You are on page 1of 2

KAIBIGAN NG LAHAT

Sa hindi kalayuang bayan, may isang babae na nasa edad labing-pito ang sikat sa kanilang bayan. Siya si
Avery Lumibao. Maganda, matalino, at biniyayaan rin ng taglay na talento. Hinahangaan siya at kina-iinggitan
ng lahat. Halos lahat ay kaibigan niya. Kahit sa tanatamo niyang kasikatan, napakabuti niyang tao at mabait sa
lahat.
“Hi Avery! Ang ganda mo talaga! Pwedeng sumabay sa’yo papasok sa eskwelahan?” Tanong ng isang
babae na nakasalubong niya isang araw papasok ng eskwelahan.
“Oo ba! Tara sabay na tayo!” Sagot niya at napatuloy sa paglalakad.
“Avery!” Tawag ng matalik niyang kaibigan sa kanya.
“Oh Courtney! Tara na male-late na tayo!” Sabi niya sa matalik niyang kaibigan.
Si Courtney ang kaibigan niya simula pagkabata pa lang. Sila ang laging magkasangga sa hirap at
ginhawa. Kung nasaan si Avery, nandoon rin si Courtney para suportahan siya. Kahit kailan, hindi nagkaroon
ng inggit si Courtney kay Avery.
“Bye Avery! Nandoon na kasi ang mga kaibigan ko eh.” Sabi ng babae sa kanya.
“Oh sige.” Sagot ni Avery at kumaway ng kaunti.
Pumasok na rin si Avery at Courtney sa kanilang silid aralan. At nakita nila na nasa loob na rin ang ilan
pa nilang mga kaibigan.
“Hi Avery!” Bati ni Luisa. Isa sa mga matalik na kaibigan rin ni Avery.
“Hi!” Pabalik na bati nito.
“Nabalitaan ko, may nakisabay daw sa inyo?” Tanong ni Tiana, isa rin sa matalik niyang kaibigan.
Apat silang magkakaibigan. Sila Avery, Courtney, Luisa, at Tiana. Ngunit si Avery at Courtney ang mas
close sa isa’t isa. Ganun din si Luisa at Tiana. Naging magkakaibigan sila noong naging magkakagrupo silang
apat noong isang taon sa isang subject.
“Oo Tiana, nakisabay sa akin yung grade 9.” Sagot ni Avery.
“Mag-iingat ka, baka sa kabaitan mo may mainis at siraan ka.” Babala ni Luisa.
Ilang sandal pa ay biglang nagkagulo sa labas ng silid aralan nila Avery.
“Bakit nagkakagulo?” Tanong ni Courtney sa isang kaklase.
“May chismis daw na kaya naka-perfect si Avery sa exam noong isang araw ay dahil nangodigo siya.”
Sagot ng isa niyang kaklase.
“Ako mangongodigo?! Bakit ko naman gagawin yun?!” Gulat na tanong ni Avery.
“Hala?! Ang isang Avery Lumibao nangodigo?!” Malakas na sabi ni Tiana para marinig ng lahat.
“Tiana alam mong hindi totoo yan.” Sabi ni Avery na mukhang naguguluhan parin.
Iyon ang naging usap-usapan buong araw sa eskwelahan. Nang mag-uwian ay ipinaiwan si Avery at
sinabing kakausapin siya ng punong guro.
“Nalaman ko ang balita.” Bungad sa kanya ng punong guro.
“Naniniwala po ba kayo?” Tanong ni Avery.
“Umamin ka na habang maaga pa.” Sagot sa kaniya nito.
Agad na napaluha si Avery at nasundan na ng hagulgol.
“Hindi po ako nangodigo. Kung sino man ang nagpakalat ng balitang iyon, ay siguro Malaki ang galit
niya sa akin.” Sabi ni Avery.
Pagkatapos noon ay may biglang kumatok sa pintuan at pumasok si Courtney.
“Kung hindi po kayo naniniwala sa kanya, may pruweba po ako na hindi siya totoong nangodigo.” Sabi
ni Courtney at inilabas niya ang kaniyang cellphone.
Narinig doon ang boses ni Luisa at Tiana.
“Kayo ang nagpakalat noon ‘no?” Tanong ni Courntey
“Ang alin? Yung nagpakalat na nangodigo si Avery?” Tanong ni Luisa.
“Luisa…” Rinig ang pag-aalala sa boses ni Tiana.
“Hindi. Hindi kami ‘yon.” Agap ni Tiana.
“Talaga ba Tiana? Eh bakit namumutla ka? Uulitin ko, kayo ba ang may pakanang siraan si Avery?”
Tanong ulit ni Courtney ngunit, may diin na sa tono niya.
“Oo. Kami nga. Bakit? Anong magagawa mo kung kami nga ang may gawa noon?” Tanong ni Luisa.
“Hindi ba kaibigan kayo ni Avery? Bakit niyo siya siniraan?!” Galit na tanong ni Courtney.
“Kinaibigan lang namin siya para sumikat, pero anong nangyari? Nagmukha lang kaming anino ni
Avery.” Sagot ni Tiana.
“Dahil sa kasikatan nagawa niyong siraan ang taong itinuring kayong matalik na kaibigan?” Sabi ni
Courtney.
“Aba. Malay ko ba kung pina-plastic niya lang pala kami? Inunahan lang namin siya.” Mataray na
sagot ni Luisa.
“Kilala ko si Avery. Napakabuti niyang tao at hindi niya kayang gumawa ng masama sa iba.” Sabi ni
Courtney.
Doon natapos ang ni-record ni Courtney.
“Sana sa narinig niyo, nalaman niyo nang hindi talaga nangodigo si Avery.” Sabi ni Courtney.
“Pasensya na. Kakausapin ko si Luisa at Tiana bukas. Ik-kick out sila sa eskwelahang ito dahil sa
paninira ng kapwa estudyante.” Sabi ng punong guro.
“Huwag po. Ayo slang po kahi community service nalang ang ipagawa sa kanila. Sigurado po akong
matutunan nap o nila ang kanilang pagkakamali.” Kalmadong sabi ni Avery.
“Sigurado k aba hija?” Tanong ng punong guro.
Pagkatapos noon ay lumabas na ng eskwelahan si Avery at Courtney para maka-uwi na.
“Bakit hindi mo nalang hinayaan si ma’am ni i-kick out yung dalawa?” Tanong ni Courtney.
“Alam kong galit lang si Luisa at Tiana sa akin kaya nila nagawa iyon. Tsaka kaibigan ko parin sila
kahit papaano.” Sagot ko.
“Ang bait mo talaga ‘no?” Sabi ni Courtney.
“Sabi kasi ni mama at papa, maging mabait ako kahit kanino. At matutong unawain ang pagkakamali ng
bawat tao.” Sagot ko.
“Hindi ka ba natatakot nab aka siraan rin kita?” Tanong ni Courtney.
“Hindi. Dahil sa ginawa mong pag kompronta at pagpapaamin sa dalawa, alam kong mabait at tunay
kang kaibigan.” Sagot ni Avery.
Magmula noon, naging mas matalik na magkaibigan si Courtney at Avery. Nawala man ang paghanga
ng karamihan sa kanya, at kumonti na rin ang gustong kumaibigan kay Avery, alam naman niya na may
nagmamahal sa kanyang tunay. Iyon ay ang kaniyang pamilya, at ang matalik na kaibigan.

You might also like