You are on page 1of 9

“Ang unfair, teh.

” alingawngaw ni Erin sa hallway habang tinitignan ang flyer na kanina niya pa hawak-
hawak.

Naglalakad kami ngayon papunta sa bagong classroom namin at nagkalat na rin sa iba’t ibang pasilyo
ang mga studyante ng unibersidad. Karamihan sa mga nakakasalubong namin ay kakilala na namin
kaya napapadalas ang pagngiti ko habang nakakunot-noo naman ang kasama ko.

Kakaumpisa nga lang ng pasukan at eto siya, mukhang handa na para sa graduation. Ano ba yang
hawak niya at parang na-stress talaga siya sa nakalagay dito? Dinukot ko ito mula sa kanya at
pinasadahan ng tingin. Isa lang naman itong flyer ng student publication para sa mga may gustong
maging bagong members nila at ang mga studyanteng nais maging editor-in-chief.

“Oh, ano naman ang unfair dito?” nagtataka kong tanong dahil halos wala namang mali o kahit ano
rito na sa tingin ko ay hindi pantay sa pamantayan ng kaibigan ko.

Napakamot siya ng ulo sa pagka-irita pero hindi ko talaga alam kung bakit inis na inis siya dito sa papel
na to. Tinignan ko ulit ito ng mabuti pero kahit biyakin man ang ulo ko ngayon ay wala akong
maisasagot kung bakit napipikon na si Erin.

“We’ve been in the publication for 2 years now and in those successive years, hindi naman tayo
nagkalat ng flyers to look for new members ah?” napatigil siya sa paglalakad at hinarap ako. Hindi
alintana sa kaibigan ko na nasa gitna kami ng daan at nanatili pa rin ito sa kinatatayuan.

Madami ang nawala samin ngayong school year dahil kalahati ng myembro namin ay seniors kaya
okay lang naman saking maghanap sila ng ipapalit, diba? Plus, mas mabuti na nga yung marami kami
sa student pub para na rin mas mabilis ang pag-release namin ng mga magazine every three months.

“Like how many are we now? Girl, hindi nga abot sampu ang bilang natin sa pub ngayon.”
pagpapaliwanag ko sa kanya at sinubukan siyang hatakin pagilid pero hindi ito nagpatinag at
naghalukipkip pa.

“Yes, I know. Pero kailangan pa ba nilang maghanap ng editor-in-chief? Eh obvious naman dapat na
ikaw yun.” mungkahi ni Erin. Kahit pa masarap sa ears tong mga pinagsasabi ng kaibigan ko, eh hindi
naman sa mga kamay namin nakasalalay ang desisiyon kaya hayaan na lang natin ang paaralan kung
paano nila hahanapin ang bagong miyembro ng grupo.

“Ikaw talaga, kung ano-anong pinag-iisip mo.” dahil nga ayaw niyang umalis sa kinatatayuan, hinatak
ko na ang pulsuhan ni Erin. “Tara na nga, alam mo naman ayaw ni Ms. Divinagracia na mahuli tayo sa
unang araw ng pasukan diba?”

Wala nang nagawa si Erin kaya nagpatianod na lang ito sa likuran ko. I stopped on my tracks nung
meron akong napansing pamilyar na tikas ng katawang nakatalikod sa amin. Ang hulma ng likod niya
ay kagaya na lang ng kay Luigi pero mabilis ding napawi ang kaba ko nung humarap ang lalaki at ibang
tao pala ang nakita ko. Isang buntong-hininga naman ang kumawala sa bibig ko.

Matapos ang insedente ng pagkalasing ko at pagtulog sa bahay nina Luigi ay hindi ko na ulit nakita ang
lalaking yun. Matapos naming kumain at ligpitin ang pinagkainan namin sa bahay nila ay inaya ko nang
umuwi si Leanne dahil nga bukod sa hiyang nararamdaman ko kay Luigi ay mas lalong nagiging asiwa
na ko sa kanila ni tita Martha.

I know it’s none of my business pero kahit sino naman siguro ay magtataka kung bakit ganoon na lang
kalamig ang pakikitungo ng isang ina sa kanyang anak. It literally hunted my mind for a number of
hours, mabuti na nga lang ngayon at nakumbinsi ko ang sariling hindi ko na problema yon at kung
meron man silang hindi pagkakaintindihan ay mabilis lang naman nilang masusulusyonan ito.

And speaking of Luigi, hindi ba dito na rin siya mag-aaral? Eh bakit kahit anino niya ay hindi ko nakita
kanina? Natapos na ang flag ceremony, announcement at assignment of classrooms pero hindi ko pa
rin siya nakikita hanggang ngayon.

“Kez.”

Napakurap muna ako ng ilang beses bago maalalang naglalakad pala kami ni Erin. Napatingin ako sa
kwarto kung saan kami ay napahinto at napatingala rin ako sa nakasulat dito. Room 317. Sakto,
nandito na pala kami sa classroom.

“Tinatanong kita kung kamusta ang naging tulog mo dun kina Luigi.”

Napadapo ang tingin ko kay Erin na ngayon ay naghihintay ng isasagot ko. Gusto kong magkwento
kung gaano ka gaspang ang pag-uugali ng lalaking yun pero sa tuwing maaalala ko ang lungkot sa mga
mata niya ay bigla nalang akong nagdadalawang-isip. Kung meron mang mas nakakaalam ng buhay ng
lalaking yun ay walang iba kundi ang mga naging kaibigan niya noon.

Then I thought, should I ask Erin about it o baka naman mas mainam na itago ko na lang sa sarili ang
nasaksihan ko sa bahay nila? Tinitimbang ng utak ko ang magiging kalalabasan sa oras na mabanggit
ko ang tungkol sa pakikitungo ni tita Martha kay Luigi at napagtanto kong wala naman sa posisyon si
Erin para sabihin ang dapat na si Luigi ang gumawa. Hindi ba?

Sumisilay na naman sa likuran ng utak ko ang tinging ibinato ni Luigi sa kapatid ko. It was full of
jealousy but little does he know na mas makikita roon ang kalungkutan na nararamdaman niya. Hindi
man niya sabihin, alam kong mahal na mahal niya si tita Martha kaya ganoon na lang siya kung
gumawa ng paraan para makuha man lang ang kakarampot na atensyon nito.

“Maayos naman.” lang ang lumabas sa bibig ko matapos maghanap ng pinakaligtas na sagot. Erin
doesn’t seem to be satisfied with my answer pero binigyan ko lang siya ng isang tinging nagtatapos sa
pinag-uusapan namin.

Magkatabi kaming napaupo sa gitna ng silid at kanya-kanyang kuha ng telepono. Abala si Erin sa
paglalaro ng apps sa phone niya, while I am busy scrolling my Facebook newsfeed nang makita sa
suggested friends ang pangalang ‘Luigi Dominique de la Fuente’ at agad naman itong nakaagaw ng
pansin ko. Out of curiosity ay pinindot ko ang pangalan nito at sinuri ang napapaloob dito.

His name sounds like someone of higher authority at tunog pangmayaman, na kung saan malayong-
malayo sa totoo niyang pag-uugali. His second name is even spelled uniquely. At bakit ko naman ba
binubuhos ang sarili ko sa pag-iisip ng pangalan niya? Wala sa sarili akong napangiti sa pinag-iisip.
Meron siyang mahigit isang libong FB friends at meron din kaming iilang mutual kasama na roon sina
Elliot, Chester, Erin at Leanne. Wala itong profile picture at tanging larawan lang ng basketball ang
kanyang cover photo.

Wala bang social life ang taong to at napaka-plain ng Facebook wall niya? Ni wala ngang post o shared
post ang taong to. Baka naman naka private ang FB niya kaya hindi ko makita ang nandito?

Wow, what do you know about social life, Kez? Sabat ng magaling kong utak.

At least meron akong profile at cover photo. Pabulong ko namang sagot sa sarili at agad na nainis.
Bakit ba nagtatalo ang utak ko?

“Class, please stand up.” all our gaze are shifted from our phones to Ms. Divinagracia’s direction. Wala
itong hawak na kahit ano at ipwinesto niya ang sarili sa gitna ng podium. “Good morning.”

“Good morning, Ms. Divinagracia.”

Ms. Luisa Divinagracia is one of our terror teachers na kasalungat naman ng itinuturo niyang paksa.
Siya ang aming theology teacher at ang Religious Education Coordinator. Ang alam namin ay isa na
siyang novice sa pagiging madre pero isang araw bago ang kanyang final vow ay umalis ito at
napagpasyahang ayaw niyang maging isang madre at mas gusto niyang magkaroon ng pamilya’t anak.
Sa kasamaang palad ay niloko lang naman siya ng kanyang nobyo dahilan para siya ay maging isang
matandang dalaga.

“Please all settle down.” napaupo kaming lahat at nanatili itong nakatayo sa gitna ng silid. “Everyone
of you here might know who I already am, correct? Aside from being your theology teacher ay ako na
rin ang magiging bago niyong class adviser. I guess, hindi na nating kailangan magkaroon ng get-to-
know each other since it’s just a waste of time.” pamungad nito at kinuha ang chalk sa gitna ng
kanyang mesa. Merong ibang balisa sa anunsyo nito pero ang iba naman ay halatang takot na takot.

Gumuhit siya ng isang pahigang linya sa board and asks if what does it signifies to us. As one of the
running honor students, nagtaas ako ng kamay na agad namang nakita ni Ms. Divinagracia. Tinawag
niya ang pangalan ko kaya napatayo naman ako.

“For me, the line signifies our journey in life. The line continues to extend as our experiences and
endeavour protracts. It may be plain and lifeless but it’s actually up to us whether we’ll make it an
extraordinary occurrence.”

Napangiti si Ms. Divinagracia sa isinagot ko and by the look on her face, alam kong inaasahan niya rin
namang sasagot ako ng makabuluhan. Sinagot ko rin ang ngiting binigay sakin ng aming guro at
napaupo sa upuan ko.

“Good, Miss Martinez. Anyone who wants to add?” nilibot ni Ms. Divinagracia ang silid at mukhang
wala namang naglakas-loob na sumagot. Hindi ko naman masisisi ang mga kaklase ko dahil sino ba
naman ang hindi matatakot sa gurong napakastrikto at matandang dalaga?

Napansin namin ang biglang pag-asim ng itsura ni Ms. Divinagracia at napatingin naman kaming lahat
sa direksyon kung saan siya nakatingin. Sa pintuan ng silid ay may lalaking nakatayo, hawak-hawak
ang backpack sa isang kamay at nakabukas pa ang dalawang butones nito sa uniporme na halatang
tinakbo niya ang pagpunta dito. Hindi ko pa siya unang nakilala hanggang sa nagkasalubong ang mga
mata namin. Ang pamilyar na pares ng kayumangging mga mata ay nakatingin sa amin ni Erin.

“Mister?” mataas na tono na ang ginagamit ni Ms. Divinagracia na isang masamang sinyales na
malapit na itong sumabog.

Napabaling naman dito si Luigi, “Morning, ma’am.” pa simpleng tugon niya habang nakangisi ito at
pumasok na parang hangin na lang talaga si Ms. Divinagracia. Hindi man lang siya nagpakilala o hindi
man lang humingi ng dispensa sa pagiging late niya.

Lalong uminit ang ulo ng guro sa ginawa ni Luigi. Nawala na ang Luigi na kinaaawaan ko at lalong
walang Luigi na bakas ang kalungkutan sa mga mata, pawang kapilyuhan at kakulitan ang nandoon.
See? Ang gaspang talaga ng pag-uugali.

“Iggy boy!” narinig ko ang mahinang pagkantiyaw ng isa naming kaklaseng lalaki kung saan naisipan ni
Luigi na maupo. Everyone inside the room is dumbfounded, including me, with how he acted around
the most terror teacher we have.

“You, both of you, stand.” nanatili pa rin ang mataas na tono ng boses ni Ms. Divinagracia at itinuro
ang dalawang abala sa pag-uusap. Luigi and George stopped in mid-sentence of their conversation at
sabay na napatingin sa nanggagalaiti naming guro. Mukhang isang pitik lang ng kamay ni Ms.
Divinagracia ay maiihi na sa pantalon tong si George pero itong si Luigi naman ay maangas pang
nakipagsukatan ng tingin sa guro.

Napailing ako sa pagiging arogante ng taong to. Wala na talagang makakapantay sa hangin na nasa
utak niya at kung anu-anong kabaliwan na ang ginagawa niya sa unang araw ng pasukan. Dagdagan pa
at late siyang pumasok sa unang subject.
“George Jimena, if you can answer my question, makakaupo ka. And you,” pinanliitan niya ng mga
mata si Luigi at tinaasan pa ng isang kilay. “You will have to explain what’s written on the board.”

Matapos na sabihin ni Ms. Divinagracia iyon ay bigla akong nainis dahil napakadali lang naman ng
pinapagawa niya sa lalaking yun knowing na napakahigpit niya pagdating sa late at absences. Hindi ko
lubos-maisip kung bakit niya binibigyan ng pagkakataon ang mahanging to kahit hindi na siya
nirespeto nito.

Marahas na tumango si George na halatang nangangati nang maupo at manahimik. One thing we
learned from Ms. Divinagracia’s class ay kung may pinapagawa ito sayo o may pinapasagot na
katanungan, kahit hindi mo alam ay kailangan mo itong sundin o sagutin.

“Mr. Jimena, how many pair of animals did Moses let inside his ark?”

Pinigilan kong tumawa dahil bukod sa nakakatawang tanong ay dahil din sa biglang pagkawala ng
kulay sa mukha ng nakakaawang lalaking to. Kapag nga ang takot at ang pagkabalisa ay nagsama,
hindi ka nga rin namang makakapag-isip ng mabuti. Ganitong-ganito rin siguro ang nararamdaman ni
George kaya hindi siya makasagot.

“Sampu… s-siguro, ma’am.” nanginginig niyang sagot habang pinupunasan ang pawis.

Napatawa kaming lahat maliban kay George at Luigi na halatang nagtataka kung ano nga ba ang
pinagtatawanan namin. Nagkatinginan silang dalawa na parang nag-iisip kung ilan nga ba ang sagot sa
tanong ni Ms. Divinagracia habang ang terror naman naming teacher ay nagpipigil ng tawa. Hindi ko
alam meron rin palang tinatagong kakulitan tong gurong to.

“Shhh. Tama na yan. George, your assignment is to research on Moses’ journey from how God
entered his life and how his life ended. Clear?” tumango naman si George. “Sit down.” mabilis na
napaupo si George at kabadong napatingin sa kaibigan. Napabaling naman ng tingin si Ms.
Divinagracia kay Luigi. “Bakit hindi nating hayaan sumagot ang bagong dayo.”

That serves him right, yan nga ang dapat sa mga magaspang na pag-uugali at walang respeto sa guro.
Kailangan nga minsan turuan din sila ng leksyon.

“Hoy,” napalingon ako kay Erin dahil sa pagtawag niya. “Anong problema mo? Bakit kumukunot
naman yang noo mo?”

Hindi ko namalayang ganoon na pala ang ekspresyon sa mukha ko kaya mabilis ko namang inunat ang
noo ko. Hindi man nila alam ang nasa isip ko, mababasa rin naman nila sa mukha ko. Kailan ba magko-
cooperate tong itsura ko? Tinanong ko naman si Erin kung anong gusto niya.

“You owe me a chikka ha!” kininditan niya muna ako bago napaayos ng upo. Wala ka ring minsang
takas sa kaibigan mong kagaya ni Erin eh. Ang lakas makaamoy ng chikka at kung meron man,
kailangang sabihin mo kaagad sa kanya.

I mentally filtered the information na ikukwento mamaya sa kanya. Habang nagbi-brainstorm naman
ay biglang tumahimik ang buong kwarto. Doon ko nalang napagtanto na tinanong na pala ni Ms.
Divinagracia si Luigi kung sino siya at saang paaralan siya nanggaling.

“My name is Luigi Dominique de la Fuente and a former student of Heinz National High School.”

Napataas naman ang isang kilay ko. Ang ganda pakinggan ng pangalan niya kapag siya na mismo ang
nagsasalita nito and just by looking at him from afar, alam kong isa siyang public speaker. Lalong
tumitikas ang tindig niya kapag napapatagal ang tingin mo sa kanya at kahit ilang minuto ka nang
nakatingin sa mukha niya ay hindi ka mauumay.

“Well then,” tumango si Ms. Divinagracia at tinuro ang linyang nakasulat sa board. “what does this
line signifies to you?”

Napasulyap si Luigi sa tinuro ng guro at ilang segundo pa itong tinignan bago niya binuksan ang bibig
para makasagot.

“That is simply a line. Ang problema lang kasi sa atin ay mahilig tayong magdagdag-bawas sa kung ano
ang nakikita natin. That is also the very reason why we have false hope since we are looking at
everything with significance in our life.” napatingin ito kay ma’am at tila kinakausap niya ito sa
kanyang sagot. He continued.

“What do I mean by this? Sabihin na lang natin, ang ilan sa inyo dito, nakikita ang linyang yan bilang
sarili nilang buhay. Plain line means dull and boring life; and you will remain as is kapag yun ang
patuloy mong pinaniniwalaan but at the end of the day, nothing changes. The line will simply be a
mere line na nilagyan mo ng isang makabuluhang paglalarawan na alam naman nating lahat ay hindi
mababago ano man ang tingin natin dito.” sa kanyang pagtatapos ay meron nang iilang napabaling ng
tingin sakin. Disbelief is clearly plastered on their faces.

Wala pang nakakasagot kay Ms. Divinagracia ng ganoon at kung meron mang may planong mag-recite
ay kailangang hindi kontra sa inaasahang sagot ng guro. Tahimik ang buong kwarto at sa mas hindi
kapani-paniwalang lagay ay isang tunog ng pagpalakpak ang narinig namin.

Ang tunog na yon ay galing mismo sa kamay ng terror naming guro at kalahati sa amin ay nakaawang
ang bibig dahil hindi rin makapaniwala. I salute this guy for his bravery pero naiinis pa rin ako dahil
alam kong dadagdag na naman ang pagiging mahangin nito.

“I…” Ms. Divinagracia is at loss of words and to tell you, this is a first! Sinapo ng guro ang kanyang noo
at halatang hindi rin makapaniwala sa narinig. “Thank you, Mr. De la Fuente. Sit down.” halatang hindi
niya ito inaasahan sa isang new student at lalong hindi sa isang lalaki.

Bumalik na si Luigi sa kanyang upuan at tahimik namang nagkantiyanwan ang mga nakaupo malapit sa
kanya. Nang tumama ang mga mata namin ay nakakaloko itong napaismid dahilan para mapairap ako.
Naubos siguro ang hangin sa bahay nila at napunta lahat sa lalaking to. Sa sobrang hangin niya ay
nagmumukha na itong naglalakad na electric fan.

Nag-iwan si Ms. Divinagracia ng iilang pahina na kailangan namin basahin sa handouts bago pa man
kami nito i-dismiss. Umalis na ito kaya naman umingay ulit ang buong kwarto. Nilabas ko ang theology
handouts namin at sinimulang basahin. Hindi ko pa man nasisimulan ang unang talata ay nawala na
kaagad ito sa paningin ko.

“Spill the beans, babe.” hinarap ni Erin ang upuan nito sa akin at tinago sa singit niya ang handouts ko.
Hindi rin minsan atat tong kaibigan ko eh.

“What do you want to know?” matamlay kong tugon.

“Syempre bet ko si Luigi para sayo so dapat maraming nangyari sa inyo.”

“Hoy!” tinapik ko siya ng mahina sa braso kaya napatawa ito at ganon din ako.

“You should’ve seen his face, babe.” pagbibigay-alam ni Erin at ginaya niya ang mukha ‘daw’ ni Luigi
nung gabing yun. Napatawa naman ako sa ginawa niya. “He looks so worried pero as you can see,
dahil mahangin ang taong yan, akala niya noong gabing din yun ay isa siyang bayani.” natatawa niyang
sabi.

“Yeah, yeah. Walang katumbas ang pagiging mahangin ng taong yan, ano?” pag-a-agree ko sa sinabi
ng kaibigan. “Paggising na paggising ko nga kahapon mukha niya agad ang tumambad sakin at hindi
lang basta mukha, pati na rin ang pagiging arogante at maangas niya ang dala niya.” Erin remained
silent encouraging me to continue pero nakangiti ito na para bang may hinihintay ito na sasabihin ko.
“Hindi ko talaga kaya ang kasungitan niya kaya buong araw kaming nagsasagutan.” napakunot naman
ang noo nito kaya ipinaliwanag ko sa kanya. “I was just about to say thank you pero he keeps on
cutting me off at alam mo namang ayaw ko nang ganon diba?” tumango ito.

“Akala ko naman magkaka-boyfriend ka na pagkatapos ng isang gabi mo dun kina Luigi.” mukha
namang natalo sa pustaan ang mukha ng kaibigan ko kaya binatukan ko siya.

Anong akala niya sakin? Hindi naman ako sobrang desperada sa lalaki noh at isa pa hindi naman love
life ang laman ng isip ko. Mas mabuti na ngang wala akong boyfriend para wala na akong ibang
paghatian ng oras.

“Meron palang aso sina tita Martha?” pag-iiba ko ng paksa. Mukhang naging interesado naman si Erin
sa sinabi ko at nakuha kaagad nito ang atensyon niya.

“Merong aso sina tita?” pag-ulit niya sa tanong ko.

“Ako ngang nagtatanong, diba?” natatawa naman akong napailing.

“Sa pagkakaalala ko kasi ayaw na ayaw ni Luigi ng mga aso.” napataas ang isang kilay ko at
pinagpatuloy ni Erin ang sinasabi. “Nakagat kasi siya noon kaya ganoon na lang kung makalayo ito sa
aso.”

Oh, that explains his actions. Pero hindi naman magkatulad ang aso at tuta ah. Dapat nga unti-unti na
nitong ilapit ang sarili sa tuta para naman maging maamo na ito sa kanya at hindi magiging bago sa
paningin ng aso nangsagayun maging makapalagayan na niya ito ng loob.

“Excuse me,” napatigil kami sa pag-uusap ni Erin at napalingon kaming lahat sa taong tumawag mula
sa pintuan. Fatima Reign Villamonte, isang Humanities student at kasama din namin sa student pub.
Matalino, mabait at representative ng school kaya mabilis kaming naging close pero ang init init ng
dugo ni Erin sa kanya dahil daw hindi naman totoo ang mga pinapakita niya sa mga tao.

Napangiti ako sa direksyon niya at kahit hindi ko man makita ng buo ang mukha ni Erin ay alam kong
nakasimangot na naman ito. Maliban kasi sa sinsabi niyang peke raw si Reign ay minsan din itong
nagustuhan ni Chester kaya ganon na lang kung maka-react si Erin. Ginantihan din ako ng matamis na
ngiti ni Reign bago pa siya pumunta sa gitna ng podium.

She looks so elegant in her Sunday dress at kahit na sino ang mapapatingin sa kanya ay hindi
maiiwasang mapahanga sa angkin niyang ganda. Her skin is of cream color na maganda tignan sa
namumula niyang pisngi at labi. Katamtaman lang ang laki ng kanyang mga mata at meron din siyang
matangos na ilong. She has sleek and silky hair na nagmumukhang korona niyang kumikinang sa
tuwing tinatamaan ng sikat ng araw. She’s the kind of girl na isang sikat na basketball player ang
boyfriend na kapantay din ng kasikatan niya but on the contrary, single pa rin siya kahit napakaganda
na niya.

Kung siya nga na nabiyayaan ng katalinuhan, kagandahan at kabaitan ay walang boyfriend, paano
nalang kaya ako na talino lang ang katangian?

“Good morning everyone, I am Fatima Reign Villamonte of Humanities class and I am here to invite
everyone who wants to join the student publication and the deadline for your article will be next
week; and for those who are aspiring to become the school’s official photographer, please feel free to
approach me.” ngumiti ito ng napakalapad, showing her perfectly white teeth. “Questions?”

Reign looked passed me where Luigi is seated kaya lumingon ako only to find out, nagtaas pala ito ng
kamay. Magpapasikat na naman tong taong to.

“Ikaw ba ang magiging model para sa mga may gustong maging school photographer? Kung hindi kasi
ikaw, hindi nalang kami mag-aaksaya ng panahon.” sumilay ang konting pag-ismid sa labi ni Luigi na
agad namang nagpapula sa pisngi ni Reign.

Oh gosh, please tell me na hindi sila maghaharutan sa mismong harap ng napakadaming tao. Ang
asiwa tignan lalo pa at alam ko kung ano ang tunay na ugali ng lalaking yan. Nang makabalik si Reign
sa wisyo ay bumaba ito sa podium at lumapit sa kinauupuan ko. She stopped just inches away from
me at tinapik ako sa braso.

“List your names in a piece of paper and hand it over to my friend, Keziah. Only then will you know.”
kinindatan ni Reign si Luigi at umalis na ng kwarto namin.

Hindi ako makapaniwala sa nangyari at patuloy lang sa pag-awang ang bibig ko. Nanlalaki rin ang mga
mata ni Erin nung mapasulyap ako sa kinauupuan niya. Hindi ko na kailangang tanungin pa kung
nakita ba niya ang nasaksihan ko dahil sa mukha pa lang niya ay alam ko na kaagad ang sagot.

Sa palagay ko’y gumana lang ulit ang sistema ko nung may nag-abot sa akin ng kapirasong papel. Wala
sa isip ko itong tinaggap at pinagmasdan. Lista ito ng mga lalaking gustong maging official
photographer ng paaralan. Well, Reign really has the charm.

Nakarating na kami ni Erin sa cafeteria na iyon lang ang pinag-uusapan. As usual, pikon na pikon na
naman ang lola niyo sa ginawa ng babae. Bakit daw kailangang mag-flirt sa pagkukumbinsi o hindi
kaya’y sana sa medjo pribado nila ginawa yon at hindi lantaran. Pagtawa lang sinagot ko sa kaibigan
kahit ganon na din ang iniisip ko.

Sa cafeteria, nandoon na nakaupo sina Chester at Pauline na halatang abala din sa pag-uusap. Bago
kami pumunta ron ay sumenyas si Erin na kukuha muna kami ng pagkain at sinagot naman ito ni
Chester ng pagtango.

Dumagdag kami sa mahabang pila sa pinagkukuhanan ng pagkain at tahimik na nakatayo. Para hindi
maumay sa paghihintay ay kinuha ko ang aking cellphone at binuksan ang Facebook. Meron akong
isang bagong friend request at katabi ng pangalan ay merong 2 minutes na nagpapahiwatig na
kakapadala lang niya ng request. Kahit naninibago man ay binuksan ko ito at agad namang napataas
ang kilay ko.

Luigi Dominique de la Fuente sent you a friend request: CONFIRM OR DELETE

Napatawa ako sa sarili dahil minsan na nga lang ako makatanggap ng friend request, mula pa sa taong
to kaya syempre binura ko ito sa listahan at pinindot ang ‘Delete’ oh diba, ang ganda ko para mag-
decline ng request.

“Miss.” napabaling naman ang tingin ko sa taong tumawag sakin. Hindi ko namalayang ako na pala
ang susunod sa linya kaya tinago ko sa back pocket ang cellphone ko. Nakakahiya at marami ang
sumusunod sa likuran ko na halatang napikon rin sa pagiging tanga ko.

Kinuha ko na ang tray na binigay ng ale sa canteen at naglakad kasunod ni Erin. Napaupo ako sa gilid
ni Pauline at magkatabi naman sina Chester at Erin.

“Anong chikka niyo today?” binalingan ako ng tingin ni Pauline pero umiling ako at tinuro gamit ang
labi si Erin para doon siya humagilap ng chismis.

Sinimulan ni Erin ang kanyang chikka sa pagpunta ni Reign sa classroom. Mukhang hindi pa talaga
nakamove on ang taong to sa ginawa ng babae kanina. Napatawa nalang ako dahil ang init init talaga
ng ulo niya at nanghihimutok na ang mga ugat nito sa leeg.

Napatigil sila sa pag-uusap dahil biglang nanlaki ang mga mata ni Erin at napatingin sa likuran namin ni
Pauline. Napasulyap muna ako kay Chester dahil bigla na lamang itong sumimangot bago tuluyang
tumalikod. No wonder.
“Hi, Kez.” preskong napangiti si Luigi sa akin at muntikan ko nang mailuwa ang kinakain.

Both of his hands are inside his pocket at parang naglalakad siya kasama ang mga bodyguards niya
dahil sa dalawang nakasunod sa kanyang likuran. Kumunot bigla ang noo ko at hindi siya pinansin kaya
wala itong nagawa kundi ang naglakad paalis ng cafeteria. If his goal is to piss the heck out of Chester,
siguro ay matagumpay niya itong nagawa dahil hindi na maiguhit ang mukha ng lalaki sa harapan ko.

“Ate girl, sinetch itey? Ang shumet ha!” pagtapik sakin ni Pauline.

“Baklang to! Akala ko ba nagkita na kayo noon sa bar?” sagot ko sa kanya pero umiling lang ito.

Mukhang hindi na nakikinig samin sina Chester at Erin dahil abala silang dalawa sa sarili nilang mga
problema at nangangamoy away na naman dito. Though they kept their voices low, alam naming
hindi okay ang mag-syota kaya minabuti din namin ni Pauline na ibahin ang usapan.

Mabilis lang at natapos din ang recess kaya nagsibalik na kami sa sarili naming mga kwarto. Sabay
kaming bumalik ni Erin, ganoon din sina Chester at Pauline. We took the same strand pero magkaiba
lang kami ng section. On the way back, Erin is so quiet which is unusual kaya alam ko na kaagad na
hindi pa rin sila okay ng boyfriend niya pero hindi ko na siya inabala pang tanungin at baka lalong
uminit lang ang ulo nito.

Pagkarating namin sa room ay tahimik pa rin ang kaibigan ko hanggang sa nagsimula na ngang mag-
discuss ang guro namin. Parang hangin lang kung lumipad ang oras at hindi namin namalayang tapos
na pala ang klase at kailangan na naming pumunta sa office ng student pub para sa mga gustong
mapabilang sa organisasyon kaya napagpasyahan na rin naming dumerecho dito ni Erin. Papasok na
kami ng building ay biglang tumunog ang phone ni Erin kaya iginiya niya ang sarili sa isang tabi.

Hinintay ko na matapos ang tawag ni Erin at nung magkatabi na kami ay ipinagbigay-alam niyang hindi
niya ko masasamahan sa pagpili ng mga bagong miyembro dahil merong emergency sa kanilang bahay
kaya tumango ako. Reign will be there so I will be fine, tugon ko sa sarili, and true that naglalakad na
ito papalapit sa akin.

“Hey,” bati niya sakin.

“Hey! Mabuti na lang at sabay tayo. Erin had an emergency.” I smiled.

Umiling ito at napangiti, “No worries. Nandoon naman mamaya si Sir Montiniola so hindi na tayo
mahihirapan.”

Sir Montiniola is our Creative Writing teacher at director ng student publication. To top all that, fresh
graduate siya ng mismong unibersidad at dati ring editor-in-chief kaya siya kaagad ang naisip na ipalit
ng principal sa nag-resign naming director.

Tumango ako at sabay kaming pumasok ng room. It is filled with hopeful faces at nakita kaagad namin
si Sir Montiniola sa kanyang office, reading articles and entries. Napangiti kami sa bawat studyanteng
madadaanan namin paderecho sa office ni Sir at nang makapasok na kami ay itinaas ni Sir ang tingin
sa amin.

“Right on time.” he said while smiling. Inabot niya samin ang nakapilyang mga papel at binigyan kami
iilang panuto.

Inutusan niya akong mag-interview ng mga tapos na niyang mabasang entries at si Reign naman ang
magche-check ng mga qualification nila habang nag-uusap kami. Lumabas na nga kami at nagsimulang
tumawag ng mga pangalang una naming makapanayam.

Sa bawat tatlong tao ay lumalabas si Sir para magbigay ng iilan pang entries na natapos na niyang
basahin at makaraan nga ang dalawang oras ay isa na lang ang natira para sa interview. I checked my
watch and it’s almost 6:30 in the afternoon. Nagpadala na rin ako ng mensahe kina nanay na
gagabihin ako kaya nagpatuloy na kami sa aming ginagawa.

Nung maubos na namin ang lahat ay pinatawag kami ni Sir sa office niya para doon namin pag-usapan
ang mga nakapasa at ang mga hindi. Ngayon na rin siguro namin malalaman ang bagong editor-in-
chief ng publication.

“Girls, thnak you so much sa tulong niyo!” Sir Montiniola exclaimed. Muntikan ko nang makaligtaan
na sobrang cheerful din tong si Sir eh. Sa sobra cheerful, nahahalata na talaga ang pagiging bakla niya.

“Welcome, sir.” nakangiti rin naming tugon ni Reign.

Sinimulan na ngang ilahad ni Sir ang mga entries na napili niya in both Filipino and English category,
binigay naman ni Reign ang mga napili naming nakapasa sa interview. It was almost 7 in the evening
when we finalized the list of those who passed and Reign was assigned to print it out for posting
tomorrow. Sabay kaming tatlong lumabas ng campus at nagkahiwalay na rin kami ng lakad. I decided
to go to the nearest coffee shop.

The Beans is just around the corner kaya naisipan ko na lang na maglakad papunta roon. Habang
naglalakad ay nagiging maligalig ako sa aking likuran. Panay ang pagtingin ko sa aking balikat kahit na
wala naman akong nakikita paglingon ko. This is starting to creep me out kasi parang may sumusunod
sakin kahit wala naman akong nakikita sa tuwing napapalingon ako kaya mabilis akong naglakad.

I am breathing heavily pero hindi ko na lang ininda ang takot at derecho lang ang tingin sa
pupuntahan ko. Malapit na lang, Kez, sobrang lapit mo na lang. Sa kalagitnaan ng pagkukumbinsi sa
sarili ay para bang nabuhusan ng balde ng yelo ang paa ko at hindi ko ito maialis sa kinaroroonan nung
nakaramdam ako ng paghawak sa aking balikat.

My hands are shaking and my body is almost trembling with fear nang marinig ko nang nagsalita ang
taong nasa aking likuran. Ang boses niya ay sinlamig ng gabi and in my pounding ears, I know, I heard
him almost chuckle.

“Kez.”

Inikot niya ako paharap sa kanya at ang kanina’y takot na nararamdaman ko ay biglang pinalitan ng
inis at pakairita.

“Patulong naman oh.”

You might also like