You are on page 1of 6

January 14, 2019

Geronima's POV

Monday.

Mukha na akong stressed sa totoo lang. Pero hindi ako pwedeng pumangit! Kaya nag ayos ako kahit
papaano bago mag breakfast.

Pagbaba ko ako nalang ang hindi pa nakakakain. Six-forty palang pero lahat sila nakapag breakfast na.

Nang mag seven ay binulabog na ni Nilla ang bahay para sunduin ako. Kay lola kami nagpaalam at
pumasok na sa school.

"So, anong plan niyo today." Tanong ni Nilla.

I have to be careful. Mapagkakatiwalaan naman siya but not her mouth. Masyadong madaldal.

"May date kami ni Kiko." Pagsisinungaling ko.

Pretty odd pero hayaan na, it looks like it naman. Tumili siya at niyugyog ako sa loob ng tricycle na si
sasakyan namin.

"I knew it! You like him!" Sabi niya habang niyuyugyog ako.

Pinigilan ko naman siya dahil alog na alog na ako.

"It's not like that! Pinagbigyan ko lang siya!" Bwelta ko.

Inasar asar niya ako buong biyahe kaya mukha akong pinagsakluban ng langit at lupa ng makarating na
kami sa school at nakaakyat na sa room.

"Oh. Problema mo?" Bungad sa akin ni Kiko.

"Kayo ah! Magde-date pala kayo!" Bungad ni Nilla pagkapasok ng room. Umirap ako sa kawalan.

Tinignan ko ang oras. Maaga-aga pa naman kaya hinila ko na si Kiko bago pa siya makapag simula.

Sa roof top ko siya dinala. Tinignan ko muna kung may sumunod ba. Hindi ako nagkamali, may nakita
akong anino paakyat dito.

"Ano--"

Tinaas ko ang kamay ko para pigilan siyang magsalita at kinuha ang phone ko. I typed something.

Mike's listening. Just go with the flow. I told Nilla that we're having a date later. Madaldal siya kaya
pwedeng mabanggit ang plano kay Mike.

Tumango tango siya ng mabasa ang message at binalik ko na ang phone sa bag.

"Excited ka na ba sa date natin mamaya?" Sabi ni Kiko na ngumiti ng makahulugan.

Oo na! Inaamin ko kinikilig ako. Nginitian ko siya. Bakas na siguro sa mukha ko ang kilig ghad!
"Yes! I just can't hide that feeling. Saan nga ba tayo mamaya?" Tanong ko at tinignan ang nasa likod niya
ng pasimple. Tsk! Di nag-iingat. Kita na likod ng ulo ni Mike.

"Secret na yun. Ako ang bahala. I love you." Sabi ni Kiko. At nilapit ang mukha sa akin.

"Huh? A-anong ginagawa mo?" Bulong ko sa kanya.

"Aminin mo na. Gusto mo rin ako." Sabi niya at mas lumapit pa.

Namula ang buong mukha ko dahil doon. At napairap. Fine! Aamin na!

"I love you too." Bulong ko.

"What I can't here you?" Pang-aasar niya.

Huminga ako ng malalim at nagsalita ulit with my normal voice.

"I said. I love you too."

"What?" Pang-aasar niya at tumawa.

"I said--"

Hindi ko na natapos dahil pinagdikit na niya ang labi namin. Wala na akong nagawa at pumikit nalang.
That was my first kiss!

Dumilat ako nang lumayo na siya sa akin. Nakita kong umalis na si Mike kung saan siya nakatago. Hinila
na ako ni Kiko para silipin ang hagdan. Wala na nga siya.

"Totohanin nalang natin yung date?" Bulong niya sa akin.

"Tsaka na. We don't have time anymore." Pagtataray ko.

Nakita kong bumagsak ang balikat niya at ngumuso. He looks cute! Kaya naman hinalikan ko siya sa
pisngi at tumakbo pababa.

"Nima isa pa!" Sigaw niya.

Ghad! Christian school to! Baka mahuli kami! Buti naman at nakita naming paakyat palang sa floor
namin ang teacher namin sa first subject kaya hindi kami na-late.

Pagpasok ng teacher namin, sumunod naman si Mike. Tinignan ko kung saan siya galing, parang galing
comfort room. Umupo na rin siya sa tabi ng kuya niya.

Mabilis lumipas ang oras. Tapos na ang klase. Gaya ng napag-usapan, si Kiko ang magd-drive pa-Laguna.

"Ingat sa date niyo!"

Hinatid nila kami sa sasakyan. Ngumiti lang ako kay Nilla na sinigaw pa ang 'date namin' ni Kiko.

"Sige na alis na kami. Ingat kayo sa pag-uwi!" Paalam ni Kiko at pumasok na kami sa loob.

Agad niya rin iyong pina-andar para makaalis na. Nag-usap lang kami ng kung ano ano buong biyahe.
Hindi rin kami nahirapang pumasok ng Laguna, dahil sa I.D. namin.
Nang malapit na kami ay pinaalala ko na ang plano.

"Just don't panic." Sabi niya bago kami bumaba.

May dala kaming container may mga takip din ng test tubes just in case walang naka stock na takip
doon.

Ang plano namin ay magpapaalam na magt-try na mag formulate ng antidote at sasabihing nagpaalam
na kami kela Fatima. Pag pasok, ididikit ko ang bubble gum-- na ningunguya ko kanina pa pagkapasok ng
Laguna-- sa CCTV. Magha-hung ang pag kuha sa amin at hindi rin mare-record ang voice. Pagkatapos,
kukuha kami ng tiga-apat na test tubes ng bawat klase ng chemical. Those won't hurt dahil konti lang
yun and sapat na siguro yun. After noon ay lalabas kami nang naka gas mask at magre-release ng
Aursion. Sapat na dami lang para masinghot nila. At doon na sila uutusan.

Si Kiko ang nagbukas ng pintuan. Gaya ng inaasahan takang mga mukha ng doctor ang bumungad sa
amin.

"Good afternoon doctors." Bati namin.

"Napadalaw kayo mga hijo at hija!" Si Dr. Melendez ang bumati sa amin.

"Ah susubukan po naming mag formulate ng antidote ngayon. Don't worry hindi po namin gagambalain
ang ginagawa ninyo." Sabi ko.

"Osige sige! Welcome naman kayo dito. Alam ba ito nila Dr. Reyes?" Tanong niya pa. Tumingin naman
ako kay Kiko para siya ang sumagot.

"Don't worry doc. We made sure na alam nila ang mga ginagawa namin." Sagot niya.

Tumango tango si Dr. Melendez at pinakawalan kami.

Pagpasok namin sa room ng 'antidotes' we pretend like finding some chemicals at nilalagay sa table. We
didn't talk a bit. May hagdan sa gilid. Siguro, para maka kuha ng chemicals na mga nasa tuktok ng
shelves.

Nilagay ko iyon sa gilid, sa tabi ng CCTV camera. Tinignan ko si Kiko na pasimpleng tumitingin sa akin.
Niluwa ko ang bubble gum at pasimpleng dinikit at kinalat sa wire ng CCTV camera. At agad na kumuha
ng wipes sa bag para punasan ang kamay ko.

Hindi na kami nagsayang ng oras at kumuha na ng mga chemicals. Nagamit rin namin ang mga takip na
dala.

Matapos ang isang oras, lumabas na kami nang naka gas mask.

"Alis na po kami." Paalam ko. Napatingin naman sa akin si Dr. Melendez, habang busy ang lahat sa
trabaho.

"Oh? Ano iyang dala niyo? Teka. Kumuha ba kayo ng mga chemicals?" Sabi niya at akmang lalapit na sa
akin. Tinanguan ko si Kiko.

"Makiki C.R. lang po" paalam niya at umalis na.


"At bakit ka nakagas mask." Seryoso na ang tono ni Dr. Melendez. Pero biglang nagkagulo ang mga
doctor nang may kumawala na Aursion sa loob mismo ng lab. Agad din namang napigilan ang pag labas
pa ng maraming usok.

"Hala sorry po! Nasagi ko kasi Doc." Paliwanag ni Kiko.

"Doctors. Okay lang sa inyo na nasagi niya iyon at walang kaso sa inyo." Sabi ko na nagmukhang utos.

"Yes. Geronima." Nagulat ako nang naging steady silang lahat.

"Doctors. Hindi kami pumunta ni Fransisco dito. Nawala rin ang ibang chemicals dahil nagamit niyo
iyon." Sabi ko pa. Tumabi na sa akin si Kiko.

"Yes. Copy." Sagot nila.

"Gawin niyo na ang mga ginagawa niyo. Na parang walang nangyari." Sabi ko.

Hindi na namin sila hinintay na sumagot at lumabas na kami.

"Could that work? Hindi ba mawawala ang epekto nun sa kanila?" Tanong ni Kiko. Nasa sasakyan na
kami at malapit nang makalabas ng Laguna.

"Tignan mo yun." Turo ko sa lalaking naglalakad. Hininto naman niya ang sasakyan. Binaba ko ang
bintana bago magsalita.

"Kuya sabihin mo maganda ako." Utos ko.

"Maganda ako." Sabi naman ni Kuya.

"Mag headstand ka habang naglalakad." Utos ko ulit. Ginawa niya ang sinabi ko.

"Stop." Utos ko ulit. Tumigil naman siya.

"Tayo na. Maglakad ka na at mamuhay na parang hindi ako nakausap." Sabi ko at sinarado na ang pinto.

"That's crazy! Hindi pala talaga nawawala ang epekto niyan." Si Kiko.

"Yes. Kaya tara na aabutin tayo ng hating gabi." Sabi ko. Pinaandar na naman niya ang sasakyan.

Fransisco's POV

Nagpark ako sa tabi ng barangay hall nang makauwi na kami sa Cavite.

Bumaba na kami at kanya kanya ng dala ng container. Buti nalang at may carrier kami na de-gulong kaya
hindi nahirapan si Nima.

Dumiretso kami sa boarding house, mabuti at hindi namin nakita si Nilla doon.
Pagpasok sa boarding house ay isinalansan na agad namin ang mga chemicals. Tinignan ko ang oras.
Alas-sais palang ng gabi. Pero kailangan ko nang i-uwi si Nima sa kanila.

"Tara! Sa bahay ka na mag dinner. Doon mo na rin i-park ang sasakyan mo." Aya ni Nima at nilahad ang
kamay.

"Hindi ba dapat ako ang maglahad ng kamay sayo?" Sabi ko at umiling iling habang nakangiti.

Magakahawak kamay kaming lumabas ng boarding house.

Nakita naming nakabukas ang ilaw sa bahay nila Nilla pero walang tao sa labas. Baka naghahapunan na.

Pagkarating sa gilid ng barangay hall ay pumasok ulit kami para maipasok na ang sasakyan sa kela Nima.

Paglabas ng sasakyan ay, nakita kong nag-aabang ang mommy ni Nima sa amin.

"I heard you two dated?" Bungad niya.

"Yes mom. It's a coffee date." Sagot ni Nima at bumeso sa mommy niya. Maging ako ay ganun na rin ang
ginawa.

"Probably hindi pa kayo naghahapunan. Tara na, dito ka na rin mag dinner hijo Kiko." Aya ni tita.

"Opo. Thank you tita." Sagot ko.

"Naku! Mama na ang itawag mo sa akin." Biro niya at parehas kaming natawa.

"Mom!" Reklamo ni Nima. Hinawakan ko nalang ang kamay niya para hindi na siya umangal pa. Nakita
kong umirap siya at napangisi ako dahil doon.

Doon na nga ako nagdinner kela Nima. Tuwang tuwa sila dahil nalaman nilang nag date kami. Nalaman
nila kay Nilla. Daldal talaga ng babaeng yun.

Pauwi na ako at hinatid na sa sasakyan nang tawagin kami ni tita Fatima.

"Saan kayo galing kanina?" Tanong niya ulit.

"Sa coffee shop sa Dasma diba tita? Napagkwentuhan na po natin kanina yun." Inosenteng sagot ko.

"Ah okay. Akala ko kasi... Anyways! Ingat sa pag-uwi." Sabi niya at umalis na sa harap namin.

Napabuntong hininga kami at nagkatinginan ni Nima. Alam kong parehas lang kami ng iniisip.
Nagdududa na siya amin.

Nakauwi na ako sa bahay at sinalubong ako ni Mike.

"How's the date?" Seryosong sabi ni Mike.

"Magical!" Sabi ko sabay tawa. Tinignan ko siya at parang kakaiba ang ikinikilos niya.

"Dumaan din kayo sa boarding house?" Tanong niya. Napakunot naman ang noo ko dahil nalaman
niyang dumaan nga kami doon.

"Yes. Nag-ayos ayos lang at nagtanggal ng alikabok. You know para ma ready." Sabi ko at nagkibit
balikat. Pero sa isip-isip ko, maaaring hinintay kami ni Mike doon.
"So may chemicals na ba kayo para sa antidote?" Tanong niya ulit.

"Yes. Inorder ni Nima beforehand." Sabi ko at umupo sa sofa.

"Ah. Tara dinner na tayo kuya." Aya niya.

"Nag dinner na ako kela Nima. Kayo nalang." Sabi ko at umakyat na.

"Ah bro! Let's talk." Pigil niya. This time mas seryoso na siya.

"Sure." Sagot ko

"Labas tayo." Hindi na niya hinintay ang sagot ko at lumabas na agad.

Nang makalabas na kaming dalawa ay hinarap niya ako.

"Tell me the truth. Hindi kayo nag date ni Nima." Sabi niya na parang sigurado sa mga sinasabi.
Napangisi ako sa sinabi niya.

"I'm true to my words Mike. And I have proof." Sabi ko at ipinakita ang picture namin ni Nima sa isang
cafe sa Dasma.

Buti nalang at pumayag siya kanina na dumaan muna sa Dasmariñas dahil alam kong mangyayari ito.

"Kaya ano yung sasabihin ko sayong totoo?" Sabi ko at humalukipkip.

Nakita kong napapikit siya ng mariin at tumingala.

"Kuya hindi ko na kaya. I want to tell you the truth." Sabi niya at tumingin sa akin.

"What truth? May nililihim ka ba sa akin Mike?" Tanong ko pa. Hindi nagpapahalatang may alam sa lihim
niya.

"Uhh..."

Napigil sa pagsasalita si Mike nang may marinig kaming nag bukas ng lighter. Si Dad. Naka upo siya sa
may terrace namin. Lumingon ulit ako kay Mike na mukhang mas lalong kinabahan.

"Ano nga ulit yung sasabihin mo Mike?" Tanong ko.

"A-ah wala kuya. Inggit lang ako sa date niyo." Sabi niya at nauna nang pumasok.

Napakuyom ako ng kamao sa inis. Alam kong may tinatago sa akin ang kapatid ko. At alam kong
tinatakot din siya ni Dad. I have to find out kung ano ang inililihim ni Mike at dad bukod sa pag ispiya sa
amin ni Nima.

I know there's something else. At alam kong delikado kami ni Nima.

You might also like