You are on page 1of 3

ANG HULING SINING

“ Sa mundong puno nang paghihinagpis, ikaw ang nag bigay ng kulay sa aking
mga sining na iginuguhit.“

Tirik na tirik ang araw noon, maalinsangan ang panahon, maririnig sa isang
sulok ng paaralan ang hikbi ng isang binatang tila pinagkaitan ng
pagkakataon. Napapailaliman ng matatayog na puno, mararamdaman ang
malamig na ihip ng hangin na lalong nagpalumbay sa binata.
Iginuguhit ang nakaraang pag-ibig na nag-dulot ng pagkawasak ng kanyang
damdamin. Kahit na puno na ng luha ang kanyang ginuguhitan, patuloy pa rin
niya itong ginagawa dahil sa pangungulilang nararamdaman sa kanyang
sinisinta.
Habang ina-alala ang nakaraang pag-ibig, nangingibabaw ang nakabibinging
katahimikan ng paligid. Tila’y maayroong anghel na bumaba galing sa
kalangitan para mag-abot sa kanya ng panyo at punasan ang ,ga luhang
walang tigil sa pag-agos sa kanyang mga mata. Sa kanayang pag lingon nakita
niya ang nakakasilaw na dalagang pumawi ng kanyang kalungkutan. Bigla
siyang hindi naka pag salita, walang tinig na lumalabas sa kanyang bibig ng
bigla siyang tinabihan ng napaka among dalaga. Huminto ang pag-ikot ng
kanayang mundo at bumilis ang pintig ng kanyang puso. Ngunit naudlot ang
pagkamanghang nararamdaman nang mayroong malakas na tinig ang
sumigaw na “Akei!”.
Nung naka-alis na ang dalaga dagliang kumaripas ng takbo ang binata papunta
sa kanilang silid-aralan upang e-kwento sa mga kaibigan ang
nakakamanghang pangyayari. Dumaan ang mga nagdaang araw nagkita
niyang muli at nasilayan ang nakakabighaning dalaga.
Habang ang oras ay tumatakbo, unti-unti silang nagkalapit sa isat-isa. At
paglipas ng mga araw, ipinagtapat na ng binatilyo ang matinding
nararamdaman sa dalaga. Si akeishana ay nalugod at pinakinggan ang bawat
salitang lumalabas sa bibig nito
Umuwi si Akeishana sa kanilang tahanan, nagulantang siya, sa kanyang nakita, Si Miesha,
ang kanyang kapatid, galing sa ibang bansa. "Miesha!" bulalas niya, sabay yakap na
mahigpit, "Kamusta kana? Miss na miss na kita!" tugon ng kapatid. Ngunit sa kanyang
pagdating, sa kanyang pagbabalik, Naramdaman ni Akeishana ang kasiyahan, ang
kasiyahan na hindi na mawawala. "Maayos naman, hindi ka nag sabi na uuwi ka pala, hindi
tuloy kami nakapaghanda," sambit niya, "Gusto ko kasi kayong surprisahin ni mama, akei,"
tugon ng kapatid. Sa gitna ng kanilang pag-uusap, sa gitna ng kanilang kasiyahan, Nagulat si
Akeishana, nagulantang siya, sa kanyang narinig. "Tika muna, sino naman tung
nababalitaan kong lagi mong kasama sa skwela??" tanong ni Miesha. Sa kanyang
pagkakagulat, sa kanyang pagkakabigla, Nagtanong si Akeishana, "Pano mo nalaman yan??"
"Kailangan mong ikwento lahat ng detalye sakin mamaya at kailangan kong malaman kung
sino yang si Sebastian nayan ha," tugon ng kapatid. Sa gitna ng kanilang pag-uusap, sa gitna
ng kanilang pagtatawanan, Pumasok na ang magkapatid sa kanilang kwarto, at sinabi lahat
ni Akei ang tungkol kay Sebastian. Sa kalagitnaan ng pag-uusap, Napagpasiyahan nilang
matulog nalang muna at ituloy ang kwento bukas.

Sa kalagitnaan ng gabi, sa silid na puno ng katahimikan, Biglang nagising si Akeishana, sa


tunog ng isang kumalabog. Sa kanyang pagkabahala, agad siyang tumindig, Hindi niya alam,
ito na pala ang huling pagkakataon na siya'y makakalakad.Sa kanyang paglakad, May
biglang sumigaw sa kanyang pagkabigla, hindi na niya namalayan, Ang bala na tumagos sa
kanyang katawan, ang bala na nagdulot ng kanyang kamatayan. Sa isang iglap na hindi
inaasahan nawala ang kanyang hininga. Sa kanyang pagbagsak, Dinama niya ang sakit, ang
sakit na hindi na niya kayang pigilan. Bago paman siya nawalan ng hininga binigkas niya
ang mga salitang "patawad Sebastian sapagkat hindi ko na kaya, mahal kita aking sinta"
Naramdaman niya ang kanyang kapatid, ang kanyang ina. Sa kanilang pag-iyak, sa kanilang
mga sigaw na puno ng takot at hinagpis. Nawala si Akeishana, ang anghel na hindi na
muling babalik. Sa kanyang pagkawala, sa kanyang pagkamatay, Nabuhay ang alaala, ang
sakit na hindi na muling mawawala. "Limang buwan na ang nakalipas nung ako ay kanyang
iwan na parang bula," sambit ni Sebastian, "Pero bakit siya parin ang sigaw ng aking
pusong ligaw? Aking iniibig asan kana ba talaga? Marami akong katanungan na gustong
itanong sayo. Tulad ng “Asan kana ba? Kumain kana ba? Ako pa rin ba? Bakit bigla ka
nalang nawala?” Sa kanyang pag-iisa, sa kanyang pagluluksa, Naramdaman niya ang sakit,
ang sakit na hindi na niya kayang pigilan. Makalipas ang limang buwan, sa isang hindi
inaasahang pagkakataon, Binisita ni Miesha ang mga kaibigan ni Akeishana sa skwelahan.
"Kamusta na kayo?" tanong niya, Sa kanyang pagkakakita, sa kanyang pagkakakilala,
Naramdaman ni Sebastian ang kanyang kasiyahan, naramdaman niya ang kanyang pag-asa.
"A-akeishana??" bulalas niya, "Nasa harapan lang kita." Ngunit sa isang katotohanan, sa
isang hindi inaasahang pagbubunyag, Nawasak ang kanyang mundo, nawala ang kanyang
pag-asa. "Hindi ako si Akei, Ako si Miesha. Kambal ko si Akeishana, wala na si Akei seb.
Binaril siya limang buwan na ang nakakalipas," sambit ni Miesha. Sa kanyang pagkabigo, sa
kanyang pagkatalo, Naramdaman ni Sebastian ang sakit, ang sakit na hindi na niya kayang
ipaliwanag. "Parang gumuho ang mundo ko nung nalaman ko na wala na si Akei. Totoo ba
ito? Nasa panaginip ba ako? Kung nasa panaginip man ako, sanay gisingin sana ako ng
katotohanan." Sa huling sandali, sa huling pagkakataon, Nabuhay ang alaala, nabuhay ang
sakit na hindi na mawawala. Ang lihim na pag-ibig, ang huling paalam, Ang kuwento ni
Sebastian at Akeishana, ang kuwento na hindi na muling babalik.

You might also like