You are on page 1of 6

Filipino (GROUP 2)

TAUHAN:

NARRATOR: Charrize zurbano

BIDANG BABAE: Heun Samus as FAYE

BIDANG LALAKI: Avinash Cabrera as SEBASTIAN

NANAY NG BABAE: Chezka Guerzon as ANDRA

TATAY NG BABAE: Xavier Gonzales as ENZO

KAPATID NG BABAE: Cris Viernes as MATEO

TUNAY NA KAIBIGAN NG BABAE: Grazelyn Zurbano, Loureene Herbon & Fatima Reniva as MICAELA,
IRISH AND YANNIE

PEKENG KAIBIGAN: Rhysa Salucio as CALISTA

SCENE 1:

Isang karaniwang araw habang sinusuklayan ni Andra ang kanyang anak na si Faye biglang tanong ni
Andra

ANDRA: “Anak ano bang kurso ang kukunin mo pag nag kolehiyo kana?”

FAYE: “Gusto ko po sana kumuha ng architecture”

ANDRA: “Magandang kurso yan anak kaya wag ka muna mag aasawa ng maaga dahil ang pag aasawa ay
hindi biro malaking responsibilidad ito kailangang maging handa ka para sa mga bagay na iyan”

FAYE: “Opo ma,alam ko naman po yon”.

Scene 2:

(Sa eskwela)

Si faye ay sikat na estudyante sa kanyang paaralan dahil sa galing niyang gumuhit. Lagi siyang nananalo
sa mga poster contest sa kanyang paaralan kaya hindi naman nakakapagtaka na marami ang
nagkakagusto sa kanya at isa na doon si Sebastian.

SEBASTIAN: “Faye puwede ba kitang maging girlfriend?”

FAYE: “Sebastian hindi ako sigurado kase eh, dahil bawal pa ako magka boyfriend”

SEBASTIAN: “Itatago naman natin”(sabay hawak sa kamay ni faye)

Di nag tagal sinagot na ni faye si Sebastian, lagi silang nag kikita pag katapos nang klase. Madalas na ang
pag uwi ni faye ng late at napapansin na ito ng kanyang mga magulang. Pag uwi ni faye sa kanilang
bahay galing sa eskwelahan.
ANDRA: “ Faye anak bat napapansin kong napapadalas na ang pag uwi mo ng late “

MATEO: “ Siguro nay mag jowa na iyan si faye” pabiru netong sabi sabay tawa ANDRA ‘ totoo ba iyon
faye may boyfriend kana?”

FAYE: “ Wala po inay” (sabay punta neto sa kanyang kwarto)

SCENCE 3:

( sa eskwelahan)

IRISH: “ faye kailan moba sasabihin sa mga magulang mo na kayo na ni Sebastian?”

MICAELA: “ oo nga faye kapag pinatagal mo pa iyan mas lalong magagalit sa iyo ang mga magulang mo”

YANNIE: Lalo ka lang mapapagalitan kamo

FAYE: “ oo alam kong magagalit sakin ang inay dahil pinag babawal nya na mag boyfriend ako,pero
sasabihin ko nmn ito nag hahanap lang ako ng mgandang chempo”

CALISTA: “ Alm nyo hayaan nyo na si Faye Malaki na sya, alm nya na Ang kanyang ginagawa.

Scene 4: Habang kumakain ng Street food sina faye at Sebastian


SEBASTIAN: Happy Monthsary Mahal (Sabay yakap kay faye)
FAYE: Happy Monthsary. Sa hindi inaasahan nakita ng kuya ni faye sina faye at sebastian na
nagyayakapan
MATEO: (Hinatak bi mates si faye palayo kay sebastian) "Faye ano to?! Sino yang kasama mo?" FAYE
Kuya??
MATEO: Uulitin ko sino yang kasama mo??(galit na sabi ni mateo)
FAYE: "Boyriend ko kuya"
(Sinapak ni mateo si sebastian)
MATEO: "Alam mo namang bawal pa diba!!(sabay hawak sa braso ni faye)
FAYE: "Kuya anong gagawin ko mahal ko eh"
MATEO: "MAHAL!!!(sabay tawa)Hihiwalayan mo yan o sasabihin ko yang pinag gagagawa mo kila
mama?!?
FAYE: Ayoko kuya!!!
MATEO: "Halika na uuwi na tayo"
SEBASTIAN: Fayee!!!!
Scene 5: Isang araw nag lakas loob si faye na ipinakilala si Sebastian sa kanyang mga magulang FAYE
"Ma,Pa, Kuya ito nga pala si Sebastian boyfriend ko" (Kinakabahang sabi ni faye) Nagulat ang magulang
at kuya niya. Hindi nila inaasahan ito dahil sa mga pangaral nila kay faye simula bata pa
ENZO: "Ano!!! Lintek ka talagang bata ka!!"
ANDRA: Anak naman!! Alam mo namang bawal eh bata pa kayo wag nyo madaliin ang mga bagay
bagay
FAYE: Sorry Ma
ENZO: Hiwalayan mo yan!!(galit na sabi ni enzo habang tinuturo si sebastian)
FAYE: "Ayoko po"(sabi niya habang umiiling)
ENZO: Nagmamatigas ka talaga!!!
MATEO: Pa tama na(habang pinahihinahon ang ama)
ENZO: Kung ayaw mo kong sundin lumayas kana!! Umalis kana sa pamamahay ko!!!(Habang tinuturo
ang pintuan)
ANDRA: Mahal naman wag kang ganyan.
MATEO: Pa!!!
FAYE: Ma,Pa, Kuya Sorry po talaga. Naiiyak na sabi ni faye Hinatak ni faye ang kamay ni Sebastian
palabas ng kanilang bahay.

Scene 6: Makalipas ang ilang buwan napansin ng mga kaibigan ni Faye na hindi na pumapasok ng
paaralan ang kanilang kaibigan.
IRISH: "Ano kaya ang nangyari kila faye?"
CALISTA: "Oo nga eh mahigit isang buwan na din silang hindi pumapasok sa paaralan, nag aalala na ako
sakanila"
MICHAELLA: "Kahit ako ay nag aalala na rin sakanila, kamusta na kaya sila?"

Scene 7: Matapos ang nangyari sa bahay nina faye napagdesisyonan nila faye na tumigil muna sa pag-
aaral at mag pakalayo layo muna. (Sa inuupahang bahay nina faye at sebastian)
SEBASTIAN: Mahal, may nag aalok sakin ng trabaho malapit lang dito sa atin gusto ko sanang pasukan
para naman may pangbayad tayo sa gastusin dito sa bahay
FAYE: Sige mahal maghahanap na rin ako ng trabaho para extra income na din natin
SEBASTIAN: ’Faye kung magpakasal na kaya tayo
FAYE:: Sigurado kaba?masyado pa tayong maraming gastusin dito sa bahay para dyan
SEBASTIAN:: Oo naman hahanap tayo ng paraan, lahat naman nagagawan ng paraan
Scene 8: Sila ay tuluyan na ngang ikinasal. Noong una ay masaya silang nagsasama hanggang sa
natanggal si Sebastian sa kaniyang trabaho at ditto na magsisimula ang pagsubok sa relasyon nilang mag-
asawa
(Gabi sa kanilang bahay)
FAYE: Mahal nakahanap ka naba ng trabaho?
Mahinahong sabi ni faye
SEBASTIAN: Minamadali mob a ako?! (Pasigaw na sabi ni Sebastian)
FAYE: Hindi naman sa ganon
SEBASTIAN: Hindi eh minamadali mo ko(Sabay turo kay faye) hindi kaba maka pag antay?! Mukha ka
talagang pera
FAYE: Grabe ka naman!! Ako na nga nag ta-trabaho sa ating dalawa tas ganyan kapa??! ( Galit na sagot
ni faye). Iniintindi nalang kita. Pagod na pagod na ako mag trabaho (Sabay turo kay Sebastian)
SEBASTIAN: Pagod ka pa niyan?! Siguro nga nakikipag landian ka pa don eh!! May lalaki kana siguro
noh?!
FAYE: Ano bang pinagsasabi mo! Hibang kaba?Nag ta-trabaho ako ng matino at tsaka Asawa kita dapat
pinag kakatiwalaan mo ako!!!
SEBASTIAN: Bahala ka sa buhay mo!! (sabay lumabas ng bahay)

Scene 9:

Ilang lingo na ang nakakalipas madalas nang hindi nakakauwi si faye ng maaga. Uuwi man ito ay tulog na
ang asawa. Isang karaniwang araw may kumatok sa bahay nina Sebastian at faye.

CALISTA: Faye?? Fayeee???

SEBASTIAN: Sandali lang!! Oh ikaw pala yan calista. Pasok ka muna ( binuksan ang pinto)

CALISTA: Salamat(pumasok sa bahay) Andyan ba si faye?

SEBASTIAN: Wala pa eh nasa trabaho pa

CALISTA: Ganun ba

SEBASTIAN: Ano bang inumin gusto? Tubig, Juice??

CALISTA: Ahh kahit tubig nalang

SEBASTIAN: Sigee. Saglit lang ah

CALISTA: Salamat. Kamusta naman kayo ni faye?? Maayos ba kayo?


SEBASTIAN: Ito kinakaya. Simula ng natanggal ako sa trabaho madalas na kaming nag aaway. Minsan nga
nararamdaman ko wala akong kwenta kase si faye ang bumubuhay saming dalawa

CALISTA: Ganun ba? Alam mo kung ako si faye iintindihin nalang kita

Scene 10: Simula noon dumadalas na ang pagdalaw ni calista sa bahay nina Sebastian. Dahil sa dalas ng
pag kikita nila hindi nila namamalayan na may mali na silang nararamdaman para sa isat isa. Pero kahit
alam nila ito ipinag patuloy nila ito.

CALISTA: Mali ito Sebastian!! Kaibigan ko ang asawa mo

SEBASTIAN: Hindi naman malalaman ni faye maliban kung sasabihin mo (sabay hawak sa kamay ni
calista)

CALISTA: Hindi ko alam(sabay iling)

SEBASTIAN: Mahal kita calista (sabay yakap)

CALISTA: Mahal din naman kita pero

FAYE:Ano toh!!

CALISTA: Faye??

(sasabunutan ni faye si calista)

FAYE: Kaibigan kita!! Pinagkatiwalaan kita!!

SEBASTIAN: Faye tama na(habang pinipigilan si faye)

FAYE: Bitawan mo ko!! Minahal kita pinaglaban kita sa pamilya ko tapos gaganituhin mo lang ako!!

CALISTA: Faye sorry

FAYE: Tumahimik ka!! Sa lahat ng kaibigan ng kaibigan ko ikaw ang hindi ko inaasahang gaganituhin
ako!!

SEBASTIAN: Hindi ko sinasadya faye

FAYE: Mga wala kayong kwenta!! Maghiwalay na tayo!! (lalabas ng bahay)

(Niyakap ni Sebastian si calista)

Scene 11: At tuluyan na nga naghiwalay sina faye at sebastian. Nang dahil sa nangyari napagdesisyunan
ni faye na umuwi na nalang sa bahay ng kanyang magulang

(Pumasok si faye sa kanilang bahay at tumakbo papalapit sa kaniyang nanay noong nakit niya ito)

ANDRA: Oh anak bakit ka umiiyak?

FAYE: Ma,Pa,Kuya hiwalay na po kami(habang umiiyak)


ENZO: Sabi ko na nga ba eh wala talagang kwenta yung taong yun eh!!

MATEO: Nasan na ba yung lalaking yun ng masapak ko!! (sabay punta sa pinto)

ENZO: Tama ang kuya mo sino siya para saktan ka!!

ANDRA: Ano ba kayong dalawa wag nga kayong ganyan. (Hinawakan ang mukha ni faye) Ngayon anak
alam mona na ang pag aasawa ay di biro.At mas lalong hindi ito minamadali sana mag silbi itong aral
sayo

FAYE: Opo ma

ENZO: Halika nga dto faye (niyakap si faye) Tatay mo ako kaya nagaalala ako sayo.Bata ka pa faye
marami ka pang mapagdadaanan sa buhay sana wag madaliin ang mga bagay bagay lalo na ang pag
aasawa dahil hindi ito biro. Wag kang mag alala makakahanap ka pa ng mas matinong lalaki kesa sa
mukhang aso na iyon

ANDRA: Hoyy

MATEO: Totoo naman kase ma

(At nag tawanan ang pamilya)

-AT DOON NA NAGTATAPOS ANG KWENTO

You might also like