You are on page 1of 9

*SPOOKY SOUND EFFECT*

Magandang gabi sa lahat. Ang magiging kwento natin sa gabing ito ay nagmula sa isang
email na ipinadala ng ating Lagim Confessions subscriber. Kung matatakuntin ka, ang
payo ko sayo ay Mag next story ka nalang. *evil laugh fx*

Hello po! Silent listener niyo po ako ako, Miss Spook. Gusto ko sanang ikwento ang mga
nakakatakot kong ko karanasan habang nagta-trabaho ako sa isang crewship. Isa na po
dito ang kwentong isasalaysay ko ngayon. Anyways, itago niyo nalang po ako sa
pangalang, Ali.

Since bata pa ako, nakakaramdam at nakakakita ako ng mga di nakikita ng ordinaryong


tao. Pero ito, isa ito sa mga hinding- hindi ko makakalimutan. *scary fx*

1st contract ko noon sa isang cruise line, wala akong clue kung ano ba ang buhay sa
barko. Basta ang alam ko lang, libre kong malilibot ang mundo. At yun na nga,
nakarating na kami sa hotel sa Europe kung saan susuduin kami at itrtransfer sa barko.

Kapag na-transfer kana, konting seminar or orientation lang about sa mga dapat mong
malaman sa barko. Oo nga pala, cook ang position ko.

Syempre first day, may mga bagong makikilala na mga same position kaya usap usap
konti at may nakapalagayan ako ng loob, si Faith.

"Uy tawagan tayo ha kung anong magiging cabin number niyo" -Faith

"Ha? Bakit ? Di ba tayo pwedeng magkaroom mate? Sila ba pipili ng cabin natin?” -Ali

"Ali, Bago ka palang makapunta dito, nakapagdecide na sila agad kung ano mga cabina
natin. Naku sana hindi ibang lahi maging ka-cabina mo" -Faith

Actually 3rd contract na niya kaya di na siya iba sa ganitong pangyayari. Saglit pa ay
may tumawag samin, si Culinary Admin.

Inorient niya kami about sa work namin sa kusina. Nagkaroon kami galley tour at binigay
na ang cabin number namin. Nalungkot ako kasi di ko sila ka-cabina. Hinatid kami isa isa
ng Culinary Admin sa mga magiging kwarto namin. Laking tuwa ko naman dahil halos
magkakatabi lang pala ang mga magiging kwarto namin.

Huling hinatid ako kasi medyo dulo yung saki. Pagkabukas, makikita mo agad ang
double deck. Sa kanan may restroom. Sa kaliwa, may side table, sa tapat nun Tv, at sa
baba ay merong mini ref.
Napansin ko agad na sarado na ang kurtina ng kama sa lower deck. Sa isip ko nandun
natutulog ang ka-room mate ko. So, matic na sa taas ako matutulog. Nilagay ko ang
maleta ko sa taas ng kama ko habang ang Culinary Admin naman ay sumunod pumasok
para i-check ang cr. Kapansin pansin din na iniikot niya ang mata niya sa paligid.

"Swerte mo ah! Oh sige, kitakits mamayang 5pm. Wag kang malalate kasi first day mo."
Umalis na din naman sya agad at nagsimula na akong ayusin ang mga gamit ko. Nagtaka
lang ako kung paano ako naging swerte pero di na ko nagtanong pa.

Maya-maya tumawag ako sa cabina nila faith para pumunta sa cabina ko, agad naman
silang pumunta ni Mae. Pagkapasok nila inikot nila ang mata nila sa paligid, napansin
naman ni faith ang kurtinang nakasara.

“Ali sa taas ka pala? haha, pero swerte mo kasi parang graveyard yung kacabina mo,
mamaya pa yun uuwi” -Faith

"Ay may graveyard din pala dito bakla? - Ali

"Oo bakla sila yung nagpreprepare ng breakfast" -Faith

Anyways, pumasok na ako pagkatapos nun. 4:30pm palang pinatay ko na agad ang ilaw
bago ako lumabas ng pinto. Ok naman ang first day, matrabaho pero ayos pa rin. 9pm
close na.

Ginagamay ko pa ang mga daan sa barko kasi maliligaw ka talaga. Pagtapos nun, kumain
na kami nila Faith sa CrewMess at nagpunta sa kwarto ni Faith na katabi lang ng kwarto
ko. Nagtatawanan kami ng biglang may kumalabog sa kabilang kwarto which is cabina
ko. Huminto kami, at narinig namin na parang may nag-aayos or naglilinis sa loob, so
inassume ko na cabin mate ko yun.

“Sige na bakla punta kana sa kwarto mo nang makita mo na sino kakabina mo” -Faith

Dali-dali naman akong lumabas at pumasok sa kwarto, bukas na ang ilaw pero sarado ang
kurtina. Dumeretcho ako sa cr at nakita ko basa ang shower area so naisip ko na nandito
na siya baka nagpapahinga kasi papasok ng 10-11pm.

Yung matutulog na ko pinatay ko ang ilaw at binuksan ang lampshade. Biglang may
nagsalita sobrang hinhin na boses.

"Wag mong patayin” -Jessel

“Sorry po” - Ali


Umakyat na ako agad sa kama pero bigla ulit siyang nagsalita

"Takot kasi ako sa dilim, ikaw ba takot ka rin ba?" -Jessel

"Hindi naman, mas gusto ko nga dim light lang, pero kung takot ka wag na natin patayin
madilim naman dito sakin pag sarado kurtina.” -Ali

"Salamat ha, Jessel nga pala, ikaw?" -Jessel

“Ali. Buti naman nag-abot na tayo. Mukhang magkaiba tayo ng shift” -Ali

"Mamayang 11pm kase papasok na ulit ako, breakfast kasi ako e. Kaya di tayo madalas
magkikita." -Jessel

Medyo inaantok na ko nun pa pikit2 na ang mga mata, narinig ko ang pagbukas ng
kurtina niya, kaya naisip ko na papasok na siya. Mag e-11 na rin kasi e kaya natulog na
ko.

9am start ng pasok ko, so 8:30 gumayak na ako. Nakita ako ng culinary admin namin, at
kinamusta ang unang gabi ko sa cabina. Sabi ko naman ayos lang naman at di naman ako
namahay. Timititig lang ang culinary admin namin sakin sabay sabing na mabuti naman
daw kung ganon.

Nung 3rd day ko, mas maaga akong gumising dahil by 7 am dapat nasa buffet na ko.
Pagbaba ko sa hagdan ng kama ko aksidenteng sumabit ang daliri ko sa kurtina niya kasi
medyo nahawi. Di naman sa usisera ako ha, pero nasilip ko ng bahagya ang kama niya.
Malinis, sobrang neat ng unan at kumot parang di nag gagalaw, sa nakita ko mas lalo
akong nagingat sa mga kalat ko kasi baka mamaya sobrang picky niya ayaw niya ng
madumi or may kalat syempre kailngan kong makisama.

Maliligo na ko. Oo nga pala ganito hitsura ng cr sa cabina naming: Pagpasok mo salamin,
cabinet na pang dalawahan at sink ang makikita mo agad. Tapos inidoro at showeran , sa
taas nun may butas ng smoke detector. Napansin ko kasi na medyo tabingi ang bahagi ng
butas na yun. Pero di ko na inalam kung bakit baka dahil old na yung barko.

Pag pasok ko alam kong malaking chance na makita ko siya kasi breakfast siya e. Kaso di
ko siya nakita. May isang Indonesian na nagtanong sakin kung saan ako nakakabina. Sabi
ko sa 8701. Bigla siyang na-stun kaya napatanong ako.

"Why, Sayang?"

“Really? They put you there? All this crewing staff babalo" (babalo kinda means stupid)
so nagtaka ako pero di nalang ako nagtanong kase naging busy din kami.

Ok fast forward. Gabi na naman kasama ko sila Faith at Mae. Niyaya nila akong mag
UNO sa kabina ni Faith. Pumayag naman ako pero sabi ko magbibihis muna ako sa
kabina namin.

Pagpasok ko patay ang ilaw pero yung lamp niya sa loob ng kama bukas pero nakasara
ang kurtina niya (tig isa kasi kami build in lamp sa bawat kama).

"Sel gising ka pa? May dala akong coke baka gsto mo?"

"di ako nagsosoda e, salamat"

Nilagay ko sa ref namin, then umakyat ako sa kama para magbihis. Tapos narinig kong
bumukas ang kurtina niya, naaninag ko siya na lumabas papuntang cr. Nagtaka pa nga
ako kasi di ko narinig na nagsara siya sa pinto ng cr.

Pagbaba ko kinatok ko siya sa cr pero nagulat ako kasi nakaoff ang switch kaya sabi ko
nalang

"Sel sa kabilang cabina lang ako ha, buksan ko na yung ilaw sa cr?"

“uhhm" -Jessel

Bago ako lumabas narinig kong parang may kausap siya sa telepono at parang nag-
aaway.

"wag naman sa ganitong paraan please, wag naman, paano ako?" Yan ang exact words na
narinig pero di ko nalang pinansin.

11:30pm na. Sa kabilang cabina panay tawa namin, sinita ko sila sabi ko baka marinig sa
cabina namin yung ingay,

"Ano ka ba papasok na yang kakabina mo mamayang 12am" -Faith

Mga ilang minute lang, may narinig na naman kaming kalabog galing sa cabina ko, tapos
dinikit ni faith tenga niya sa dingding. Nagulat kami kasi palakas ng palakas. Sabi ni faith
puntahan daw namin. Pumunta kami, pag dating namin wala nang tao. Napansin ni mae
na bukas yung ilaw sa cr at tinanong niya ko kung di kami nagpapatay ng ilaw sa cr. Sabi
ko hindi, pero nag iisip na ko nung time na yun.
Day 4

Marami na akong nakikilala sa barko. At syempre, karamihan sa kanila nagtatanong kung


anong cabin number ko para matawagan ako. May isang Filipino dun lagi akong
binibigyan ng garlic bread. Sabi niya, bibigyan niya ako ng isang case pa ng mineral
water. Ilalagay nalang daw niya sa pinto ng cabina ko kaya binigay ko ang cabin number
ko na 8701.

“Sure ka ba?” tanong niya

"Oo nga, sa dulo yun. Baka naman drawing ka lang sa mineral water na yan” sabi ko pa.

"Tatawag nalang ako sayo ha”

Nag-agree ako nay un nalang ang gawin. Pero lumipas ang araw na yun, walang tawag at
walang mineral na dumating.

Kinagabihan, sarado ang kurtina niya. Nakahiga na ko at handa na sanang mamtulog


nang narinig ko siyang kumakanta. Hinayaan ko lang, tapos parang ang boses niya
napapaiyak. So nag-alala ako. Tinanong ko siya kung ok lang ba siya, sabi naman niya,
ok lang nahohomesick daw siya. Kaya sabi ko if gusto niyang makilala sila Faith.

"Nakikita ko sila, mukha naman silang mabait" -Jessel

"Mabuti kung ganun, gusto mo labas tayo sa embarkation day?”


(Embarkation day means magpapalit ng pasahero at may mga bagong crew na darating)

"Titingnan ko kung aabot ako”

Nakatulog na ko pero nagising ako kasi may naririnig akong umiiyak sa cr. Tiningnan ko
oras 2:30am na. Kumatok ako

"Sel, ok ka lang?papasok ka ba?”

"uhmm".

So ako umakyat ulit sa kama, kasi kung late naman siya for sure tatawag ang chef sa
telepono namin.

Day 5
Maaga na naman akong nagising, inaayos ko mga gamit ko sa cabinet, tapos di sinasadya
nahawi ko yung pinto ng cabinet niya, magkatabi kasi yun e.
Tapos nasilip ko may damit na nakahanger, pero nagtataka ako kasi isang chef uniform at
isang pulang scarf na nakahanger ang laman ng cabinet niya.
Sa sobrang curious ko tiningnan ko lagayan ng sapatos namin, ang nandun lang sa
lagayan niya isang crocs, yun lang.

Maliligo na ko, sa loob ng cr di ko mapigilan titigan ang sirang smoke detector, sa loob
kasi nun may bakal na natupi, ewan ko ba nakakaintrega.

Sa work, nung dumating ako, nandun pa yung mga taga breakfast. Meron akong naging
kaibigan na breakfast din, si Kuya Eli. Matagal na siyang nagbabarko. Tapos ayon,
kwentuhan habang nililigpit siya ng mga gamit niya, kasi 10am tapos na breakfast.

"Ano labas tayo nila faith mamaya? Tawagan niyo nalang ako pag tapos na kayo”-Kuya
Eli.

"Sige kuya pero ito cabin number ko 8701" -Alii

"Sa dulo? Sa forward?” – Kuya Eli (gulat na gulat)

Napaoo nalang ako na may halong pagtataka sa reaksyon niya.

"Cge tawagan kita mamaya" – Kuya Eli

11:30pm na at tapos na kami sa shift namin. Pumasok ako sa cabina ng dahan2 kasi baka
tulog si Jessel pero nakabukas ng bahagya ang kurtina niya so nakita ko na walang tao.
Naisip ko na baka lumabas siya. Dali-dali ko namang tinawagan si Kuya Eli.

"oh kararating mo lang? Kanina kasi tumawag ako jan, may sumagot"-Kuya Eli

“Ah baka ka-cabina ko"

“Hindi, imposible mangyari yun”

"Bakit imposible?" -Ali

Biglang nag static yung line at di ko na maintindihan yung karugtong ng sinabi nnya
kaya binaba ko na at nagmadali nalang akong lumabas.

Nung nasa labas na kami ay wala namang binaggit si Kuya Eli. Habang naglalakad kami
nakita ko yung binibigyan ko palagi ng garlic bread at nangakong magibibigay ng
mineral water.
“Uy. Ikaw pala. Anyaree sa mineral water?”

"Ali, usap tayo mamaya pag duduty kana ulit may ssbihin ako sayo”

Dali-dali siyang umailis pagkatapos nun. Ewan ko ba pero bigla akong kinabahan.

Pagbalik ko sa cabina, bukas ilaw ni Sel sa kama niya, tapos kumakanta kanta siya. Nag-
offer ako ng binili kong lays pero di siya sumasagot kanta lang siya ng kanta. If im not
mistaken, Visayan song yun kasi may word na "naunsa”.

Umakyat nalang ako sa kama kasi may 2 hrs pa naman ako para matulog. Tapos parang
may kumakalabog galing sa kama niya. Nagheadset nalang ako.

Nung papasok na ako sa trabaho, may nagtanong sakin na Indian kung yung 8701 ba ay
yung cabin ko. Tumango lang naman. Napamura lang siya. Nagtaka ako pero naisip ko,
normal na reaksyon lang yun kase expression yun na madalas kong naririnig sa barko.

Nung tapos na ko sa trabaho, nag-usap kami ng binibigyan ako ng garlic bread kasama
sila Faith at Mae. Sabi niya may ipapakita siya sa amin kaya sumunod lang kami.

Tumigil kami sa pinto ng F&B admin tapos pumasok siya dun. Ang F&B adminn, sila
ang may hawak ng records ng mga rooms/cabina, kung san ka nakakwarto at kung sino
ang magkaka-sama etc. Kaming tatlo naman ay nag antay lang sa labas. Mga ilang
minuto lumabas na siya at niyaya niya kami sa crewmess o kainan ng mga crew ng barko.

"Naalala mo yung araw na bibigyan kita ng mineral water? Tumawag ako sa cabin mo,
kaso may sumagot, putol2 na parang hangin lang tapos sa huli umiiyak kaya pumunta ako
sa 8701, pero walang sumasagot. Tumawag ulit ako, pero biglang tumatawa na ang
nakasagot.” – Garlic Bread

Kinilabutan ako. Pagkatapos nun ay ipapakita niya na sakin yung papel pero may biglang
tumawag sakin. Telepono daw 8701, dali2 ko namang pinuntahan kasi cabin number ko
yun.

"Hello?" Ali

"Di ka pa uuwi? Nalulungkot ksi ako need ko ng kausap e” –Jessel

"Kasama ko sila Faith, gusto mo pati sila punta jan?" –Ali

"Naku, wag na. Nahihiya akong mag open up sa kanila. Ikaw lang kasi kaibigan ko e"
–Jessel
Pagtapos ng tawag, bumalik ako kila Faith. Sabi ko uuwi na ko, pero bago yun binigay
nila sakin yung papel, basahin ko nalang daw sa cabina.

Nung nasa cabina na ko, tahimik naman, patay ang ilaw, kaya binuksan ko. Tinawag ko
pangalan niya pero parang tulog na. So umakyat na ko sa kwarto ko. Habang nakahiga,
kinuha ko ang papel na binigay nila sakin.

Nakalagay dun records ng mga cabina at mga cabin mates. Tiningnan ko ang 8701,
nakaekis, pero may siningit na note na "1 -temporary only. Will transfer this
embarkation"

Nagtaka ako, bukas na ang embarkation day, at bakit nakaekis ng malaki ang cabina
namin at bakit 1 lang e dalawa kami. Tumawag ako kay Faith

"Ali pag malaking ekis ibig sabihin, di na pinapa-cabina yung kwarto, baka puno na kasi
kaya jan ka muna nilagay" tapos bigla na naman nagputol2 kaya binaba ko.

2:40am may narinig na naman akong umiiyak. Galing sa kama ni Jessel.

"Sel, ok ka lang? Pwede kang magkwento” –Ali

"wala na, wala na" –Jessel crying

"anong wala na? Break ba kau ng bf mo?" -Ali

Tapos bigla kong narinig ang kurtina na bumukas, so nagbukas na rin ako. Nakita ko siya
nakatakip ang mukha umiiyak, nasa taas kasi ako kaya ang view ko is ulo niya then paa.
Bigla akong kinilabutan kasi biglang lumamig hangin sa cabina namin.

"Ok lang yan sel, umiyak ka lang” -Ali

Bigla siyang tumigil, binaba niya kamay niya

“ito ang unang beses na nagkita tayo" -Jessel

"Oo nga e hehe, lagi kais tayong nagkakasalisihan" -Ali

Unti-unti niyang inangat ang ulo niya. Sobrang akong kinilabutan nung nakita ko siya.
Lubog ang mata. Yung leeg niya puro sugat tapos yung ngiti niya, literal na hanggang
tenga, tapos bigla siyang tumayo at tumakbo. Mas natulala ako dahil pagkatakbo niya
tumagos siya sa pinto, tatlong ulit siyang patakbo takbo ng mabilis pero tumatagos siya
sa pinto. Sa takot ko, mabilis akong bumababa. Nahulog pa nga ako sa takot.
Binuksan ko kaagad ang pinto habang sumisigaw nang naka-paa. Narinig naman ni Faith
ang ingay kaya pinapasok niya ako sa cabina niya at tumawag na kami ng security.

Takot na takot ako ng mga panahong iyon, Miss Pluto. Halos ayokong pumasok sa cabina
ko that time.

Kinausap ako ng security. Sabi niya simula daw pag dating ko, ako lang daw ang tao sa
cabin 8701. Pero sabi ko may kasama ako simula dumating ako. May cabin mate ako na
Jessel pangalan" nagkatitigan sila.

"Jessel? Pre tawagan mo nga culinary admin tanungin ko kung may jessel na nakasign on
dito” utos ng isang secu sa isa nya pang kasamahan

Habang tinatawagan nila ang culinary admin, pumasok kami sa cabina ko. Chineck nila
ang buong cabin ko. Lalong lalo na ang kama ng cabin mate ko. Pagtingin ko may mga
brown stain sa gilid ng dingding. Walang kagamit2. May mga nakadikit na tape halatang
may nakalagay before. Tapos pinakita ko laman ng isang cabinet

"Ito po uniform niya” -Ali

"Sino dito kacabin mate mo?" – Culinary Admin

Dumating na pala si culinary admin. May pinakita siyang picture, picture ng lahat ng
Food&Beverage department. At tinuro ko. Laking gulat nila ng makita nila si Jessel ang
cabin Mate ko.

To be continued…

You might also like