You are on page 1of 7

January 05, 2019

Fransisco's POV

Alas-nuwebe ako nagising. Usual na gising ko yun dahil bakasyon naman.

Narealize ko na sa lunes na pala ang unang araw ng pasukan ngayong taon. Sabado ngayon at may isang
araw nalang para mag saya dahil balik aral na ulit.

Hindi ako lumabas agad dahil nag search muna ako tungkol sa lab. Sinabi sa akin ni Mike ang pangalan
ng lab ni Dad kahapon nang maalala ko na hindi ko pa pala yun natatanong.

"AOP Laboratory." Sabi ko sa sarili ko.

Napakunot noo ako nang may narealize.

"Walang basic information bukod sa kung anong taon pinatayo ang lab."

"Kuya gising na, kain na tayo." Katok ni Mike. Sinarado ko muna ang laptop ko bago lumabas.

"Tara na miss mo agad kuya mo eh" biro ko sa kanya at niyakap.

"Kadiri ka kuya bakla ka ba?" Reklamo niya at lumayo sa akin.

"Sira! Magkakagusto ba ako kay Nima kung bakla ako." Sabi ko

"Tara na nga gutom na ako" sabi niya mukhang talo sa asaran. Tinawanan ko naman siya habang
sinusundan siya.

Pagkatapos mag breakfast, nasabi ko na sa kanya ang usapan namin ni Nima at sinabi kong kasama siya.
Pumayag naman siya agad sa sinabi ko. Magk-quarter to eleven nang tumawag si Nima. Nagulat pa nga
ako  at muntik pang mabitawan ang phone ko.

Nung una si Nilla ang una kong nakausap pero binigay niya rin ito agad kay Nima. Nag-aya siyang mag-
outing kasama ang tropa. Siyempre pumayag ako agad dahil last day na ng Christmas vacation bukas.

Pagkatapos nun ay bumalik na ako sa kwarto ko dahil may isesend daw sa akin si Nima. Mukhang
tungkol sa lab.

Di nagtagal nagsend na ng link si Nima. Balita ito tungkol sa phenomenon na Aurora Borealis. Nagulat
ako dahil nandun si dad.

Ipinaliwanag niya na posible ito dahil sa climate change. Inulit ko ang video ng Aurora Borealis sa
Laguna. At napagtantong hindi ito totoong Aurora Borealis.

"Peke ang phenomenon na ito." Nagsearch pa ako ng nagsearch tungkol sa phenomenon na nangyari sa
Laguna.

Nakita ko ang iba pang pictures sa ibang anggulo. At tama ang hinala ko. Sa isang picture naka hiwalay
ang puting ulap sa pinaghalong blue pink at green na mistulang ulap.

Nagsearch pa ako at napunta sa isang blogspot.

"Laguna Aurora Borealis is Fake" binasa ko ang title ng blog niya.


"Nasaksihan ko mismo ang pinagmulan ng pinaghalo halong green, blue, at pink na usok. Oo, usok ang
inakalang phenomenon ng karamihan sa mga Pilipino.

Mukhang mapanganib ang usok na ito kaya nag gas mask muna ako bago ako lumabas at picturan ang
pabrika sa tapat ng bahay na tinitirahan ko.

Makikita ang mga litrato sa huling bahagi ng blog. Dahil alam kong usok ito, inaasahan ko na na
mawawala rin ito agad sa kalangitan. Pero nagulat ako nang nag form ito na parang panibagong
kalangitan na bumalot sa buong laguna. Mas mababa lamang ito sa totoong kalangitan pero, walang
pumapasok na sinag ng araw mula sa kalangitan kaya siguro ito napagkamalang Aurora Borealis.

Hindi ako sigurado kung bakit nagkaganoon ang usok. Pero isa lang ang sigurado ako. Mapanganib ang
usok na nanggaling sa pabrikang iyon."

Matapos kong basahin ang blog, nakalagay nga sa dulo ang pictures na mula sa usok galing sa pabrika ay
naging mukhang panibagong kalangitan ito.

Five minutes ago palang na-publish ang blog at dahil suspicious nga ang pinagmulan ng phenomenon
posibleng madelete ito anumang oras. Kaya kinopya ko na ang pinaka blog at sinave sa laptop maging
ang mga pictures. Sinave ko na rin ang contact details ng blogger kung sakaling kailanganin namin iyon.

Napaaga kami ni Mike sa napag-usapang oras. Tahimik ang Complex dahil walang laro at walang mga
nakatambay. Three minutes bago mag one pm nakarating sila Nima.

"You're late." Bungad ko kay Nima at ngumisi

"It's twelve fifty-seven pm. Hindi pa kami late." Pagtataray niya na ikinatawa ni tita Fatima.

"Hi tita! Good Afternoon po." Bati namin ni Mike sa kanya. At tumango lang siya sa amin.

"Let's start the meeting." Sabi ni niya. Sumang-ayon naman kami at umupo na sa bleachers.

"I found something" sabay naming sabi ni Nima.

"You first." Sabi ko sa kanya. Nilabas naman niya ang dalang laptop at binuksan iyon.

"A.O.P. Laboratory stands for Anti Overpopulation Philippines Laboratory. Six years nang nakatayo ang
lab. Sa Laguna ito itinayo noong 2014. Hindi totoo ang Aurora Borealis at posibleng galing ito sa Lab. At
ang namumuno sa Lab ay si Dr. Reyes... And dad ninyo."

"Hindi na nakakagulat na si Dad nga ang namamahala sa lab. Ang dapat natin malaman ay kung totoong
para sa mga Pilipino ang experiment nila." Sagot ko

"Ano muna yung nalaman mo." Sabi niya.

Binuksan ko rin ang laptop ko at binasa ang mga notes na tinype ko kanina lang.

"Parehas lang tayo ng nalaman. At tama ka, peke ang phenomenon sa Laguna. Galing iyon sa isang
factory sa tapat ng bahay ng isang blogger. Kinuha ko ang contact details nung blogger na nakalagay din
naman sa blogspot niya." Sabi ko sabay pakita nung contact details.
"Ngayon mabuti ba o masama ang binabalak niyo tita Fatima?" Seryosong sabi ko at tinignan ng masama
si tita Fatima.

"Five years ago, inimbitahan ako ng dad mo sa factory niyo sa Laguna. Hindi ko alam kung bakit niya ako
ininvite doon wala naman akong kaalam alam sa business. Pero may secret room doon. Kasing laki ng
isang bahay. Tumambad sa akin ang isang lab na may sampung world class na scientist. Mabuti naman
ang intensyon ng dad mo at ng mga scientist. Gumawa sila ng lason na hahalo saoxygen. Once mainhale
ang oxygen na iyon, pwede nang mahypnotize ang mga tao. Para ito sa mga taong nakatita sa squatters
area. Ang plano ng mga scientist ay kontrolin ang mga ito para magtrabaho. Wala nang tambay sa kanto
at ang lahat ay magkakasweldo na. Ang sabi pa nga ng dad mo ay hitting three birds with one stone ito.
Hahaha. Bababa ang percentage ng poverty, bibilis ang paggawa ng stocks dahil dadami ang mga
manggagawa, at lalong tataas ang ekonomiya dahil lalaki ang demand." Paliwanag ni tita.

"Yun naman pala eh, edi okay. Maganda naman pala ang dulot." Sabi ni Mike

"Pero hindi tugma ang plano sa pangalan ng lab. Sabi mo maraming mamamatay na Pilipino Fatima,
pero hindi yun yung narinig kong paliwanag mo ngayon lang." Sabi ni Nima.

Kaya ngayon, lahat na kami ay nakatingin sa kanya. Nakita naman namin siya na parang kinabahan sa
tanong ni Nima. Pero ilang segundo lang ay umaliwalas na ang mukha nito.

"Yung kwento ko ay two years ago pa. After two years naisipang i-test sa dalawang tao ang lason.
Binayaran ng Bilyon ang pamilya ng mga guinea pig dahil delikado ang ipapagawa sa kanila. Pinatuloy sila
sa isang transparent isolation room para kita namin ang gagawin nila. Sa loob ay may speaker, doon nila
maririnig ang ipauutos sa kanila. Noong unang dalawang araw pinagtrabaho lang sila. Naging successful
ang ginawang lason. Pero nung ininject sa kanila ang antidote..." Tumigil si tita sa pagkukwento at
ngumiti ng mapait.

"Ano pong nangyari?" Tanong ni Mike.

"Alam niyo yung drugs na may kakaibang effect sa mga tao? Yung nawawala sila sa sarili at parang
naging zombie?" Tumango naman kami ____ drugs yun.

"Yun ang nangyari sa kanila. Kaya binaril nalang sila sa ulo para mamatay." Dugtong niya.

"And then?" Pagtataray ni Nima. Ang suplada talaga ng babaeng to.

"And then, nag hire ulit ng guinea pig ang mga scientist. Pero imbis na pagtatrabaho ang ipagawa sa
kanila..." Tumigil nanaman siya at tinignan kami isa isa.

"Inutos ng dad mo na magpatayan sila" at dahil sa idinugtong niya bigla akong napatayo.

"Imposible" sabi ko at tumingin diretso sa mga mata niya.

"Ako ang nandoon five years ago. Nasaksihan ko ang lahat." Sagot niya.

Biglang tumayo si Nima nang maramdaman niyang malapit na kaming magbangayan ng stepmom niya.

"Uhm Fatima, Mike, iwan niyo muna kami." Sabi niya.

"Whatever, uuwi na ako. Ingat sa pag-uwi Nima." Sabi ni tita at nag walk out.
"Hintayin kita sa labas dude" sabi ni Mike. Tinanguan ko nalang siya.

Nang masiguro na ni Nima na wala nang ibang tao, inaya niya akong maupo ulit.

"Kagaya mo hindi ako naniniwala kay Fatima. Pero hindi rin ako maniniwala sa dad mo. At hindi rin ako
naniniwala sa kapatid mo." Panimula niya.

"So kanino ka naniniwala?" Sabi ko at ngumisi. Badtrip na ako sana wag na siyang dumagdag.

"Sa blogger na tinutukoy mo at sa sarili ko, kung mapagkakatiwalaan ka naman maniniwala na rin ako
sa'yo." Sagot niya.

Mukha naman siyang seryoso kaya nalaayos nalang ako ng upo.

"Ano ngayon yung nasa-isip mo?" Tanong ko ulit. Umirap muna siya bago nagsalita. Badtrip na rin yata
sa akin to.

"Stick tayo sa na-research natin. Wag tayong magpahalata na nandududa tayo sa mga taong nakakaalam
ng tungkol dito. Contact the blogger you just told me. We'll go to his place next week." Tuloy tuloy
niyang sabi.

"Why next week? Why not tomorrow?" Tanong ko ulit.

"Outing tomorrow remember? Eight am sa Amanda's resort. Inform your friends I'll inform mine. And
kung sasabihin mo why not the day after tomorrow, restart ng school nakalimutan mo na?" Sabi niya
sabay irap.

"Sungit" sabi ko at umirap ulit siya.

"The meeting's over. Let's go. Uuwi na ako. And don't forget to contact the blogger okay?" Sabi niya
sabay hair flip. Suplada talaga.

Umuwi na rin kami ni Mike. At gaya ng sabi ni sungit-- I mean ni Nima, I contacted the blogger. I sent him
an email that we wanted to meet him. Nilagay ko rin yung contact details ko maging ang mismong
contact number ko. Ilang minuto ang nakalipas may tumawag sa akin na unknown number.

(Is this mr. Fransisco Reyes?)

"Yes speaking"

(I am Felip Asuncion yung blogger you contacted ngayon ngayon lang.)

"I see..."

(So nasabi mo na interested ka sa isang blog ko. Alin dun?) "Sasabihin ko personally" (Sure. When and
where?)

"Next week Saturdat sa bahay niyo po mismo. I will bring a friend"

(May I know what's the reason?)

"Uhm. For research purposes, grade twelve na kasi kami and gumagawa kami ng research paper. Dagdag
information po."
(I see, I'll text you the exact address.)

"Thank you mr. Asuncion."

After ng usapan namin he ended the call. Pagkatapos tinawagan ko naman si Nima.

"Hi sungit!"

(Che!)

Napatawa ako sa kasungitan niya.

"Na-contact ko na yung blogger"

(Wait lang)

Narinig kong sinara niya ang pinto at ni-lock iyon.

(Anong sabi?)

"Okay na pumayag siyang interviewhin natin siya. Hindi ko sinabing about sa usok galing sa factory.
Sasabihin nalang natin pag nameet natin siya. Also, ite-text niya sa akin later yung exact address niya."

(Very good! Pero bago yun. Tinawagan mo na ba yung tropa about sa outing?)

"Oo nga pala sige ibababa--"

(Wait! Come with me nga pala sa mall on Monday)

"Are asking me for a date?"

(Anong are you asking me for a date? For your information ako ang babae and kahit na ikaw ang mag
aya hindi ako sasama. Bibili tayo ng gas mask)

"Gas mask for what?"

(Naalala mo yung usok galing sa factory na sabi ng blogger? Posibleng nandun pa yung particles nun
next week kaya kailangan nating mag-ingat. Bibili na rin tayo ng portable thermal scanner baka sakaling
madetect nun yung usok.)

"So you mean tinest na nila dad yung lason sa mas maraming tao?"

(Posible. Pero posible rin namang aksidente lang ang lahat. You know may nakialam)

Napatango naman ako sa sinabi niya kasi may point.

"Okay see you around!"

(Bye.)

"Hanggang sa pag bye masungit parin? Ay sila Drix nga pala!"

Nagchat nalang ako sa GC namin dahil nakakatamad na silang itext isa-isa.

Kiko:
Hey brothers! Swimming daw bukas. 8 am sa Amanda's Resort. KKB sa entrance. Ako na sa kanin kayo na
sa ulam.

Drix:

Ge. Ako na sa adobo.

Jik:

Softdrinks akin!

Jonathan:

Adobo akin.

Nagreply nalang ako sa kanila na 'sige sige kayo na bahala'

Nagchat rin ako kay Nima kung anong dadalhin niya.

Nima:

Kasya na ba limang lechong manok? Tapos kay Nilla untensils tsaka softdrinks.

Nireplyan ko nalang siya ng katulad ng reply ko sa boys. Tapos naalala ko may is pa pala akong tanong
kay Nima

Kiko:

Ey. Okay lang ba na magliwaliw tayo bukas? Hindi ba kakalat yung usok sa buong Luzon?

Nima:

Sa tingin ko, kung testing lang yun, kontrolado pa nila yung usok.

Kiko:

Pero kung sakaling dumating yung time na pangmalawakan na yun?

Nima:

Hindi na nila mako-control ang paghalo ng lason sa oxygen natin. Teka may na-search ako.

Kiko:

Take your time :)

Matapos ang ilang minuto nag reply ulit siya. Pero isa itong link.

"Published five minutes ago. Pambihira tong babaeng to, ang daming nase-search na newly published
articles." Pinindot ko ang link at binasa ang article.

"Just In.

A new constitution site is building a new laboratory. Based on the collected information, it is the annex
or the second laboratory of the AOP Lab. The first AOP lab doesn't have the basic information like its
exact location. But the new laboratory's information is open to the public. The head scientist of the
laboratory said that in two weeks the lab can now operate. The first lab will be abandoned and all of the
equipments from the experiment will be transferred carefully in Cebu..."

Pagkatapos kong basahin ang article. Alam kong parehas lang kami ng iniisip ni Nima kaya tinawagan ko
ulit siya.

"Kailangan na natin bilisan ang kilos"

(In two weeks balak na nilang lasunin ang oxygen ng pang-malawakan.)

"Sa Cebu tinayo ang pangalawang lab dahil ito ang gitna ng Pilipinas."

(Para pag pinakawalan ang usok, pantay ang pagkalat nito at hindi agad maaapektuhan ang nasa taas
ng Luzon)

"Gaya ng China, Korea at Japan"

(Pero may isa pa tayong problema)

"Ano pa yung problema natin?"

(Wala pang mabisang antidote)

You might also like