You are on page 1of 17

Tukso

(Humanities)
Genres: Drama, Action

Ms. Kaye
(Supreme Adviser of this play)
Title: Tukso

Tagpuan: Barangay Malabag II, Silang Cavite

Paksa: Tungkol ito sa magbabarkadang lulong sa masamang bisyo, sa kalaunan ay nagbago.

Casts:

Group 1.1: Druggers ( Users)

 Remo Sarreal (Jeric)


 Raymund Dela Cruz (Mike)
 Yhan-yhan Nabatilan ( Rose)
 Princess Burgos (Anna)
 Princess Alvarez (Baby)

Group 2: The Parents/Sisters

 Shane Encabo (The Mother- Nenet)


 Daniel Tan ( The Father – Albert)
 Norbhetty Carida (Jane)

Group 3: Alberto’s Sister

 Marielle Briones (Matet)

Group 4: The Druglord (Promotor) and The Assistant

 Ivan Logo ( Boss Ipe – The Promotor)


 Rheca Ligutom Rallos ( MS. Cruz - The assistant)

Group 5: The Policemen (The Punisher)

 Loui Ella Rivera


 Jd Almeda IV
 Tin-tin Velo

Group 6: The narrators (The Tellers ) and kabit of Shane Encabo (Nenet)

 Jerson Ferrer

Group 7: Tyuhin ni Baby

 Joseph Cosino (Joe)

Group 5. The Director (Adviser)

 Rene Luz
Narrator: Tokhang! Kung tatanungin mo ako kung natatakot ba kami sa salitang ito, malamang sa malamang dalawang
malaking Oo at Hindi ang isasagot ko. Oo dahil kalaban namin ang batas dahil ipinagbabawal ang drugs at posibilidad na
isa kami sa madagit sa kalawit ni kamatayan dahil sa “Oplan Tokhang” ni Pangulong Duterte at Hindi! dahil may
protektor kami sa aming barangay, isang kilalang tao, isang maimpluwensya sa aming lugar at isa rin syang dakilang
promotor ng kadrogahan dito sa Barangay 123, Zone 9 Distric 1, Tondo Manila

Narrator: Tanong tiitigil ba kami sa bisyong ito? malamang sa hindi. Dahil parte na ng buhay namin ito, parte na ng
laman at dugo namin ang ganitong gawain. Wala e! ito na yata ang kapalaran ko, ANG MALULULONG SA MASAMANG
BISYO……………………………………………….Oh! Tukso……………..

Ako nga pala si Jeric, panganay sa kapatid kong si Jane ng aming mga magulang na sina Nenet at Alberto. Oo! aminado
ako na ako lang ang pasaway sa pamilya. Ako ang black sheep kuno sa bahay, halos lahat na yata ng kamalasan ay sa
akin binubunton e…ewan ko ba? e dalawa lang naman kaming anak nya haha… buti nalang nan dyan ang mga tropa
ko…si Mike,Rose, Anna.Apat kaming nagsasalo-salo sa sarap ng usok na aming nalalanghap. Ramdam na ramdam namin
ang hagod ng usok mula labi ko, lalamunan at sa baga ko pero hindi natapos ang paglalakbay ng usok na yun. Mula sa
baga ko, dumaloy papuntang lalamunan, at palabas ng labi ko. Hindi na masyadong malinaw ang usok na binubuga ko.
Pero malinaw sakin ang una kong tikim ng usok na ito. Limang taon na nakakaraan.

usok!

ulap!

Himpapawid!

Hyper!

yeahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh………………………………………………………………………………………

Narrator: Umaga noon nang biglang…

Nenet: Hoy! napakatamad mong bata ka, aba’y gising na tanghaling tapat na oh! wala kapang nagagawa. Bakit di mo
gayahin yang kapatid mong si Jane . Ang sipag, at matino…buti pa yang kapatid mong babae tumutulong na sa akin
nakakatulong sa akin ikaw wala!

Jeric: Ma! naman, makatutulong din ako sa inyo pagdating ng panahon….relax lang…dami nyo agad sinabi e!

Nenet: Abay! mabuting pinagsasabihan kana hangga’t maaga pa. Hindi habang buhay yang tatay mo nasa abroad at yang
kapatid mo ang tutulong sa iyo pano nalang mag-asawa yan aber..aba’y nak kailangan mong matuto sa buhay hindi puro
barkada ang inaatupag mo.

(hindi umimik at lumabas na lamang)

Jeric: ( habang naglalakad at kinakausap ang sarili ) tong nanay ko napaka bunga-ngera, nakakainis na talaga..kung kelan
tumanda tsaka naging maingay…parang pwet ng manok……hay nako..hahaha

(biglang Sumulpot si Friend)

Anna: ( masiglang – pasigaw) Uy! Jeric nandyan ka pala….nyahhhahhahaahaahah…kamusta? dalawang araw na kita di
nakikita a?
Jeric: ( Malungkot na patampo) Hayyyy! ayon, eto pinagalitan na naman ng nanay ko parang pwet ang manok ang
bunganga…

Anna: ( Pagalit) ammmm… alam mo yang nanay mo kontrabida talaga yan sa buhay mo…haha

Jeric: (pagalit) Oo nga e! kala mo naman concern sa amin… isa rin naman nangloloko kay papa

Anna: ay! oo nga pala no, nabalitaan ko rin un, tototo ba yun?

Jeric: ammmmmmmmmmm OO, kasi minsan wala si mama sa bahay e, tapos gabi na umuwi…kung tatanungin mo…bigla
nalang magagalit mapupunta saken ang usapan.. Minsan, nahuhuli ko ring may ibang kausap sa cellphone...yun!

Anna: haha alam na this…hahah,

Anna: Ano dating gawi? para naman mawala yang problems mo sa nanay mong ewan…haha

Jeric: Sige! may naitatago naman akong pera rito, bigay ni Papa

Anna: Yun! haha, haha mamaya a,,, puntahan ko pa tropa natin sa kabila,,, tiyak mis na nila ang usok…haha..

Jeric: Sige ingat sa kalawit, haha

Anna: Ulol! sige na……….alis nako

Narrator: Habang si Jeric ay naka-upo lamang sa isang tabi, si Rose naman ay agad na nagtungo sa tropapits nila upang
ayain mag-liwaliw sa kasama nila.

(sa tropa)

Anna: Tao po! tao po!....may tao ba rito.. yu! huuuhhh…

Mike: Pssstt!!!

Anna: Walang hiya naman sino naninitsit dyan…pusa lang ang peg mo day!

Mike: Tanga nandito ako sa tabi mo…wuahhhaha

Anna: (nagulat at tinapik ang balikat nya at sinabing) “ hoy! tanga naman nito nanggugulat pa, alam mo naman takot ako
sa multo e”

Mike: Multo? hahha tandang mo yan naniniwala kapa sa multo, haha at ang aga-aga pa ah! teka ano ba nakain mo bakit
ka naman nagpunta rito?

Anna: ( ah e pabebe ang dating) Si jeric nasalubong ko kanina sa kabilang kanto. May problema sa kanyang nanay,
pinagalitan naman daw…ayon sabi ko tumira muna para makalimot…haha…yayain sana kita baka gusto mo sumama
para makamura tayo kay boss ng bili…gusto mo ba?

Mike: tsskkk! ano ba naman yan Anna? alam mo naman tumigil nako sa ganyan diba? diba sinabi ko na sa inyo un dati?
dahil muntik nako mahuli sa gawaing yan e.

Anna: Ito naman oh! kala mo hindi tropa e, sasamahan lang naman natin si Jeric e… tsaka angtagal na nang hindi tao
nagsama-sama e..sige na? pleaseeee!

Mike: Ay nako! tawagan nalang kita kapag nagbago ang isip ko


Anna: Talkshit talaga to! bahala ka nga kung ayaw mo,,,, basta kung gusto tawag kalang sakin ok…sige na alis nako..

Mike: Pasensya na! tawagan nalang kita kapag natripan ko

Anna: sige na,dyan ka na nga..amm (Pagalit na parang nakasimangot)

Narrator: Dumaan ang ilang sandali at Tinawagan nya si Rose ang besfriend nyang selos na selos kay Jeric, dahil nga may
lihim na pagtingin si Rose kay Jeric, pero kahit ganun may pagkakasunduan padin sila ang USOK. Si Rose ay galing din sa
magulong pamilya dahil ang tatay nya at nanay nya nakakulong sa munti dahil sa Illegal Child Trafficking at sya”y nag
iisang anak lamang ng kanyang mga magulang.

Anna:

“She is calling to Rose for a while ( Ringing!)”

Anna: Hello! Bes! hello!

Rose:

“Rose answered the phone call from Anna”

Rose: Hello! ui bes kamusta? at bakit ka napatawag

Anna: Bes! yayain sana sumama saamin sa galawang adik mamaya… ammm baka trip mo lang?

Rose: Hahaha, galawang adik talaga haha…ammmmm sige parang trip ko sumama sa inyong kaadikan haha…Teka sino-
sino ba ang kasama natin?

Anna: Ano kaba bes! ung tropa nating si Jeric at pagsumama si mike at pagpumayag naman si Joe edi kompleto na
tayo…haha ano trip mo na ba?

Rose: Sige na nga haha alam mo naman tropa diba nagsama-sama? haha teka ulit, tanong ko lang ano ba ganap?

Rose: Sige na nga haha alam mo naman tropa diba nagsama-sama? haha teka ulit, tanong ko lang ano ba ganap?

Anna: Tange! si Jeric sasamahan lang natin magpalipas ng sama ng loob sa nanay nyang ewan…haha pinagalitan namn
daw siya nun..haha

Rose: ah! yung bruhang yun talaga no haha sige… ammmmmm ano ba oras tayo magkita-kita?

Anna: ammm mga 7:30 ng gabi mas ok un….dun sa dating lumang tindahan ni Aling Marta tayo magkikita, ammm alam
mo naman yung lugar na iyon diba?

Rose: ah ok sige! Oo naman alam ko yun….sige na mamaya nalang ha…babye bes

Anna: haha sige beSSS! (May diin ang salitang Bes)

Narrator: Sa oras na pag uusap nila ng kanyang bes friend kuno, Ang Plano ni Anna ay hindi lang balak samahan si Jeric
sa problema nya kundi ay may malalim pa itong binabalak tungkol sa kanyang bes friend. ABANGAN!

Narrator: pagkatapos magusap nila ay agad naman nagtungo si Anna sa kanyang Tunay na bestfriend at kachikahan nya
palagi tungkol sa nangyayari sabuhay-buhay lalo na sa issue tungkol kila Jeric at Rose

Sya si Baby… baby ang pangalan pero joker ang palayaw…


Anna: ( sa pinto at kumakatatok sya ) tao po, baby! bes, jowwker… tao po yuhuhhh..

Joe: ( Binuksan ang Pinto) Oh! Anna, bakit pumarito ka?anong sadya mo?

Anna: Tatay Joe nandyan ba si baby… may sasabihin lang sana ako

Joe: ah eh umalis e, nagpunta yata dun sa inuman ng tropa nya

Anna: ah ganun po ba, ammm saan po kaya iyong lugar?

Joe: Ang alam ko dun sa may malapit likod ng tindahan ni Aling Marta dati, puntahan mo nalang

Anna: Ah ganun po ba, sige po puntahan ko nalang ngayon. Sige po salamat

Joe: sige at pasabi narin pala umuwi kamo ng maaga wag magpagabi.

Anna: sige po.

Narrator: Agad na nagtungo si Anna sa Kinaroroonan ni baby at nakita nga nya ito na may amats amats na.

“Kasama ng mga tropa nyang gangster sa kanilang lugar”

Anna: Ui! bes kamusta may mukang may amats kana a…haha

Baby: ( Umapir kay Anna) Yes! yes! yowww yeahhh lakas makalasing to day, gusto mo?

Anna: Tange! bes mamaya nako magpapakalasing

Baby: haha, itong si bes, bes friend ko talaga to. Lagi akong tinatangihan

Anna: Haha, tangek iba trip ko mas malupit yun haha,,,at yun ang sadya ko sayo

Baby: Ano naman iyon day?

Anna: Gusto sana kitang yayain mamaya sa session namin, need lang natin samahan si Jeric at syempre ung palaging
chika mo sa akin tungkol kila Rose.

Baby: Ay nako day! gusto ko yan baka matanggal agad amats ko sa mga ganyan…haha teka kailan ba iyan?

Anna: haha, ,talaga mga trip mo bes kakaiba haha,,, mamaya bes mga 7:30 pm dyan lang naman sa likod haha kasama
rin natin syempre si Rose at iba pa nating friends.

Baby: Ano kaba day! alam mo naman ako swing-swing ang utak..haha ok sige…go ako dyan

Anna: haha!sige mamaya kwentuhan mo ako tungkol sa latest chika mo haha

Anna: alam mo naman na type ko rin si Jeric e…haha

Baby: Ou day marami ako Chika sa mga yan promise..mamaya na para magkaalaman nadin..

Anna: Sige sige,,,gusto ko yan..ge alis nako…babye

Baby: Gege day ingat nalang,,,di naman ako gaanong maglalasing haha
Narrator: At natapos na rin ni Anna ang pag-imbita sa mga kaibigan nya upang samahan si Jeric sa problema nya at
syempre may malalim talagang binabalak si Anna hindi lang sa simpleng problema ni Jeric.

Narrator: Dumating na ang oras sa nasabing lugar ng tagpuan nila at ito ang iksenang baganap

Mike:

Mike: matawagan nga si Anna

Mike is calling Anna, Anna’s phone is ringing and this is what Anna answer the call.

Anna: Hello! Oh Mike, Ano pupunta kaba?

Mike: Oo, punta ako ngayon kasi parang trip ko rin ngayon e.

Anna: Edi mas maganda nakukumpleto na tayo. Teka ikaw na kaya bumili ng shabu kay boss?

Mike: Tangi, sakto lang pera ko dito e,,,haha ganito nalang punta ako dyan then ako nalang bibili,,,ayos ba?

Anna: Oh! sige…bilisan mo lang tigang nako e…

Mike: sige!

Narrator: Lumipas ang ilang minuto, ay sa wakas dumating din si Mike na wari’y balisa na parang may kinakatakutan,
ano kaya ito abangan?

Anna: Oh Mike andyan ka na pala, bakit parang gulat na gulat ka? anong meron?

Mike: ah ehhhh!!! ahhhmmmm… wala to…wag mo nalang pansinin…ammm teka nasaan ba yung ibang tropa natin?

Anna: ok! Nasa loob na sila, oh ito yung ambag nila sa pangshabu natin…ikaw na bahala dyan ha!

Mike counts the money

Mike: Ok sakto na ito, antayin nyo nalang ako punta lang ako kay Mr. Rosales (may utal)

Narrator: Pumunta si Mike patungo kay Mr. Rosales, sya ay ang maimpluwensyang tao at isa rin runner, pusher at seller
ng shabu at isa rin kilalang rapist sa kanilang lugar.

Mike: Tao po pabili nga po ng tawas,

Ms. Cruz: Magandang gabi, ako nga pala ang bagong assisstant ni Mr. Rosales. ahhhh wala po kaming tawas dito…

Mike: di po miss yung puting pulbos ho na binibili namin… teka nga kala ko assistant ka nya ha?

Ms. Cruz: Ay sorry ho naguluhan lang ako…bago lang kasi ako dito..hindi ko pa alam ang mga code-code nyong yan

Mike: ah ganun ba,, sige pagbilhan mo nalang ako…

naputol ang transaction ng biglang dumating si Mr. Rosales at tila ba’y papalapit sa kanya.

Mr. Rosales: Good Evening, mabuti nandito ka mas gusto sana akong malaman e, pasok ka muna sa loob may pag
uusapan tayo…

Mike: (balisa ang kilos) ah eehhh wag na ho… may session kami ngayon e nag aantay na sila.
Boss Ipe: Edi mag uusap lang tayo (Hinawakan ang balikat ng mahigpit at akmang paggalit at sinabing)

Boss Ipe: May nakita kaba kanina?

Mike: Alin ho, wala! wala ho di ko alam ang sinasabi nyo!

Boss Ipe: Wag kana mag maang-maangan alam mo at alam ko na nakita mo iyon... wag kang magsusumbong kahit
kanino a a lalo na kay Jeric at sa nanay nya….alam mo ako iba ang magalit...

Mike: ( nangangatog na balita) ahhhheehhh…Oho! pangako wala akong nakita

Boss Ipe: Good! bilang kapalit ( Tinawag si Assistant) Ms. Cruz halika nga rito

Ms. Cruz: Sir, opo……(Lumapit) ano po iyon boss?

Boss Ipe: Bigyan mo nga ito ng 12 pakete ng shabu..bilis!

Ms. Cruz: Ah opo boss, antayin nyo nalang…(Nagmamadali) (Bumalik sya agad)

Ms. Cruz: Ito po boss!

Boss Ipe: Good napaka galing talaga ng assistant ko ( painis na papuri)

Boss Ipe: O iyan, Mike libre ko na yan sayo…bilang pakunswelo! bast itikom mo lang yang bibig mo ha…’

Mike: ahhhh… ganun po ba …salamat ho kung ganun… ( natatakot ang datingan)

Mr. Rosales: O sige makaka alis kana …wuahhhahaha( sabay halak-hak na tawa)

Narrator: Agad kumaripas ng takbo si Mike dahil nadin sa takot nya kay Mr.Rosales…Tingin nyo ano kaya ang nakita ni
Mike na masama kay Mr. Rosales? abangan!

Dumating si Mike at pagod na pagod (hinga na hingal)

Anna: oh! bakit naman pagod na pagod ka? anong nanyayari sayo?

Mike: wala! wala! to nagmamadali lang ako baka tigang na kayo (pabiro) tayo na sa loob Anna

Anna: Tara!

Sa loob ng sesyonan!( kwarto) silang lahat ay nakaupo at nag aantay at nagkwekwentuhan

Jeric: Ui pare! sa wakas dumating kana…haha

Sumabat si Rose

Rose: haha! kala namin di kana darating e..tara umpisahan na natin to… nakakabitin na e (parang rakista ang boses)

Sumagot si Mike

Mike: haha! pumunta talaga ako pare para sa inyo haha tropa ko kayo e…tara umpisahan natin to…( pasigaw na malupit)

Baby: Sino sa inyo may dalang pipe at lighter,,,peram naman ohh ( pabiro ngunit may tama na gawa ng alak)

Jeric: Ako may dala…haha apat para walang hiraman..haha


Baby: ay hindi halata sayo na adik ka talaga..haha char!(pabiro)

Rose: Jeric tabi nga tayo haha (para naman malanghap ko usok mo…haha ( Palanding may pagkilig)

Jeric: Sige ba! halika dito…haha (kasabay ng pag yapos na mahigpit sa kanya ( na may halong pagnanasa)

Baby: Oy bes! diba type mo rin yang guy na iyan at alam niya iyon diba? bakit ang landi-landi nila sa harapan mo mismo
ehhh alam naman ni Rose na may M. U kayo ni Jeric diba?

Anna: Iyon na nga ehh! kaya ko sila pinapunta ritong lahat dahil na rin sa dalawang iyan, alam ko naman na gagawin
naman nila ulit sa akin e… Katulad ng dating nagganito rin tayong magbabarkada.

Baby: Eh ano na ngayon ang plano mo?

Anna: Basa manood kana lang, nanggil din ako sa mga iyan e

biglang sumabat si Mike:

Mike: huy! ano pinagbubulungan niyo diyan..haha tara umpisahan na natin ito mga trops

Naarrator: ready na ang lahat, Sinindihana na ang lighter, hinigop at ibinuga ng sobrang lakas ang usok ng paglimot.
Anong tuwa nila dahil mula naman sila nagsama-sama at nagsasaya sa isa’t isa. Pero tulad ng lahat nang bagay, lahat ay
may pinagdadaanan at katapusan pag ang isang tao ay sumabog na sa kaniyang galit.

Jeric: Tang ina pre, nalasing na ako ngayon.. Ms. payakap nga..at pakiss

Rose: Haha! trip mo ba ako,,,Loyal kong Jeric?

Jeric: Oo naman syempre…hehhe (palasing ang datigan)

Narrator: Tumayo si Rose at hinila si Jeric

Rose: Jeric! halika na dali...haha di ba trip mo ako tumayo ka diyan? (palasing ang datingan)

Jeric: Sige na alam kong trip mo rin naman ako (palasing ang datigan)

sumabat is baby:

Baby: Tangna bes! kahit lasing na ako at hilong-hilo ng bonggang bongga nakikita ko parin ang kalasawaan nila sa
harapan mo. Ano ba nasa isip mo bes?

Narrator: Noong aakmang aalis na si Jeric at Anna walang paalam at sa sabik na sabik na sila sa kanilang pagnanasa
tumayo si Anna at ito ang mga sumunod na eksena:

Anna: Walang hiya kang haliparot ka, ( itinulak niya si Rose At sabay subsob naman ni Rose sa lupa at sinabunutan)

Anna: Tangna ka, mang aagaw- malandi, haliparot…tangna alam ko na gagawin niyo naman ito sa aakin…mga hayop
kayo! (biglang lingon kay Jeric at sabay sampal ng malakas)

Jeric: Oh ano ang ginawa ko sa’yo?

Anna: Huh! tinatanong mo ako kung anong ginawa ko sa iyo….tanga manhid ka ba? o sadyang tanga ka lang?

Anna: Matagal na kitang gusto Jeric, matanggal na kitang gawing asawa Jeric na akala ko naiintindihan mo Iyo?
Jeric:Tanga ka rin ba? wala akong gusto sa iyo ( sabay tulak at punta kay Rose na nasa lupa dahil sa pakakatulak ni Anna
itinayo nya at nagyakapan). wala akong gusto sa iyo Anna, ginamit lang kita…dahil alam kong gusto mo rin ako kaya
sinamantala ko iyon…tandaan mo iyan…kung inaakala mong maganda ka nagkakamali ka Burgos…mashamak naman na
matangkad at maputi si Rose sa iyo? kaya wag kang tanga.

Rose: Tapos kana, tapos kana ba..huhhhhhhh (sumigaw na parang nagsusuper Saiyan)

Narrator: Pumasok sa Kusina si Anna at kumuha ng….kutsilyo

Anna: Tangina! kayo pinagloloko n’yo pala ako ….lalo kana Jeric…mamatay na kayong dalawa….mga hayop kayo…

Biglang umawat si Mike at Baby:

Mike: Anna, tama na iyan, wag mong sirain ang buhay mo dahil lang sa dalawang iyan…

Baby: Tama na yan bes...alam kong galit na galit ka sa ga iyan. Pero wag sa ganiyang paraan. Tahana ( niyakap s’ya nito
at umiyak na lamang)

Nagpaliwanag si Rose

Rose: Alam Anna, Kahit nagawa mo akong sabunutan at pagtangkakan ang buhay ko, Kaibigan parin kita. Labis akong
nalulungkot pero mahal ko rin si Jeric kahit na alam ko na niloko rin n’ya ako kasi ginamit kalang. Sorry! Anna… di ko
sinadya na ganun pala kahalaga ang pagtingin mo sa kan’ya.

Anna: Tapos ngayon magsosorry ka ano ganun nalang iyon…..nek-nek mo..ammm tayo na nga bes. (Si baby naka dila at
inirapan sila)

Narrator: At ganun na nga ang nangyari sa isang mahabang usapan na pag-aaya ni Anna at nauwi sa hindi magandang
resulta. Samantala, ang iba naman sa gabing iyon ay nagsi-uwian na rin dahil wala na rin sa mood magchongke. Habang
papauwi si Jeric sa kanilang bahay ay biglang tumawag ang Papa n’ya.

The phone is ringing while Jeric is walking on the street

Jeric: Hello PA! napatwag ka?

Albert: Hello anak, pauwi na pala ako d’yan sa Pinas. Biglaan kasi ang uwi namin gawa nang nagkakaso ang Campany na
Pinapasukan ko baka madamay pa kami kaya uwi nalang ako.

Jeric: Ganun ba pa? Eh sino ba ho magsusundo sa inyo?

Albert: Kayo o Si mama mo, pwede ba?

Jeric: Ah ehhhh..tinatamad ako pa e,,wait lang pa malapit na ako sa bahay baka nasa loob si mama,,sabihan ko

Albert: Sige anak, antayin ko

The phone call has been cut

(Nang nakarating na s’ya sa pinto ay kinatok n’ya ito)

Jeric: Mah……….Jane…………(marahan lamang ang salita)………………yung pinto pakibuksan naman may sasabihin ako.

(lumapit si Jane na tila ay lugmok at may pantal-pantal sa braso at muka at pinagbukasan si Jeric ng pintuan
(Nagulat si Jeric sa nakita n’ya at agad n’yang hinanap ang mama n’ya)

Jeric: Oh Jane ano nangyari sayo bakit ang dami mong pantal sa katawanat nasaan si Mama?

Jane: (Malumay na nagsalita)…wala si Mama, kanina pa wala rito, may pupuntahan daw eh magmamadaling araw na
wala parin…

Jeric: Badtrip naman si mama, panigurado nasa lalaki naman n’ya iyon,,,,,Oo nga pala si Papa uuwi raw ngayon baka mga
dating n’ya mag uumaga na

Jeric: Teka, bakit ba may mga pantal ka ngayon anong nangayari sayo?

Anna: (Umalis na lamang na walang imik)

Jeric: Hoy Jane kinakausap pa kita,,,

Anna: ( matamlay ang salita) Wala to kuya

Jeric: eh wala pala e….ganun lang ang sagot simple diba? teka tawagan ko nga si Mama…

Calling to her Mother:

Nenet: Ano ba sino ba itong natawag na ito, wait lang babe (Jerson Ferrer as Mayor).

Nenet: Oh hello sino ba ito istorbo ka, sino kaba?

Jeric: Mah! si Jeric ito, di mo ba sinave number ko mah?

Nenet: ah! eh! ( Binulungan si Mayor Ferrer at lumabas) shhhhheeeeeeeee…. ang sabi kay mayor.

Nenet: Oh! Anak bakit kaba napatawag gabi na ah?

Jeric: Mah naman bakit di umuwi agad gabi na ah? saan kaba? si Papa,u-uwi siya mamaya. Ehh need n’ya magpasama
sa’yo, eh mah! di naman ako pwede walang magbabantay sa bahay at kay Jane.

Nenet: (patarantang nagulat sa sinabi ni Jeric at nagdahilan) huhhh ahhh ganun ba, ah ehh anak di ako makaka-uwi e,
dito ako kila kumare walang tutulong sa paghahanda sa birthday n’ya.

Jeric: Mah naman! di mo man lang samahan si papa,,, e walang kasama iyon.

Nenet: (pataranta) huhh! try mo kayang tawagan si Tiya mo (Matet) tiyak masasamahan n’ya si papa mo.

Jeric: ( Nagdududa) huyyyy! nako mah… di kana nagbago, inu-una mo parin iyang kaibigan mo. Sige na ma! tawagan ko
nalang si Tiya ( Matet) sige mah…bye

Jeric: nakakabadtrip naman si mama…siguro hindi n’ya sa kaibigan pumunta iyon…tssk!

Jeric is calling her Tiya Matet

Matet: Oh hello!

Jeric: Hello tita, kamusta na po kayo?

Matet: Ito, ok lang naman…


Matet: O! bakit ka napatawag sa akin?

Jeric: Ah! tita si papa, uuwi raw ngayon gabi, need niya ng help sa mga bagahe n’ya at susundo na rin.

Matet: ah ok, si mama mo hindi ba s’ya pwede now?

Jeric: Wala tita, negative! ayaw magpunta e, nasa kaibigan n’ya raw s’ya.

Matet: Hay! nako yang mama mo talaga Oh! tanong kaibgan lang ba or ka-i-bigan na ang ganap ng mudra mo…abay iba
na iyan.Sagap na ang balita mula dito sa amin e.

Jeric: Kaya nga po tita e, yaan n’yo tita malalaman din natin iyan…

Matet: o s’ya-s’ya! ako na bahala sa papa mo. Ako nalang ang susundo sa kaniya sa aiport.

Jeric: Ah! sige po tita salamat din.

Matet: Ok, bye! ingat at ingatan mo rin din si Jane a…lalo’t maraming loko d’yan.

Jeric: Ok po tita…bye!

Matet: Ok!

Narrator: Sumapit na ang pagdating ni Albert: Ang papa ni Jeric at dito mabubunyag ang kalokohan ni Nenet ( ang
kanyang asawa)

At the Airport: with Airplane sounds

Albert is calling Jeric

Albert: Hello anak, nasabi mo naba sa mama mo na sunduin ako? dito na ako sa Philippine Airport.

Jeric: Ah! papa si tita Matet na raw po susundo sa inyo diyan…sabi niya nandiyan na raw s’ya kanina pa.

Albert: Ah ok! si mama mo, bakit ayaw?

Jeric: nasa kaibigan n’ya raw’…bising-busy! kaya si tita nalang daw pinakausan ko.

Albert: (May pagdududa) ganun ba? sige nak usap nalang tayo mamaya pag-nasa bahay na kami.

Jeric: Ok pa!

At the Airport:

Matet: (Hinahanap si Jeric habang tinatawagan niya) Hello Jeric ano ba kulay ng suot mo?

Albert: Tet! nakatayo ako sa bandang kanan at nakasuot ako ng …….tapos my bag na……

Matet: teka! tingnan ko nga…

Matet: Teka! parang nakikita na kita? wait…

Matet: (pasigaw ang datingan) Uyyy! haha kapatid..kamusta na?


Albert: (medyo gulat) uuyy! Tet, medyo ginulat mo ako dun ah…bakit parang nagbago itsura mo medyo pumayat kana
haha

Matet: haha! biro ba iyan… salamat, namis kita kapatid…haha

Albert: Nakita rin kita at ang mga bata at asawa ko kamusta naman sila?

Matet: hay nako, ang bata medyo napapabayaan na raw ni Nenet. Di ko sinisiraan ang asawa mo Jeric, pero balitang-
balita na may ibang kasama raw si Nenet. Nako! Jeric ikaw nalang tumuklas para maliwanagan ka sa mga bagay-bagay
na nangyayari habang wala ka.

Instrumental sound

Narrator: Lubhang nagulat is Jeric sa nalaman n’ya patungkol sa kanyang asawa. Halina’t subay-bayan natin ang mga
susunod na kabanata. Noong nasa bahay na sila…

Albert: Tet! bakit nagdilim na ang lugar na ito,laki ng pinagbago e…

Matet: Oo nga e

Albert: Iyon na ba bahay natin, parang natatanaw ko na i

Matet: Ah! oo, haha

Matet: Dito na tayo, teka katukin ko lang…

Tok!tok!tok

Agad na binukasan ni Jeric ni ang pintuan at pagsilip ay:

Jeric: ( may pagkagulat) Tita! papa! nan-diyan na pala kayo?

agad pumasok sila at tinulungan sa mga dalahin

Albert: Oh! anak na saan ang kapatid mo?

Matet: Oo nga! na saan na ba s’ya?

Jeric: A! pa nan-doon pa sa labas, nagkatampuhan lang kanina.Kasi ayaw sumagot ng maayos e!

Albert: Hanapin mo nga kapatid mo anak.

Jeric: Sige pa!

Narrator: Agad na hinanap ni Jeric si Anna, ilang mga minuto ang nagdaan ay sa wakas ay natagpuan na ni Jeric si Jane
na umi-iyak sa isang tabi

Jeric: ( mahinahon) Jane ano nangyayari sa iyo? gabing-gabi na ohh! tara pasok kana nandun si papa at tita. Dumating na
sila ngayon lang.

Narrator: Agad sumama si Jane pauwi sa kanilang bahay ni walang imik ngunit umi-iyak lamang s’ya.

Sa bahay:

pumasok na sila sa bahay nila at nagulat is Jeric at Matet:


Albert: Anak! Shane ano nangyari sa’yo puro galos ka at maga pa mata mo kakaiyak?

Matet: Ano ba ang nangyari Jane?

Narrator: sa punto na iyon ay agad naputol ang usapan nila at biglang dumating ang kanilang ina na si Nenet na may bit-
bit na pasalubong at s’ya ay tila pagod na pagod. Sa mantalang si Jane ay umupo na lamang isang tabi.

Jeric: (pasigaw na paraang na-highblood) at saan ka nagpunta ang magaling kong asawa? bakit ngayon ka lang?

Nenet: Oh! nandiyan kana pala? wala kana dun kung saan ako nagpunta.

Jeric: Ano wala na ako dun? asawa kita may karapatan ako…at iyang hating gabi na pagdating mo tingin mo matino
kapang asawa? tangina! balitang-balita na raw dito ang kalandian mo habang wala ako.

Nenet: Tangina mo rin! wala kana karapan murahin ako, asawa lang kita…hayop ka! eh ano kung may kalandian ako…eh
ikaw ba sigurado kabang wala kang kalandian sa ibang bansa ha!

Jeric: ( Biglang sinampal si Nenet at itong tumumba sa sahig “umi-iyak” at ina-awat ni Matet at ni Jeric si Albert)

Tangina mo! ang galing mong pagbintangan ako ha…di mo lang araw’t gabi kayo ang nasaisip ko tapos gagawaan mo ako
ng kwentong hayop ka!

Biglang sumigaw si Jane:

Jane: Mahhhh! Pahhhhh!!! tama na!!!!! ayoko na!!! tumigil na kayo sa pag-aaway! alam n’yo ba kung ano nangyari sa
akin? kuya Jeric Alam mo ba ang nangyari sa akin ha, mah! pah!

Jane: narape ako pah! mah!kuya! iyon ang dahilan kung bakit nahihiya akong sabihin sa inyo, ikaw mah di kiba nahihiya
sa pinaggagawa mo? malalaki na kami tapos nakukuha mo pa mangabit. Hindi pa ba sapat kaming mga nagmamahal
sa’yo ha?

Nenet: Matet: ay natahimik at gulat at niyakap si Jane

Albert: Anak sino nanggahasa sa iyo ha? Sino?

Jeric: Sinooooo!!!

Jane: Kuya, pah si Ipe ang nanggahasa sa akin, pinagsamantalahan ako nang adik na iyon…wala akong kalaban-laban
pa...(umiiyak at humahagulgol ang datingin ni Jane)

Narrator: Sa puntong iyon agad na nagpunta sa kwarto niya si Jeric at kumuha ng isang panaksak upang paghigantihan si
Ipe na isang rapist at adik sa kanilang lugar:

Jeric:( pasigaw) Putang inang adik na iyon, kailangan ng mawakasan ang panggagago n’ya dito sa atin. Diyan lang kayo
mah, pah! ( tumakbo papalabas)

Nenet: Jeric! anak wag mo ituloy iyang balak mo…anak (may pagpigil sa anak)

Matet: (pataranta) Albert sundan mo si Jeric baka kung ma-paano iyon! sige na

sinundan ni Albert si Jeric:


Jeric: Tangina mo Ipe lumabas ka diyan di ako natatakot sa iyo! tapusin natin dito…hayop ka nakuha mong galawin ang
kaisa-isa kong kapatid…hindi kita mapapatawad!!!

binato ni Jeric ang bahay ni Ipe sya’y lumabas at galit na galit:

Ipe: Tangina mo Jeric, ano ba problema mong hayop ka? ang lakas naman ng loob mo na sumugod sa bakuran ko ng
mag-isa! Gusto mo itumba na kita dito ha! di ako natatakot sayo...Isa kalang hamak na surot kumpara sa akin at ang
kapatid mo ay isang hamak lamang, kaya wala kang karapatan na sumugod dito… Pasalamat ka! hindi ko pinatay ang
kapatid mo.

Jeric: Tangina mo talaga hayop ka! ( uundaya ng saksak si Ipe)

Ipe: bang! bang! Agad na nilbas ni Ipe ang kanyang baril at pinutok ito kay Jeric: Ngunit si Albert ay biglang
humarang at siya ang natamaan:

Jeric: (Umiiyak) Tay! pah! pah! gising! gising! kaya mo iyan!.....pah!

Albert (Duguan at hinahabol ang hininga) Aaaaaanakkk! aaannnnaaakkkk! ikkkaww na bahhala ka kay Jane mo at na nay
mo ha! wag mo silang pa pabayaan aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaannnnnnnnnnn……(Tigok)

Jeric: ( sumigaw na umiiyak) PAhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!

Narrator: Sa pagkamatay ni Albert ang kanyang ama si Ipe naman ay agad na tumakas papalayo nang di namamalayan
ni Jeric at agad naman dumating ang mga pulis upang imbestigahan ang pangyayari.

Mobile Patrol Siren

Inspector 1 ( SPO4 Rivera) Sir sa puso pala tama nito, talagang di s’ya bubuhayin nito.

Inspector 2 (Chief Almeda) Oo nga e! Ang suspect ay si Ipeng adik at rapist daw. Velo pakigawaan nga ng report ito para
matutukan natin ang kaso nitong Ipe na ito.

Inspector: (SPO3) Yes sir! O bitbitin nyo na yung bangkay

Ambulance Siren

Narrator: Dumaan ang mga araw, patuloy parin sa man hunt operation ng mga police laban kay Ipe at sa Assitant n’ya
nagtatago kasama n’ya, sang araw:

Mike: (Calling the Police station) Hello! sir! maam?

Inspector: ( SPO4 Rivera) Police department please!

Mike: Ah! maam diba po wanted si Ipe ngayon, ang pumatay kay Albert ?Maam may lead po ako kung saan nagtatago
yung taong yun.

Inspector: ( SPO4 Rivera) Ah sir ! ano po ba pangalan nyo para may head witness kami kung sakali?

Mike: Ah! ako nga pala si Mike Fuentes ng Baragay 1,2,3 Zone Tondo Manila.

Inspector: ( SPO4 Rivera) ah sir Mike, saan po ba ang lokasyon ng kriminal na ito?

Mike: Ma’am ( SPO4 Rivera) sa Gagalangin Tondo po s’ya nagtatago ngayon sa may tapat ng Ziogo Siomai na sikat doon.
Inspector: ( SPO4 Rivera) ah salamat sa iyong binigay na lead sir Mike. Umasa ka na mabibigyan namin ang hustisya ang
pagkamatay ni Albert at panggagahasa n’ya kay Jane. Muli maraming salamat po!

Inspector: ( SPO3 Velo) Chief may natanggap na lead si Ma’am Rivera patungkol sa kaso ni Albert.

Chief Almeda: ah ganun ba, ipasa mo iyan sa head quarters bubuo tayo ng team na susugpo sa kanya

Inspector: ( SPO3 Velo) Ah sige sir

Narrator: Lumipas ang 2 oras ay natanggap na ang utos mula sa matataas sa gagawing pag-aresto kay Ipe: Hindi
nagtagal ay nagtungo na ang grupo at ito ang mga sumunod na nangyari:

Mobile Patrol Siren

Ipe: (Pataranta) Tangina! may mga pulis na sa labas

Ms. Cruz: (pataranta) Boss! sumuko na tayo..

Ipe: Tanga kaba? hindi tayo susuko, magkamatayan na…

Police team:

Inspector: ( SPO3 Velo) Ipe! sumuko kana! kana alam naming nandiyan ka. Sumuko kana kung ayaw mong may pasaktan
pa.

Ipe: Tangina n’yo hindi kame susuko sa inyo, magkamatayan na

Inspector: ( SPO3 Velo) Bibilang kame ng tatlo, kapag hindi ka lumabas diyan, mapipilitan namin kanaming paputukan ka

1……2…..

Ipe: bang! bang! bang!

Police team:

Bang! bang! bang! bang! Bang! bang! bang! bang!

Bang! bang! bang! bang!

Inspector: ( SPO4 Rivera) Chief parang wala talagang balak sumuko itong kumag na ito

Chief Almeda: susuko rin iyan…

Narrator: Agad na hinostage si MS. Cruz

Ipe: (lumabas) halika nga dito, walang silbing tauhan ko..

Ipe: ano? papatayin ko itong gago na ito,kung di n’yo ako papatakasin ano?

Team Police

Chief Almeda: Team put your gun down now…

Ipe: bang! bang!


Inspector: ( SPO3 Velo) sir tinamaan ako…

At biglang sumulpot si Jeric mula sa gawing kanan at binaril sa ulo si Ipe Bang!-bang! bang! at agad bumulagta si
Ipe na duguan

Narrator: At sa punto iyon napaslang na nga ni Jeric si Ipe, na s’yang dahilan ng pagkasira ng buhay ng mga kabaaan sa
lugar nila at pagkamatay ng kanyang ama at pagkasira ng puri ni Jane…at duon na nga nagtapos ang araw at buhay ni
Boss ipe sa Lugar ng Tondo.

Narrator: Lumipas ang isang buwan matapos ang mga nakakagilalas na suliranin ni Jeric at ang pamilya n’ya. Si Nenet ay
nakipag kita kay Mayor Ferrer sa una ay huling pagkakataon.

Nenet: Mayor! alam mo kahit papaano minahal naman kita, habang nasa ibang bansa pa si Albert. Pero alam mo Mayor,
napagtanto ko na gusto ko na baguhin ang sarili ko. Katulad ng ipinangako kay Albert bago s’ya ilibing. Love! gusto ko
kalimutan na natin ang isa’t isa magmula ngayon.

Mayor Ferrer: Alam mo! love naman kita e, pero sa mga sinabi mo. Napagtanto ko dapat na natin talaga tigilan ito
e…kasi wala naman forever e

Nenet: Drama mo…..chossss!!! sige na babye na!

Umaalis Nenet papalayo na magkahawak ang mga kamay nila ni Jeric at Jane

Narrator: At samantala, llang buwang nagdaan ay nagpunta si Anna sa bahay ni Jeric at Anna upang makipag-ayos sa
dalawang nasaktan n’ya ng lubos. At sila naman ay agad na pinatawad nito. Pero sa huli ang naging girl friend ni Jeric ay
tanging ang kapatid n’ya lamang muna na si Jane. Nakung saan aminado si Jeric na may pagkukulang din s;ya bilang
kuya n’ya at bilang anak naman ni Matet.

………………………………………………………………………………..….End………………………………………………………………………………………………..

Instrumental song

salamat!!!

You might also like