Professional Documents
Culture Documents
Pagsubok - Dula
Pagsubok - Dula
Tagapagsalaysay: Bagong lipat lang sila Evren sa lungsod ng Baybay. Dahil dito
kailangan din niyang lumipat ng paaralan. Sa pasukan ay hindi naging problema sa
kanya ang pakikihalubilo sa iba dahil sadyang pala-kaibigan ang binata. Sa unang
markahan ay isa siya sa mga top students ng kanilang klase.
Masipag kasi siyang mag-aral at ito ay ang una sa listahan niya ng mga prioridad.
Tagapagsalaysay: Hinatak siya agad ng kanyang mga kaibigan kaya wala na siyang
ibang nagawa kundi sumama.
Evren: Isang laro lang pre ah. Mag-aaral pa kasi ako para sa pasulit natin bukas.
Lath: O sige.
Tagapagsalaysay: Nagsimula na silang maglaro ng dota. Ang sinabing isang laro ni
Evren ay nasundan pa ng isa hanggang sa sila ay naabutan na ng gabi. Ang
pag-aaral para sa kanilang pasulit ay nawaglit na sa kanyang isipan.
REPORT THIS AD
Tagapagsalaysay: Kinabukasan ay kalahati lang ang nakuha niyang tamang sagot
sa kanilang pasulit. Sa puntong iyon nagsimula ang pagbaba ng grado ni Evren at
ang pagka-adik niya sa dota. Napansin ito ng kaniyang guro kaya kina-usap siya
nito pagkatapos ng klase.
Guro: Hindi talaga mabuti iyang paglalaro niyo niyan eh naaapektuhan ang
pag-aaral niyo. Kaya simula ngayon unahin mo muna ang iyong pag-aaral kesa
diyan sa dota.
Guro: Kaya mo ‘yan pagsubok lang yan Evren. Sige na pumunta ka na sa aklatan
tutulungan ka ng isa mong kaklase.
Evren: Faith?
Faith: Ako nga. Halika na simulan na natin para maaga tayong maka-uwi.
Evren: Okay lang naman kung ako lang mag-isa ang mag-aaral baka naaabala kita.
Faith: Hindi naman, tsaka pinapabantayan ka sa ‘kin ni sir baka daw kasi hindi ka
mag-aaral at pupunta ka lang sa kompyuter shop para magdota.
Evren: Ah sige.
Evren: Faith talaga bang hindi ako pwedeng maglaro ng dota? Alam ko na
importante ang pag-aaral pero tao din naman ako may karapatan din akong
sumaya.
Faith: Hindi naman sa ganon. Pwede ka namang maglaro pero gawin mo sa tamang
oras. Maglaan ka ng oras sa pag-aaral at paglalaro.