You are on page 1of 7

Iskrip

1. Flash-back noong sila ay bata pa na naglalaro ng basketball.

Tagpuan: Covered court

Kasuotan: Pambata/Pambahay na kasuotan.

Extra: 2 basketball players.

2. Transition sa pagiging teenager. Naglalaro pa rin ng basketball at biglang natamaan si Patchot.


(may kasamang voiceover)

Tagpuan: Covered court

Kasuotan: Jersey/damit na may manggas papatungan ng sando/jersey. (P at I)

 Tumira si Patchot
 Naglalaro si Ivan

Ivan: Patchot (2x na pasigaw)

 Tinamaan si Patchot

Voiceover(P): tumigil ang mundo, siya lang ang tanging nakikita ko.

 Natamaan

Patchot: Ugh!

 Napahiga
 Lumapit si Ivan

Ivan: Ok ka lang, Patchot?

Patchot: I love you!

Ivan: Ha? Ano raw?

Voiceover(P): At yan ang slowmo moment ko.

 Muntik ng maghalikan.
 Nagising mula sa panaginip.
 Nainis si Patchot

Patchot: Ano ba yan!

3. Pag-uusap ni Ivan a tita niya.

Tagpuan: Papalabas ng bahay.

Kasuotan: (I) Semi-fromal/Shirt at pantalon; (T) gay outfit

 Paglabas ng bahay/maaaring gate.


Ivan: Buti lumabas ka tita. Alam mo bang nasermonan ako kagabi kay mama, sinisigurado ko lang naman
ang babaeng liligawan ko. Dapat daw may slow-mo! Naniniwala ka ba roon? Kasi si Patchot oo, kapag
nakita mo na raw ang mamahalin mo, magkakaroon daw ng slowmo.

 Umupo sa isang upuan sa parke.


 Tumingin sa kaliwa at lumabas si Angel mula sa kotse/tricycle.
 Slowmo look at ngiti ni Ivan

Ivan: Totoo nga tita! Totoo nga!

 Niyakap ni Ivan si tita.

4. Pagdating sa bahay.

Tagpuan: Bahay

Kasuotan: Balik-bayan outfit with maleta.

Angel: Hi!

 Binati ng hi si Patchot.

5. Nakita ni Ivan si Angel.

Tagpuan: Kusina

Kasuotan: (A) (I) Semi-formal (P) Boyish, always sombrero (palikod.)

 Pagngiti nang matamis ni Patchot


 Nasa likod si Angel

Angel: Excuse me!

 Nalungkot si Patchot.

Girl: Hindi pala ikaw yung slowmo. Ang slow mo kasi!

6. Pagbibigay ng bulaklak kay Angel.

Tagpuan: Mula sa bahay na pinagdatingan ni Angel.

Kasuotan: Pang date na kasuotan. (P) boyish

 Nasa likod ni Ivan si Patchot.


 Binigay ni Ivan ang bulaklak.

Ivan: Gusto mong lumabas? Tara kakal.

Angel: Kakal?

Patchot: Hindi mo alam yung kakal? Kape kape lang.

Angel: Sige! Pinayagan na ako ni mama na makipag-date. (slang na pasalita)


 Kape date (simple)

7. Bahay pagkauwi

Tagpuan: Bahay na pinagdatingan ni Angel

Kasuotan: Pang date na kasuotan. (Coffee)

Patchot: Hoy Ivan! Umiiskor ka na naman sa pinsan ko ha.

Ivan: Hindi Patchot! Kami na! Catch mo yon?

 Mukha ng nagseselos para kay Patchot.

Patchot: Ah, catch!

8. Pakikipag-usap kay tita.

Tagpuan: Bahay nila tita.

Kasuotan: (P) Boyish. (T) Gay outfits

Patchot: Wala na tita, talo na ako. Alam ko naman pong hindi ako maganda eh.

 Nagpipintura si Tita

Tita: At sinong nagsabing hindi ka maganda? Halika nga.

 Salamin

Tita: Siya ba ang nagsabi? Napaka-insecure naman ng babeng yan! May laban ka anak, ako ang bahala sa
iyo

 Simula na ng pagbabago. Hair and make-up.

9. Ivan at Patchot sa dating bahay.

Tagpuan: Dating bahay kung saan dumating si Angel noon.

Kasuotan: (I) Sando/Pang-basketball na kasuotan. (P): Semi-formal

Ivan: Patchot, tulungan na kita.

 Tumingin, nagharap si Patchot at Ivan.

Patchot: Ugh, ha?

 Ngumiti
 Dumating si Angel.

Angel: Ivan, andito na ako.

 Tumingin ang dalawa kay Angel.

(Pandagdag na pangyayari: Naglalaro sa dagat, (I) (P))


10. Bride and groom scene.

Tagpuan: Sukatan ng mga damit.

Kasuotan: Pambahay/Semi-formal.

 Nakatingin kay Tita

Tita: Ipakikilala natin si Patchot bilang bride, at maglalakad siya sa pasilyo.

 Tinuro si Ivan.

Tita: at ikaw naman bilang groom.

 Nagtinginan ang dalawa.


 Nagturo si Tita ng sayaw.

Tita: Huwag maarte ha, umayos kayong dalawa. Ito rito, yan diyaan.

 Sumayaw na ng sumayaw.
 Iba’t-ibang tagpuan sa sayaw.

11. Dumating si Angel nang hindi inaasahan.

Tagpuan: Covered court

Kasuotan: Pang-basketball

 Pinunasan ni Ivan ang labi ni Patchot

Ivan: Ano ba yan, basang basa ka na.

Patchot: Sige, laro na tayo. Bes, tara na.

 Natulala si Ivan
 Iniisip ni Ivan ang kasal.

Basketball players: Oh! Tira!

 Natamaan si Ivan ng bola.

Ivan: Ugh!

 Nahilo.
 Dumating si Angel

Angel: Ivan, bakit hindi mo nakita ang bola?

Ivan: I love you!

Angel: Ugh, eh. I love you too.

 Ngumingiti

Ivan: Ha? Bakit andito ka?


Angel: Bumalik ako dahil nami-miss na kita. Guys, pwede bang magpahinga ako saglit?

 Naglakad si Patchot nang malungkot.

Ivan: Patchot, sabay ka na sa amin.

Angel: Akala ko ba tayong dalawa lang?

Patchot: Uhm, sige, mauna na kami.

 Nagtinginan ang dalawa nang may lungkot.

12. Kaibigan ka lang

Tagpuan: Bahay na pinagdatingan ni Angel noon.

Kasuotan: (I): (P): Damit at Pantalon

 Nagkalapitan si Ivan at Patchot

Angel: Ivan, Patch!

 Lumabas ng gate

Patchot: Magpapaliwanag ako.

Angel: Anong ipapaliwanag mo? Meron kayong higit pa sa pagkakaibigan na relasyon?

Patchot: Hindi ko siya inaagaw. Ginagawa ko ito para makatulong sa problema ni Tita. Sumali ako para
nakita niyo naman ang tunay na ako, na pwedeng magbago.

 Nakipagsayaw kay Angel

13. Selos

Tagpuan: Covered Court

Costume: (I): Pang-basketball. (P): Pantalon at damit/Naka pinggol

Patchot: Ako yung unang nagmamahal Ivan. Hindi mo ako nakita kahit nasa tabi kita. Pero yung pinsan
ko, minsan mo lang nakita, gusto mo na. Oo!Nagselos ako. Pang-friend zone lang naman kasi ako eh.
(umiiyak)

Ivan: Patchot mahal rin kita eh.

Patchot: Mahal mo rin si Angel diba? Ayokong saktan ang pinsan ko. Alam kong ayaw mo rin siyang
saktan.

14. Entablado/Pageant

Tagpuan: Stage

Kasuotan: Pangkasal
Ivan: Angel, kailangan natin mag-usap. Ayaw kitang saktan, mahal kita. Pero mas mahal ko si Patchot.
Patawad.

 Nagyakap at umiyak

Angel: Maraming salamat sa pagiging matapat mo.

15. Oras na ni Patchot

Tagpuan: Entablado/Pageant

Kasuotan: (A):Pangkasal (P): pang-catering

 Nag-uusap.

Angel: Hindi ako para kay Ivan. Hindi rin para sa kompetisyon na ito. Ikaw ang karapat-dapat.

Patchot: Ha? Paano na ito?

 Nagyakapan.

16. Banggaan

Tagpuan: Likod ng entablado.

Kasuotan: (L): Formal (A): Formal

 Nagbanggaan na may hawak na mga bulaklak ang lalaki.

Lalaki: Ahy, ok ka lang miss?

 Nagpatuloy sa paglalakad.
 Pinulot ang nahulog.
 Tumingin sa isat isa.

17. Slowmo ulit.

Tagpuan: Entablado/Pageant

Kasuotan: (P): Pangkasal (I): Formal/Pangkasal

Ivan: Alam mo Patchot, hindi ko talaga nakita ang slowmo moment sa iyo, fastforward. Magpapakasal
tayo. Patchot, mahal kita. Patawad kung ngayon lang nagbukas ang mga mata ko. Ngayon ko lang nakita
ang totoo. Yung bestfriend ko, siya rin pala ang dream girl ko. At sana, ako rin ang laman ng fastforward
mo.

 Halik sa kamay.

Patchot: Hindi man kami nanalo sa patimpalak na ito, nakita ko naman ang taong mahal ko. Wala pala sa
fastforward o slowmo yan eh, dahil ang tunay na pag-ibig, nakikita mula sa sarili natin. Kung mahal mo
ang sarili mo, mas makikita ka ng taong mahal mo.

Wakas

You might also like