You are on page 1of 5

January 15, 2019

Geronima's POV

It's Tuesday. Normal lang ang mga bagay bagay sa school. But Mike has been acting weird. Hindi siya
masyadong nagsasalita. Kung makikitawa man siya sa joke ng ibang boys, hindi kasing lakas ng totoo
niyang tawa. I wonder what happened.

"You okay Mike?" Tanong ko nang mag break time.

Sila Nilla ay bumibili ng kanilang pagkain. Nagpresinta naman si Kiko na siya na ang bibili ng pagkain para
sa akin. At si Mike naman ay busog pa daw.

"Uh. Yeah. Just thinking about something." Sagot niya.

Napatango tango naman ako. Napatingin ako sa kanya dahil hindi siya mapakali. Parang sinisilihan yung
pwet.

"Want to tell me what's bothering you?" Sabi ko at hinarap siya.

"Uhm. Anong mas magandang gawin? Ipagpatuloy ang kasinungalingan para walang mangyaring gulo, o
sabihin ang katotohanan pero alam mong delikado ang susunod na mangyayari?" Tanong niya.

"Isa lang ang masasabi ko Mike... Just do what you think is right." Sagot ko and smiled genuinely.

"Malay mo yung sasabihan mo ng katotohanan may alam na pala kahit papaano hinihintay niya lang na
i-confirm mo sa kanya diba?" Sabi ko and patted his shoulders.

"Thank you! You're a big help. I already know what to do." Sagot niya at ngumiti ng tipid.

Then after school, napagkasunduan namin ni Kiko na diretso kami sa boarding house. Commute nalang
kami at kasabay din namin si Nilla. Kaming girls ang nasa loob at nasa likod naman ng tricycle driver si
Kiko.

Pumasok na kami sa inuupahan namin at dumiretso sa mga chemicals. Kagabi hinanda ko na ang
posibleng formula ng antidote.

Nag start kami with basics. Ibinigay ko na rin kay Kiko ang formula at sinimulang gawin.

Balak namin na gumawa ng at least five antidotes and by Friday ite-test namin ito. Sa mga babayaran
nila Fatima para maging Guinea pig.

Tinawagan ko si Fatima to tell her what I want.

(Yes hello step daughter? Where are you? Di ka pa nakakauwi?)

"I'm on a date Fatima. By the way can I request for guinea pigs? Five persons lang. Kiko and I will start
formulating some antidotes."

(Oh sure! Saan pala kayo naka kuha ng sapat na chemicals?)

"I have connections! I have to go. We're watching movie eh itinawag ko lang talaga sa'yo ang tungkol sa
guinea pigs."
(Okay enjoy your date step daughter!)

"I surely will!"

Ibinaba ko na ang telepono at nakitang nakatitig sa akin si Kiko.

"Parang maganda yung movie date. Yun nalang gawin natin!" Sabi niya at akmang tatayo.

"Upo. We're going to finish the formulation of five antidotes today." Mataray kong sabi.

"Yes ma'am!" Sumaludo pa siya pagkasabi niya noon.

Buong maghapon kami gumawa ng antidote. Sinikap talaga naming matapos ang quota para na rin hindi
na kami ulit bumalik dito.

Nagpasya muna kaming mag meryenda ni Kiko, at tamang tama dahil namili kami kahapon na pwedeng
pang stock ng pagkain dito just in case na gutumin kami. Parehas na cup noodles ang napili naming
kainin ni Kiko.

Payapa kaming kumakain at paminsam minsan ay magbibiruan. Kasalukuyan kaming nag-aasaran ni Kiko
nang biglang nag bukas ang gate at may kumatok sa pintuan. Sinilip iyon ni Kiko at napatingin sa akin.

"Si Mike." Sabi niya at binuksan ang pinto.

"Kuya I have to tell you the truth!" Kinakabahan niyang sinabi.

"What truth?" Sabi ko at pinapasok siya.

"About Fatima, Dad, and I. Also about the antidote." Sabi niya.

"What about it Mike?" Tanong ko at napatayo na rin.

"I am spying you. Lahat ng galaw niyo na tungkol sa antidote or sa Aursion ay nirereport ko kay dad."
Sabi niya. Habol parin niya ang hininga niya.

"I know Mike. Narinig kitang kausap si dad. Why are you telling me this?" Galit na bwelta ni Kiko.

"Walang balak si Dad na iligtas ang magiging infected ng Aursion." Dagdag ni Mike.

"What?! Eh bakit pa nila kami pinapagawan ng antidote?!" Ako naman ngayon ang galit sa sinabi ni
Mike. That's so not true!

"At hindi si Dad ang nagli-lead ng AOP lab. Kundi si Fatima."

"Can you please explain further Mike?! Sobrang gulo kasi eh!" Sigaw ko. Napatingin siya sa kwartong
ginawa naming mini lab.

"Inorder niyo lahat yan? I doubt it."

"Explain to us further first Mike. Please." Sabi ko at ngumiti sa kanya.

"Teka? Ito ba yung mga ikinababahala mo? Ito ba yung itinanong mo sa akin kanina?" Dagdag ko.
Tumango naman siya at ngumiti ng malungkot.

"Kahit na buhay ko ang kapalit dito, mas pipiliin ko paring sabihin ang totoo." Sabi niya at lumuha.
"Buhay? Teka. Hindi naman siguro magagawa ni Dr. Reyes yan." Sabi ko sa kanya.

"Sabi ko nga sa inyo. Hindi si dad ang leader ng AOP lab. Alila siya ni Fatima. Lahat ng doctors sa lab ay
alila niya. And lahat sila ay may microchip sa utak at kinokontrol sila ni Fatima. At recorded ang lahat ng
nakikita ng mga doctor." Nagkatinginan kami dahil doon.

"You mean. Walang talab sa kanila ang Aursion, because they are already controlled by the microchip?"
Tanong ko pa.

"Oo. Hindi ko alam ang pinaplano ni Fatima. Pero ang alam ko lang ay gagamitin niya ang Aursion laban
sa inyo." Sabi niya at napasigaw habang hawak ang ulo.

"Mike. Bro! Anong nangyayari?!" Si Kiko at lumapit na sa kapatid niya.

"Bro sabi ko sayo. Buhay ang kapalit ng pagsasabi ko sa inyo ng totoo. Argh! Nilagyan din ako ng
microchip sa ulo ni Fatima. Pero gaya niyo. Pambihira rin ang talino ko. Hindi ako nakokontrol ni Fatima.
Kaya ang--- Argh! Ang--ang ginagawa niya. Sinasaktan niya nalang ako kapag may ginagawa akong hindi
niya gusto. Argh!" Pilit na pagsasalita ni Mike kahit sobra na ang sakit na nararamdaman niya.

"Mike. Mike! Listen! Everything will be okay!" Sabi ko at dinaluhan na sila. Maging si Kiko ay umiiyak na.

"I'll go to her and make her stop hurting you!" Sabi ko at tumayo na.

Palabas na sana ako nang makita si Fatima.

"No need." Sabi niya at may pinindot sa device.

"Mike? Mike!" Tawag ni Kiko sa tabi. Nakita kong chineck niya ang pulso ni Mike.

"Thank goodness. Be strong please!" Sabi niya at isinandal si Mike sa pader.

"What are you doing here." Tanong ko.

"I'm here to tell you something important stepdaughter." Sabi niya, and she smiled devilishly. Napaatras
ako dahil sa naramdamang konting kaba at takot.

Fransisco's POV

"Ano bang ipinunta mo dito?" Sabat ko at inilagay si Nima sa likod ko.

"Oh. How sweet! I came here to tell you everything!" Sabi niya at tumawa.

"But not here. Sa lab tayo." Dugtong niya.

Wala na kaming nagawa kundi pumayag. Pero inilagay ko ang mga formulated na antidotes sa bag ko. Si
Nima naman ay kinuha ang bag niya bago inalalayang tumayo si Mike na kahit papaano ay may malay
na. Tumulong ako sa pag-alalay sa kanya tsaka na kami tumulak palabas.
Buti nalang at walang tao, maliban kay Nilla na nagaabang sa gilid ng terrace nila.

"Hala! Mike!" Gulat na sabi ni Nilla. Sinenyasan siya ni Nima na tumahimik.

Paglabas namin ng eskinita, may mga security na nakapaligid. Nang makarating kami sa barangay hall ay
may naghihintay na van.

"Pasok." Utos ni Fatima. Oo Fatima, hindi siya deserving na galangin namin.

Sumakay na kami at agad umandar ang sasakyan. Matapos ang ilang oras, nakarating na kami sa lab.
Nakaabang ang mga doctor pagpasok namin. Naka isang helera sila.

"Sa room." Utos niya ulit.

Maayos na ang pakiramdam ni Mike kaya, kaya na niyang maglakad mag-isa.

"Okay. Ano na ang mga nasabi ni Mike sa inyo?"

"You are the leader of this lab not Dr. Reyes. Mike was asked to spy us, and he did! May microchip ang
lahat ng alila mong doctor. Even Dr. Reyes and Mike. Lahat ng nakikita nila ay recorded and hindi sila
matatablan ng Aursion." Si Nima ang sumagot.

"Hmm.. Medyo kulang eh. But Mike is nearly there. Yun lang ba ang sinabi niya sa inyo?"

"Ginawa mo ang Aursion laban sa amin." Ako ang sumagot.

"Oh! That information is very important and super true!" Sabi ni Fatima. She even managed to giggle
while we are in a serious situation!

"You're a crazy bitch!" Sigaw ni Nima.

"Oh yes I am stepdaughter. I am a crazy bitch. Crazier than you thought. Even the craziest!" Sabi niya at
tumawa ng pagkalakas lakas.

"Kung laban sa amin ang Aursion, bakit kailangan pang idamay ang mga inosente na tao?!" Sigaw ko sa
kanya. Napupuno na ako sa babaeng to!

"Oh boy. This is not the time to answer that question. Maybe next time." Sagot niya na parang walang
pake.

"Bakit mo naman kami lalabanan gamit yon?!" Tanong ko pa ulit.

"Oh. That's a good one! But sorry kids. We are not here for question and answer. May be next time? Or
after the release of Aursion." She said sweetly. Kadiri!

"Then. Why are we even here?!" Sigaw ni Nima.

"Calm down sweety! I just want to announce something very very funny, very very cruel, and very very
important." Sabi niya at ngumiti.

"Just tell them right away Fatima!" Si Mike na ang nagsalita.

"Oh shut up! Hindi ka kasali sa usapan!" Sigaw niya kay Mike.
"As what I am saying... Aursion. Doesn't. Have. An. Antidote." Sabi ni Fatima at tumawa ng pagkalakas
lakas.

"What?!" Gulantang na sigaw namin ni Fatima.

"You got to be kidding me! Are you shitting us Fatima?!" Iritang sigaw ni Nima.

"Oo Geronima! Ginagago ko lang kayo! Alam niyo kung baket? Pwet niyo may racket! HAHAHA. Oops
sorry for the jologs terms. Basta! You heard what I've said and that's the truth." 

"Eh nakanampucha pala eh. Why did you even tell us to formulate the antidote?!" Sabi ko at ginulo na
ang buhok.

"And you even came back to the house acting like a victim, even if you're the bitchy mastermind!" Si
Nima iyon.

"Teka! Isa isa lang. Those where all act. Kinumbinsi ko kayo na gumawa ng antidote para mapalapit kayo
sa akin. And it worked! And darling ang galing umiyak ng stepmom mo no? That day I thought maaawa
ka na agad. But no. You're a smart girl! Inabot pa nang araw bago makuha ang loob mo." Mahabang
litanya ni Fatima.

"I cannot see the point of all of these. Can you just go straight to the point? Litong lito na kami. Litong
lito!" Si Nima.

"Because you ruined my life! And I'll make sure I also ruin yours! At idadamay ko na ang buong Pilipinas!
In that way I can control them. And then, I will start to control also the world. Hitting two birds with one
stone right? I will ruin your life, and I can be the most powerful person in the world!" Mahabang
paliwanag niya na sinundan ng nakakakilabot na tawa.

"You're crazy! Paano ko naman sinira yang buhay mo. Eh ikaw nga ang nanira ng pamilya." Si Nima

"Hindi mo natatandaan? Hindi mo natatandaan na halos mamatay ako nang nasa poder ka ng ama
mo?!" Napatulala si Nima at napaisip. Napatingin naman ako kay Fatima.

"Eh ako? Anong kinalaman ko sa'yo? Eh ngayon nga lang kita nakilala." Sabi ko. Nagulat ako na tumawa
siyang akala mo na nasa comedy bar.

"Oo nga naman. Paano matatandaan ng isang fetus na Fransisco, ang panganay na anak ni Dr. Reyes at
Jannica ang nakaraan. Dahil sa'yo, dahil sa pagkakabuo mo, hindi natuloy ang pagpapakasal namin ng
ama mo!"

Gulantang. Iyon ang naramdaman ko. Hindi pa ako pinapanganak, ang laki na ng galit niya sa akin.
Kasalanan ko bang nabuo ako dahil sa pagmamahalan nila mom at dad, at hindi naman talaga si Fatima
ang tunay niyang mahal?

"Iniisip mo yatang nabuo ka dahil sa pagmamahalan no hijo? Pwes nagkakamali ka! Simula palang mali
na ang lahat sayo! Nabuo ka sa pagkakamali. Don't worry, let me tell you the whole story." Sabi niya at
ngumiti ng pagkatamis tamis.

No hindi ako pagkakamali. Magdudusa ka Fatima!

You might also like