya.
"Hoy mare, alam mo ba yung nangyari sa bayan kagabi? Nasunog ang isang
pabrika doon. Kaunti lamang ang nakaligtas dahil mabilis na kumalat ang apoy.
Natupok ang buong pabrika sa loob lamang ng ilang oras. Hindi na daw nagawang
apulahin pa ang apoy." mahabang pahayag ng kausap.
umiyak si Aling Linda ng datnan ng asawa kasama ang kanilang anak. Wala na si Lita,
wala na ang panganay na anak ni Aling Linda.
Simula ng mangyari ang pagkasunog ng pabrika ay ilang araw na ring hindi nag-
uusap ang mag-asawa. Hindi malaman ni Mang Kardo kung bakit galit sa kanya ang
asawa kung kaya kinausap niya ito.
"Ano ba ang nangyari sayo? Bakit ka nagagalit sakin?" tanong ni Mang Kardo
sa asawa.
"Inay, huwag nyo pong isisi kay tatay ang nangyari" saway ni Carmen sa
magulang. "Hindi naman po nya alam na mangyayari ito kay ate" pagpapatuloy pa nito.
"Anong hindi? Kung hindi nya sana pinayagan ang ate nyo na magtrabaho sa
pabrika, hindi mangyayari sa kanya ito. Hindi sya mamatay" umiiyak na sigaw nito sa
anak.
"Linda!" mataas ang tinig ng asawa. "Hindi mo ako maaaring palayasin dito."
"Kung ayaw mong umalis, ako na lamang ang aalis" sigaw ng asawa.
Napatingin si Mang Kardo sa mga anak."Hindi ako ang kailangan nila" nasabi na
lamang niya sa sarili. Malungkot na lumabas si Mang Kardo at nilisan ang tahanan.
"Itay! Itay! Huwag nyo po kaming iiwan" sigaw ni Carmen. "Itay! Itay!" ngunit
parang walang narinig si Mang Kardo. Nagpatuloy ito sa paglalakad hanggang mawala
sa paningin ni Carmen.
Nawala ang dating sigla ng tahanan nina Carmen. Naging matamlay si Aling
Linda ngunit katulad ng ginagawa niya, pumupunta parin ito sa palengke ngunit hindi na
ito sumasapat sa kanilang pangangailangan sapagkat siya na lamang ang kumakayod.
Isang araw, pauwi na si Aling Linda ng may madaanan siyang grupo ng kababaihan.
"Tingnan mo yang dala mo? Makasasapat ba iyan sa inyo ng mga anak mo?
Pag nanalo ka dito,mas malaki ang kikitain mo. Uupo ka lang at magtatanda ng mga
numero" udyok nito kay Aling Linda. "Sige na, isang laro lang at baka swertehin ka
ngayon" pagpapatuloy nito habang iniaabot ang isang bingo card.
"Talagang sinuwerte ako ngayon. Ang laki laki ng napanalunan ko! Uuwe na
muna ako alas otso na ng gabi". wika nito sa kausap na babae.
"Sabi ko naman sayo, suwerte ka nga, Bumalik ka ulit bukas ha." sagot naman
ng kausap.
Pagdating sa bahay binati agad siya ng anak "Inay, kumusta po?" bati ni
Carmen sa ina. "Anong makakain natin dyan? Ipaghain mo ako at matulog ka na
pagkatapos mong magligpit. Kumain na ba kayo? tanong nito.
Ilang buwan na ang nakalilipas ngunit hindi parin nagbabago si Aling Linda. Aalis siya
sa umaga at sa hapon na ang balik. Bagaman ganito ang lagi niyang ginagawa ay
ipinagpapasalamat na din ito ni Carmen dahil nakakakain sila sa araw-araw kahit isang
beses lamang. Ngunit namimis parin nya ang pagmamahal ng isang ina .
"Anak, bangon na at kakain na tayo". pukaw ni Aling Linda kay Carmen habang
marahang niyuyogyog ang balikat. Iminulat ni Carmen ang kanyang mga mata,
nakangiti sa kanya si Aling Linda. Nakatulog pala si Carmen pagkatapos ng naging pag-
aaway nila ng Ina.
****************************
Tata Selo
Maikling Kwento ni Rogelio Sikat
Maliit lamang sa simula ang kalumpon ng taong nasa bakuran ng munisipyo, ngunit ng
tumaas ang araw, at kumalat na ang balitang tinaga at napatay si Kabesang Tano, ay
napuno na ang bakuran ng bahay-pamahalaan.
Nasa loob ng istaked si Tata Selo. Mahigpit na nakahawak sa rehas. May nakaalsang
putok sa noo. Nakasungaw ang luha sa malabo at tila lagi nang may inaaninaw na
mata. Kupas ang gris niyang suot, may mga tagpi na ang siko at paypay. Ang kutod
niyang yari sa matibay na supot ng asin ay may bahid ng natuyong putik. Nasa harap
niya at kausap ang isang magbubukid ang kanyang kahangga, na isa sa nakalusot sa
mga pulis na sumasawata sa nagkakagulong tao.
“Bakit niya babawiin ang saka?” tanong ng Tata Selo. “Dinaya ko na ba siya sa
partihan? Tinuso ko na ba siya? Siya ang may-ari ng lupa at kasama lang niya ako.
Hindi ba’t kaya maraming nagagalit sa akin ay dahil sa ayaw kong magpamigay ng kahit
isang pinangko kung anihan?”
Hndi pa rin umalis sa harap ng istaked si Tata Selo. Nakahawak pa rin siya sa rehas.
Nakatingin siya sa labas ngunit wala siyang sino mang tinitingnan.
“Binabawi po niya ang aking saka,” sumbong ni Tata Selo. “Saan pa po ako pupunta
kung wala na akong saka?”
Kumumpas ang binatang mayaman. “Hindi katwiran iyan para tagain mo ang Kabesa.
Ari niya ang lupang sinasaka mo. Kung gusto ka niyang paalisin, mapapaalis ka niya
anumang oras.”
“Ako po’y hindi ninyo nauunawaan,” nakatingala at nagpipilit ngumiting wika niya sa
binatang nagtapon ng sigarilyo at mariing tinapakan pagkatapos. “alam po ba ninyong
dating amin ang lupang iyon? Naisangla lamang po nang magkasakit ang aking asawa,
naembargo lamang po ng Kabesa. Pangarap ko pong bawiin ang lupang iyon kaya nga
po ako hindi nagbibigay ng kahit isang pinangko kung anihan. Kung hindi ko na naman
po mababawi, masasaka man lamang po.nakikiusap po ako sa Kabesa kangina. ‘kung
maaari po sana, ‘Besa’’, wika ko po, ‘kung maaari po sana, huwag naman po ninyo
akong paalisin. Kaya ko pa pong magsaka, ‘Besa. Totoo pong ako’y matanda na, ngunit
ako pa nama’y malakas pa.’ Ngunit…Ay! Tinungkod po niya ako nang tinungkod,
Tingnan po n’yong putok sa aking noo, tingnan po ‘nyo.”
Dumukot ng sigarilyo ang binata. Nagsindi ito at pagkaraa’y tinalikuran si Tata Selo at
lumapit sa isang pulis.
Sa pagkakahawak sa rehas, napabaling si Tata Selo. Nakita niya ang isang batang
magbubukid na nakalapit sa istaked. Nangiti si Tata Selo. Narito ang isang magbubukid,
anak-magbubukid na naniniwala sa kanya. Nakataas ang malapad na sumbrerong
balanggot ng bata.
Nangungulintab ito, ang mga bisig at binti ay may halas. May sukbit itong lilik.
“Pinuntahan niya ako sa aking saka, amang,” paliwanag ni Tata Selo. “Doon ba sa may
sangka. Pinaalis ako sa aking saka, ang wika’y iba na raw ang magsasaka. Nang
makiusap ako’y tinungkod ako. Ay! Tinungkod ako, amang, nakikiusap ako sapagkat
kung mawawalan ako ng saka ay saan pa ako pupunta?”
Gumapang ang luha sa pisngi ni Tata Selo. Tahimik na nakatingin sa kanya ang bata.
“Patay po ba?”
Namuti ang mga kamao ni Tata Selo sa pagkakahawak sa rehas. Napadukmo siya sa
balikat.
“Pa’no po niyan si Saling?” muling tanong ng bata. Tinutukoy nito ang maglalabimpitong
anak ni Tata Selo na ulila na sa ina.
Katulong ito kina Kabesang Tano at kamakalawa lamang umuwi kay Tata Selo. “Pa’no
po niyan si Saling?”
“Saan po tinamaan?”
“Sa bibig.” Ipinasok ng alkalde ang kanang palad sa bibig, hinugot iyon at mariing
ihinagod hanggang sa kanang punog tainga. “Lagas ang ngipin.”
“Mabibilanggo ka niyan, Tata Selo,” anang alkalde pagkapasok ni Tata Selo. Umupo si
Tata Selo sa silyang nasa harap ng mesa. Nanginginig ang kamay ni Tata Selo nang
ipatong niya iyon sa nasasalaminang mesa.
“Pa’no nga ba’ng nangyari?” kunot at galit na tanong ng alkalde. Matagal bago
nakasagot si Tata Selo.
“Binawi po niya ang aking saka, Presidente,” wika ni Tata Selo. “Ayaw ko pong umalis
doon. Dati pong amin ang lupang iyon, amin, po, Naisangla lamang po at naembargo—“
Lumunok si Tata Selo. Nang muli siyang tumingin sa presidente, may nakasungaw
nang luha sa kanyang malalabo at tila lagi nang may inaaninaw na mata.
“Ako po naman, Presidente, ay malakas pa,” wika ni Tata Selo. “Kaya ko pa pong
magsaka. Makatuwiran po bang paalisin ako? Malakas pa po naman ako, Presidente,
malakas pa po.”
“Nasa may sangka po ako nang dumating ang Kabesa. Nagtatapal po ako ng pitas na
pilapil. Alam ko pong pinanonood ako ng kabesa, kung kaya po naman pinagbuti ko ang
paggawa, para malaman niyang ako po’y talagang malakas pa, kaya ko pa pong
magsaka. Walang anu-ano po, tinawag niya ako at nang ako po’y lumapit, sinabi niyang
makakaalis na ako sa aking saka sapagkat iba na ang magsasaka.
‘Bakit po naman, ‘Besa?’ tanong ko po. Ang wika’y umalis na lang daw po ako. ‘Bakit
po naman, ‘Besa?’ Tanong ko po uli, ‘malakas pa po naman ako, a’ Nilapitan po niya
ako. Nakiusap pa po ako sa kanya, ngunit ako po’y… Ay! Tinungkod po niya ako ng
tinungkod nang tinungkod.”
“Kailan?”
“Kamakalawa po ng umaga.”
“Napatay mo pala ang kabesa,” anang malaking lalaking hepe. Lumapit ito kay Tata
Selo na
“Binabawi po niya ang aking saka.” Katwiran ni Tata Selo. Sinapo ng hepe si Tata Selo.
Sa lapag halos mangudngod si Tata Selo.
Itinayo ng hepe si Tata Selo. Kinadyot ng hepe si Tata Selo sa sikmura. Sa sahig
napaluhod si
“Si Kabesa kasi ang nagrekomenda kay Tsip, e,” sinabi ng isa nang si Tata Selo ay tila
damit na nalaglag sa pagkakasabit nang muling pagmalupitan ng hepe.
“Habang-buhay siguro ang ibibigay sa iyo,” patuloy ng alkalde. Nagsindi ito ng tabako at
lumapit sa istaked. Makintab ang sapatos ng alkalde.
“Patayin na rin ninyo ako, Presidente.” Paos at bahagya nang narinig si Tata Selo.
Napatay ko po ang Kabesa. Patayin na rin ninyo po ako.”
Takot humipo sa maalikabok na rehas ang alkalde. Hindi niya nahipo ang rehas ngunit
pinagkiskis niya ng mga palad at tiningnan niya kung may alikabok iyon. Nang tingnan
niya si Tata Selo, nakita niyang lalo nang nakiling ito.
May mga tao namang dumarating sa munisipyo. Kakaunti lang iyon kaysa kahapon.
Nakapasok ang mga iyon sa bakuran ng munisipyo, ngunit may kasunod na pulis.
Kakaunti ang magbubukid sa bagong langkay na dumating at titingin kay Tata Selo.
Karamihan ay taga-Poblacion. Hanggang noon, bawat isa’y nagtataka, hindi
makapaniwala, gayong kalat na ang balitang ililibing kinahapunan ang Kabesa.
Nagtataka at hindi makapaniwalang nakatingin sila kay Tata Selo na tila isang di
pangkaraniwang hayop na itatanghal.
Di-nagtagal at si Tata Selo naman ang ipinakaon. Dalawang pulis ang umalalay kay
Tata Selo. Halos buhatan siyang dalawang pulis.
“Hindi ka na sana naparito Saling,” wika ni Tata Selo na napaluhod. “May sakit ka,
Saling, may sakit ka!”
Tila tulala ang anak ni Tata Selo habang kalong ang ama. Nakalugay ang walang kintab
niyang buhok, ang damit na suot ay tila yaong suot pa nang nagdaang araw. Matigas
ang kanyang namumulang mukha. Pinalipat-lipat niya ang tingin mula sa nakaupong
alkalde hanggang sa mga nakatinging pulis.
“Umuwi ka na, Saling” hiling ni Tata Selo. “Bayaan mo na…bayaan mo na. Umuwi ka
na, anak. Huwag, huwag ka nang magsasabi…”
Tuluyan nang nalungayngay si Tata Selo. Ipinabalik siya ng alkalde sa istaked.
Pagkabalik niya sa istaked, pinanood na naman siya ng mga tao.
“Naki-mayor.”
Sa isang sulok ng istaked iniupo ng dalawang pulis si Tata Selo. Napasubsob si Tata
Selo pagkaraang siya’y maiupo. Ngunit nang marinig niyang muling ipinanakaw ang
pintong bakal ng istaked, humihilahod na ginapang niya ang rehas. Mahigpit na
humawak doon at habang nakadapa’y ilang sandali ring iyo’y tila huhutukin. Tinawag
siya ng mga pulis ngunit paos siya at malayo na ang mga pulis. Nakalabas ang kanang
kamay sa rehas, bumagsak ang kanyang mukha sa sementadong lapag. Matagal
siyang nakadapa bago niya narinig na may tila gumigising sa kanya.
Umangat ang mukha ni Tata Selo. Inaninaw ng mga luha niyang mata ang tumatawag
sa kanya.
“Nando’n amang si Saling sa Presidente,” wika ni Tata Selo. “Yayain mo nang umuwi,
umuwi na kayo.” Muling bumagsak ang kanyang mukha sa lapag. Ang bata’y saglit na
nag-paulik-ulik, pagkaraa’y takot at bantulot nang sumunod…
Mag-iikaapat na ng hapon. Padahilig na ang sikat ng araw, ngunit mainit pa rin iyon.
May kapiraso nang lihin sa istaked, sa may dingding na steel matting, ngunit si Tata
Selo’y wala roon. Nasa init siya, nakakapit sa rehas sa dakong harapan ng istaked.
Nakatingin siya sa labas, sa kanyang malalabo at tila lagi nang nag-aaninaw na mata’y
tumatama ang mapulang sikat ng araw. Sa labas ng istaked, nakasandig sa rehas ang
batang Inutusan niya kanina. Sinabi ng bata na ayaw siyang papasukin sa tanggapan
ng alkalde ngunit hindi siya pinakinggan ni Tata Selo, na ngayo’y hindi pagbawi ng saka
ang sinasabi.
*************************************************************
KASAL
Maikling Kwento ni Eli Rueda Guieb III
(Ikalawang Gantimpala, Palanca Awards 1996)
‘Yung mahalin kita habambuhay, hindi ko yata iyon puwedeng ipangako sa iyo. Pero
‘yung iisipin kita habambuhay, iyon, baka iyon ay puwede ko pang ipangako sa iyo,
kahit papaano.
Iyon ang sinabi ko sa kaniya bago kami ikasal. At iyon din ang sinabi niya sa akin
pagkatapos naming ikasal.
Hindi naman siguro mahirap intindihin ‘yon. Dahil maraming bagay sa mundo ang hindi
pwedeng bigkisin sa mga kontrata ng relasyon. Iisa lang naman ang batas ng relasyon,
pagmamahal. Kapag iyon ang nawala, wala na ring silbi ang katotohanan ng mga
kontrata. Ang tanging katotohanang naiiwan ay ang pait ng pinawalang-bisang kontrata.
At kahit na anong pagkakait ang gawin, kahit na anong pagkukunwari ang ipantapal,
kung talagang wala na ang pagmamahal, anuman ang kahulugan nito, anuman ang
anyo nito, anuman ang ekspresyon nito, ay totoong tapos na nga ang kontrata. At kung
minsan nga ay tinatapos din ang relasyon kahit wala namang pag-ibig na tinatapos.
Hindi pa rin naman talaga mahirap intindihin iyon, iyong paghihiwalay. Sino ba ang may
sabing iisa lang ang dapat na puntahan ng relasyon? Sino ang may sabing mali ang
maghiwalay? Sino ang may sabing lahat ng tinatapos na relasyon ay dapat na
malungkot? Puwede rin naman sigurong maging masaya sa pagpilas ng mga
dokumento ng ugnayan.Maaring naroroon ang pait, hindi mo maiaalis iyon. Pero hindi
ibig sabihin no’n ay dapat na malungkot ang lahat ng pagtatapos. Kanina pa namin
hinihintay ang pagtaas ng araw. Kami, kaming dalawa lang, ang naghihintay sa tuktok
na ‘yon.
Gusto kong bumalik sa tent para kunin ang kamera. Ito ‘yung mga pagkakataong hindi
pinalalampas ng mga photographer. Tamang-tama ang color temperature. Nakaka-
challenge sa f-stop ng kamera ang speed ng liwanag.
Pero nagdesisyon akong huwag nang kunin ang kamera. May mga bagay na ayaw
kong ipaubaya sa mata ng kamera. May mga bagay na ayaw mong ikulong sa kuwadro
ng realidad ng lente. May mga bagay na para lang sa mata ng tao. May mga bagay na
gusto mo lang ikulong sa realidad ng gunita. Isa ito sa mga pagkakataong iyon.
Di pa nagtagal ay bilog na bilog na ang araw. Nawawala na ang mga pula, nawawala
na din ang mga dilaw. Tumitingkad na ang mga berde. Gumagalaw na rin ang mga
ulap,paitaas,pabalik sa kanilang langit.
Matagal pa kaming nanatiling nakaupo sa tuktok na iyon. Walang imikan sa isa’t isa,
nanonood sa paggising ng mundo, nakikinig sa mga kaluluwang paligid,sa mga
kaluluwa ng aming mga sariling buhay. Sino ang mag-aakalang nang mga sandaling
iyon ay pinupunit namin sa aming mga puso ang mga dokumento ng aming relasyon.
Mas maganda itong mga off season climbs, mas nasasarili ang hangin ng paligid, ang
huni, bulong, halakhak, at pighati ng lahat ng uri ng buhay sa mahanging bundok na ito.
Higit sa lahat, para mapakinggan namin, kami lang, ang mga impit na sigaw ng aming
mga kaluluwa.
Mabilis na namayagpag ang saranggola nang bitawan ko ito. Nakita kong medyo
nahirapang maniobrahin ni Joanne ang saranggola nang itulak ito ng hangin paitaas.
Isang tanong ang magpahanggang ngayon ay hindi namin alam ang sagot. Bakit
kailangang mamatay ni Toni? Hindi dapat namamatay ang mga bata. Hindi tamang
mamatay ang mga bata.
Kung paanong hindi ganoon kadaling pakawalan ang isang buhay na alam mong sa iyo
nanggaling. Namatay ang aming panganay dalawang taon na ang nakararaan. Tatlong
taon na si Toni noon, binaha ng tubig ang kaniyang utak, at walang nagawa ang mga
doktor. Walang nagawa ang Diyos kahit na anong dasal ang gawin ko, kahit na anong
pagsusumamo ang gawin ko sa lahat ng espiritu ng mundo’t kalawakan.
Gano’n yata talaga iyon. May mga bagay na agad-agad na nawawala, may mga bagay
na madaling mawala. Parang pagpapalipad ng saranggola. Kahit na anong maniobra
ang gawin mo sa pisi, kahit na anong pag-ayon at paglaban ang gawin mo sa
hangin,malakas man ito,banayad o mahina, kahit na anong tibay ng iyong pisi, ng papel
o ng kahit na anong materyal ng saranggla,at ng nagpapalipad,mapupunit ang
saranggola, o mapipigtas ang pisi,o mapapagod ang nagpapalipad,o simpleng
mawawalan ng hininga ang hangin.
Bumalik kami sa may tent. Kinuha ko ang stove sa tabi ng tent na natatakpan pa rin ng
flysheet. Habang binobomba ko ang stove ay nilagyan ni Joanne ng tubig ang cookset.
Pagkasindi ng stove ay ipinatong dito ni Joanne ang cookset. Habang hinihintay na
kumulo ang tubig ay pinunasan namin ng tissue paper ang aming mga tasa at kutsarita
na mamasa-masa pa sa hamog.
Kanina habang hinihintay namin ang pagsikat ng araw ay tinanong naming muli ang
aming mga sarili kung sino ang dapat sisihin sa patutunguhan ng aming relasyon, o sa
kawalan ng patutunguhan nito. Pero wala kaming makitang kasalanan o pagkakamali,
kung kasalanan nga o kamaliang matatawag ang aming pagpapakasal gayong alam
naming posibleng may hinihintay pa kaming ibang pag-ibig, o may ibang naghihintay sa
aming mga iniimbak na pag-ibig.
Pero hindi pala sa haba ng panahon sinusukat ang paghihiwalay. Hindi pala sa kawalan
tinitimbang ang bigat ng pagkataong kinikipkip sa puso.
Buhat ng bumalik si Michael ay lagi silang nag-uusap. Alam ko iyon. At alam ko rin ang
laman ng kanilang pag-uusap, lahat ng kanilang pag-uusap. Mula nang matiyak ni
Michael na gusto pa rin niyang maging karelasyon si Joanne kahit kami’y kasal na,
mula nang matiyak nilang dalawa na magsasama na sila, mula nang matiyak kong hindi
seguridad ang kasal para mapanatili ang relasyon, mula nang tanggapin ko sa sarili ko
na dapat ko nang pakawalan si Joanne, mula nang matanggap kong dapat ko na ring
kumawala sa buhay niya, mula nang maging tiyak ang maraming bagay kahit alam
naming ang katiyakang iyon ay puwedeng hindi talaga tiyak, mula noon ay sinabi ko na
sa aking sariling tapos na ang aming relasyon kahit hindi totoong doon nagtatapos ang
pag-ibig namin ni Joanne sa isa’t isa.
Noong umpisa ay totoong mabigat iyon. Isang malaking kahangalan ang pawalan ang
isang mahal sa buhay, lalo’t may basbas ng legalidad ang aming pagsasama. Subalit
higit na malaking kahangalan ang ikulong ang kapwa sa legalidad ng pagsasama.
Iniangat ko ang takip ng maliit na kaldero. Hindi pa rin kumukulo ang tubig. Naihanda na
ni Joanne ang kaning kaniyang isasangag.
Ngumiti si Joanne, lumapit sa tabi ko at kinusot-kusot ang buhok ko. “Hindi naman
kailangang may pag-awayan para maghiwalay,” sabi niya.
Hindi ako ngumiti. Tiningnan ko lang siya. Walang masamang ibig sabihin ang tinging
iyon. Mugto ang kaniyang mga mata.
Kamuntik na ngang hindi matuloy ang pag-akyat na ito. Hindi namin alam kung
matatawa kami noong namimili kami ng mga pagkaing dadalhin namin para sa climb na
ito. Para kaming naglalaro. At para ring corny na ang huling araw ng pagsasama namin
ay sa ganitong paraan namin gagawin, kung paanong sa ganitong sitwasyon din namin
sinimulan ni Joanne ang aming relasyon.
Kapwa kami noon aplikante ni Joanne sa isang mountaineering group. Boyfriend na
niya noon si Michael. Ako naman ay may live-in partner noon, si Lizette.
Pareho namingmahal ni Lizete ang isa’t isa, at pareho kaming hindi naniniwala sa kasal.
Pero ewan ko kung bakit isang araw ay nagising akong ang pakiramdam ko ay pagod
na ako sa mga transient na relasyon. Gusto ko na ng permanence. Niyaya ko ng kasal
si Lizette. Nang una kong sabihin iyon sa kaniya ay tinitigan lang niya ako nang
matagal, parang hindi makapaniwalang ako nga ang nagsabi niyon sa kaniya.
Ilang beses naming pinag-usapan ni Lizette ang bagay na iyon. Iisa lagi ang kaniyang
sagot, isang tiyak na iling.
Kumukulo na ang tubig. Inalis ko ang kaldero sa stove. Ipinatong ni Joanne ang maliit
na kawali, isinunod ang bawang, nilagay ang kaning lamig.
Habang nagsasangag ay naghanda ako ng kape para sa aming dalawa. Iniabot ko ang
tasa ni Joanne sa kaniya, humigop siya ng kaunti. Nilagyan ko ng creamer ang aking
kape, humigop ng kaunti, nagsindi ng yosi.
May isang makulay na ibong dumapo sa isa sa mga batong kumukubli sa stove laban
sa ihip ng banayad na hangin.
Naalala ko ang isang lawing namataan namin ni Joanne nung minsang nag-long
distance biking kami mula Maynila hanggang Bustos, Bulacan. Nasa Norzagaray kami
noon, nasa tuktok namin ang araw nang matanaw ko ang lawing iyon na payapang
lumilipad sa gilid ng bangin.
Nasa gilid ng bangin ang kalsada. Mayabang subalit tahimik na tahimik ang matayog na
lipad ng lawin. Sandali kaming huminto ni Joanne sa pagba-bike. Iginilid namin sa may
bangin ang aming mga mountain bike. Pingmasdan namin sa may bangin ang ibon sa
paikot-ikot nitong paglipad sa burol. Tumingin ako sa ibaba. Nakalulula, nakatatakot
mabuhay sa matayog na gilid ng mundo.
Sa ibaba ay naroon ang isang makitid na ilog. May ilang babaeng naglalaba, mga
dalaga’t matanda. Mayamaya’y lumayo sa kinaroroonan namin ang lawin, tinaasan pa
ang paglipad, dumako sa loob ng bundok na nauubusan na ng puno.
Hinanap namin ang daan pababa sa may ilog. Inakay namin ang aming mga bike sa
bato-batong footpath hanggang marating namin ang mas mabatong patag patungo sa
ilog. Tinanggal ko ang aking helmet at shades, hinubad ko ang aking medyas, sapatos,
at tishirt. Tumalon ako sa ilog at lumangoy patungo sa kabilang pampang kung saan
naroon ang mga bata’t mga babaeng naglalaba. Maligamgam ang tubig.
Sinenyasan ko si Joanne na sumunod sa akin. Umiling lang siya. Hihintayin na lang kita
dito, sigaw niya. Nang marating ko ang pampang ay tumingin lang sa akin ang mga
bata. Nagtawanan ang mga kababaihan. Umupo ako. Kinilig ako ng kaunti nang
dampian ng tuyot na hangin ang aking katawan. Mapapasma ako sa ginagawa kong ito,
pero hindi bale, sabi ko, minsan ko lang namang gawin ang ganito.
At bago pa namin marating ang bayan ng Bustos ay marami kaming nadaanang mga
lumang bahay, paisa-isa, payapa, tahimik na nakatayo sa gilid ng kalsada, subalit tila
ipinagyayabang ang kanilang katatagan, ang kanilang kasaysayan.
Minsan ay sinubukan kong mag-bike mag-isa, sa ruta pa ring madalas naming daanan
ni Joanne. Pero no’n ay pinasok ko ang maliliit na rough road na hindi namin
pinapansin. Mababato ang mga daang iyon. Tumatalsik ang mga batong tinitisod ng
gulong ng bike, tumatalon sa mga damo sa gilid ng kalsada, ang iba ay gumugulong sa
putik ng palayan, ang tunog ng bagsak sa putik ay parang sinasaksak na laman ng tao.
Nang muli kong titigan ang kalsada sa ilalim ng gulong ng aking bike ay nagmistulang
kawan ng mga tuldok ang daan. Ibinaling ko ang aking ulo sa harap, nasisilaw ako sa
liwanag kahit naka-shades ako, tumutulo rin ang pawis mula sa aking noo. Puro tuldok
pa rin ang aking nakikita, libo-libong tuldok sa sa isang mahaba’t nag-iisang kalsada sa
gitna ng berdeng parang na iyon.
Tuldok, naghahanap ako ng tuldok sa buhay. Marami akong mga tinapos na relasyon
na hindi naman talaga nagtapos sa tuldok. At gusto ko nang tuldukan ang mga
bahaging iyon ng buhay ko. Maraming tuldok na puwedeng daanan. Pero hindi pala
ganon kadaling mamulot ng mga tuldok.
Nahugot ko na ang pinakahuling peg ng tent. Naitiklop na namin ni Joanne ang tent,
flysheet, at groundsheet. Nakapag-pack na kami at nililinis na lang namin ang campsite
na ginamit namin.
Bago kami tuluyang bumaba ay sandali kaming tumayo sa may gilid ng tuktok. Inilibot
namin ang aming paningin sa lahat ng kayang abutin ng aming mga mata, ang langit,
ang ulap, ang mga bundok sa dulo ng mundo, ang mga damo sa maliliit at alon-along
bundok sa ibaba. Isa pang buntong-hininga, magkakambal na buntong-hiningang
pinakawalan din naman namin.
Pumasok sa aking isip ang imahe ng mga mummy na nakita namin ni Joanne habang
paakyat kami ng Pulag. Natahimik ako nang isa-isa kong makita ang mga bakas na iyon
ng kamatayan. Hindi nga lang pala buhay ang nag-iiwan ng mga gunita, higit na
maraming iniiwang alaala ang kamatayan.
Nasabi ko tuloy sa aking sarili na gusto kong mamatay nang maaga, di tulad ng
matandang mag-asawang nakatanghod s bintana, di tulad ng mga lumang bahay sa
gilid ng kalsada. Ano pa ba ang gagawin ko sa buhay kung wala na ang mga ka-batch
ko sa mundo? Paano ba ako makikihalubilo sa isang henerasyong hindi ko naman
kinabibilangan, sa isang mundong hinihintay na lang akong mawala, sa isang panahong
nakikisama na lang sa akin?
Pero paano kong ihahanda ang aking sarili sa kamatayan? Gusto ko, kung kakayanin
ko, at sana’y kayanin ko nga, ay ibalik ang aking kamalayan sa kalagayan nito noong
ako’y nasa sinapupunan
Noong mga sandaling iyon, ‘yung kaming dalawa lang ni Joanne sa tuktok ng Pulag,
‘yung aming-amin ang aming mundo, ‘yung mga yugtong iyon ng pamamaalam sa isa’t
isa, noong mga sandaling iyon, ang pakiramdam ko ay kinikilabutan ang mundo sa
aming kapaslitan.
Habang kami’y bumababa ni Joanne ay naalala ko ang isang bagay na pumasok sa isip
ko noong ako’y bumababa sa tuktok ng Halcon. Sa bawat pag-akyat at pagbaba ng
bundok ay lagi’t laging may kaluluwang iniiwan, may kaakuhang nagbabago, may
bagong identitad na binubuo.
Si Joanne, tiyak siya sa sarili kung saan siya pupunta pagkababa namin sa Pulag. Ako,
saan kaya ako pupunta? Naalala ko ang sinabi sa akin ni Lizette nu’ng minsang kami’y
mag-usap. Isang taon na kaming hiwalay noon, pero wala pa rin siyang karelasyon o
kasama sa apartment na inuupahan. Sabi niya, hindi raw ganoon kadaling maghanap o
bumuo ng relasyon, permanente man o transient.
Ano ang naghihintay sa akin sa ibaba? Bahala na, kung ano ang ibibigay sa akin ng
pagkakataon, o kung anong pagkakataon ang puwede kong likhain para may
mapuntahan ako.
Pero bago kami bumaba, corny mang sabihin, nangako ako kay Joanne, parang noong
kami’y ikasal. Sabi ko sa kanya, ‘yung iisipin kita habambuhay, iyon, tiyak ako, puwede
kong ipangako iyon sa iyo. At ‘yung mamahalin kita habambuhay, puwede ko na rin
sigurong ipangako iyon sa iyo. Kahit hindi na tayo magkasama.
Ngumiti si Joanne. Pero hindi niya sinagot ang sinabi kong iyon.
************
Tatlong Kuwento ng Buhay
Maikling kwento ni Julian Candelabra ni Lualhati Bautista
Totoo, mas mabuti nang di-hamak si Aling Sandra kung ihahambing sa iba pa nilang
kapitbahay. No'ng mga panahong ‘yon na kokonti pa lang ang may tv, hindi siya
puwedeng sumilip-silip sa bintana ng iba para manood ng Popeye o ano pa man.
paniguradong magsasara ng bintana ang iba! Pero pinatutuloy siya ni Aling Sandra,
pinauupo sa tabi ni Bong, at pinapayagang manood hanggang sa oras na talaga para
patayin nito ang tv. Kung sabagay, nauutus-utusan siya ni Aling Sandra. Pero
makatarungan si Aling Sandra kahit sa pag-uutos nito. Kadalasang binibigyan siya nito
ng pabuyang singko o diyes sa bawa’t ipagawa sa kanyang maliit na bagay.
Siguro, dahil kaibigan siya ni Bong kaya magiliw sa kanya si Aling Sandra. Tingin niya,
gusto ni Aling Sandra basta mga kalarong hindi nakakagalit ni Bong. Anu’t anuman,
kahit may lakad si Aling Sandra, iiwan nito sa bahay si Bong baska kasama siya. Kahit
magka-edad lang halos sila ni Bong, itinuring na siya ni Aling Sandra bilang isang
mapagkakatiwalaang taong-bahay.
Mag-isa siya sa sala samantalang si Aling Sandra ay maaaring may ginagawa sa silid
at si Bong ay nasa labas sandali. At ando'n lang, bukas, ang platerang pinaglalagyan
nito ng pitaka. Siguro'y may kausap sa labas si Aling Sandra at nasa toilet sandali si
bong, at nag-iisa siya sa sala malapit sa bukas na platerang kinalalagyan ng pitaka ni
Aling Sandra. Ilang pagkakataon nang nangyayari iyon at tantiyado na niya, na maaari
siyang maiwan sa loob nang may sapat na sandali para makasalisi sa platera,
makahugot sa pitaka ni Aling Sandra at makabalik sa kinaroroonan niya na para bang
hindi kumilos, walang ginagawang masama, at mag-anyo ng isang nagpapakabait.
Gustong-gusto niyang makabili ng mga sisiw na aalagaan niya’t palalakihin para manok
nab ago mag-bertdey ang tatay niya, para may maihanda ito nang hindi naman
nakakantiyawan ng mga kumpare. Pero walang-wala siya. walang-wala siya
samantalang ando'n lang, at kadalasang hindi bilang, ang pera ni Aling Sandra.
Hindi lang nila alam kung pa'no lumilindol ang dibdib niya nang gawin iyon. Hindi lang
nila alam kung ga'no kadesperado ang pagtawag niya sa Diyos. Pero may ugaling
magbingi-bingihan ang Diyos kung minsan. Saktong ibinabalik niya sa lugar ang pitaka
ni Aling Sandra nang bigla itong pumasok. At namakas sa mukha nito ang pagkagulat,
na may halong pagkagalit.
“Julian, ano'ng ginagawa mo?”
Wala siyang naisagot. Namumutla, nanlalata ang tuhod na pinayagan niyang kapkapan
siya ni Aling Sandra sa bulsa at tuklasin ang sasampuing matagumpay na sana niyang
naitago.
Gulping walang humpay ang inabot niya sa tatay niya nang magsumbong si Aling
Sandra, at walang nagawa ang nanay niya kundi magtitili’t mag-iiyak na lang. May latay
siya hanggang mukha, nagkandaihi sa sakit, halos hindi makabangon sa hirap. Akala
talaga niya'y hindi siya titigilan ng tatay niya nang humihinga pa. Sa musmos na isip
niya, natanim ang matinding hinanakit sa kabiguan ng tatay niyang umunawa sa
damdaming nagtulak sa kanya para magawa iyon:
“Gustong-gusto ko lang pong makabili ng sisiw! Tatay, natukso lang po ako! Hindi lang
po napigilan ang sarili ko, Tatay!”
Matagal-tagal ding pinangilagan ng mga tao si Julian. Hindi nila alam, nangilag din si
Julian sa kanila: nag-alala siyang may mawalan diyan ay siya ang awtomatikong
mapagbintangan. May tatak na siya, masama na ang tingin sa kanya ng tao, at mahirap
nang mangyari pa ay tuluy-tuloy siyang ipapulis.
Ilang taon na ang nakararaan ay takot pa rin si Julian na magpapasok sa bahay ng may
bahay. Disisiyete na’t lahat si Julian ay taglay pa niya ang pilat ng malubhang
pangyayaring kinasangkutan niya sa edad dose na nagbunga sa kanya ng malalang
pagkadungo at pagka-mailap.
“Hus, ikaw naman! Para kang aanuhin nang aanuhin,” kung sabihan nga siya ni Aling
Connie na asawa ng biyaherong si Mang Felix. “Aba, Julian; kung lilinisin mo ang kanal
sa likod-bahay ko, wala kang dadaanan kundi dito sa loob!”
Madalas nga siyang tawagin ni Aling Connie. Julian, pakikabit mo nga ang daylightko.
Julian, tingnan mo nga ang fuse ko, pumutok. Kung takbo siya agad sa bawa’t utos ni
Aling Connie, iyon ay taboy ng abot-langit na pangangailangan niya, sa kabila ng lahat,
sa tiwala ng kapwa-tao.
“O e di pang-meryenda mo. Masama naman 'yong utos ako nang utos sa 'yo, wala man
lang pabuya. H'wag ka nang mahiya o. kunin mo na.”
Nahihiya pa rin siya. tama na sana sa kanya 'yong magiliw sa kanya si Aling Connie.
pero mahalaga rin sa kanya 'yong limang piso kung tutuusin. Lalo na ngayong ga-
gradweyt siya sa haiskul, at abut-abot ang utang na kailangan niyang sagutin sa
eskuwelahan.
Pero nakatawa si Aling Connie. “Maniniwala ka, nai- locked ko ang sarili ko sa labas ng
bahay? Alam mo naman 'yong pinto namin, pag nalimutan mo 'yong susi paglabas mo,
patay ka na! Wala pa naman dito ang Mang Felix mo.”
“H'wag kang mag-alala, nakabantay naman ako,” sabi ni Aling Connie. “Hindi kita iiwan
habang tinatanggal mo 'yong jalousy .”
Alanganin pa rin siya pero kawawa naman si Aling Connie. At maski pa'no, wala naming
nangyayaring aberya habang sinusunod niya si Aling Connie.
“O, h'wag ka munang umalis agad,” pigil ni Aling Connie nang nagpapaalam na siya.
“Dito ka na kumain.”
“Ho?”
“Bakit hindi? Nakaluto na 'ko. Ang totoo, maghahain na 'ko nang tumawag ang Mang
Felix mo para sabihing bukas na siya makakauwi,” may pait na nadama siyang humawa
sa boses ni Aling Connie.
Gutom na rin siya. Higit do'n natutuwa siya na mukhang nabubuhos na nga ang tiwala
sa kanya ni Aling Connie. Sabik na sabik siya sa tiwala ng kapwa tao!
“Salaman naman, sinaluhan mo 'ko. Hindi mo lang alam kung ga'no kahalaga sa 'kin
'yong may makasalo 'ko sa pagkain. Alam mo, madalas, naiiyak talaga 'ko pag
nagluluto ako ng ispesyal, tapos. tatawag sa 'kin ang Mang Felix mo para sabihing
bukas na siya uuwi!”
Masarap damhin na siya ang takbuhan ni Aling Connie, na siya ang pinili nito para
pagsumbungan, pagsabihan ng mga tago nitong damdamin:
“Balik ka, ha, Julian? Minsan. Pag wala ang Mang Felix mo. Para may makausap ako!”
Hindi niya maintindihan kung bakit siya pa, isang kabataang hindi mo naman sasabihing
napakatalino, ang gusting kausap ni Aling Connie. Pero walang halaga sa kanya ang
mga bakit. Tama na 'yong gusto siyang kausap ni Aling Connie; tama na 'yong
nakakadama siya ngayon ng importansiya. Kaya nang salubungin siyang minsan ni
Aling Connie sa daan para sabihing, “Halika sa bahay mamaya; wala ang Mang Felix
mo,” walang pag-aatubiling nagpunta siya.
Ang seksi-seksi ni Aling Connie nang dumating siya. Nahihiya tuloy siyang tumingin sa
dibdib nito. Baka sabihin pa ni Aling Connie, bastos siya. Nakatungo tuloy siya lagi.
Pero nakatawa si Aling Connie, tinutukso siya: “Ba’t ba hindi ka mag-angat ng mukha?”
sabi sa kanya. “Wala ka namang uling, a! O, may tipo ka naman. hindi naman
nakakahiyang ilantad ang mukha mo. Julian, lumapit ka nga. Bakit ba parang mailap ka
sa 'kin?”
“Halika sa tabi ko. Sus, Julian, h'wag kang manginig! Ano ka ba, para nahawakan ka
lang!… Lalaki ka, babae 'ko. walang masama dito, Julian. Puwera na lang kung bakla
ka?”
'H'wag ka rin! Haha! H'wag kang matakot, ako'ng bahala. Hmm, 'yan ang gusto ko sa
lalaki. 'yong talagang amoy-lalaki!“
Pagkatapos niyon, tinanong niya ang Diyos: "Diyos ko, ba’t ko nagawa 'yon?” At muli,
ang tanging katwiran na ginamit niya rin no'ng kasalukuyang nilulumpo siya ng tatay
niya may limang taon na ang nakararaan: Natukso lang po ako! Hindi ko po napigilan
ang sarili ko! Gusto niyang pumunta kay Mang Felix para sabihing, natukso lang po
ako; hindi kop o napigilan ang sarili ko. pero kasabay nito, takot na takot siyang
malaman ni Mang Felix na may nangyari sa kanila ni Aling Connie komo natukso siya,
komo hindi niya napigilan ang sarili niya.
Masasalubong niya sa daan si Mang Felix, at halos hindi niya maihakbang ang paa sa
matinding pangangalos ng tuhod niya. Alam na kaya ni Mang Felix? Diyos ko,
natuklasan na kaya ni Mang Felix? Tatanguan siya ng pagbati ni Mang Felix at lalo
siyang manlalata sa ginhawang bigyan ng kaalamang hindi pa alam ni Mang Felix.
Pero siyempre naman, a; hindi na 'yon ikukuwento ni Aling Connie! Siyempre naman,
a; hindi na 'yon malalaman ni Mang Felix. Pagkaraan ng ilang araw, natantiya niyang
nakalusot na siya at nakahinga siya nang maluwag. Kaya nang puntahan uli siya ni
Mang Felix isang hapon ay lumabas siya na walang pag-aalala.
Bahagya na niyang nailagan ang tagang inunday sa kanya ni Mang Felix. Maliwanag
ang murang lumabas sa bibig nito, malagim ang tili ng nagimbal na ina niya, mabilis ang
pagkakagulong namayani sa paligid, at nangibabaw sa isip niya ang isa’t matingkad na
utos ng sarili: Takbo, Julian, papatayin ka! Takbo!
Wala ng pagkakataon para sabihin niya kay Mang Felix na, Mang Felix, hindi ko lang po
napigilan ang sarili ko!
Nagtago nang mahigpit si Julian pagkatapos ng pangyayaring 'yon. aba, ikaw man 'to!
Kahit nang mabalitaan niya na hindi na naman daw siya pinagkakaabalahan pang
hantingin ni Mang Felix, patuloy siya sa mahigpit na pagtatago. Magising-makatulog si
Julian, balisa siya. Hindi siya matahimik sa pag-aalalang matagpuan siya ni Mang Felix,
sa pag-aalala pa rin sag alit ng kanyang ama, at sa pag-aalala ng kanyang ina. Saka
maski istrikto ang tatay niya, iba pa rin 'yong may bubong na kahit pa'no; 'yong hindi ka
todo-todong nag-iisa sa buhay. Sa huling suma, hindi katumbas ng maikling ligaya sa
piling ni Aling Connie ang parusa ng sariling dinaranas niya ngayon; tulad ding hindi
halagang sampung piso lang ang gulping ipinataw sa kanya ng ama at kahihiyang
kakabit niyon nang magkasala siya bilang isang musmos.
“H'wag mo nang banggitin pa sa 'kin 'yon, Julian,” sansala ng tatay niya. “Walang
paliwanag na makapagbibigay-katwiran sa kalokohan mo. Maliit ka pa, hindi ka na
mapagkatiwalaan.”
“Oo, malaki ka na. hindi na kita mapapalo,” malungkot na dugtong pa ng ama niya.
“Pero h'wag mo naman akong masyadong nakawan ng dangal. Ayokong sa bandang
huli'y manghinayang ako na naging anak kita.”
Ibig niyang maghimagsik at paniwalaang malupit, talagang sarado ang isip ng kanyang
ama. Pero isang tingin sa mukha nito at natantiya niya ang kasinungalingan ng
katigasan nito. Kailan lang siya umalis ay ang laki na ng itinanda agad ng tatay niya, na
para bang nag-alala rin ito nang husto sa pagkawala niya. Sa likod ng matalim na dila
nito’t malupit na kamay, alam ni Julian, mahal din siya ng matanda.
Nakaramdam ng awa si Julian sa magulang. Mahirap ding maging ama, naisip niya.
Siyempre’t baguhan, temporary waiter lang muna siya. Okay na rin dahil kita n'yo, sa
primera-klaseng hotel-restoran naman siya napunta. Wala silang malinaw na usapan sa
suweldo - hindi rin niya alam kung ilang porsiyento ng kita niya ang “tatagain” ng
ahensiya - pero wala naman siyang reklamo sa tip . At, paniwala niya no'ng bagong
salta siya, okay lang ang tsibog. T'yak na lalaki ang katawan ko, 'Nay, sa nagkalat na
pagkain sa paligid!
Hindi niya akalain, patakaran pala sa restoring 'yon ang bring your own baon !
Tumaas ang isang kilay ng istriktong si Ma'am. " Are you crazy ?” Hindi basta restoran
'to, Binata. At sa dami n'yon waiter dito, sa pagkain n'yo pa lang e baka hindi na maka-
break even ang management !“
Oo nga naman, ayunan ng mga "maunawaing” bagong pasok. Tuusin mo naman kung
bawa’t waiter e kakain ng fried chicken na nagkakahalaga ng sisenta pesos!
Binulungan si Julian ng isang datihan: “Makakakain ka rin ng pagkain dito, h'wag kang
mag-alala.”
Kaagad din naming natuklasan niya ang ibig sabihin ng datihan, pagkaraang magsilbi
sila sa isang luncheon meeting at ibalik nila sa kusina ang mga bandeha ng sobrang
pagkain.
Pero takpan muna ang pagkain, hindi pa oras ng ligaya. Baka mahuli ka ni Ma'am na
ngumunguya, tatalsik ka sa trabaho. Alas dos pa ang break ng mga waiter , pag busog
na ang lahat at mangisa-ngisa na lang ng nakikita mong kostumer.
Kung gano'n, lalong hindi wise na isnabin pa niya ang mga tira ng mga nagdaang
parukyano dahil sa oras na 'yon, panis na ang lahat ng baon nila sa plastic!
“Saka ano ba'ng ipagseselan mo pa? Mahal dito, mga turista’t mga big shot ang
kumakain dito. Samakatwid, puro taong may kuwarta. Wala naman siguro sa kanilang
may sakit. O kahit bad breath , wala naman siguro!”
“Kain na, Julian. Ku, pare, kahit tira lang 'yan. iba pa rin 'yan sat along at bago'ng na
baon mo!”
Julian, kasi, kawikaan nila: total. malaki naman daw ang nati- tip ng mgatemporary !
O e ba’t 'yong mga regular, dib a malaki rin ang nati- tip ?
Wala kang magagawa; mga regular 'yon, e. malinaw ang usapan nila sa suweldo.
Engot ka pala! Bakit, ninang mo ba si ma'am? Baka 'kala mo, gano'n-gano'n lang ang
maging regular!
'Yon ang akala mo! Ang sabihin mo: matatapos na nga'ng probation mo. mag-ingat-
ingat ka na! Oras na nabutasan ka nila, talsik ka!
Kahit wala! Mahirap ka ba talagang umintindi? Dito, nililimit ang bilang ng regular. Bakit
'kamo? Dahil lahat 'yan, obligadong bigyan na ng mga benefits ! E sinong management
ang masarap sa loob na magbigay ng mga benefits ?
H'wag kang kasiguro, Julian. Kanina lang, huling-huli kita. tsumibog ka na naman nang
wala sa oras!
“MA'AM”
“ You heard me , Julian. Pasensiya ka, violator ka, e. Sinabi ko na sen'yo, ayokong
nakakahuli ng ngumunguya pag di pa oras ng pagkain!”
H'wag naman, dasal ni Julian. Diyos ko, h'waag naman. Pag nalaman ito ni Itay, iisipin
niyang may nagawa na naman akong kasalanan!
“Ang ayoko sa lahat, 'yong mga taong hindi mapagkatiwalaan!” malupit na sabi pa ni
Ma'am at naramdaman niya ang latay ng mga salitang 'yon. “Hala, pirmahan mo 'tong
termination paper mo!”
Termination paper ?
“Ma'am,” natatarantang sabi ni Julian. “Pasensiya nap o kayo. Kasi po, gutom na gutom
na 'ko. h-hindi ko na po napigilan ang sarili ko!”
May alingawngaw sa pandinig ni Julian ang mismong mga salita niya. Hindi ko na
napigilan ang aking sarili ! 'Yon na lang ba talaga ang masasabi niya tuwing gagawa
siya ng asunto? Wala na bang iba?
Gutom na gutom siya at nagkalat ang pagkain. hindi niya napigilan ang kanyang sarili!
Tulad ding hindi siya nakapigil sa harap ng katotohanang walang-wala siyang pera at
naro'n lang ang pitaka ni Aling Sandra. Na nasa panahon siya ng kapusukan at kainitan
ng dugo'y ibinilad sa kanya ni Aling Connie ang maganda’t mabangong sarili. Ba’t
gano'n, parang hindi pa sapat na pagkaitan siya, parang kailangan pa ring takawin siya.
Sa mga okasyon ng matinding pangangailangan at pagkahayok, saka pa siya inilalagay
ng tao sa sitwasyon na hindi niya kayang paglabanan. Saka pa siya tinutukso, inaakit,
sinusubok.
“Dapat, Ma'am, kung gugutumin n'yo kami. h'wag n'yo na kaming pakitaan ng pagkain,”
nakuhang sabihin ni Julian.
Nang-uuyam ang ngiting tinesting ni Ma'am ang talino niya: “Ba’t, ano'ng kaibhan
ngresignation letter sa termination paper ?”
“Pag nag-apply ako sa iba, ma'am. ang lagay, termination paper ang 'pakikita kong
reference?”
Lalo pang nang-uyam ang ngiti ni Ma'am. “P'wes, nagre- reflect sa reputasyon ng
kompanya pag nagre-resign ang kanyang mga empleyado!”
At naisip pa rin niya: Talaga bang wala nang katungkulang-moral ang tao sa kapwa tao
niya? Panahon nab a talaga ng mga robot? O naglipana lang talaga ang mga maligno?
Naalala niya ang tatay niya at ang salita nito “ H'wag mo naman akong masyadong
nakawan ng dangal ”. at gusto niyang maiyak sa pagkatuklas na hindi ang ama niya
kundi siya ang ninanakawan ng dangal mula’t sapul. Itay, hindi marangal ang
magmistula kanga song kumakain ng tira ! Hindi marangal ang magmakaawa sa mga
demonyong mapagkait ng dangal !
“Mahalaga ang oras ko, Julian. Pirmahan mo na 'yan, kung ibig mong makakuha pa ng
suweldo maski pa'no.”
Hindi alam ni Julian kung kalian ang eksaktong sandali ng pagdidilim ng isip niya. Pero
bigla'y hinablot niya ang mataas na kuwelyo ni Ma'am, pakaladkad itong itinindig, at
sinakal. mahigpit, mariin, papilipit. at nagngalit ang mga masel sa braso niya, ang mga
ugat sa leeg niya, kasabay ng pagtatangka ni Ma'am na makasigaw sa kabila ng
disididong pagpiga niya hanggang huling hininga nito at mula kung saan, parang narinig
ni Julian ang gimbal na tili ng kanyang ina.
Sa hukuman, isa lang ang alibi na ibinigay ni Julian sa kasong pagpatay na inihain
laban sa kanya, kasama ng mahigpit na pag-iwas sa nanunumbat na mga mata ng
kanyang ama: Hindi kop o napigilan ang aking sarili!
Impeng Negro
Ni Rogelio Sicat
"Hindi ho...," ginagad siya ng ina. "Bayaan mo na nga sila. Kung papansinin mo'y lagi
ka ngang mababasag-ulo."
May iba pang sinasabi ang kanyang ina ngunit hindi na niya pinakinggan. Alam na niya
ang mga iyon. Paulit-ulit na niyang naririnig. Nakukulili na ang kanyang tainga.
Isinaboy niya ang tubig na nasa harap. Muli siyang tumabo. Isinawak niya ang kamay,
pinagkiskis ang mga palad at pagkaraa'y naghilamos.
"Dumaan ka kay Taba mamayang pag-uwi mo," narinig niyang bilin ng ina. "Wala nang
gatas si Boy. Eto ang pambili."
Sa sulok ng kanyang kaliwang mata'y nasulyapan niya ang ina. Nakaupo ito, taas ang
kaliwang paa, sa dulo ng halos dumapa nang bangko. Nakasandig ang ulo sa tagpiang
dingding. Nakalugay ang buhok. Bukas ang kupasing damit na giris, nakahantad ang
laylay at tuyot na dibdib. Kalong nito ang kanyang kapatid na bunso. Pinasususo.
Bahagya na niyang maulinigan ang ina. Nakatitig siya sa tatlo pa niyang kapatid.
Sunud-sunod na nakatalungko ang mga ito sa isa pang bangkong nas atagiliran ng
nanggigimalmal na mesang kainan. nagsisikain pa.
Matagal na napako ang kanyang tingin kay Kano, ang sumunod sa kanya. Maputi si
Kano, kaya ganito ang tawag dito sa kanilang pook. Kakutis ni Kano ang iba pa niyang
kapatid. Marurusing ngunit mapuputi. May pitong taon na si Kano. Siya nama'y
maglalabing-anim na. Payat siya ngunit mahahaba ang kanyang biyas.
Hinalungkat na niya ang kahong karton na itinuro ng ina. Magkakasama ang mga damit
nila nina Kano, Boyet at Diding. Sa may ilalim, nakuha niya ang kulay-lumot niyang
kamiseta. Hinawakan niya iyon sa magkabilang tirante. Itinaas. Sinipat.
"Yan na'ng isuot mo." Parang nahulaan ng kanyang ina ang kanyang iniisip.
Isinuot niya ang kamiseta. Lapat na lapat sa kanya ang kamisetang iyon noong bagong
bili ngunit ngayo'y maluwag na. Nagmumukha siyang Intsik-beho kapag suot iyon ngunit
wala naman siyang maraming kamisetang maisusuot. Mahina ang kita ng kanyang ina
sa paglalabada; mahina rin ang kanyang kita sa pag-aagwador.
Nagbalik siya sa batalan. Nang siya'y lumabas, pasan na niya ang kargahan. Tuluy-
tuloy niyang tinungo ang hagdan.
"Si Ogor, Impen," pahabol na bilin ng kanyang ina. "Huwag mo nang papansinin."
Naulinigan niya ang biling iyon at aywan kung dahil sa inaantok pa siya, muntik na
siyang madapa nang matalisod sa nakausling bato sa may paanan ng kanilang hagdan.
Nanunuri ang mga mata at nakangising iikutan siya ni Ogor. Pagkuwa'y bigla na lamang
nitong kakayurin ng hintuturo ang balat sa kanyang batok.
Sa katagalan, natanggap na niya ang panunuksong ito. Iyon ang totoo, sinasabi niya sa
sarili. Negro nga siya. Ano kung Negro? Ngunit napapikit siya. Ang tatay niya'y isang
sundalong Negro na nang maging anak siya'y biglang nawala sa Pilipinas.
Ang panunuksong hindi niya matanggap, at siya ngang pinagmulan ng nakaraan nilang
pagbababag ni Ogor, ay ang sinabi nito tungkol sa kanyang ina. (Gayon nga kaya
kasama ang kanyang ina?)
"Sarisari ang magiging kapatid ni Negro," sinabi ni Ogor. "Baka makatatlo pa ang
kanyang nanay ngayon!"
Noong kabuntisan ng kanyang ina sa kapatid niyang bunso ay iniwan ito ng asawa.
Hindi malaman kung saan nagsuot. At noon, higit kailanman, naging hamak sila sa
pagtingin ng lahat. Matagal-tagal ding hindi naglabada ang kanyang ina, nahihiyang
lumabas sa kanilang barungbarong. Siya ang nagpatuloy sa pag-aagwador. At siya ang
napagtuunan ng sarisaring panunukso.
Natandaan niya ang mga panunuksong iyon. At mula noon, nagsimula nang
umalimpuyo sa kanyang dibdib ang dati'y binhi lamang ng isang paghihimagsik:
nagsusumigaw na paghihimagsik sa pook na iyong ayaw magbigay sa kanila ng
pagkakataong makagitaw at mabuhay nang payapa.
Sariwa pa ang nangyaring pakikipagbabag niya kay Ogor, naiisip ni Impen habang
tinatalunton niya ang mabatong daan patungo sa gripo. Mula sa bintana ng mga
barungbarong, nakikita niyang nagsusulputan ang ulo ng mga bata. Itinuturo siya ng
mga iyon. Sa kanya rin napapatingin ang matatanda. Walang sinasabi ang mga ito,
ngunit sa mga mata, sa galaw ng mga labi nababasa nya ang isinisigaw ng mga paslit:
Negro!
Natatanaw na niya ngayon ang gripo. Sa malamig ngunit maliwanag nang sikat ng
araw, nakikita na niya ang langkay ng mga agwador. Nagkakatipun-tipon ang mga ito.
Nagkakatuwaan. Naghaharutan.
Sa langkay na iyon ay kilalang-kilala niya ang anyo ni Ogor. Paano niya malilimutan si
Ogor? Sa mula't mula pa, itinuring na siya nitong kaaway, di kailanman binigyan ng
pagkakataong maging kaibigan.
Halos kassingulang niya si Ogor, ngunit higit na matipuno ang katawan nito. Malakas si
Ogor. Tuwid ang tindig nito at halos hindi yumuyuko kahit may pasang balde ng tubig;
tila sino mang masasalubong sa daan ay kayang-kayang sagasaan.
Nang marating niya ang gripo ay tungo ang ulog tinungo niya ang hulihan ng pila.
Marahan niyang inalis sa pagkakakawit ang mga balde. Sa sarili, nausal niyang sana'y
huwag siya ang maging paksa ng paghaharutan at pagkakatuwaan ng mga agwador.
Sa pangkat na iyon ay kay Ogor agad natutok ang kanyang tingin. Pnilit niyang supilin
ang hangaring makasilong. Naroon sa tindahan si Ogor. Hubad-baro at ngumingisi.
Mauupo na lamang siya sa kanyang balde. Mabuti pa roon, kahit nakabilad sa init.
Pasasaan ba't di iikli ang pila? naisip niya. Makasasahod din ako.
Kasalukuyan siyang nagtitiis sa init nang may maulinigan siyang siga mula sa tindahan:
Si Ogor iyon. Kahit hindi siya lumingon, para na niyang nakita si Ogor. Nakangisi at
nanunukso na naman.
Malakas ang narinig niyang tawanan. Hindi pa rin siya lumilingon. Tila wala siyang
naririnig. Nakatingin siya sa nakasahod na balde ngunit ang naiisip niya'y ang bilin ng
ina, na huwag na niyang papansinin si Ogor. Bakit nga ba niya papansinin si Ogor?
Tinigilan naman ni Ogor ang panunukso. Hindi pa rin siya umaalis sa kinauupuang
balde. At habang umiisod ang pila, nararamdaman niyang lalong umiinit ang sikat ng
araw. Sa paligid ng balde, nakikia niya ang kanyang anino. Tumingala siya ngunit siya'y
nasilaw. Nanghahapdi at waring nasusunog ang kanyang balat. Tila ibig nang matuklap
ang balat sa kanyang batok, likod at balikat. Namumuo ang pawis sa kanyang anit at sa
ibabaw ng kanyang nguso. may butil na rin ng pawis sa kanyang ilong.
Itinaas niya ang tirante ng kamiseta. Hinipan-hipan niya ang manipis na dibdib. Di
natagalan, isinawak niya ang kamay sa nalalabing tubig sa balde. Una niyang binasa
ang batok---kaylamig at kaysarap ng tubig sa kanyang batok. Malamig. Binasa niya ang
ulo. Kinuskos niya ang kanyang buhok at nabasa pati ang kanyang anit. Binasa niya
ang balikat, ang mga bisig. May nadama siyang ginhawa ngunit pansamantala lamang
iyon. Di nagtagal, muli niyang naramdaman na tila nangangalirang na naman ang
kanyang balat. Kay hapdi ng kanyang batok at balikat.
"Negro!" Napauwid siya sa pagkakaupo nang marinig iyon. Nasa likuran lamang niya
ang nagsalita. Si Ogor. "Huwag ka nanag magbibilad. Doon ka sa lamig."
Pagkakataon na ni Ogor upang sumahod. At habang itinatapat nito ang balde sa gripo,
muli niyang nakita na nginingisihan siya nito.
Pautos iyon. Iginitgit ni Ogor ang bitbit na balde at kumalantog ang kanilang mga balde.
Iginitgit din niya ang sa kanya, bahagya nga lamang at takot na paggitgit. "Kadarating
mo pa lamang, Ogor, nais niyang itutol. Kangina pa ako nakapila rito, a. Ako muna sabi,
e," giit ni Ogor.
Bantulot niyang binawi ang balde, nakatingin pa rin kay Ogor. Itinaob niya ang kaunting
nasahod na balde at ang tubig ay gumapang sa semento at umabog sa kanilang mga
paa ni Ogor. Uuwi na ako, bulong niya sa sarili. Uuwi na ako. Mamaya na lang ako iigib
uli. Nakatingin sa araw, humakbang siya upang kunin ang pingga ngunit sa paghakbang
na iyon, bigla siyang pinatid ni Ogor.
Hindi n a niya narinig iyon. Nabuwal siya. Tumama ang kanan niyang pisngi sa labi ng
nabiawang balde. Napasigaw siya. Malakas. Napaluhod siya sa madulas na semento.
Kagyat na bumaha ang nakaliliyong dilim sa kanyang utak. Habang nakaluhod,
dalawang kamay niyang tinutop ang pisngi. Takot, nanginginig ang kanyang mga daliri.
Dahan-dahan niyang iniangat iyon. Basa...Mapula...Dugo!
Nanghilakbot siya. Sa loob ng isang saglit, hindi niya maulit na salatin ang biyak na
pisngi. Mangiyak-ngiyak siya.
"O-ogor...O-ogor..." Nakatingala siya kay Ogor, mahigpit na kinukuyom ang mga palad.
Kumikinig ang kanyang ulo at nangangalit ang kanyang ngipin. "Ogor!" sa wakas ay
naisigaw niya.
Hindi minabuti ni Ogor ang kanyang pagsigaw. Sinipa siya nito. Gumulong siya. Buwal
ang lahat ng baldeng nalalabi sa pila. Nagkalugkugan. Nakarinig siya ng tawanan. At
samantalang nakadapa, unti-unting nabuo sa walang malamang sulingan niyang mga
mata ang mga paang alikabukin. Paparami iyon at pumapaligid sa kanya.
Bigla siyang bumaligtad. nakita niya ang naghuhumindig na anyo ni Ogor. Nakaakma
ang mga bisig.
"O-ogor..."
Si ogor...Sa mula't mula pa'y itinuring na siya nitong kaaway...Bakit siya ginaganoon ni
Ogor?
Dagok, dagok, dagok...Nag-uumigting ang kanyang mga ugat. Tila asong nagpipilit
makapaibabaw si Ogor. Tila bakal na kumakapit ang mga kamay. Sa isang iglap siya
naman ang napailalim. Dagok, dagok. Nagpipihit siya. Tatagilid. Naiiri. Muling
matitihaya. Hindi niya naiilagan ang dagok ni Ogor. Nasisilaw siya sa araw. Napipikit
siya. Mangungudngod siya, mahahalik sa lupa. Ngunit wala siyang nararamdaman
sakit. Wala siyang nararamdamang sakit!
Sa mga dagok ni ogor, tila nasasalinan pa siya ng lakas. Bigla, ubos-lakas at nag-uumiri
siyang umigtad. napailalim si Ogor. Nahantad ang mukha ni Ogor. Dagok, bayo, dagok,
bayo, dagok, bayo, dagok...Kahit saan. Sa dibdib. Sa mukha. Dagok, bayo, dagok,
bayo, dagok, dagok, dagok...
"Impen..."
"I-Impen..." Halos hindi niya narinig ang halingling ni Ogor. "I-Impen...s-suko n-na...a-
ako...s-suko...n-na...a-ako!"
Naibaba niya ang nakataas na kamay. Napasuko niya si Ogor! Napatingala siya Abut-
abot ang pahingal. makaraan ang ilang sandali, dahan-dahan at nanlalambot siyang
tumindig, nakatuon ang mga mata kay Ogor. Wasak ang kanyang kamiseta at duguan
ang kanyang likod. May basa ng dugo't lupa ang kanyang nguso.
Pinangingimian siya!
May luha siya sa mata ngunit may galak siyang nadama. Luwalhati. Hinagud-hagod
niya ang mga kamao. nadama niya ang bagong tuklas na lakas niyon. Ang tibay. Ang
tatag. Ang kapangyarihan. Muli niyang tiningnan ang nakabulagtang si Ogor.
Pagkaraa'y nakapikit at buka ang labing nag-angat siya ng mukha.
Sa matinding sikat ng araw, tila sya ang mandirigmang sugatan, ngunit matatag na
nakatindig sa pinagwagihang laranga
PAGLALAYAG sa PUSO ng ISANG BATA
ni Genoveva Edroza-Matute
Binata na siya marahil ngayon. O baka ama na ng isang mag-anak. Ito ay kung
nakaligtas siya sa nakaraang digmaan… nguni't ayaw kong isiping baka hindi. Sa akin,
siya'y hindi magiging isang binatang di-kilala, isang ama, o isang alaala kaya ng
Bataan. Sa akin, siya'y mananatiling isang batang lalaking may-kaliitan, may kaitiman,
at may walong taong gulang.
Isa siya sa pinakamaliit sa klase. At isa rin siya sa pinakapangit. Ang bilog at pipis
niyang ilong ay lubhang kapansin-pansin at tignan lamang iyo'y mahahabag na sa
kanya ang tumitingin. Kahit ang paraan niya ng pagsasalita ay laban din sa kanya.
Mayroon siyang kakatuwang "punto" na nagpapakilalalng siya'y taga ibang pook.
Ngunit may isang bagay na kaibig-ibig sa munti't pangit na batang ito, kahit sa simula
pa lamang. Nagpapaiwan siya tuwing hapon kahit na hindi siya hilingan ng gayon.
Tumutulong siya sa mga tagalinis at siya ang pinakamasipag sa lahat. Siya rin ang
pinakahuling umaalis: naglilibot muna sa buong silid upang pulutin ang mga naiiwang
panlinis. Lihim ko siyang pinagmamasdan habang inaayos niya ang mga ito sa
lalagyan, ipinipinid, at pagkatapos ay magtutungo sa likod ng bawat hanay ng upuan
upang tingnan kung tuwid ang bawat isa. At sa pintuan, lagi siyang lumilingon sa
pagsasabi ng "Goodbye, Teacher!"
At kung ang lahat ay wala na, kinakausap ko siya at sumasagot siya nang pagaril sa
Tagalog. At sa mga ganoong pagkakatao'y nagmumukha siyang maligaya at ang
kanyang, "Goodbye, Teacher," sa may-pintuan ay tumataginting. Sa mga ganoong
pagkakatao'y naiiwan sa akin ang katiyakang siya'y hindi na totoong napag-iisa at hindi
na totoong nalulumbay.
Isang mabagal na paraan ang pag-akit na iyon sa kanya at ang pagtiyak na siya'y
mahalaga at sa kanya'y may nagmamahal.
Isang araw, nangyari ang hindi inaasahan. Sa paglingon ko sa mga taong nagdaa'y
naamin ko sa sariling ang lahat ng iyo'y aking kasalanan. Mainit noon ang aking ulo,
umagang-umaga pa. At ang hindi ko dapat gawin ay aking gingawa - napatangay ako
sa bugso ng damdamin. Hindi ko na magunita ngayon kung ano ang ginawa ng batang
iyon na aking ikinagalit. Ang nagugunita ko lamang ngayon ay ang matindi kong galit sa
kanya, ang pagsasalita ko sa kanyang ipinanaliit niya sa kanyang upuan. Nalimutan ko
ang kanyang pag-iisa, ang kanyang kalumbayan, ang mabagal na paraan ng pag-akit at
pagtiyak sa kanyang siya'y mahalaga at minamahal.
Nang hapong iyo'y hindi siya nagpadulas sa pagitan ng mga hanay ng upuan. Ngunit
siya'y nagtungo sa huling upuan upang kunin ang aking tsinelas, upang paghiwalayin
ang mga iyon at itapat sa aking mga paa. Nagtungo siya sa tindahang katapat upang
bilhin ang aking minidal at nagpaiwan siya upang likumin ang mga kagamitan sa
paglilinis at upang ayusin ang mga iyon sa lalagyan sa sulok. Pinagpantay-pantay rin
niya ang mga upuan sa bawat hanay, gaya ng kanyang kinamihasnan. Ngunit hindi siya
tumingin sa akin minsan man lamang nang hapong iyon.
Naisip ko: napopoot siya sa akin. Sa munti niyang puso'y kinapopootan niya ako ng
pagkapoot na kasintibay ng pagmamahal na iniukol niya sa akin nitong mga huling
buwan. Ang isa mang batang namulat sa pag-iisa at sa kalumbayan ng pag-iisat
kawalan ng pagmamahal ay makaaalam din sa kawalan ng katarungan. Ngayo'y paalis
na siya, ang naisip ko, nang may kapaitan sa puso.
Nagtungo siya sa pintuan at ang kanyang mga yabag ay mabibigat na tila sa isang
matandang pagod. Sa loob ng maraming buwan, ngayon lamang siya hindi lumingon
upang magsabi ng, "Goodbye, Teacher." Lumabas siya nang tahimik at ang kanyang
mabibigat na yabag ay lumayo nang lumayo.
Ano ang ginawa kong ito? Ano ang ginawa kong ito? Ito ang itinanong ko nang paulit-
ulit sa aking sarili. Napopoot siya sa akin. At ito'y sinabi ko rin nang paulit-ulit sa aking
sarili.
Biglang-bigla, ang maitim at pipis na mukha ng bata'y nakita ko sa pintuan. Ang mga
mata niyang nakipagsalubungan sa aki'y may nagugulumihanang tingin. "Goodbye,
Teacher," ang sabi niya. Pagkatapos ay umalis na siya.
Kung gaano katagal ako noon sa pagkakaupo, ay hindi ko na magunita ngayon. Ang
tangi kong nagugunita'y ang pagpapakumbaba ko sa kalakhan ng puso ng munting
batang yaon, sa nakatitinag na kariktan ng kanyang kaluluwa. Nang sandaling yaon,
siya ang aking naging guro.
SANDAANG DAMIT
ni Fanny Garcia
Ni Genoveva Edroza-Matute
Hindi ko siya nakikita ngayon. Ngunit sinasabi nilang naroroon pa siya sa dating
pinagtuturuan, sa walang pintang paaralang una kong kinakitaan sa kanya. Sa isa sa
mga lumang silid sa ikalawang palapag, sa itaas ng lumang hagdang umiingit sa bawat
hakbang, doon sa kung manunungaw ay matatanaw ang maitim na tubig ng isang
estero. Naroon pa siya’t nagtuturo ng mga kaalamang pang-aklat, at bumubuhay ng
isang uri ng karunungan sa kanya ko lamang natutuhan.
Siya ay isa sa mga pangkaraniwang guro noon. Walang sinumang nag-ukol sa kanyang
ng pansin. Mula sa kanyang pananamit hanggang sa paraan ng pagdadala niya ng mga
panunugutan sa paaralan, walang masasabing anumang pangkaraniwan sa kanya.
Siya’y tinatawag naming lahat na si Mabuti kung siya’y nakatalikod. Ang salitang iyon
ang simula ng halos lahat ng kanyang pagsasalita. Iyon ang pumalit sa mga salitang
hindi niya maalaala kung minsan, at nagiging pamuno sa mga sandaling pag-
aalanganin. Sa isang paraang malirip, iyon ay naging salamin ng uri ng paniniwala sa
buhay.
Mabuti, ang sasabihin niya,
ngayoy magsisimula tayo sa araling ito. Mabuti
ķnamat umabot tayo sa bahaging ito
Mabuti
Mabuti!
Hindi ako kailanman magtatapat sa kanyang ng anuman kung di lamang nahuli niya
akong minsang lumuluha; nang hapong iyo’y iniluha ng bata kong puso ang pambata
ring suliranin.
“Mabuti’t may tao pala rito,” wika niyang ikinukubli ang pag-aagam-agam sa narinig.
“Tila may suliranin .. mabuti sana kung makakatulong ako.”
Ibig kong tumakas sa kanya at huwag nang bumalik pa kailanman. Sa bata kong isipan
ay ibinilang kong kahihiyan ay kababaan ang pagkikita pa naming muli sa hinaharap,
pagkikitang magbabalik sa gunita ng hapong iyon. Ngunit, hindi ako makakilos sa sinabi
niya pagkatapos. Napatda ako na napaupong bigla sa katapat na luklukan.
“Hindi ko alam na may tao rito”….. naparito ako upang umiyak din.”
Hindi ako nakapangusap sa katapatang naulinig ko sa kanyang tinig. Nakababa ang
kanyang paningin sa aking kandungan. Maya-maya pa’y nakita ko ang bahagyang ngiti
sa kanyang labi.
Tinanganan niya ang aking mga kamay at narinig ko na klamang ang tinig sa
pagtatapat sa suliraning sa palagay ko noo’y siya nang pinakamabigat.Nakinig siya sa
akin, at ngayon, sa paglingon ko sa pangyayaring iyo’y nagtataka ako kung paanong
napigil niya ang paghalakhak sa gayong kamusmos na bagay. Ngunit, siya’y nakinig
nang buong pagkaunawa, at alam ko na ang pagmamalasakit niya’y tunay na matapat.
“Siyanga pala, Ma’am, kayo? Kayo ng pala? Ano ho iyong ipinunta ninyo sa sulok na
iyo na … iniiyakan ko?”
Tumawa siya ng marahan at inulit ang mga salitang iyon; “ang sulok na iyon na …
iniiyakan natin… nating dalawa.” Nawala ang marahang halakhak sa kanyang tinig:
“sana’y masabi ko sa iyo, ngunit… ang suliranin.. kailanman. Ang ibig kong sabihin ay
… maging higit na mabuti sana sa iyo ang … buhay.”
Si Mabuti’y naging isang bagong nilikha sa akin mula nang araw na iyon. Sa
pagsasalita niya mula sa hapag, pagtatanong, sumagot, sa pagngiti niyang mabagal at
mahiyain niyang mga ngiti sa amin, sa paglalim ng kunot sa noo niya sa kanyang
pagkayamot, naririnig kong muli ang mga yabag na palapit sa sulok na iyon ng silid-
aklatan. Ang sulok na iyon,.. “Iniiyakan natin,” ang sinabi niya nang hapong iyon. At
habang tumataginting sa silid naming ang kanyang tinig sa pagtuturo’y hinuhulaan ko
ang dahilan o mga dahilan ng pagtungo niya sa sulok na iyon ng silid-aklatan.
Hinuhulaan ko kung nagtutungo pa siya roon, sa aming sulok na iyong… aming
dalawa…
Wala iyon doon kanina, ang masasabi ko sa aking sarili pagkatapos na maipadama
niya sa amin ang kagandahan ng buhay sa aming aralin. At hindi naging akin ang
pagtuklas na ito sa kariktan kundi pagkatapos na lamang ng pangyayaring iyon sa silid-
aklatan.
Nasa bahaging iyon ang pagsasalita ng aming guro nang isang bata sa aking likuran
ang bumulong: “Gaya ng kanyang ama!”
Narinig ng aming guro ang ang sinabing iyon ng batang lalaki. At siya’y nagsalita.
“Oo, gaya ng kanyang ama,” ang wika niya. Ngunit tumakas ang dugo sa kanyang
mukha habang sumisilay ang isang pilit na ngiti sa kanyang labi.
Iyon ang una at huling pagbanggit sa aming klase ang tungkol sa ama ng batang may
kaarawan.
Matitiyak ko noong may isang bagay ngang malisya sa buhay niya. Malisya nang
ganoon na lamang. At habang nakaupo ako sa aking luklukan, may dalawang dipa
lamang ang layo sa kanya, kumirot ang puso ko sa pagnanasang lumapit sa kanya,
tanganan ang kanyang mga kamay gaya ng gingawa niya nang hapong iyon sa sulok
ng silid-aklatan, at hilinging magbukas ng dibdib sa akin. Marahil, makagagaan sa
kanyang damdamin kung may mapagtatapatan siyang isang taong man lamang. Ngunit,
ito ang sumupil sa pagnanasa kong yaon; ang mga kamag-aral kong nakikinig ng
walang anumang malasakit sa kanyang sinasabing, “Oo, gaya ng kanyang ama,”
habang tumatakas ang dugo sa kanyang mukha.
Pagkatapos, may sinabi siyang hindi ko makakalimutan kailanman. Tinignan niya ako
ng buong tapang na pinipigil ang panginginig ng mga labi at sinabi ang ganito :
“Mabuti…mabuti gaya ng sasabihin nitong Fe-lyon lamang nakararanas ng mga lihim
na kalungkutan ang maaaring makakilala ng mga lihim na kaligayahan. Mabuti, at
ngayon, magsimula sa ating aralin…”
At ngayon, ilang araw lamang ang nakararaan buhat nang mabalitaan ko ang tungkol
sa pagpanaw ng manggagamot na iyon. Ang ama ng batang iyong marahil ay magiging
isang manggagamot din balang araw, ay namatay at naburol ng dalawang gabi at
dalawang araw sa isang bahay na hindi siyang tirahan ni Mabuti at ng kanyang anak. At
naunawaan ko ang lahat. Sa hubad na katotohanan niyon at sa buong kalupitan niyon
ay naunawaan ko ang lahat.
Ang Baliw Ng Bayan Ng Sili
ni Roy V. Aragon
Hindi ko alam at parang naging isang bugtong sa akin si Indong Kagit na gusto kong
ihanapan ng wastong kasagutan. Bakit ang taong ito? Bakit siya ganito? Bakit siya
ganyan? Hindi ko malaman kung bakit pinagkababalisahan ng isang banda ng aking
isip ang isang bagabundo at sinasabi nilang baliw. Kung bakit ba kasi parati ko na lang
siyang nakikita. Maliit nga bang bayan itong Sili o sadyang masikip lang ang mundo?
Kung bakit ba napapansin ko ang kanyang presensya, ang kanyang kairalang nakikita
at nararaanan samantalang simple naman sanang di ko na lang siya pansinin, na
daanan ko na lang siya basta katulad ng di pakikialam ng mga taong dadaan-daan lang
sa kanya, na nakapapansin lamang sa kanya dahil nasasamyo nila ang panghi’t baho
niya o kaya’y naiirita sa marumi’t butuhan niyang palad na palagian nang nakasahod, o
kaya’y nababanas sa panambit-taghoy-sumamo niyang tila hirap na hirap.
Nang lumaon, unti-unti ring napalis ang kuryusidad ko nang karaniwan nang
nasasalubong ko o nadadaanan si Indong Kagit sa mga kalsada ng Sili. Inabala ko ang
isip at oras sa pag-aaral at extra-curricular activities. Sinasabi ko sa sariling wala na
akong panahong mabalisa sa isang taong palaboy at baliw na nakikita ko namang
malaya, kontento at masaya sa sarili niyang daigdig. Sisikapin ko ring maging malaya,
kontento at masaya sa sarili kong daigdig.
NANAULI ANG AKING INTERES kay Indong Kagit nang maganap ang halos
isang buwang pagrarali namin laban sa korap at abusadong presidente ng aming
kolehyo. Noong una, mangilan-ilan lang na lider-estudyante, na kinabilangan ko, ang
nagpasimula ng demonstrasyon. Nang lumaon, nahikayat namin ang karamihan sa
populasyon ng mga mag-aaral, guro, at empleyado ng kolehyo. Naging irregular ang
mga klase. Hanggang sa pati ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan, mga kasapi sa
Simbahan, negosyante, at mga mamamayan ay sumuporta at nakisama sa mass
actions upang maibagsak ang state college president at ilan niyang alipures na mga
guro’t empleyadong kasama o kaalyado sa pang-aabuso at panggigipit. Talaga naman
kasing abusado ang presidente sa puwesto at saka mayabang marahil kasi’y appointed
siya mismo ng Malakanyang at isa siyang dating mataas na opisyal ng CHED sa
Manila. Bagong talaga, mahigit dalawang taon pa lang siyang nanunungkulan, ay
dukomentado ang marami niyang pagsasamantala at opresyon sa estudyante’t
empleyado—bukod sa mga umiiral nang alituntunin sa kolehyo ay nagtalaga rin siya ng
kanyang mga sariling batas na nagsilbi sa kapakanan niya at ng mga tapat niyang
tagasunod subalit naging mapang-ipit naman sa mga ibig magmatuwid at ayaw sa
kanyang pamamaraan ng pamumuno. Gusto niyang hawakan at pigilin ang karapatan
ng academic community—na ituring itong parang isang istriktong pribadong kolehyo ng
mga pari o madre na kung saan maraming bawal: bawal magtayo ng unyon ng
empleyado, bawal magtatag ng mga organisasyong alyado sa mga progresibong grupo,
bawal magpahayag ng damdamin, bawal magreklamo, bawal magtanong, bawal
sumagot, bawal, bawal, maraming bawal na hindi pangkaraniwan sa isang
pampublikong kolehyo. At sa kabila ng mga bawal at pagbabawal na ito ay hindi naman
niya binabawalan ang sarili: isang bata pa’t magandang empleyadong may-asawa na
natalagang sekretarya sa kanyang opisina, isang bagong graduate na guro, at ilang
estudyante ang nagreklamo ng sexual assault/harassment laban sa kanya, sa kabila pa
ng mga reklamo sa graft at corruption, slander at physical abuse na kinasangkutan ng
ilang kasapi ng security force na ginawa niyang parang sariling bodyguards. Ang
pakiwari marahil ng presidente ay sarili niyang kaharian ang kolehyo na malaya niyang
pagharian kasi nasa isang liblib na isla ito na nakabukod at malayo. Isa pang
pangunahing nilalabanan naming mga estudyante, maliban sa basic na problema sa
mataas ng matrikula at kakulangan ng pasilidad at libro, ay ang pakikialam at
panghihimasok niya sa student council, kung saan kinatawan ako ng Arts and Letters,
at sa college publication, na pinamamatnugutan ko. Gusto niya kaming talian sa nguso.
Sapul no’n buntot-buntot na si Indong Kagit sa aming grupo. Hindi naman namin
masawata, siya’y nagkusang payaso’t utusan namin. Tagadala ng gagawin naming mga
effigy. Tagapasan ng kabaong ng “patay na demokrasya” sa kampus. Tagabitbit ng
mga plakard at istrimer. Sa kainan, ako ang nagbibigay ng pagkain ni Indong Kagit.
Sagana kami sa mga donasyong pagkain, lalo na ang pangmadalian kagaya ng delata,
biscuit, tinapay at instant noodles. Nalaman kong kadalasa’y minsanan lang daw
kumain sa isang araw si Indong Kagit. Malimit pa nga raw siyang di kumakain, lagi raw
siyang gutom. Nagdedepende lamang daw siya sa limos at mga tira sa mga turo-turo’t
restawran. Naawa ako at binigyan ko pa siya ng isang tisert na may markang nakataas
na kamao upang palitan ang gulanit na niyang suot. Ibinigay ko pa ang isang luma ko
nang pantalong maong at isang lumang kambas na sapatos, na labis niyang ikinatuwa’t
ipinagpasalamat.
Hindi na humiwalay sa amin si Indong Kagit sa kahabaan ng rali. Nakipaglamay,
nakitulog siya sa pansamantalang kwartel namin sa labas, sa harapa’t tapat ng
kolehiyo. Parang nandidiri ang ilang kasamahan ko at iniiwasan nila si Indong Kagit at
ako lamang ang malapit, lumalapit, sa kanya. Hanggang sa nakakausap ko na nang
maayos si Indong Kagit.
“Nakikirali ako senyo,” aniya isang gabi sa kinaroroonan naming magkatabi sa
pinaligiran naming bonfire sa likuran ng aming kwartel, “sapagkat nais ko ring
makatulong sa paglilinis sa inyong paaralang pinamahayan nung mga maligno’t laman-
lupa. Kahit ganito ako, may magagawa rin siguro ako, di baga? Gustong-gusto ko kasi
kung may ganyang rali, nakatutuwa kasi masaya saka maaksiyon at saka may kainan
lagi na parang piknik, di baga? Alam mo, do’n sa Naga’t Legaspi, maraming rali at piket
at welga sa mga paaralan saka mga pagawaan ang nakita ko’t aking sinamahan
kagaya ngayon dito. Alam mo, kasi, eh, yung paaralan, kagaya nitong inyong kolehiyo,
ay para kasing yung isang maliit na gobyerno, eh. Kung kaya nating repormahin ito,
kaya rin natin kung gayon yung malaking gobyerno, di baga? Wala lang yata kasi
tayong tiwala sa ating sarili. Yung mga maliliit lang yung kaya natin, eh. Yung unti-unti
saka kanya-kanyang pakikibaka, di baga? Kung magkaisa na lang sana tayo upang
lumaki tayo at nang sa gayo’y malabanan natin yung mga malalaki. Di baga? Tama, di
baga?”
Di ko siya nasagot. Natitigan ko lang si Indong Kagit. Ang tila walang buhay
niyang mga mata na ngayo’y parang sumasayaw sa liwanag ng tumatawang apoy ng
bonfire—parang sila na ngayon ang bumibigkas sa mga sinasabi niya. Sira nga ba
siya? Baliw nga ba siya—na siyang pinagkaisahan ng paligid, ng lipunan—na
paniwalaan? Hindi ko alam, hindi ko alam. Subalit nahimok na naman ang aking
kuryusidad. Inalam ko kung sino siya, kung bakit palaboy-laboy siya sa Sili, kung bakit
ba tinatawag siyang baliw.
Fredeswindo Manlangit daw ang tunay niyang pangalan. Indo ang palayaw niya.
Subalit Indong Kagit na raw ang nakagawiang tawag sa kanya ng mga tao. Baliw ang
ibig sabihin ng kagit. Indong Baliw. Manapa, ayos na raw sa kanya iyon. Ang mahalaga
ay mayroon din siyang pangalan na pagkakakilanlan sa kairalan niya bilang isang
nilalang, bilang isang tao—na siya’y kilala rin daw sa mundong ito ng mga matuwid at
matalino.
Parang gasgas nang piksion na madalas maisulat o mabasa ang kuwento ng
buhay ni Indong Kagit. Isa raw siya noong nakikisaka sa isang malawak na asyenda sa
Sorsogon. Dati raw lupa ng kanilang mga ninuno ang mga sinasaka nila ngunit inari ng
matatalino at mayayamang mga asendero na kasapakat ng makapangyarihang mga
nanunungkula’t tauhan ng gobyerno. Mayroon din daw siya noong asawa na
nagngangalang Cristina. Napakaganda raw ni Cristina, malimit daw itong maging reyna
noon sa mga pistang bayan. Bagay naman daw siya kay Cristina kasi guwapo raw
naman siya noong araw. Marami nga raw siyang naging karibal kay Cristina na mga
guwapo’t mayaman. Pero siya pa rin daw ang pinili ni Cristina dahil mabait daw siya at
masipag at saka malaki’t matigas ang paninindigan sa buhay (nangiti ako sa parteng
ito, inuuto yata ako ni Indong Kagit; ewan ko, pero seryoso naman siya ng lahad).
Mahal na mahal daw niya niya si Cristina. Nagkaroon daw sila ng isang anak na lalaki
na pinangalanan nila ng Marcial. Ambisyon daw ng kabiyak niya ang yumaman. Subalit
hindi niya naibigay ang mga kapritso nito dahil isa nga lamang siyang busabos na
dukhang nakikisaka lamang at sapul pa’y batid naman iyon, tinanggap naman siya noon
bilang ganoon, ni Cristina, na isa ring anak ng magbubukid. Ewan daw niya kung bakit
bigla na lang gusto ng asawa niya na sana mayaman din sila. Isang araw daw ay sukat
sinabi na lang ni Cristina na hiwalay na sila at siya’y iniwanan at nakisama ito sa balo at
matandang asenderong panginoong-may-lupa sa malapalasyong bahay nito sa
poblasyon. Saka lang niya nalaman na matagal na pala siyang iniipotan sa ulo ng
mahal niyang kabiyak. Kaya pala malugod ang matandang asendero sa kanyang
asawa. Kaya raw pala malimit ay hindi niya nararatnan sa kanilang kubo ang kanyang
asawa sa mga takipsilim nang pag-uwi niya galing bukid at ginagabi ng dating si
Cristina galing sa bayan. Kaya raw pala di miminsa’y may pera ang kanyang asawa at
nakabibili ito ng mga damit at abubot sa katawan. Hindi naman daw niya inuungkat
noon ang asawa kung saan niya kinukuha ang mga iyon. Minsan daw kasi’y
nakakaekstra bilang manikurista’t mangungulot sa isang beauty parlor sa bayan si
Cristina. At wala raw siyang kahina-hinala rito. May mga naririnig daw siya noon pero
hindi niya iniintindi dahil mahal na mahal nga niya ang asawa’t di niya maatim na
pagdudahan man lang ito. Masakit na masakit man daw ang kalooban niya noon ay
wala siyang nagawa. Hindi naman daw niya magawang sugurin ang asawa’t
matandang asendero: bukod sa baon siya sa utang sa asendero’y maraming
butangero’t armadong kabig ang panginoong-may-lupa na malimit manakit sa karapata’t
katawan ng mga magsasaka. Makaraan daw niyon, isang araw naman ay bigla na lang
daw nawala ang kanyang anak na noo’y magbibinata na. Nabalitaan na lamang niyang
sumama ito sa mga rebeldeng komunista. Sinasabi raw sa kanya noon ni Marcial na
pangarap nitong pagbayarin ng dugo ang asendero’t angkan nito’t ibalik ang inangking
lupain nilang mga magsasaka. Lalo nga raw nagalit si Marcial noong iniwanan sila ng
ina nito’t naging kerida ng asendero. Labing-limang taong gulang lamang daw noon ang
kanyang anak. Matalino raw ito kahit hanggang second year sa hayskul lang ang
narating. Napakarami raw nitong nabasang libro dahil matiyaga itong nagpupunta’t
nanghihiram ng babasahin sa mga pampublikong aklatan. Magaling pa raw magsulat at
magdebate si Marcial. Kasapi raw ito sa mga organisasyon ng mga kabataan,
magsasaka’t manggagawa. Hanggang sa mabalitaan na lang niyang nasawi ang
kanyang anak sa isang engkwentro ng mga ito sa mga militar. Ang masakit daw sa
kanya ay hindi man lamang niya nakita pa ang kanyang anak kahit na bangkay nito.
May nakapagbalita sa kanya na sinunog daw ng mga sundalo ang bangkay ni Marcial
matapos pagbibistayin ng armalayt at masinggan ang mura nitong katawan.
Napawi ang interes kong tuklasin pa ang “misteryo” ni Indong Kagit nang
matapos na ang aming rali, na napagtagumpayan namin. Napalayas at napalitan ang
abusado’t korap na presidente ng kolehiyo. Bumalik sa normal ang kalagayan sa
kampus at naging abala ako sa pagbawi sa mga oras sa klaseng nagamit sa rali. Hindi
ko na maharap si Indong Kagit kung nasasalubong o nararaanan ko siya. Palagi na
akong nagmamadali at nagkasya nang hagisan ko na lang ng barya, nang walang imik,
ang nakasahod niyang palad o hawak na plastik kap. Walang imik, titingnan lang ako ni
Indong Kagit ng hungkag na tingin at para akong nakokonsensiya sapagkat batid kong
hindi niya kailangan ang limos kong sensilyo. Pang-unawa ang nililimos niya sa akin at
alam niyang maipagkakaloob ko ang pang-unawang iyon sa kanya sa kahit na ilang
sandaling panahong maiambag ko upang dinggin ang kanyang mga litanya ng hinanakit
at reklamo sa buhay.
“Nandito lang ako, eh, sinalubong ko yung bagyo! Aking pinagyayakap yung mga
alon! Sabik na sabik sila, Eman, eh! Matagal nang hindi bumagyo nang gano’n kalakas,
eh!” Hindi ko alam at may ningning sa ngayon ang mga mata ni Indong Kagit sa
masayang pagsasaad sa di kapani-paniwalang kuwento niya. Ayaw kong maniwala
subalit ayaw ko naman sanang paniwalaang niloloko lang ako ni Indong Kagit. At ayoko
naman sanang paniwalaang kuwentong baliw lang ang kuwento niya. Gusto ko sana
siyang paniwalaan kagaya ng batid kong sa lahat ay ako lang siguro ang
pinagkakatiwalaa’t pinaniniwalaan ni Indong Kagit. Marahil kasi’y ako lang naman ang
matapang ang sikmurang lumalapit sa kanya, ang matiyagang nakikinig sa kanya, ang
alam niyang naniniwala sa kanya.
“Kaya ko nga hinahamon yung mga bagyong dumadating, eh!” muling wika ni
Indong Kagit. Tumayo siya’t tumingala sa nangungulimlim pa ring kalangitang kung
saan naghahabulan ang mabibilis, makakapal, maiitim pa ring mga ulap. “Poot nung
Diyos yung bagyo, poot niya sa akin kaya sinusuba ko ito. Yung naghihimagsik ako
doon sa Diyos. Hindi ko katatakutan yung mga bagyo, aking haharapin kasi alam kong
yan bale yung kasagutan nung Diyos sa akin. Naniniwala ako, eh, naniniwala akong
kilala rin ako nung ating Diyos, yung pinapakinggan ako saka minamasdan ako at siya
yung dahilan kumbakit dumarating yung mga bagyong iyon sa akin! Oo, Eman, siguro
ay may halaga rin ako saka pinapansin din ako nung ating Diyos kahit na isa lang ako
na yagit. Kahit na isa lang ako na kagit, eh. Yung anak din ako nung ating Diyos. Oo
naman, alam kong anak din niya ako!” Humalakhak pa si Indong Kagit, dumipa sa
kalangitang ngayoy’ iniikot-ikotan ng nag-iisang langaylangayan. At sa pagkakaupo
kong nakatingala sa kanya na nangakadipa, para siyang isang krusipiho--isang
krusipihong ang kristong nakapako roo’y hindi nakatungo kundi humahalakhak.
PARANG LALONG NAPALAPIT ang loob ko kay Indong Kagit. Gusto ko sana
siyang arugain sa alam kong kailangan niyang tulong sa napakarami niyang mga
hinanakit at reklamo sa buhay, sa lipunan. Subalit hindi ko alam kung paano. Kung
kaya’t gaya ng dati, nagkasya na lamang akong bigyan siya ng pagkain at kaunting
pera at lumang damit. At samantala, ginagamit ko si Indong Kagit na sabjek sa aking
mga sinusulat. Marami akong nalikhang tula at kuwento at sanaysay na tungkol sa
kanya, sa kanyang buhay, sa kanyang mga kaisipan.
Ngunit kung minsa’y sinusurot ako ng aking budhi. Kasya na nga kayang hagisan
ko ng ilang pirasong sensilyo, na binubuntotan ko naman ng nagmamalasakit at nang-
uunawang isip, si Indong Kagit upang may lisensiya akong gamitin siya bilang
palabigasan ng sulatin?
Bakit, bakit, Tata? Bakit? ang inuulit-ulit ko. At nginitian ako ni Indong Kagit,
duguang ngiti. At sabi niya, sa duguang pagkabigkas: “Gutom na gutom kasi ako,
Eman, eh, gutom na gutom... Ayaw kasi akong bigyan ng pagkain, ayaw akong bigyan,
eh... Alam naman nilang kahit na yung baliw ako saka yagit ay nagugutom din...”
Putang inang baliw naman, o, ansiba! Tingnan mo’t madededbol na nga’ng putang ina’y
sige pa ang tsibog!
“Masarap, Eman, eh, napakasarap pala talaga nito... Kahit yung mamatay na
ako, kahit mamatay na ako...” aniya’t siya’y patuloy na ngumuya, ngumalot, duguang
pagnguya, duguang pagngalot, ngunit ngayo’y tig-isa nang pagnguya’t pagngalot. “Oo,
kahit mamamatay na ako, Eman, eh, kasi natikman ko na rin yung pinakamasarap na
pagkain sa mundo...”
Buray ni inang baliw iyan, buti nga sa kanya! Siya pang dumi at kalat dito sa Sili!
“M-Masarap, Eman...” tuloy ni Indong Kagit sa pagsubo ng duguang hamburger
at ngayon, ng pritong hita ng manok. Subalit hindi na makakagat ni makanguya ni
makangalot si Indong Kagit. Lumabas sa duguan niyang bunganga ang duguang subo.
“S-Sayang, Eman, hindi ko maubos... Biyaya nung Diyos, ansarap... Luto nung Diyos,
ansarap-sarap, pinatikim sa akin.... Mahal talaga ako nung ating Diyos... Anak din ako
nung ating Diyos, eh, anak din niya ako...” At minsan pa, tiningnan ako, tinitigan ako ni
Indong Kagit, duguang titig, hungkag na tingin.
Kapwa sila walong taong gulang at magkababata. Ang kanilang daigdig ay umikot sa
isang paraiso'y langit ang kawangis, madalas silang maglaro sa bakuran ng kanilang
bahay na malapit sa isang dalampasigan. Tahimik ang kanilang mundo at mistulang
walang suliranin. Ang kanilang mga magulang ay hindi nag-aaway at relihiyoso. Pareho
silang marami silang pangarap. Wala silang pasok sa araw ng Sabado at Linggo o mga
araw na pista opisyal. Silang dalawa'y madalas magpalipas ng oras sa loob ng kanilang
bakuran, mula sa umaga hanggang sa hapon. Umaakyat sila sa mga puno kahit na
marurupok, maaligasgas at malulutong na ang mga sanga nito. Nagagasgas ang
kanilang mga tuhod, nababakbak ang balat sa kanilang siko, nagagalusan ang kanilang
mukha at kung minsan ay nababalian pa ng buto dahil nahuhulog ngunit ang lahat ng
iyon ay hindi nila iniinda, patuloy pa rin sila sa paglalaro. Sa may lilim ng punong
mangga kung saan ay makapal ang damo kung umaga ay nandun silang dalawa
naghahabulan, nagsisirko, nagpapatiran, at kung sila'y hinihingal na sa pagod ay hihiga
sila sa damuhang iyon, titingalain nila ang langit at magkukunwaring aanawin sa langit
ang kanilang mukha.
Makalipas ang ilang taon. Sila'y nakatapos na ng hayskul. Maliwanag ang narinig na
salita ng dalagita: Kung gusto mong makatapos ng karera, huwag muna kayong
magkita ni Ariel. Naunawaan niya ang ibig sabihin niyon, ngunit siya'y tumutol "Pero,
Inay…kaibigan ko si Ariel." May himagsik sa kanyang tinig. "Kahit na…kayo'y dalaga at
binata na. Alam mo na siguro ang ibig kong sabihin." Alam niya ang kahulugan niyon:
Masama. At saglit iyong inagaw ng tinig ng kanyang ama. "Ibig kong magdoktora ka,
kaya kalimutan mo muna ang mga lalaki!"Hindi siya nakatagal sa harap ng kanyang
mga magulang. Nakatiim ang mga labing pumasok siya sa kanyang silid. "Ayaw nila…
ng Inay…ng Itay…masama raw," at mga luha'y tumulo sa kanyang mga mata. Nang
minsang dalawin ng binata ang dalaga sa dormitoryo ay pinakiusapan siya ng dalaga
na huwag na muna silang magkita. Napatitig lamang ang binata sa dalaga. Minsan, ang
binata ay umuwi sa lalawigan. Mapanglaw ang kanyang mukha at napuna iyon ng
kanyang ama. Nalulungkot ang binata sapagkat ayaw ng makipagkita sa kanya ni
Cleofe. Nagtawa ang kanyang ama. Sinabi ng ama sa anak na magkakalapit din
namang sila muli pag nakapagtapos na ang dalaga. At gusto ng mga magulang nito na
maging doktora ang anak. Pasigaw ang alingawgaw ng kanyang tinig sa kanyang isip.
"At habang nagdodoktora siya ay masama kaming magkita?" "Tama ka!" maagap na
pakli ng ama. "Hindi mo ba alam na kapag malapit ka sa babae ay malapit ka rin sa
tukso!" At ang dalawa'y hindi na nga nagkita, gayong nasa lungsod na maliit at
maglakad ka lamang sa mga lansangan ay hindi ka mawawalan ng makakasalubong na
kakilala. Mangyari'y iniwasan nila ang magkita, at hindi sila nagkita sapagkat inihasik sa
kanilang isip na ang pagkikita nila ay masama, tukso.
Hindi sila nagkita sa loob ng mahabang panahon. Hindi sila nakatiis. Isang araw na
hindi sinasadya'y nagkasalubong. Ang binata ang naglakas-loob,binati niya ang dalaga.
Hindi nakasagot ang dalaga. Nakatitig lamang siya sa mukha ng binata at nang
anyayahan siya nitong magpalamig sila sa isang restawran ay napasunod lamang siya,
napatangay sa agos kanyang damdamin. Sila'y nagkatitigan at sila'y nakalimot at akala
nila'y nasa luntiang damuhan, nakahiga at nakabaling sa isa't isa. At sila'y nagkita sa
Luneta, hindi lang minsan kundi maraming pagkikita, maraming-marami at ang kanilang
sikil ng damdamin ay lumaya at sa unang pagkakataon, pagkaraan ng ilang buwan,
sila'y lumigaya. Ngunit ang inihasik na binhi ng pagkakilala sa masama at sa mabuti sa
kanilang isip ay sumibol na at nagpaunawa sa kanila na ang ginagawang iyon ay
masama. Ngunit sila'y naghihimagsik. Sinabi ng dalaga: hindi na ngayon tayo maaaring
magkita. Sinasabi ng binata: magkikita tayo… magtatago tayo…ililihim natin sa kanila
ang lahat. At sila nga ay nagkita, sa mga pook na hindi sana nila dapat pagkitaan,
ngunit doon sila itinaboy ng kanilang paghihimagsik ng takot na matutop at ng
pangangailangan. Ang daigdig nila ngayon ay makitid, suluk-sulok, malamig din, ngunit
hinahamig ng init ng kanilang lumayang mga katawan. Maligaya sila sa kanilang
daigdig. Maligaya sa kanilang bagong paraiso.
Humawak siya sa palababahan ng bintana. Tumingala siya upang pawiin ang pagsama
ng kanyang pakiramdam. Tumungo siya at nakita niyang nilinis ng tubig ang bangketa
at kasabay ng kanyang pagtungo, parang may isinikad na pataas sa lalamunan ang
kanyang bituka at siya'y napanganga at siya'y napapikit at siya'y napaluha at paghigpit
ng kanyang hawak sa palababahan ng bintana ay napaduwal siya…at ang lumabas sa
kanyang bibig ay tumulo sa bangketa at sandaling kumalat doon at pagkaraa'y nilinis ng
patak ng ulan, inianod ng nilikhang mumunting agos sa gilid ng daan. At ang dalaga'y
napabulalas ng iyak.
ni Rene O. Villanueva
saka pinagdikit-dikit, si Nemo ay ginawa ng mga bata para sa isang proyekto nila sa
klase.
Ngayo’y bakasyon na. Si Nemo’y naiwang kasama ng ibang papel sa silid. Nakatambak
2 Isang araw, isang mapaglarong hangin ang nanunuksong umihip sa silid. Inilipad
nang makayapak sa kaniya. Naghahabulan ang mga bata at kay sasaya nila!
5 Araw-araw, tuwing hapon, pinanonood ni Nemo ang mga naglalarong bata. Inggit
na inggit siya sa kanila. Tuwing makikita niya ang mga bata sa palaruan, gustong-gusto
6 “Gusto kong tumawa tulad ng totoong bata! Gusto kong tumakbo tulad ng
7 Sabi nila, kapag may hiniling ka raw na gusto mong matupad, kailangang sabihin
8 Kaya isang gabi, matiyagang nagbantay sa langit si Nemo. Hinintay niya ang
paglabas ng pinakamalayong bituin. At nang makita niya ito, sinabi niya ang kaniyang
hiling.
10 Pumikit nang mariin na mariin si Nemo. Naramdaman niyang parang umiikot ang
11 Totoong bata na si Nemo! Pagdilat niya’y kasama na niya ang kaniyang totoong
Tatay na walang trabaho, at totoong Nanay na payat na payat, at walong totoong
kapatid
kayo!”
bus. Hindi niya pansin ang mga humahagibis na dyip. Isip siya nang isip kung paano
16 Pagod na pagod si Nemo araw-araw. Pakiramdam niya, pabilis nang pabilis ang
kaniyang pagtanda. Kaya naisipan niyang pumasok sa eskuwela. Sumilip siyang muli
sa
17 Pero dahil marumi ang kaniyang suot at wala siyang sapatos, inirapan lang si
Nemo ng libro.
21 “Alis diyan!”
sa gilid ng dagat. Sinabi ni Nemo ang problema niya sa dagat pero naghikab lang ito. At
kahit ang alon na puno ng layak ay nagtakip ng ilong nang maamoy siya.
23 “’Wag mo nang dagdagan ang basura dito!” sigaw nito kay Nemo.
lungsod, sa bawat sulok ay may nakita siyang mga batang-kalye. May nagbebenta ng
ngiti. May mga batang butuhan ang binti at malamlam ang mata na akay-akay ng
26 Kung gabi, kung halos hindi umihip ang mapanuksong hangin, ang mga batangkalye
ay nagtitipon-tipon sa parke na may monumento ng bayaning may kipkip na libro.
na walang taginting ang kanilang halakhak. Parang pumanaw na ang kislap sa sulok ng
kanilang mata.
28 Tinipon ni Nemo ang iba pang batang lansangan. Nang magkuwentuhan sila,
31 Sa isang iglap, lahat sila ay naging batang papel. Inilipad sila ng hangin. Kay
Marami ang naawa sa kanila. Pero ang hindi nila alam, mas maligaya na ngayon ang
mga batang papel, gaya ni Nemo, kaysa mga totoong bata na kailangang makibaka at