You are on page 1of 5

Ito Pala Ang Inyo

ni Frederico b. Sebastian

Clary: sabik na sabik na akong makarating sa bahay bert.


Bert: totoo ba yan?
Clary: oo naman. Ang hangin sa lalawigan ay tunay na nakakaakit.
Bert: masaya ako dahil nasisiyahan ka mahal ko.
Clary: Nais ko na talagang makarating Bert sa ating paraiso!!!(papasok na sa maralitang bahay)
Clary: Ito pala ang sinasabi mong bahay Bert.
Bert: Oo mahal ko.

*tumitingin tingin pagkatapos umupo sa bangko ito ay bumagsak

Clary: Aray ko pohhh!!!!


Bert:Nasaktan ka ba mahal?
Clary:Nasaktan!?hello??!bumagsak kaya ako dahil sa upuan na yan!Hindi mo man lang sinabi na
bulok na pala yan.(galit na galit)
Bert: (aamuhin si Clary) Wag ka nang magalit.(I mamasahe ang binti ng babae) Matagal na kasi ako
hindi nakakauwi dito mahal.

*ngingiti na si Clary at babangon

Clary: ito pala ang sinasabi mong paraiso. Kita mo pala ang mga bituin kahit araw na araw.
Bert: oo nga. At ang sofa namin ay matigas lamang.

*tatawa ang dalawa

Clary: Bert….wala ka na bang damit maliban pa diyan?


Bert:Ano naman ang masama sa suot ko, mahal kong Claring?
Clary: (nagalit) Baket noong dumadalaw ka pa sa amin ang ayos ng iyong suot? And by the way
haven’t I told you call me Clary.
Bert: ayaw mo bang Claro na lang?(tatawa)
Clary: its not Claro its Claryyyyy!(lalayo kay bert at tatalikuran ito)
Bert: (yayakapin patalikod si Clary) sige Clary. Bakit nga pala tayo naguusap ng ganito,kakasal pa
lamang natin ah?
Clary: Oo nga.
Bert: Sige na, magbihis ka na muna.
Clary: saan ako magbibihis?
Bert: Aba saan pa e di dito. Wala naman taong makakakita sayo kundi…ako lang(titingin sa
manonood tapos tataas-taas ang kilay)
Clary: Dito?!(titingin sa nanonood)
Bert: Alam mo mahal ko, dito sa probinsya lalo na sa katulad kong mahirap wala ka ng makikita
pang room kundi ito lang.
Clary: mamayang gabi na lang ako magbibihis.(magdadabog)
Bert: Ikaw ang bahala. Pero ang gabi sa amin ay tunay na gabi?
Clary: Huh?
Bert: walang electrisidad dito, mahal ko.
Clary: OMG! Di na talaga ako makakapag bihis!!! Sa Maynila na nga lang ako magbibihis.
Bert: (tatawa)
Clary: (iirap) At saka asan pala ang ating bed?
Bert: wala tayng katre mahal ko….
Clary: Ano?! San Tayo matutulog?
Bert: sa sahig mahal ko.
Clary: Sa ganda kong ito matutulog ako sa sahig?
Bert: masanay ka na…sapagkat mahirap lang ak….
Clary: tama na! wala na akong magagawa!!!samahan mo na lang ako sa banyo at maliligo muna ako.
Alberto: Wag ka na maligo Clary. Malamig ang panahon at hindi ka pa masyado sanay ditto.
Clary: Bakit pati paliligo ko ay iyong pinapakialaman?At bakit ako magsasanay maligo, hindi ba ako
naliligo?
Alberto: Hindi sa hindi ka naliligo. Iba kase ang banyo mo sa maynila sa banyo namin. Hindi ka
nga makapagpalit dahil sa hiya ang pagliligo pa kaya sa batalan.
Clary: Sige na…..Mr. Alibi
Bert: (sa sarili) ang hirap pala magkaasawq lalo na ang tulad ni Clary na laki sa Maynila at
mayaman. At ano kaya ang mangyayari kung malaman niya na ako ay may mga anak….

*bumalik na galling sa batalan si Clary

Clary: Bert! Hindi ako pwedeng maligo doon….wala man lang harang yung…
Bert: batalan, mahal
Clary: at bert wala pa akong nakikitang gripo. Saan kayo kumukuha dito ng tubig?
Bert: kumukuha kami ng tubig sa poso mga kalahiting kilometro lang naman mula rito. Kung
maliligo ka, sabihin mo na para ako ay maguumpisa ng maglakad.
Clary: Wag na, bert! sa maynila na lang ako maliligo.
Bert: Sa maynila ka na rin maliligo at doon ka rin magbibihis?
Clary: oo.at asan dito yung….
Bert: Ano?
Clary: yung kasilyas.
Bert: wala kami. Karamihan sa amin ay wala pang toilet, lalo na ang mga mahihirap na tulad ko. At
hindi pa kase nakakarating ang sibilisasyon sa amin e.
Clary: ano?! Ano ang gingamit niyo?
Bert: nakikita mo ba yun?(tuturo sa kabilang direksyon)
Clary: yung kawayan?
Bert: oo, yun ang kasilyas naming.
Clarita: what?! Sukdulan na ang mga pagsubok mo sa akin bert! Dito mo ba ako ititira?! Akala ko ba
may sarili tayong paraiso at mamumuhay tayo ng parang si Adan at si Eba!!!? Ano ang nangyari sa
sinabi mo???

*magugulat na lang si Clary may pumasok na matanda

Bert: (gulat) Tiya Isyang!!!

Tiya Isyang: Berto!(nakakunot ang noo)


* ang mga bata ay pupunta kay bert
Mga bata: tatay!tatay! tatay! wala ka bang pasalubong sa amin?(with a cute face)
* gulat na gulat si clary(nakatingin lang sa nakikita niyang pangyayari)
Bert: tiya isyang siya ay si clary ang aking asawa , Clary ang aking tiya at aking mga….
Clary: Anak! Walang hiya ka, hindi ka nagsabi sa akin ng buong katotohanan.

Uuwi na lang ako sa maynila. Doon may banyo, toilet, bed, rooms at higit sa lahat walang mga
makukulit na bata ang manggugulo sa akin.

*umalis si Clary at hinabol naman siya ni bert at nahawakan sa kamay

Bert: Hindi ka maaring umalis na wala ako.


……(nag iiyakan ang mga anak)
Aling Isyang: Tumahimik kayo! Tinamaan kayo ng lintik.

Pagsubok
Natasha Liv Uy
Tagapagsalaysay: Bagong lipat lang sila Evren sa lungsod ng Baybay. Dahil dito kailangan din niyang lumipat
ng paaralan. Sa pasukan ay hindi naging problema sa kanya ang pakikihalubilo sa iba dahil sadyang pala-
kaibigan ang binata. Sa unang markahan ay isa siya sa mga top students ng kanilang klase.
Masipag kasi siyang mag-aral at ito ay ang una sa listahan niya ng mga prioridad.

Guro: Congratulations sa’yo Evren!

Evren: Salamat po sir!

Tagapagsalaysay: Nang humantong ang ikalawang markahan ay patuloy pa rin siyang nagsusunog ng kilay
kada gabi. Ngunit isang araw, habang pauwi na siya kasama ang kanyang barkada ay kinulit siya ng mga ito na
maglaro ng dota na matagal na niyang hini-hindian.

Valerian: Pre kahit isang laro lang. Subukan mo lang naman.

Lath: Oo nga pre. Tara!

Tagapagsalaysay: Hinatak siya agad ng kanyang mga kaibigan kaya wala na siyang ibang nagawa kundi
sumama.

Evren: Isang laro lang pre ah. Mag-aaral pa kasi ako para sa pasulit natin bukas.

Lath: O sige.

Tagapagsalaysay: Nagsimula na silang maglaro ng dota. Ang sinabing isang laro ni Evren ay nasundan pa ng
isa hanggang sa sila ay naabutan na ng gabi. Ang pag-aaral para sa kanilang pasulit ay nawaglit na sa kanyang
isipan.
Tagapagsalaysay: Kinabukasan ay kalahati lang ang nakuha niyang tamang sagot sa kanilang pasulit. Sa
puntong iyon nagsimula ang pagbaba ng grado ni Evren at ang pagka-adik niya sa dota. Napansin ito ng
kaniyang guro kaya kina-usap siya nito pagkatapos ng klase.

Guro: Evren, napapansin ko na bumababa na ang iyong mga grado at hindi ka na nakakakuha ng mataas na
iskor sa mga pasulit ko.

Evren: Pasensiya na po sir. Hindi na po kasi ako nakakapag-aral ng maayos sa gabi.

Guro: At bakit naman?

Evren: Eh kasi sir naglalaro po kami ng mga kaibigan ko ng dota at minsan naaabutan na kami ng gabi.

Guro: Hindi talaga mabuti iyang paglalaro niyo niyan eh naaapektuhan ang pag-aaral niyo. Kaya simula
ngayon unahin mo muna ang iyong pag-aaral kesa diyan sa dota.

Evren: Opo sir

Guro: Kaya mo ‘yan pagsubok lang yan Evren. Sige na pumunta ka na sa aklatan tutulungan ka ng isa mong
kaklase.

Evren: Ho? Sino po?

Guro: Basta sige na pumunta ka na doon baka naiinip na ‘yon.

Tagapagsalaysay: Habang papunta si Evren sa aklatan ay lingid sa kanyang kaalaman na si Faith ang tutulong
sa kanya na mag-aral. Ito ay isa rin sa mga top students ng kanilang klase at unang araw pa lang ng pasukan ay
nagandahan na talaga siya dito pero hindi niya ito masyadong pinansin dahil inuna niya ang kanyang pag-aaral.

Faith: O Evren, andiyan ka na pala.

Evren: Faith?

Faith: Ako nga. Halika na simulan na natin para maaga tayong maka-uwi.

Evren: Okay lang naman kung ako lang mag-isa ang mag-aaral baka naaabala kita.

Faith: Hindi naman, tsaka pinapabantayan ka sa ‘kin ni sir baka daw kasi hindi ka mag-aaral at pupunta ka lang
sa kompyuter shop para magdota.

Evren: Ah sige.

Tagapagsalaysay: Iyon ang simula ng pagtaas ulit ng grado ni Evren at ang pagiging magkaibigan nila ni Faith.
Isang araw hindi na talaga kaya ni Evren na hindi siya nakakapaglaro ng dota kaya inilabas niya ang kaniyang
frustrasyon sa kaibigan.

Evren: Faith talaga bang hindi ako pwedeng maglaro ng dota? Alam ko na importante ang pag-aaral pero tao
din naman ako may karapatan din akong sumaya.
Faith: Hindi naman sa ganon. Pwede ka namang maglaro pero gawin mo sa tamang oras. Maglaan ka ng oras
sa pag-aaral at paglalaro.

Evren: Sige gagawin ko ‘yan

Tagapagsalaysay: Natutunan ni Evren ang pagdisiplina sa sarili at kung paano ibalanse ang kanyang oras sa
pag-aaral at paglalaro. Natapos niya ang High School bilang salutatorian at si Faith naman ang valedictorian.
Lahat tayo ay dumadaan sa mga pagsubok nasa iyo lang kung haharapin mo ito o magpapatalo ka lang.
Magtiwala ka sa iyong sarili. Malalampasan mo ito kung ikaw ay pursigido at may tiwala sa Diyos.

You might also like