You are on page 1of 8

Mga hindi magbabago:

- Jarred the whole time andoon ka lang sa gilid kung saan nakapwesto ‘yung mga upuan
ng characters
- Yung pinto ng classroom nakaopen lang hanggang matapos tayo sa role play natin kasi
para marinig natin yung narrator
- Yung paglalakad ng mga character especially bida at bff, bagalan niyo ha lalo pag
maraming sasabihin

Papasok na sa paaralan ang binatang nagngangalang Shane. Nagmamadali na ito sa


pag-aayos dahil paparating na ang kanyang kaibigang si James.

*/nag aayos ng uniform si haru

Nanay: Anak, padating na ang iyong kaibigan, nakahanda ka na ba?


Shane: Opo, Nay sandali lang patapos na po.

Habang inaayos ni Shane ang kanyang mga gamit ay nariyan na si James na tumatawag na sa
labas ng kanilang bahay.

*/nagmamadali ka shane na ilagay yung mga notebook sa bag

Tatay: Oh, Anak andito na si, James.


Tatay: Pasok, Hijo. Maupo ka muna.
James: Maganda umaga po, nakahanda na po ba si Shane?
Nanay: Magandang umaga rin, oo, teka ha tawagin ko lang siya.

*/kukunin yung lipstick tapos nakaharap sa mga nanonood pero nakatingin sa lipstick

Abala si Shane sa paglalagay ng mga dadalhin niyang kolorete at hair pins ng makarinig siya ng
yapak kaya dali-dali na niya itong inilagay sa kanyang bag.

*/nilagay sa bulsa yung lipstick at hairpins

Nanay: Nak, nandito na kaibigan mo, lumabas ka na riyan!

Lumabas si Shane na tila’y hindi nataranta.

Tatay: Ang binata ko, napaka gwapo talaga!, May baon ka na ba, Nak?
Shane: Wala pa po, Tay.
Tatay: Ganun ba? Sige, teka lang at kukunin ko lang ang pitaka ko
Shane: Salamat po, Tay. Una na po kami, Nay, Tay!
James: Una na po kami Tita, Tito!
Nanay at Tatay: Ingat mga, Anak!
*/labas kayo ng mismong room james at shane, sunod kayo jewel at joshua dalhin niyo yung
inupuan ni james

*/pag nakalabas na kayong lahat pasok na kayo ulit haru at james, nag lalagay ka na ng lipstick
dito shane tapos after mo mag lipstick lagay mo hairpins mo
*/babasahin mo lang itong line mo jarred pag nakapasok na yung dalawa

Naglalakad na ang magkaibigan papunta sa paaralan. Habang sila ay naglalakad,

Shane: Sensya na, Tol, pinag-antay kita.


James: Ayos lang, ‘di naman ganun katagal.

Napabuntong hininga si Shane.

James: Lalim naman niyan, tol. ‘Di mo pa rin ba nasasabi sa kanila?


Shane: Hindi pa rin, tol. Buti na lang nga natago ko ng mabilis kay nanay itong mga kolorete,
kung hindi magmumukhang chararat ako nito.
James: Eh, bakit ‘di mo nalang kasi sabihin? Matatanggap ka naman nila panigurado.
Shane: Ihh, hindi pa tamang panahon, tol. Pinapangunahan pa rin ako ng kaba, ano na lang
ang iisipin o masasabi ni tatay sa akin.
James: Sa ayaw at gusto mo walang lihim ang hindi nabubunyag. Balang araw ay malalaman
din nila ang totoong "ikaw".

Napaisip si Shane sa sinabi ng kanyang kaibigan hanggang makarating sila sa paaralan.

Shane: Buti nalang di tayo nahuli sa klase.


James: Oo nga, nagawa mo pang matapos ‘yang pagpapaganda mo.
Shane: Syempre, ako pa ba!

*/nakaside yung mga upuan natin sa classroom tapos nakatingin niyan tayo sa pader, pag nasa
claroom na kunwari nagsusulat ganon ganon

*/Jarred ikaw yung may control sa pagpapatunog ng bell bali niyan wait ka lang 10 secs tapos
iplay mo na yung tunog ng bell

Tumunog na ang bell, hudyat na tapos na ang klase.

Shane: Tara, dali!


James: Ito na, teka lang naman.

Dali-daling umalis ang dalawa sa silid aralan.

Paolo: Pre, ‘di mo ba napapansin laging magkasama ‘ang dalawang ‘yon.


Nathaniel: Oo nga, nakikita ko rin silang pumupunta madalas sa pribadong lugar.
Paul: Bakla rin ‘yang si J, hindi lang halata. Baka nga magjowa iyong dalawang ‘yon eh.
Ashley: Magsitigil nga kayo! Magkaibigan lang si James at si Shane.
Paul: Paano mo nasabi?
Ashley: Parang hindi pa kayo nasanay sa kanilang dalawa, magkalapit lang ang bahay nila
malamang sabay sila palagi pauwi. Makakatipid si James sa pamasahe kaya ganun.
Nathaniel: Oh, bakit si James lang binanggit mo?
Paul: May gusto ka kay James, ‘no?

Humalakhak ang tatlong lalaki na siya namang kinairita ng babae kaya nagmadali itong
lumabas sa silid-aralan.

*/lalabas si ashley ng mismong classroom


*/yung tatlong boys susunod after 2 seconds

*/papasok ulit sa room

Ashley: Paano kung may gusto nga si James kay Shane? Paano kung may gusto sila sa isa’t
isa? Baka hindi lang talaga sila magkaibigan, baka higit pa roon? Ay di bale na lang,
oobeserbahan ko na lang sila, tutal trio naman kami.

*/ashley lalabas ng room

Sumapit ang umaga, ganoon pa rin, pupuntahan ni James si Shane upang sabay silang
makapasok sa paaralan.

*/james lakad ka papunta kay shane, shane kunwari nagaantay ka sa kanto tapos sabay na non
lalakad papuntang room

*/shane makikita mo si ash sa may bandang likod mo kaya hihilain mo siya sabay sabi ng line
mo

Shane: Ash!, tabi ka rito sa akin ‘di naman papasok ang adviser natin walang sitting
arrangement niyan.

*/ paul hilain mo yung upuan, James sa may tabi ka ni Paul uupo, be alert James hilain mo
kaagad kay paul yung upuan para di ako mapaupo sa sahig

*/jarred after ng line ni Shane basahin mo na agad ‘tong narration about sa paupo na sa ang
dalaga, wag mo kong aantayin makaupo

Paupo na sana ang dalaga ng alisin ng loko-loko nilang kaklase ang uupuan ni Ashley mabuti
na lamang at nahablot agad ni James ang upuan kaya hindi tuluyang bumagsak ang dalaga.
*/jarred wait ka ng 5 secs bago mo patunugin ‘yong bell, nagtatawanan lang tayo dito james
tayo lang nagpapansin, di tayo titigil magpansinan hanggat di tumutunog yung bell

Tumunog na ang bell, hudyat na magsisimula na ang klase.

*/paul labas ka agad ng classroom dito unahan mo si james at shane

Shane: Tara, dali!


James: Ito na, teka lang naman.

*/punta kayong dalawa james at shane sa may malapit sa pinto ng mismong classroom

Sinundan ng babae ang dalawa upang makita kung ano nga ba ang kanilang ginagawa
pagkatapos ng klase at bakit palagi silang nagmamadali. Doon nga ay tumambad na
tinutulungan ni James si Shane upang burahin ang mga koloreteng nakalapat sa kanyang mga
mukha. Hindi gumawa ng kahit anong ingay ang dalaga, bagkus ay naawa siya sa isa niyang
kaibigan dahil ang buong akala nito ay tanggap siya ng pamilya niya sa kung ano siya.

*/labas kayo ng totoong classroom shane at james after magbasa ng narrator

Ashley: ‘Yon lamang pala ang kanilang ginagawa, sabi na eh, tama ako, sadyang busilak
lamang ang puso ni James kaya niya tinutulungan ang aming kaibigan. Kaya gustong- gusto ko
siya eh! Bukas aamin na ako, sigurado may gusto rin sa akin ‘yon, halata naman sa mga
aksyon niya.

*/ashley lalabas ng room

Panibagong araw na naman ang sumikat, sabay na pumasok ang dalawa sa klase, maaga sila
kumpara sa oras ng talagang pagpasok nila dahil may mensahe silang natanggap galing kay
Ashley na naglalamang pumasok sila ng maaga dahil may gusto siyang sabihin kay James.

*/ james at shane papasok kayo after basahin ni jarred line niya


*/sa gitna lang kayo james at shane wag muna kayong pupunta sa mga upuan

Pagdating ng dalawa sa paaralan tinawag agad ni Ashley si James at Shane upang makita siya
ng mga ito. Lumapit sila kay Ashley, at bungad naman ng dalaga ay,

Ashley: Shane, mauna ka na sa silid-aralan may importante lang akong sasabihin kay, James.
Shane: Ganun ba, sige mauna na ako sa inyo.

*/shane punta ka niyan doon sa upuan mo

Tulalang nakatingin si James kay Shane habang papalayo ito. Hindi niya napansin na kanina pa
siya kinakawayan ni Ashley upang bumalik ang kanyang ulirat.
Ashley: Hoy!
James: Ay, pasensya, andyan ka pala ano ba ‘yon?
Ashley: Nakabibigla itong sasabihin ko, pero wag kang mabibigla ha?
James: Oh, ano ba ‘yon?
Ashley: Gusto kita, matagal na. Nag aalangan ako nung una na aminin sa’yo ‘to dahil akala ko
may namamagitan sa inyo ni Shane, pero kahapon napatunayan ko na wala. Sadyang mabait
ka lang kaya andyan ka palagi para sa kanya na siya namang dahilan para lalo kitang gustuhi-
James: Tama na, hindi ako mabait lang sa kanya may gusto ako sa kanya. Pasensya, ngunit
hindi ko maibabalik ang nararamdaman mo para sa akin, iba ang gusto ko.
Ashley: Ha? Eh ano pa pala ‘yong mga aksyon mo pag dating sa akin? ‘Yong mga pag ngiti
mo? Umasa lang pala ako, ganun?
James: Pasensya na, walang malisy-

*/mauunang maglakad papunta sa room si ashley pag nakaupo na si ashley don ka pa lang
pupunta non sa upuan mo james

Hindi na pinatapos magsalita ng dalaga ang lalaki, binangga niya ito at patuloy na nagtungo
papunta sa kanilang silid-aralan.

*/after mo basahin to jarred wait ng 5 secs then play mo na ‘yong bell

Matapos ang klase ay ganun pa rin ang ginawa ng magkaibigang James at Shane, minadali ni
Shane si James upang makapunta na sila sa tagong lugar.

*/takbo kayo palabas ng room shane at james, susunod din ako palabas

*/ jewel and joshua pasok kayo ulit ng classroom doon sa may gitna, bilisan niyo no

Ashley: Tao po!


Nanay: Sino yan? Sandali lang.

*/ jewel nagpupunas ka ng blackboard pero pa side ka lang no para walang blockings

Itinigil ng Nanay ni Shane ang kanyang ginagawa ng marinig ang tawag na nanggagaling sa
labas ng kanilang bahay.

*/ haharap ka lang kay ashley jewel tapos konting lakad

Nanay: Oh, hija, kaklase mo sila Shane ‘di ba? Nasaan sila, bakit hindi pa kayo
nagsabay-sabay pauwi?
Ashley: Hindi ko na po sasagutin ‘yang mga tanong niyo. Nandito lang po ako para sabihin na
bakla po ang anak niyo!
*/joshua nakaupo ka lang tapos pag narinig mo na yung ‘bakla’ tatayo ka tapos lalapitan mo si
jewel

Tatay: Sinong bakla ang pinagsasabi mo ha?


Ashley: Papasok po iyan sa paaralan ng nakakolorete, at aalisin niya po lahat ng iyon bago mag
uwian para maitago sa inyo kung sino ba talaga ang totoong siya.
Nanay: Kumalma ka, kausapin natin ang anak mo pagdating niya.

Iniwan ni Ashley ang mga magulang ni Shane ng lito ngunit wala siyang pakialam dahil ang
mahalaga lang sa kanya ay mabuko ang sikreto ni Shane.

*/lalabas ng classroom si ashley

*/upo ka ulit joshua tapos ikaw jewel parang sumisilip ka sa may pinto pero di ka gumagalaw sa
pwesto mo, ulo mo lang

Shane: James, paano ko ba sasabihin sa magulang ko na bading ako, baka hindi nila ako
matanggap.
J: Huwag ka mag-alala dahil anak ka nila, matatanggap nila kung ano at sino ka man.
Shane: Salamat, tol, ha. Pag uwi sasabihin ko na kila Nanay at Tatay.

Naghiwalay na ng landas ang dalawa, tuluyan ng nakauwi si Shane sa kanilang bahay.

*/jewel hug mo agad si shane wag mo hintayin yung line ni jarred, tapos joshua bilisan mo
tumayo tapos hug mo rin silang dalawa, no blockings so paside kayo jewel at shane, ikaw
naman joshua doon ka dadaan sa may likod wag sa harap para di ka nakatalikod sa viewers

*/jarred basahin mo agad line pag nakita mong ihuhug na ni jewel si shane

Sinalubong ng mahigpit na yakap si Shane galing sa kanyang Nanay at Tatay.

*/hiwalay ng yakap

Nanay: Alam na namin lahat, Anak.

*/james nasa may pintuan ka ng room, dapat nakikita ka ng viewers na andon no tapos naka
smile kang nakatingin sa pamilya ni shane

Tatay: Hindi mo naman kailangan na magtago pa, mga magulang mo kami tatanggapin ka
namin kahit pa anong mangyari.

*/alis ka na after ng line ni joshua james


Nagulat, masaya, nangingilid ang mga luha, halo halong ekspresyon ang naramdaman ni
Shane. Ganun din ang kanyang kaibigan na si J na nasa labas ng kanilang bahay dahil may
ihahabol sanang naiwan na gamit ni Shane.

*/labas kayo ulit shane, jewel, joshua. Shane dalian mo lumabas kasi ilalagay yung hairclips

Pagsapit ng umaga

*/shane kunwari nagwawait ka sa kanto

James: Aba, maganda yata ang gising mo? Ito nga pala yung lipstick mo nahulog kahapon ‘di
ko na naihabol.
Shane: Ay, Diyos ko akala ko nawala ko na ito. Pero sobrang ganda ng gising ko, alam na nila
mama ang sikreto ko at tanggap nila ako!
Shane: Pero di ko alam kung paano nila nalaman kaagad, pag uwi ko kasi sasabihin ko pa lang
sana sila pero bigla akong niyakap ni Nanay at Tatay, sabay sabing tanggap daw nila ako kahit
sino pa ako. Sino kayang nagsabi sa kanila, gusto kong magpasalamat.

*/lagay ka lipstick after mo magsalita

Pagdating sa silid-aralan agad hinanap ni James si Ashley upang makausap.

*/james hilain mo si ashley papunta sa gitna, wag ka munang bibitaw hanggat di siya
nagpumiglas/nagpapabitaw

James: Ikaw ba ang nagsabi sa mga magulang ni Shane?


Ashley: Ano ba, nasasaktan ako! Ano ba’ng pinagsasabi mo riyan?
J: Bukod sa akin ikaw lang ang may alam pa sa sikreto ni Shane.
Ashley: Oh, alam mo naman pala eh, ano naman sa iyo? Ikaw ba yung napagalitan o nasaktan
ng mga magulang niya?
J: Pasalamat ka at hindi natupad ‘yang iniisip mo, hindi siya sinaktan pero kung mangyari man
‘yon sisiguraduhin kong mananagot ka.

Lumikod at bumalik na sa loob ng silid-aralan ang dalaga. Habang nagmamarka ang galit sa
mukha nito ay ligaya naman ang dumadaloy sa buong pagkatao ni Shane.

*/patunugin mo muna bell jarred before ituloy next line

Tumunog na ang hudyat ng pagtatapos ng klase kaya naman ay sabay ng umuwi sa Shane at
James.

*/tayo sa upuan shane at james tapos lakad palabas ng mismong classroom pero bagalan lang
kasi need niyo ng moment dito
Shane: Wala ng sasaya at gaganda pa sa araw na’to.

Nakatitig ang binatilyo kay Shane.

J: Oo nga eh, ang ganda


Shane: Baka naman malusaw ako niyan, titig malagkit ka riyan ah.
J: Heh, oo nga pala nalaman ko na kung sino ang nagsabi sa mga magulang mo.
Shane: Talaga? Bilis mo ah, oh sino ba iyon?
J: Si Ashley, umamin kasi siya sa akin kahapon may gusto raw siya sa akin eh hindi ko naman
siya gusto kasi ikaw ang gusto ko, kaya ayon nagalit akala niya siguro magkakalayo tayo kung
sakaling malaman ng mga magulang mo ang tungkol sa sexualidad mo.
Shane: Ha? Ako? May gusto ka sa akin?
J: Oo, pasensya na higit pa sa kaibigan ang tingin ko sa iyo.
Shane: Pasensya na pero hanggang pagkakaibigan lang ang kaya kong maibigay. Marami pa
akong plano kaya hindi ko pa naiisip ang makipagrelasyon.

Binalot ng katahimikan ang dalawa hanggang sa makarating na sila sa kani-kanilang mga


tahanan.

*/shane labas ka ng mismong classroom


*/ james maiwan ka tapos jarred play mo yung karaoke kasi kakanta si james
*/ jarred hanggang don lang sa ‘hindi tayo pwede’ after ng kanta ni james ituloy mo line mo
*/labas ka ng room james after mo kumanta

Walang nagbago sa dalawa bukod sa napakawalan na nila pareho ang mga sikretong
nagkukulong sa kanila at doon na nagtatapos ang kwentong ito.

*/habang binasabasa ni jarred last line niya pasok ulit kayong dalawa ni shane, james kunin mo
yung bag ni shane, tapos susunod na pumasok lahat ng characters tapos lined up then bow.

You might also like