You are on page 1of 2

ARALING PANLIPUNAN

ROLE PLAY SCRIPT


HARANA

Narrator: Habang sa paaralan ng DVRMNHS may dalawang mag-aaral na kapwa nagmamadali na patungo sa kanilang silid aralan. Sa
pagmamadali nagkabanggaan ang dalawa at natapon ang mga libro na dala nang babae.

ENCABO: Ay pasensiya na Miss hindi ko sinasadya. Nagmamadali na kasi ako. (Sabi nang lalaki habang tinutulungan niya ang babae
na pulutin ang mga nahulog na libro)

ZETE: Okey lang. Ako rin eh nagmamadali na. Mahuhuli na rin kasi ako sa klase.

(matapos nilang pulutin ang libro)

ZETE: Sige ha. Salamat mauna na ako.

ENCABO: Sige Pasensiya na ulit.

NARRATOR: Habang nasa loob ng silid-aralan ni ENCABO naguusap sila ng kanyang mga kaibigan.

ENCABO: Alam niyo ba sa dinami dami ng pwede kong makabangga kaninang umaga ay si Zete pa ang nabangga ko.

MAGDASAL: Si Zete? Talaga? Iyong taga kabilang seksyon? Iyong crush na crush mo?

ROMO: Ang tagal na niyan ENCABO ah. Hindi ka pa rin nakadiskarte?

ENCABO: Nakakahiya kaya. Alam mo naman ang ganda niya at ang dami pang nagkakagusto.

MAGDASAL: Malay mo ikaw na pala ang matagal niyang hinihintay.

(Sabay tawanan nang magbarkada)

ROMO: Ligawan mo na. Baka maunahan ka pa nang iba diyan.

ENCABO: Paano ba?

MAGDASAL: Alam ko na haranahin mo kaya?

ENCABO: Ano? Harana? Nakakahiya naman yan.

ROMO: Ano bang nakakahiya dun? Ang harana ay parte nang tradisyonal na kultura nating mga Pilipino. Walang nakakahiya dun
noh.

MAGDASAL: Isipin mo ha? Sa makabago at modernong panahon natin ngayon. Wala nang gumagawa nang ganyan. Iyong iba sa
cellphone na lang nanliligaw at iyong iba naman wala na nga talagang ligaw-ligaw.

Pag ginawa mo yang panghaharana panigurado ako walang binatbat yung iba. At sigurado ako hindi ka niya makakalimutan.

ENCABO: Oo nga noh? Gusto ko rin ipakita sa kanya na malinis ang intensyon ko at handa akong humarap sa mga magulang niya.
Dahil wala naman akong masamang balak.

ROMO: Hindi naman lahat na nanliligaw sa cellphone ay may masama nang balak. Pero para sa akin lang, maganda pa rin yung
tradisyonal na pamamaraanan. Romantic di ba?

ENCABO: Hindi naman ako marunong mag gitara.

MAGDASAL: Eh pasaan ba at naging kaibigan mo ako?

ENCABO: Talaga sasamahan niyo ako?

ROMO: Oo naman ano ka ba?

ENCABO: Sige sige. Ano? mamayang gabi? Sakto walang pasok bukas.
NARRATOR: Pananabik at Kaba ang nararamdaman ni Encabo habang papalapit na ang oras nang kanilang panghaharana.
Pagkatapos nang kanilang klase ay pumunta agad sila sa bahay nina Encabo para mag ensayo sa kanilang kakantahin. Kinagabihan sa
bahay nina Zete. Kasalukuyang nag aaral ang kanyang ate na si Althea. Habang sila ZETE at kaibigang si RAFANAN ay nag uusap nang
may marinig silang kumakanta sa labas.

ZAMI: May namamasko na naman yata.

RAFANAN: Parang pang sampo na yata sila ate.

ZAMI: Oo nga eh. Ubos na nga pera ko. Hindi pa naman dumadating sina nanay at tatay galing trabaho.

(Sabay tawanan nang tatlo)

ZETE: Bakit parang hindi naman yata pampasko yung kinakanta nila?

ZAMI: Oo nga ano?

RAFANAN: Baka may nanghaharana?

(Tawanan ulit ang tatlo.)

ZETE: Hindi na uso ang harana noh. Pero ang sweet kaya nun na may manghaharana sayo. Romantic.

ZAMI: Baka sa kapitbahay yun.

(Tumayo si ZETE at tiningnan ang labas. Nagulat siya dahil ang nanghaharana ay nasa bahay nila at walang iba kundi ang lalaking
nakabangga niya kanina. Nakitingin na rin sina ZAMI at RAFANAN sa labas )

ZAMI: Sino yan?

RAFANAN: Hindi ko kilala yan ate pero parang nakikita ko siya sa paaralan.

ZETE: Siya po iyong nakabangga ko kaninang umaga. (Naguguluhang sabi ni Zete)

RAFANAN: Oi na love at first sight yata sayo.

ZAMI: Ganda natin ah.

(Nang matapos ang kanta)

ENCABO: Magandang gabi po. Pasensiya na po sa disturbo.

ZAMI: Okey lang. Sino po bang hinaharana niyo?

ENCABO: Para po kay ZETE yung kanta na yon. At heto po pala bulaklak para kay ZETE. (Sabay abot nang bulaklak)

ZETE: (Tinanggap ang bulaklak) Salamat.

ENCABO: Pwede po ba akong manligaw?

ZETE: Pasensiya na. Pero wala pa kasi sa isip ko ang mga ganyang bagay. Pag-aaral pa po ang nasa isip ko ngayon.

ENCABO: Okey lang kaya ko naman maghintay.

ZETE: Sige ikaw bahala. Sige papasok na kami. Salamat sa bulaklak.

ENCABO: Sige aalis na rin kami. At salamat sa oras at sa pakikinig.

ZETE: Sige ingat kayo.

(pumasok na sa kanilang bahay sina ZETE, RAFANAN at ZAMI habang sina ENCABO, ROMO at MAGDASAL ay umalis na rin).

NARRATOR: Ang harana ay isa sa tradisyonal na kultura ng Pilipinas. Ito ay ang awit o tugtugin na isinasagawa isang gabi
mula sa labas ng tahanan ng taong pinararangalan o nililigawan. Karaniwan itong ginagampanan ng isang
lalaking manliligaw sa may ibaba ng bintana ng bahay ng kaniyang babaeng nililigawan. Iniaalay niya ang tugtugin at awit
para sa kaniyang sinisinta, nang sa gayon mapagwagian niya ang puso ng sinusuyo at iniibig. Karaniwan itong
nagaganap sa mga lalawigan. Madalas ding sinasaliwan ng tugtugin mula sa isang gitara ang kumakantang tinig ng
lalaking mangingibig.

You might also like