You are on page 1of 6

SOBRE

Isinulat ni: Micaela Bautista

Sa bawat hampas ng alon ng dalampasigan at sa


tuwing bukang-liwayway laging laman ng isip ni Xena ang
kanyang kababata na si Ace.
Sila ay matalik na magkaibigan nagsimula ang kanilang
pagkakaibigan noong dinala si Ace ng kanyang mga
magulang sa Hevas isang bahay ampunan kung saan
naroroon din si Xena. Bahid sa mukha ni Ace na hindi siya
hinuhod sa desisyon ng kanyang mga magulang. “Maari
mo bang ipakilala ang iyong sarili saiyong mga kapatid?”
nagagalak na tanong ni Mama Isabella (ang punong
namamalakad sa Hevas). “Ang aking ngalan ay si Ace
Craige, at ayoko sa presensya ng kahit na sino.”
Napukaw ang interes ni Xena.

Nakalipas ang tatlong araw napansin ni Xena ang


palagiang gawi ni Ace. Lagi itong nagbabasa sa ilalim ng
puno kungsaan tanaw ang dalampasigan, sa bawat
tangkang paglapit ni Xena ay hindi pa rin nito napupukaw
ang atensyon ng binatilyo. Hanggang sa isang dapit-
hapon , napukaw ang atensyon ni Ace sa isang pamilyar
na tono, sinundan ng kanyang mga ang himig dinala siya
nito sa dalampasigan. Bumuntong sa harapan ni Xena si
Ace at ito ay luhaan nagging dahilan ito ng paghinton niya
sa pagtugtog ng flute. “B-bakit? Anong nangyari sa’yo”
nagaalalang sambit ni Xena. “Ang piyesa na tinutugtog mo
ay minsan ko ng narinig” nanginginig ang pagbigkas ni
Ace, “Kung ako’y iyong pahihitulutan, maari ko bang
itanong kung bakit?” labis na naguguluhan si Xena sa
nasabi ni Ace kaya naman naintriga siya rito “Xena,
minsan lang ako maglahad ng aking damdamin. Ipangako
mo saakin na walang ibang makakaalam nito” Tinanguan
lamang siya ni Xena. “Ang tono na iyong tinutugtog, ay
ang tanging alala ko na lamang saaking ina… Ang nakilala
niyong mga magulang ko ay ang aking adoptive parents.
Iniligaw ako ng totoo kong magulang sa ‘di ko matukoy na
dahilan, nakita ako ni Mrs. Fin at Dr. Den at inalok nila ako
ng matitirhan, hindi nagging mabuti ang pagtrato nila
saakin ginawa nila akong alipin nalugi nang nalugi ang
kanilang bisnes at mas lalong naginit ang kanilang mga
kamay saakin dumating na nga lang sa puntong kailangan
na nila akong ipaampon kaysa naman na maisyu pa ang
kanilang pangalan nang tumungtong ako rito sa Hevas,
wala akong kasiguraduhan sa mangyayari saakin kaya
ganon na lamang ang aking nasabi.” Mangiyak-ngiyak na
wika ni Ace. At tila ba naninikip ang dibdib nito. Binigyan ni
Xena ng nakakagunaw na ngiti si Ace “Ace, batid kong
marami kang pinagdaanan ngunit, ang mga tao rito sa
Hevas ay mabubuti. Aayos din ang lahat, kaibigan.”
Napayakap nalamang si Ace kay Xena. “Nandito lang
pala kayo Xena at Ace halika na’t handa na ang hapunan”
wika ni Mama Isabella.

Naging maayos ang lahat sa pagitan ni Xena at Ace.


Minsan ay natatawa na lamang si Mama Isabella sa
tuwing hinahanap niya ang isa sakanila ay lagi niya itong
natatagpuang magkasama. Puno ng kaligayahan ang
puso ni Mama Isabella kahit paano ay nakikita niya na si
Ace na nakikipagsalamuha sa kanyang mga kapatid
“Hindi, mo alam kung gaanong kalaki ang natulong sa
bata na ito. Xena, salamat.”

Isang araw, nagtipon ang lahat sa bulwagan kung


saan ipinakilala ni Mama Isabella ang isang babae “Nais
kong ipakilala sainyo si Madam Anna, siya ay isa sa ating
pangunahin sponsor sa ating tahahan, dahil sakanya ay
mayroon tayong mga binhing itinatanim na nagiging
sangkap sa ating mga kinakain. Kanya niyang itatanghal
ang kaniyang natatanging talent.” Tumaas ang mga
balahibo ni Ace ng marinig niya ang pamilyar na tono na
itinutugtog ni Madam Anna napatayo siya sa kaniyang
kinauupuan at agad naman itong sinundan ni Xena nakita
nito na para bang hirap na hirap huminga ngunit hindi niya
ito binigyan ng ibang pagpapakahulugan. “Ace, alam mo
baang itsura ng iyong nanay, mapapatawad mo kaya
siya?” hindi nakakibo si Ace dahil sa kakilabot-kilabot na
kanyang mga karanasan ay hindgi niya na maalala ang
mukha ng kanyang ina. “Nung una ay kinasusuklaman ko
siya, pero habang ako ay tumatanda napagtanto ko
saaking sarili na baka mayroong malalim na rason kung
bakit nagawa iyon saakin ng aking ina. Wala akong
karapatan para siya ay kasuklaman.’’ Napabuntog hininga
nalamang si Xena sa kanyang mga
narinig.

Nakailang bisita na si Madam Anna sa Hevas. “Ayos


na ba ang lahat, Isabella?’’ bigkas ni Madam Anna “Opo,
Madam”. Naguluhan si Ace kung bakit siya pinagaayos ng
gamit ni Isabella.
“Masusunod po, mama”
“Sumunod ka nalamang sa opisina ho, may
nagiintay sa’yo”

Nakasalubong ni Xena si Ace, nagtataka ito bakit


nakaimpake.

“Anong meron, Ace”


“Malalaman natin, Xena” ngitian niya lamang ito

Nang nakarating na si Ace sa opisina. Nadatnan niya


si Madam Anna lumapit ito sakanya at tinignan ang likod
nito nakita nitong may balat ito. “Siya nga Isabelle”
nagagalak na pagkasabi ni Madam Anna,
“Iho, sana maunwaan mo ang lahat hayaan mo muna si
Madam magsalita.” Bigkas ni Mama Isabelle, napatango
na lamang si Ace.
“Ace, ako ang iyong nanay pagkatapos ng unang bisita ko
rito ay tinignan ko ang record ng bawat isa sainyo dahil
nagbabalak ako na magampon, ngunit nakita ko ang
record mo at angkop na angkop ito sa anak ko. Sinadya
kong walain ka sa siyudad, dahil saking paghihignagpis ng
mamatay ang iyong ama dahil sa sugal nawala ang aking
tino inisip ko na mas makabubuti kung iwan kita dahil
akala ko’y makabubuti ito para sa’yo, ngunit mali ako.
Hindi dapat kita iniwan, at hindi rason iyon para talikuran
ang aking responsibilidad bilang ina. Noon walang-wala
ako para itaguyod ka ngayon, kumikita na ako ng higit sa
sapat para bigyan ka ng tahanan’’
“Ikaw nga, matagal na rin kitang hinahanap. Ngunit,
napamahal na rin ako sa pamilya ko rito. Maiintindihan
naman nila ako pag sumama sa’yo diba, mama?”

Napayakap nalang si Madam Anna kay Ace. Naging


malungkot ang pagalis ni Ace sa Hevas. At, naging
mahirap ito sakanilang lahat lalo na kay Xena. Hindi alam
ni Xena na may sakit sa puso si Ace. Pagkalabas na
pagkalabas ni Ace sa Hevas ay ipinakonsulta siya agad sa
ospital ng kanyang ina dahil nung isinilang niya ito ay na
diagnosed Coronary Artery Disease o sakit sa puso.
Marami na ang taong nakalipas bago uli napakonsulta si
Ace sa doctor at alam ni Ace sa sarili niya na lumalala ang
kanyang sakit. Malungkot man, pero sumang-ayon
nalamang si Anna sa sinabi ng doctor na mas makakabuti
kung pananatilihin si Ace sa ospital.

Nakalipas na ang buwan, pahina na nang pahina ang


katawan ni Ace ang kaniyang natitirang lakas ay itunuon
niya sa pag gawa ng liham para sa kanyang matalik na
kaibigan.

Isang gabi sa Hevas, masayang-masaya si Xena na


nakikipaglaro sakanyag mga kapatid ng tawagin siya ni
Isabelle.

“Xena, sa sobre na iyan nakapaloob ang liham na


nanggaling kay madam anna”

Nakangiti si Anna nangbuksan niya ang sobre dahil


malamang sa malamang ay balita ito tungkol sa kaniyang
kaibigan. Ngunit… napaluhod nalamang siya at
humagulgol ng iyak . Nang tignan ni Isabelle ang liham
nakasulat dito na pumanaw na ang matalik na kaibgan ni
Xena.

Tuwing dapit-hapon lumalabas si Xena upang


sumayaw kasama ang mga alon habang tinutugtog ang
kanyang flute, sa ganitong paraan naiibsan ang kaniyang
lungkot dahil lamang nadarama niya ang presensya ng
kanyang matalik na kaibigan.

“Ace, napaka konti man ng oras na tayo ay


magkasama, pero sa mga oras na ‘yon alam kong masaya
ako at ligtas ako ikaw lang ang tanging kaibigan ko na
nagpadama sakin na espesyal ako, pinaunawa mo saakin
ang mga bagay ay may oras lamang. Hanggang sa muli,
kaibigan”

You might also like