You are on page 1of 5

Denise Mae Divino 3CA1

FIL3

Pamamanhikan

Bernadette Villanueva Neri

Nagsimula ang istorya sa mga alala ng isang ina tungkol sa kanyang bunsong babaeng si

Ces habang nagluluto ito nang adobo na siyang paborito ng nasabing anak. Naalala niya na hindi

natutong magluto si Ces pagkat palagi itong napapaiyak sa tuwing nag hihiwa ito nang sibuyas.

Kaya naman laking gulat ng ina ng isang araw ay bigla na lang nagpaturong mag luto ang

kanyang bunsong anak, lalo na noong kumuha ang bunso ng isang sibuyas upang hiwain. Alam

ng ina na sumisipag lamang ang kanyang anak kapag may lihim ito na itinatago. At sa

malambing na boses ay sinabi nito kay Ces na, “Susmariosep! Balu cu ning style mu, ‘nak.

Sabihin mo na.” Siguro dahil sa gulat na napansin siya ng kanyang ina ay napatigil siya bigla at

aksidente ay nahiwa ang sarili niya sa kutsilyo. Dali-dali ay sinabi sa kanya ng kanyang ina na

maghugas ng kamay at lagyan ang sugat ng band-aid bago pa man ito maimpeksiyon. “Aro,

papa’no ka mag-aasawa n’yan e nasusugatan ka sa paggagayat pa lang ng sibuyas?” At doon na

sinabi ni Ces ang kanyang itinatago. Na gusto niyang ipakilala sa kanyang mga magulang ang

kaniyang lihim na nobyo. Natuwa ang ina pagkat matagal na niyang hinihintay ang ganitong

sitwasyon para sa kanyang bunso na dalawampu’t siyam na ay wala pa rin itong ipinakikilalang

kasintahan. Napabiro pa nga ito kung mamamanhikan na baa ng lalake. Hindi sinagot ni Ces ang

biro ng ina tinanong lamang nito kung naaalala pa ba niya si Anne. “Wa, ‘yung kasama mo sa

Maynila.” Sagot ng ina, “Isa pang masuwerte ang makakatuluyan ng kaibigan mong ‘yan.”

Dagdag pa nito. “Maswerte nga po ako ‘ma.”

This study source was downloaded by 100000842859180 from CourseHero.com on 03-30-2022 05:33:51 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/30453456/Denise-Mae-Divino-FIL3docx/
Hindi mawari ng ina ang rebelasyon ng kanyang anak. “Murit kang bata ka!”

nanggagalaiti niyang bulong. “Ba’t ka pumatol sa babae?” Hindi ninya alam ang kanyang

gagawin. Gusto ninyang maupo, sumandal, hinang-hina ang pakiramdam ng ina. Naalala ng ina

ang kahulugan ng pangalan ni Ces – Maria Celeste. Isang bituing biyaya ng langit. Bituing

titingalain ng lahat at ipagmamalaki niya balang-araw. Pilit kumbinsihin ito ni Ces na

magugustuhan daw ninya si Anne at di tulad ni Ces ay magaling ito sa kusina. Naalala ng ina ang

nangyari sa apo ni Indang Maring. Ang kahihiyan na ididnulot nito sa pamilya. Ang

pakikipagrelasyon nito sa isang kapareho ng kasarian. Hindi niya ito ginusto kaya kahit pa

sinabihan siya ng kanyang asawa (na ayon kay Ces ay, “papaya si Tatang kung papayag ka.”) na

malaki na si Ces at hinanda na niya ang kanyang sarili sa mga ganoong bagay nang magdesisyon

s’yang makipagrelasyon. Kumalma lamang ang ina ni Ces ng lapitan siya ng kanyang asawa at

sinabi sa kanya na, “Ang hinihiling lang naman ng anak mo’y kilalanin natin ang kanyang

kasintahan. Tingin ko’y tama lang na pakiharapan natin ito bilang tao.”

Sa huli ay kahit hindi pa rin niya tanggap at gusto si Anne para kay Celeste ay hinagkan

niya parin ang kanyang bunsong anak at naalala ninya ang pakiramdama noong una niyang

masilayan ang unang ngiti nito bilang isang sanggol. At tulad ng ngiting iyon ay sap ag yakap sa

kanya ni Ces ay muli naramdaman nya na tila ba napawi ang lahat ng kanyang pag aalinlangan.

Kaya, itinapos niya ang kanyang nilulutong adobo, inihanda ang kubyertos sa hapag-kainan at

nang marinig ninya ang boses ng asawa niya sabay sa pag bukas ng kanilang tarangkahan ay

sinabi lamang ninya na may ngiti sa kanyang labi, “Tamang-tama ang dating n’yo,” bati niya sa

kanila. Ngumiti siya. “Nakahanda na ang pananghalian.”

This study source was downloaded by 100000842859180 from CourseHero.com on 03-30-2022 05:33:51 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/30453456/Denise-Mae-Divino-FIL3docx/
Plot:

Isang araw habang nagluluto ng adobo (na paborito ng kanyang bunsong anak) ang isang

ina ay napaturong mag luto ang nasabing anak na nagngangalang Maria Celeste (Ces).

Napuna ng ina na sumisipag lamang ang anak niya kung may lihim itong itinatago, lalo

na walang hilig sa pagluluto ang anak niyang ito. Sinabi na Ces na kung papayagan daw

nila ay mamamanhikan daw ang kaniyang nobyo. Ngunit na gulat ang ina nang sabihin ni

Ces na ang matalik nyang kaibigan na si Anne na pala ang kasintahan nito. Ayaw itong

tanggapin ng ina. Ngunit ng maalala nya ang galak at tuwa na naramdaman niya noong

pagkapanganak kay Ces na siyang muli niyang naramdaman noong nagyakap sila ay tila

ba nawala ang lahat ng kanyang pag aalinlangan. At sa huli ay sa pagdating ni Anne sa

kanilang tahanan ay ngumit siya at inaya siya na kumain.

Character:

Ina, nasa perspektibo ng ina ang istorya. Magaling ito sa pagluluto at sabik siyang makita

ang kanyang bunsong anak noong sabado’ng iyon kaya ipinag-luto niya ito ng kaniyang

paboritong adobo. Hindi maikakaila na mahal niya ang kanyang anak na si Ces at dahil

dito ay ayaw niyang matikman ni Ces ang siguro’y masamang nangyari sa apo ni Indang

Maring kung saan pinag-usapan, hinusgahan, at ikinahiya ito.

Ces, siya ay ang bunsong anak ng ina sa istorya. Mabait daw ito at masunurin. Hidi

hamak na natupad ang hiling ng ina para sa anak niya noong ibinigay niya ang pangalang

Maria Celeste dito, “na maging isang bituin na ipagmamalaki niya balang-araw). Ang

tanging parte lang ni Ces na hindi ikinatuwa ng kanyang nanay ay ang kanyang ang

This study source was downloaded by 100000842859180 from CourseHero.com on 03-30-2022 05:33:51 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/30453456/Denise-Mae-Divino-FIL3docx/
pagpatol nito sa isang pang babae at pagiging “tomboy.” Ngunit nakapag desisyon na

talaga si Ces at ani nga ng kanyang tatay ay ‘matanda’ na ito.

Goal & Conflict:

Layunin ni Ces na ipakilala ang kaniyang kasintahan na siya nama’y mamamanhikan na

kung papayagan lamang ng magulang ni Ces. Ang hadlang dito ay ang mismong nanay ni

Ces na hindi gusto si Anne para kay Ces pagkat pareha silang babae at walang duda’y

ikihihiya sila ng ibang tao sa kanilang bayan.

Theme:

Walang tama o mali sa kung sino man ang inyong maging kasintahan – magkaparehas

man kayo ng kasarian o hindi. Ang importante lamang ay kung tunay nga bang

minamahal at binibigyang kahalagahan ninyo ang isa’t isa.

Setting:

Naganap ang istorya sa bahay nila Ces – partikular na sa kusina nito. Malaki ang epekto

nito sa istorya pagkat sa kusina kung saan nagluluto at siyang nagpaturo’ng magluto si

Ces ay napagtanto ng ina na may lihim at gustong sabihin si Ces sa kanya pagkat wala

itong hilig sa pagluluto. Sa bahay din nila kinailangan maganap ang istorya pagkat ito

ang lugar kung saan mamamanhikan si Anne kung sakali man payagan siya ng mga

magulang ni Ces.

This study source was downloaded by 100000842859180 from CourseHero.com on 03-30-2022 05:33:51 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/30453456/Denise-Mae-Divino-FIL3docx/
This study source was downloaded by 100000842859180 from CourseHero.com on 03-30-2022 05:33:51 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/30453456/Denise-Mae-Divino-FIL3docx/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like