You are on page 1of 5

January 18, 2019

Geronima’s POV

“Until… What? You’ll let the people kill each other?!” Gulantang na tanong ni Kiko.

“Yes! Wag ka nang magulat. Iyon na ang plano ko simula palang.” Sagot ni Fatima.

“Okay. We get it. But, aren’t you afraid of human rights law? Di ka ba natatakot makulong? Also,please!
make sure na hindi damay ang pamilya namin. They have Athena on them Fatima.” Pagsisinungaling ko
sa kanya. I’m sure hindi niya alam na nasa Batanes ang anak niya dahil kinuha siya ng kapatid nito.

“Why should I be afraid of that? They’ll be poisoned and get hypnotized! They’ll be on my trap so I have
nothing to worry about. And, of course I’ll make sure that all of your families will be safe. Basta…”

“Basta?” Tanong ko. Medyo pabitin itong si Fatima.

“Nevermind. It’s your free time now. Pwede kayong maglibot libot kung saan saan. You can also Go
outside, explore the Cebu kids! Tomorrow we’ll have a big day.” Sabi ni Fatima at sabay sabay kaming
nagpulasan.

“Sa kwarto lang ako bro.” Paalam ni Mike sa kapatid niya.

“Sige, mamamasyal lang kami ni Nima.” Sagot ni Kiko.

“Dala mo phone mo?” Pasimpleng tanong ni Kiko.

Umiling lang ako sa kanya bilang sagot.

“Okay. Good.” Sabi pa niya.

Lumabas kami ng lab at pumunta sa likod. Dahan dahan lang kami at kunwari ay pinagmamasdan ang
nasa paligid ng lab. Buti nalang at walang guards sa likod nang mga panahon na iyon kaya dire diretso
kaming lumabas nang makita naming ang sinasabi ni Ken na sirang bakod.

May kalawakan ang bakanteng lote. Nakita naming na nasa pinakagilig sa dulo ang helicopter na dala ni
Ken. Nang lumapit kami at sinubukang tignan ang lab, hindi na naming masyadong maaninag iyon. May
mga kaunting puno rin kasi sa may pinagmulan namin.

“Hi! Kamusta?” Bati ko kay Ken.

“Ayos lang ako. Kamusta? Nalibot niyo ba yung lab?” Tanong niya.

“Oo dude. Nilibot kami ni Fatima.” Sagot ni Kiko.

“You know what? Saktong sakto. Doon kami sa isang room kung saan nakikita kung saan na naaabot
yung Aursion. Mapapadali yung pag-alis natin.” Dagdag ko pa.

“That’s good. Diba tatlo kayo? Nasan yung isa?” Tanong niya.

“Hindi siya pwedeng pumunta sa mga places na suspicious baka tanungin kami ng tanungin ni Fatima.”
Sagot ko sa kanya.
“Huh? Bakit?”

“Kasi may chip sa ulo niya, connected sa brain. Pwedeng madetect kung nasaan siya.” Sagot ni Kiko.

“Speaking of that! May kilala ka bang surgeon or something? Para tanggalin yun?” Biglaang tanong ko.

“Well, my brother’s a neurosurgeon pwede natin siyang puntahan kung tatakas na kayo mula sa lab.”
Sagot ni Ken.

“Good.” Sabi ko at ngumiti sa kanya.

“Eh diba, last time sabi mo bumbero kapatid mo?” Tanong ni Kiko. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
Oo nga no naalala ko yun! Sabi niya nga na bumbero yung kapatid niya.

“Yung isang kapatid ko yun, yung isa yung neurosurgeon.” Sabi niya. Napatango tango nalang kami sa
sinabi ni Kiko.

“Tara na Nima. Baka hanapin na tayo ni Fatima.” Aya ni Kiko.

“Dude alis na kami. Ingat ka.” Paalam ni Kiko sa kanya.

Kumaway nalang ako kay Ken bago kami naglakad pabalik sa lab.

Pagbalik namin, busy ang mga doctor sa paggawa ng kani-kanilang trabaho. Si Fatima lang ang
nakapansin sa amin.

“Oh, ang bilis niyo naman yatang maglibot. Hindi kayo lumabas? You know, para mag date?” Bungad
niya.

Napairap ako ng wala sa oras. Pakialamera at its finest?

“Ah hindi. Nilibot lang namin yung exterior ng lab.” Si Kiko ang sumagot.

“I see… Maiwan ko muna kayo. We are finalizing things. Tomorrow is a big day!” Masaya niyang sabi
tsaka kami iniwan.

Umakyat na kami at pinuntahan ang kwarto ni Kiko.

“What’s up?” Bungad niya matapos kaming pagbuksan dahil narinig niya ang katok namin.

“Wala. Pwede makitambay?” Sagot ko sa kanya.

Pinapasok naman niya kami at dumiretso akong sumalampak sa sahig at doon nahiga.

“Sana matapos na agad ‘to.” Sabi ko.

“Sana hindi matuloy yung plano ni Fatima.” Sabi ni Kiko.

“Sana matanggal na yung chip sa utak ko.” Sabi naman ni Mike.

Napatingin ako kay Mike dahil sa sinabi niya. Maging si Kiko ay napatingin rin sa kapatid. Nakaupo lang
siya sa kama at nakayuko.

“Wag kang mag-alala, may kapatid si Ken na neurologist. Matatanggal din yang chip sa ulo mo.” Sabi ni
Kiko.
Nginitian siya ni Mike pero malungkot parin ang mga mata nito. Sana talaga matapos na ang lahat ng
kahibangan ni Fatima.

Fransisco’s POV

Nilihis na naming ang topic para gumaan gaan naman ang pakiramdam ni Mike.

“Kamusta na kaya sila mommy?” Tanong ko.

“Ayos lang naman siguro siya. Naghanda naman siya ng todo tsaka naka stay na siya sa basement ng
bahay diba. Parang yung sa family lang ni Nima?” Sagot ni Mike.

Tumango tango ako. Tama ayos lang naman siguro siya doon. Tsaka kumpleto naman ang mga kailangan
niya doon nung umalis kami.

“Eh sila tito?” Tanong naman ni Mike.

“They’re fine. Nag update si Nilla kanina right? I just hope na walang mangyaring masama sa kanila.”
Sagot ni Nima.

Nag stay lang kami sa kwarto at nagkwentuhan. Inubos naming ang oras sa pagk-kwentuhan sa mga
nangari sa mga nakaraang linggo. Kakasimula pa lang ng taon pero parang pagod na pagod na kami.
Sana matapos na naming ito at makabalik na ulit sa normal na pamumuhay.

Nakatulala lang ako habang sila Mike at Nima ay nag uusap parin nang may naalala ako.

“Nima. Diba sabi mo may antidote?” Tanong ko.

Natigil sila sa pag uusap at natuon sa akin ang atensyon nilang dalawa.

“Yun ba? Oo may antidote. Pero hindi ko pa siya tapos. Pero sigurado akong gagana yun.”

“Paano mo naman nalaman yun?” Tanong ko ulit.

“Actually it was by accident. Natapunan ko ng certain chemical yung Aursion and then suddenly, wala
nang traces ng Aursion doon. Pero hindi ko pa siya na t-try sa taong naka inhale ng Aursion. Malalaman
din natin pag nakahanap na tayo ng place.” Paliwanag ni Nima.

“Edi ayos! Kailangan nalang pala natin ng safe place eh. Edi madali nalang yun.” Masayang sabi ni Mike.

“Oo. Kaya gawin natin ang best natin para mapagtagumpayan natin ang lahat ng ito.” Sabi ko.

Hindi namin namalayan na gabi na pala dahil sa dami ng napagkwentuhan naming. Narinig naming
kumatok si Fatima at tinatawag na kami.

“Kids! Nandyan ba kayo?!” Rinig naming sabi niya.

Pinagbuksan siya ni Mike kaya tumigil siya sa pagkatok.


“Nandito pala kayong lahat. Kaya pala walang sumasagot sa akin sa kwarto niyong dalawa.” Turo sa
aming dalawa ni Fatima.

“Ah yes. We’re just hanging out Fatima.” Paliwanag ni Nima.

“Okay. Tara na it’s dinner time.” Anyaya niya bago kami iwan.

Sumunod na kami kay Fatima. Katulad ng kanina, kasabay naming ang mga doctor na kumain.

“How’s your day kids.” Biglang tanong ni dad. Mukha siyang stressed ngayon?

“Fine dad. Nilibot namin ni Fatima ang exterior ng lab.” Agad na sagot ko sa kanya.

“I see. Ikaw Mike?” Tanong niya sa kapatid ko.

“Fine lang din po. I stayed at my room. Medyo napagod sa biyahe.” Sagot niya.

“Nima. Have you contacted your parents?” Tanong naman ni Fatima kay Nima.

“Yes. They are fine.” Sagot naman ni Nima.

Nagpatuloy kami sa pagkain nang may nagsalita ulit. Isa sa mga kasama naming doktor.

“Are you sure about them Fatima?” Tanong niya.

Nagkatinginan kami nila Nima at Mike sa biglaang tanong na iyon.

“Of course. Step daughter ko si Nima and anak naman ni Dr. Reyes si Kiko at Mike.” Sagot ni Fatima.

“Hindi kaya may masama na silang binabalak?”

Napatikhim si Nima dahil sa lantarang pagsasabi noon ng doctor.

“Of course not! Besides, I know them too well. Hindi niyo naman kami bibiguin diba?” Baling ni Fatima
sa amin.

“Of course we will not do such things Fatima!” Sagot ni Nima at ngumiti.

“Hindi naming magagawa yun.” Si Mike naman ang nagsabi.

“Yes. We will not do anything that will disappoint you.” Sabi ko naman.

“See? Stop being paranoid Dr. Mercado.” Sabi ni Fatima at tumawa.

Tumango tango nalang ang doktor at tinignan muna kami nago magpatuloy sa pagkain.

Naging mapayapa na ang dinner naming at kung may mapag-uusapan man ay hindi na tungkol sa aming
tatlo. Tungkol nalang ito sa Aursion at sa ‘big day’ na mangyayari bukas.

Pagkatapos naming kumain ay napagdesisyunan namin nila Mike na tumambay muna sa kwarto ko. Para
na rin mapag-usapan ang mga mangyayari bukas.

“So. Tomorrow is the day. We just need to find a place na hindi masasakop ng Aursion, then we can
have our exit plan.” Panimula ni Nima.
“Anong plano bukas?” Tanong ni Mike.

“We will do what Fatima wants. Dalhin natin ang radyo natin and make sure nan aka connect sa
earphones. Para ma-update natin yung mga pamilya natin sa Cavite.” Sagot ko.

“Hindi ba makakahalata si Fatima tungkol dun sa radyo?” Tanong ulit ni Mike.

“We’ll tell her na just in case maglayo layo tayo ng mga task, this is what we will use for communication
para mas madali and less hassel.”

Tumango tango kami ni Mike sa sinabi ni Nima.

Nag usap pa kami saglit para sa mga pwede pang mangyari bukas nang magpasya na sila na pumunta na
sa kanya kanyang kwarto para makapag pahinga na.

Naka-ayos na ako para matulog nang narinig kong may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

“I’m sorry did I wake you up?” Bungad ni Fatima nang pinagbuksan ko siya ng pinto.

“No. Patulog pa lang ako.” Sagot ko sa kanya.

“I see… I just want to remind you about the big day tomorrow. So I want you to be ready.” Sabi niya.

“Yes. I’m ready for tomorrow.” Sagot ko sa kanya.

Yun lang at nagpaalam na rin siya.

Tomorrow’s really a big day.

You might also like