You are on page 1of 3

Baliw sa Pag-ibig (A Declamation Piece)

*wakes up*

Huh? Nasaan ba ako?

*looks around*

Puting pader puting sahig Nasa ospital ba ako? Pero *slowly looks at
hands* bat may dugo ang mga kamay ko? D-dugo? DUGO! AHHH!!! May
dugo ang mga kamay ko!!

*tries to wipes blood off her hands*

AYAW MATANGGAL! TULUNGAN NIYO AKO! BAT AYAW MATANGGAL?!


*cries* TULONG! TULOOONG!

T-tulong

D-dok? Dok, ikaw ba yan? Tulungan niyo po ako dok Palabasin niyo ako sa
kulungan na ito! Maawa po kayo sakin! Tulungan niyo ako!

Huh?

Biglang nawala si dok. Iniwan niya na ako

May madla? Ang daming tao? Paano Paano kayo nakapasok dito?! Sino
kayo?! Sino ang nagpapasok sa inyo dito?! Ah, alam ko na! Nandito kayo para
tulungan akong lumabas dito! Yun ba?

Pakiusap! Tulungan niyo ako! Wala akong kasalanan! Hindi ako pwedeng
manatili dito! Nagsasawa na ako! Ayoko na! AYOKO NA!! Ang sakit na! Ang
sakit-sakit na Tama na

Hindi ko naman kasalanan kung bakit namatay siya eh. Ginawa ko lang
naman iyon dahil nasaktan niya ako *cries* Mali bang patayin siya? Mali ba
ang maghigante sa isang tao dahil sa sinaktan ka niya? Hindi naman diba?!
BAT BA AYAW NIYO AKONG PAKINGGAN?!

*screams*

ANG TANGA! ANG TANGA-TANGA KO! Bat ko ba pinatay ang lalaking


pinakamamahal ko?!
*imagines lover*

Bat ba kasi niloko mo ako, Sam?! HINDI PA BA AKO SAPAT PARA SA IYO?!
NAGKULANG BA AKO?! SUMAGOT KA! BAKIT NAGAWA MO SA AKIN IYON?!
HA?!

*cries* Kung hindi mo lang sana ginawa iyon Edi sana buhay ka pa.. Kung
hindi mo lang sana ginawa iyon edi sana makakasama pa kita

Ayoko naman sanang patayin ka eh Pero matinding galit talaga ang


nararamdaman ko para sa iyo Winasak mo ako, Sam hindi lang ang puso
ko, kundi ang buong pagkatao ko rin!

Akala ko ba ako lang? Akala ko ba walang iwanan? Akala ko ba pang


habambuhay tayo?

Pero yun pala Mga akala ko lang iyon. PINAASA MO AKO! WALANGHIYA
KA! WALANGHIYA KA!

*cries*

Ano? Nasaan ang babae mo?

*wipes tears away*

Gusto mong malaman kung nasaan siya? Gusto mo?!

Sige, sasabihin ko.

Naalala mo ba ang gabing iniwan mo ako? Yun rin ang gabing pinatay kita
pinatay ko kayong dalawa. Ang pinagkaiba, mas masaklap ang ginawa ko sa
babae mo.

Alam mo kung ano ang ginawa ko?

*grins wickedly*

Pinasok ko ang tahanan niya. Hinahap ko siya at sinaksak ko siya ng paulit-


ulit gamit ang kutsilyong ginamit ko rin pamatay sa'yo hanggang sa mapuno
ng dugo ang buong katawan niya. Pagkatapos, itinali ko ang leeg niya sa
isang lubid at pinakabit siya sa kisame niya.

Yun nga lang, nahuli ako.


Hindi ko alam na nakikitira siya sa ina niya kaya nadatnan ako ng ina niya sa
kanilang tahanan na duguan.

Syempre, sumigaw siya! Agad siyang tumawag ng tulong sakanilang kapit-


bahay kaya nahuli ako.

Kaya ako nandito ngayon sa loob ng puting kulungan na ito.. Akala nila,
nabaliw na ako..

Nabaliw?

*Angry* OO BALIW AKO! BALIW SA PAG-IBIG! AKO NA ANG NAGPAKATANGA


SA LALAKING TULAD MO! HINDI KO NAMAN ITATANGGI NA AKO ANG
PUMATAY SA INYO DAHIL YUN ANG KAGUSTUHAN KO!

*cries*

Pero, Sam patawarin mo ako Hindi ko iyon sinasadya hindi ko iyon


ginusto Sam bumalik ka na Pakiusap.. Hindi ko ata kayang wala ka
na Sam, balikan mo ako..

SAM!!!!

You might also like