You are on page 1of 5

FLASHBACKS SCENE

SCENE 1

(Naglalakad sa corridor si Enzo at mga tropa; nasa classroom si Yurie may mga librong dala)

SCENE 2

Nagkabanggaan si Enzo at Yurie sa corridor (nahulog ang mga dalang libro ni Yurie) (Dito ay magugulat
ang magiging reaksyon ni Yurie dahil nahulog ang kanyang mga libro at kukuhanin niya ang mga gamit na
nahulog)

Enzo: Ay, sorry miss, ok ka lang? (tutulungan niya si Yurie pulutin ang ibang mga gamit na nahulog)

Yurie: Oo, salamat sa tulong. Nagmamadali ako.

SCENE 3

(Tutulungan ni Enzo si Yurie kuhanin ang mga nahulog na gamit)

Enzo: Ito nga pala yung mga gamit mo. (inabot ni enzo ang mga nahulog na libro)

Yurie: Thank you. (At dali-daling aalis si Yurie dahil siya ay nagmamadali) (Mapapatingin si Enzo sa isang
libro na naiwan ni Yurie)

Enzo: Miss, may naiwan ka pang libro!

(pasigaw niya itong sasabihin ngunit hindi siya maririnig ni Yurie dahil tuluyan na itong nakalayo)

SCENE 4

Enzo: Pwede magtanong? May nakita ba kayong babaeng matangkad, mahaba yung buhok at maputi
yung balat?

Estudyante 1: Wala eh

Enzo: Sige, salamat na lang.

Enzo: May nakita ba kayong babaeng mahaba buhok, matangkad?

Estudyante 2: Meron, nasa corridor siya. Pero hindi ako sigurado kung siya ba yung hinahanap mo.

Enzo: Sige, salamat. (Pagpunta ni Enzo sa corridor ay nakita niya si Yurie, si Yurie hinahanap niya ang
libro na nawawala)

Yurie: Nasaan na kaya 'yon? Dala-dala ko lang 'yon kanina eh. (Nilapitan agad ni Enzo si Yurie)

Enzo: Miss, sayo diba 'tong libro na 'to?

Yurie: Oo, sa akin nga 'yan. Kanina ko pa 'to hinahanap.

Enzo: Umalis ka kasi agad kanina, tinatawag kita pero hindi mo ako narinig.

Yurie: Ay ganon ba, nagmamadali kasi ako.


Enzo: Mabuti na lang nahanap kita dito.

SCENE 5

Yurie: Thank you nga pala sa pagbalik ng libro.

Enzo: Walang anuman, samahan na kita sa silid-aklatan para ibalik 'yan.

Yurie: Ah, sige. Tara.

SCENE 6

Yurie: Thank you nga pala sa kanina, ha? Libre na lang kita mamaya after class bilang pasasalamat sa
pagbalik ng libro.

Enzo: Huwag na, ayos na yung thank you.

Yurie: Sige na, para naman matumbasan ko yung effort mo sa paghahanap sakin kanina para mabalik
lang yung libro.

Enzo: Sige na nga, kita na lang tayo mamaya. May klase pa kasi ako.

Yurie: Sige sige, babye!

SCENE 7

(Dito ipapakita na kumakain sila sa labas) (At pagtapos nila kumain, maghihiwalay na sila ng daan)

Yurie: uy enzo, sorry ngayon lang ako dami kasi pinapaggawa sa amin kanina. Sorry medyo late ako

Enzo: Ano k aba, ayos lang. San ba tayo kakain?

Yurie: Basta, tara na

Enzo: Uy streetfoods, sakto mga paborito ko yan

Yurie: Hala weh, ako rin eh paborito ko rin mga yan

Enzo: Salamat sa libre.

Yurie: Wala 'yon, pasasalamat ko rin naman 'yon sa pagbalik mo ng libro sakin. Sige, mauuna na pala
ako.

Enzo: Sige, ako rin pala. Ingat ka! (Ipapakita na maghihiwalay sila ng daan)

SCENE 8

(Ikwekwento ni Yurie kay Sarah ang nangyari kahapon)

Yurie: Inaya ko lang siya kahapon kumain bilang pasasalamat.

Sarah: Weh, bilang pasasalamat lang ba? Girl, umamin ka na.

Yurie: Anong umamin?

Sarah: Crush mo si Enzo 'no?


Yurie: Hindi 'no, tumigil ka nga.

Sarah: Crush mo si Enzo eh, tignan mo kinikilig ka nga.

Yurie: Hindi nga, bilang pasasalamat lang talaga 'yon 'no, kaya tumigil ka dyan.

Sarah: Sus, kunware ka pa. (Tinignan na lamang ni Yurie si Sarah)

SCENE 9

Napadalas ang pagkikita nila, ngunit puro tango at ngiti lang ang palitan nila.(palagi itong nakikita ng
tropa ni Enzo kaya naman tinukso na rin ito) T

ropa: Uy pre, crush mo yon 'no?

Enzo: Hindi ah, kaibigan ko lang 'yon.

Tropa: 'Wag kami pre, pag nakikita mo nga siya ngumingiti ka.

Enzo: Enzo: Hindi nga mga pre, binalik ko lang yung libro sa kanya nung isang araw. Tas sasabihin nito
crush ko sya, mga loko talaga kayo

Tropa: (magtatawanan na lamang sila dahil naiinis na si enzo sa asaran nila)

SCENE 10

Guro: Mr. Enzo, bumagsak ka sa aking subject, kung gusto mo pang makapag laro sa susunod na laban
ay kailangan mong pumasa.

Enzo: Pero ma'am paano po ako makakapasa?

Guro: Kakausapin ko si Ms. Yurie na tulungan ka niya.

Enzo: Okay po ma'am, salamat po.

Guro: Maaari ka nang umalis. (Lalakad si Enzo palabas ng pinto)

SCENE 11

Guro: Ms. Yurie, maaari mo bang tulungan si Enzo sa aking subject? Ang pagtuturo mo naman sa kanya
ay may karagdagan sa iyong grado.

Yurie: Bakit po ma'am?

Guro: Bumagsak kasi siya sa aking subject at kapag siya ay tuluyang bumagsak ay hindi na siya maaaring
maglaro.

Yurie: Sige po ma'am, tutulungan ko po siya.

Guro: Thank you, anak. May tiwala ako sayo.

Yurie: Walang anuman po maam, kailangan ko rin po mga dagdag grado

Guro: Ikaw na bahala kay Enzo ah


Yurie: Opo maam

SCENE 12

Yurie: Ang magiging schedule natin sa pag tuturo ko sayo ay MWF. Okay lang ba sayo?

Enzo: Oo naman, salamat at tinulungan mo ako.

Yurie: Wala 'yon, tinulungan mo rin naman ako dati. Kung hindi mo siguro binalik sa akin yung libro,
hindi ko na yon mahahanap kung saan-saan na siguro napunta 'yon.

Enzo: Kung hindi siguro nangyari 'yon, hindi tayo magiging magkaibigan at walang tutulong sakin ngayon
para pumasa sa subject ni ma'am.

Yurie: Tara, magsimula na tayong mag-aral.

SCENE 13

(Scenes of teaching session) (no dialogues)

SCENE 14

Unti-unting nakikilala ni Enzo si Yurie, kaya naman pati ang pagkagusto nito ay hindi niya na mapagilan.

SCENE 15

Enzo: Yurie, may gusto sana akong sabihin.

Yurie: Ano 'yon?

Enzo: Gusto kita.

Yurie: Sorry, Enzo. Pero wala pa kasi akong balak makipag relasyon.

Enzo: Gusto kong ipakita sayo na sincere ako sa nararamdaman ko sayo, Yurie. Gusto kitang ligawan.

SCENE 16

(Scenes of Enzo pursuing Yurie) (no dialogues)

SCENE 17

Yurie: Enzo, sa tingin ko gusto na rin kita.

Enzo: Totoo ba? (Ang reaksyon ni enzo dito ay magugulat siya)

Yurie: Oo nga, gusto kita. (Yayakapin ni Enzo si Yurie dahil sa tuwa)


SCENE 18

Naging sila na ngunit sikreto lamang. (Scene of sweet moments) (no dialogues)

SCENE 19

Nanay: Totoo ba ang mga nalaman ko Enzo anak? Na ka-relasyon mo 'yan? (Tinuro si Yurie)

Enzo: Totoo, ma.

Nanay: (tumingin kay Yurie) hiwalayan mo ang anak ko kung hindi tatanggalin kita ng scholarship.

Enzo: Pero ma, gusto namin ang isa't-isa.

Nanay: Ilang ulit ko ba sasabihin sayo na unahin mo ang pag-aaral mo!

Enzo: Nag-aaral naman po ako nang mabuti.

Nanay: Ay hindi! makikipag hiwalay ka sa babae na 'yan sa ayaw at sa gusto mo.

SCENE 20

Yurie: Enzo, may gusto sana akong sabihin sayo.

Enzo: Ano 'yon? Nakapasa ka sa exam mo? Congrats, love!

Yurie: Hindi, hindi 'yon ang sasabihin ko.

Enzo: Gutom ka na? Tara kain tayo sa labas.

Yurie: Enzo, ano ba! Maghiwalay na tayo. Sa tingin ko ito yung mas makakabuti para sa atin.

Enzo: Bakit? May nagawa ba ako?

Yurie: Sorry, pero buo na yung desisyon ko. (ipapakita na bibitawan ni Yurie ang kamay ni Enzo) (Umalis
si Yurie at iniwan lang si Enzo na mag-isa)

You might also like