You are on page 1of 7

Pangalan: YLARDE CARLOS Y.

Kurso: BSE-Filipino III

A.

Pamagat: Ang Tawo sa Puso ni Teresa

May-Akda: Honorio Bartolome de Dios

Si Honorio Bartolome de Dios ay tubong Marilao Bulacan. Sa kanyang murang edad ay namulat na siya
agad sa makulay at madilim, masaya at malungkot, magulo at mapag-isang mundo ng mga bakla. Nag-
aral siya ng sociology sa Maynila at ‘di kalaunan ay nakilahok na sa mga gawaing pangmasa. Sampung
taon din siyang napabilang sa development work. Ngunit hindi lang sa mga ito siya naging abala. Sa
mabangis na lungsod ng Maynila, sinuyod din niya ang mga suloksulok ng kabaklaan upang hanapin ang
kanyang natatanging lugar sa lipunan. Sa kanyang kalipunan ng mga maiikling katha, seryoso si De Dios
sa kanyang pagsisikap na ipahayag at ipaunawa sa lipunang heterosexual ang partikular na kalagayan ng
mga Filipinong bakla. Sa bawat kuwento ay hindi lamang ang problema ng bakla sa sarili ang
pinoproblema ng bawat tauhan: laging kaugnay ito ng lipunan na siyang kinalalagyan at kinakaharap ng
problema.

Buod:

Si Teresa labinpitong taong gulang at pangatlo sa sampung magkakapatid. Lumaki siyang masipag at
matalino, ngunit sa kabila ng kanyang pagpupursige na makatapos ay hindi maitaguyod ng kanyang mga
magulang ang kanyang pag-aaral. Sa halip, maagang inagaw ng kahirapan ang kanyang kamusmusan. Sa
murang edad ay saksi siya sa kung papaano iasa ng kanyang mga kabaryo ang kapalaran sa Diyos. Sa
loob ng kanilang kubo ay saksi si Teresa kung papaano mag-away ang kanyang magulang dahil sa
magkaiba nilang pinaniniwalaan. Ang kanyang amang si Tonio ay deboto ng katoliko samantalang ang
kanyang inang si Ester ay malakas ang paniniwala sa mga Tawo o ang mga espiritung naninirahan at
tagapangalaga ng kalikasan. Saksi rin si Teresa kung paanong gumamit ng dahas ang kanyang magulang
at panaigin ang kanilang paniniwala.

Habang siya'y naglalakad sa kalsada ay hindi niya maiwasang bitawan ang hawak niyang patpat na
kanyang iwinawasiwas dahil na rin sa kasukalan ng lugar na ito. Ngunit noong hapong iyon ay hindi niya
nagamit ang patpat na kanyang hawak. Nakipagtitigan siya sa malaking cobra na nasa kanyang harapan.
Naninikip ang kanyang kalamnan. Ngunit habang papalapit ang cobra na nakapayapay ang kanyang
ulunan at bukang-buka ay naisip niya ang bilin ng kanyang ina. Maya-maya'y kusang lumabas ang mga
salita mula sa kanyang dila.

O Tawo, Taga-ataman kan tubig, paros, dangan daga

O Tawo, bantay ng kagubatan

Kasihan mo itong tao sa iyong harapan


At ako'y ipag-adya sa nakaabang na kapahamakan

Paulit-ulit niya itong sinambit. Ilang saglit pa'y lumambot ang kalamnan ni Teresa. Tumulo ang kanyang
pawis dahil na rin sa dala ng takot. Napapikit na lamang siya at hinihintay ang susunod na mangyari.
Nang muli niyang dinilat ang kanyang mata'y nakatikom na rin ang cobra na tila ito'y nagpapaalam.
Nalilito si Teresa at pilit inaalala kung kailan siya tinuruan ng kanyang ina. Lalo pang nalito si Teresa nang
banggitin ng kanyang ina ang mga katagang " nakasabat ka ti tawo?" niyakap nang mahigpit ni Ester ang
kanyang anak dahil walang nangyaring masama sa kanya.

Pangatlo sa magkakapatid si Teresa kung hindi nakunan ang kanyang ina. Tulad ng mga bata sa kanilang
lugar, unang natutuhan ni Teresa ang mga gawaing bukid kaysa magsulat ng kanyang pangalan.
Maraming naranasang paghihirap si Teresa. Nagtrabaho siya ng kung ano-ano upang matustusan ang
kanilang pangangailangan lalo na sa pag-aaral ng kanyang mga kapatid. Madalas silang mapagalitan ng
kanilang ama tuwing linggo ng umaga kung ayaw pa nilang gumising upang magsimba sa kapilya sa
sentro ng Buenavista.

Habang siya'y nakaupo sa lilim ng puno'y napagawi ang kanyang tingin sa papasok sa sentro ng
Buenavista ay natanaw ang guhong gusaling dati nilang pinagsisimbahan. Wala na itong bubong. Nang
makita ni Teresa ang nangingitim na bahagi ng dingding at altar ay bumalik ang kanyang mga alaala
dalawang linggo bago ang kanilang pagtatapos.

Tulong-tulong sila sa pagpapaganda at pag-aayos dahil doon nakatakdang idaos ang misa ng
pasasalamat para sa mga nagsipagtapos. Masayang-masaya at hindi magkamayaw sa tawanan at
tuksuhan ang mga grupo ng magtatapos nang mapansin nilang walang kibo si Teresa sa sulok. Ilang
sandali pa'y biglang nagsisisigaw si Teresa at nanlaki ang kanyang mata. Ilang saglit pa'y tumigil sa
kakasigas si Teresa ngunit napalitan naman ito ng malalim na boses. Umiiyak ang grupo ng mga
magsisipagtapos dahil na rin sa kanilang nasaksihan. Ang iba'y tinawag ang kanilang guro samantalang
ang iba nama'y pinuntahan ang matandang parabulong. Mabilis na kumalat sa Buenavista ang nangyari
kay Teresa at isa lamang ang kanilang pinaniniwalaan: sinapian ng Tawo si Teresa. Lumipas pa ang mga
araw, nalimutan na ng mga taga-Buenavista ang nangyari kay Teresa. Ngunit para kay Teresa, parang
uka sa dalisdis ng bulkang mayon ang kanyang naranasang sakit sa kanyang pagkatao bago pa man
naganap ang pagsabi ng tawo sa kanya. Nangyari iyon nang minsang inutusan siya ng kanyang ama na
pumunta sa kumbento, dalawang araw bago ang pangyayari sa kapilya. Ipinakuha niya ang ang mga
dokumento para sa mga scholarship ng mga magsisipagtapos. Isinambit na lamang ng kanyang ama na
huwag siyang mag-alala sa pagkat mabait si Padre Albert.

Nang nasa kombento na siya'y pilit na lamang winawaksi ni Teresa ang halpos ng pari sa kanyang balikat.
Ngunit nag-iba ito nang nagsimulang sambitin ni Padre Albert ang mga katagang " Ang ganda-ganda mo.
Kawangis mo ang mukha ng mahal na Ina. Magsing-edad lang kayo nang ipinagbuntis niya ang anak nh
Diyos. Magmahalan tayo" Nagmamakaawa si Teresa sa ginagawa ni Padre Albert sa kanya. Naramdaman
na lamang niya ang paglamas ng pare sa kanyang dibdib.

Habang patuloy na minomolestya ni Padre Albert si Teresa ay sinimulan na niya ulit pumikit at magdasal.
Muli, naramdaman niya ang pagsikip ng kanyang kalamnan at panghina ng kanyang katawan. Walang
ano-ano ay tila hindi na niya maramdaman ang halik at kamay ng pare sa kanyang katawan. Nakarinig
siya ng bulong "ingatan mo ang Tawo sa iyong puso at iingatan ka rin niya." Idinilat ni Teresa ang
kanyang mata at nakita niya ang Cobra sa kanilang harapan, katabi nito ang bote ng alak na hindi pa
nabubuksan. Hindi nagdalawang isip si Teresa na kunin ang bote ng alak at ipokpok sa ulo ng pare.
Humandosay sa baldosa si Padre albert at nakita niya ang pagpatak bg dugo mula sa kanyang ulo.
Tumakbo si Teresa papunta sa pintuan.

Noong gabing iyon ay bumalik si Teresa sa kumbento bitbit ang lata ng gaas at mga tuyong dayami.
Binuhasan niya ng gaas ang mga palamuti at ikinalat ang mga tuyong dayami. Pinanood niya ang
paglamon ng apoy sa mga altar, rebulto at tuyong dayami.

Hindi na nakapagpatuloy ng high school si Teresa nang mawalang kasama ni Fr. Albert ang
inaasam niyang scholarship. Hindi na rin niya inasahang pagsusumikapan ng amang pag-aralin siya kahit
pa valedictorian siyang nagtapos ng elementarya. Habang naghuhugas si Teresa ay napag-usapan nila
ang pag-aaral nito. "Nakapagtapos ka naman na ng Elementarya, mabubuhay ka na niyan. May awa ang
Diyos" sambit ng kanyang ama. "May awa ang Diyos? Sigurado ka ba pa? Kung totoong may awa ang
Diyos, bakit hindi niya ako naisalba sa kahalayan na ginawa sa akin ni Padre Albert. Kung may awa ang
Diyos, bakit ganito ang kalagayan na 'tin?" Sambit nito sa kanyang utak.

Tulad ng inaasahan ni Teresa’y hindi na siya nakatuntong pa ng high school. Pagkatapos ng


elementarya ay iba-ibang trabaho ang pinasukan niya sa banwa, pilit pinagkakasya ang
kakarampot na sahod sa pangangailangan sa pag-aaral ng dalawang nakababatang kapatid. Hindi na rin
siya nagtanong pang muli sa ina ng anuman tungkol sa kanyang pag-aaral dahil palagi lamang nauuwi
sa pag-aaway ng kanyang mga magulang ang kanyang pang-uusisa. Kapag siya’y napag-iisa,
palaging sumasagi sa isip ni Teresa ang mga sinabi sa kanya ng ina noong sila ay nasa koprasan. Umalis
ka ng Buenavista. Ikaw lang ang nakakaalam kung kailan. Huwag kang matakot. Tutulungan ka ng
tawo sa iyong puso. Hindi na rin niya naitanong pang muli sa ina kung ano ang ibig sabihin ng habiling
iyon.

Isang araw ay tumigil na lamang sa pagsasalita si Ester, Hindi nila masabi kung ano ang dahilan.
Makaraan ang isang linggong pananahimik ay natagpuan so Ester sa pusod ng kagubatan. May malaking
tuklaw ng ahas sa kanyang dibdib. Nagkaroon ng maraming bulong-bulungan sa baryo. Sinisisi nila ang
mga tawo sa nangyari ngunit sinabi ni Lola Arsenia na alam pakisamahan ni Ester ang mga Tawo. Nang
marinig ang tinuran ng ina ay ibinaling ni Teresa ang atensyon sa kabaong ng ina. Yari sa tabla mula sa
niyog at pininturahan na lamang ng puting kalburo ang kabaong na pinagtulongang gawin ng mga
kapitbahay. Alam ni Teresa na may malalim na deklarasyon ang matandang parabulong patungkol sa
kanyang ina.

Maliit lang ang kubo nina Teresa, anahaw ang bubong at sawali ang mga dingding. Sawali rin lang ang
dingding na namamagitan sa kuwarto ng magkakapatid at kuwarto ng mag-asawa. Ayaw man niya
ay madalas marinig ni Teresa ang mahinag pag-aaway sa kabilang kuwarto sa gabing inaakala ng mag-
asawang tulog na ang mga anak. Marami silang pinag-aawayan at pinagtatalunan, tungkol sa pera,
sa pagkain, sa pag-aaral nilang magkakapatid, sa paglalasing ng kanyang ama. Pero ang pinakahuling
pag-aaway ng mag-asawa ang higit na nagpabalisa kay Teresa. Umiiyak ang kanyang ina dahil sa
impit na pagtutol pangagagahasa ng kanyang ama. Dinig ng ina ang hagulgul nito dahil sa ginagawa ng
kanyang ama. Impit na ungol din ang narinig ni Teresa mula sa ama—ungol ng nakaraos. Napapikit na
lamang si Teresa. "Kapag ako nabuntis, ipapalaglag ko ito" sambit ng kanyang ina. Bigla na ring
tumahimik ang paligid. Dumilat siya at tumambad ang kadilimang bumabalot sa kubo.

Nagkita-kita silang magkakapatid sa burol ng ina. Pinagtalunan din nila kung sino ang kukupkop sa
dalawang nakababatang kapatid.

Nagising sa mahabang pagkakaidlip si Teresa, Pagmulat ng mga mata’y nasilaw siya ng matinding
hagupit ng sikat ng araw. Nakaupo pa rin siya sa ilalim ng puno ng pili, mahigpit ang hawak ng
mga kamay sa nakausling mga ugat ng matandang puno, halos bumaon ang kanyang mga kuko sa
makapal na balat nito. Iniangat niya ang mga kamay at sinapo ang kanyang mukha. Sa hula niya'y
malapit ng mag-alas tres ng hapon. Minasahe niya ang kanyang sentido. Hindi agad maihakbang ni
Teresa ang kanyang mga paa nang makita niya ang Cobrang nakatitig sa kanya. Singkit at lumalabas ang
kanyang dila. Agad nagsalita si Teresa " Ikaw. Tutuklawin mo ba ako? Ilang beses nang nagsanga ang
ating landas. Hahayaan mo na ba akong umalis?" " Nasa sinapupunan ka pa lamang ni Ester ay itinuro
niya na sayo kung papaano pangalagaan ang sarili. Walang pumipigil sa iyonh umalis" sagot ng Cobra.
Tinanong ni Ester ang Cobra kung tutulungan niya ba ito kahit wala na siya sa Buenavista. "Ikaw lang ang
makasasagot niyan. Pumikit ka at pakinggan mo ang iyong puso" sambit nito.

Pumikit si Teresa at pinakinggan niya ang kanyang puso. Wala siyang narinig nang walang ano-ano'y
naramdaman niya ang cobra na pumupulupot sa kanyang binti. Halos tumayo ang balahibo ni Teresa sa
pagkakataong iyon. Hindi na nakaramdam ng takot si Teresa. Malumanay ang tibok ng kanyang puso.
Taglay mo ang tawo. Sambit ng kanyang ina bago siya namatay. Iminulat niya ang mata. Sinilip ang ahas
sa kanyang paanan ngunit wala ito. Tinignan niya ang kanyang paligid sa pag-aakalang makikita niya ang
ahas doon ngunit kahit buntot ay wala siyang nakita. Inihakbang ni Teresa ang mga paa at sinimulan ang
mahabang paglalakbay paalis sa Buenavista.

B. Sangkap ng Kwento

Tauhan:

Teresa- Isang batang matalino at may pangarap sa buhay. Pinagkaitan ng kapalaran ngunit hindi
nagpatinag. Minsang menulestya ng isa pari. Anak ni Ester at Tonio.

Tonio- Ama ni Teresa. Isang debuto ng katoliko. Ipinapasa-Diyos niya ang lahat ng bagay. Isa ring
lasenggero.

Ester- Ina ni Teresa. Malakas ang kanyang paniniwala sa mga tawo.

Padre Albert- Isang pare sa kapilya ng Buenavista. Ang nanggahasa kay Teresa.
Lola Arsenia- Ang matandang parabulong sa Buenavista.

Jose - Kapatid ni Teresa. Ipinaampon ng kanyang ama sa kanyang tiyuhin sa Maynila.

Malou- Kapatid ni Teresa. Ipinaampon ng kanyang ama sa kanyang tiyuhin sa Maynila.

Ricardo- Kapatid ni Teresa

Gerardo- Kapatid ni Teresa

Michael- Kapatid ni Teresa

Anto- Kapatid ni Teresa

Antonio Jr.- bunsong kapatid ni Teresa

Tawo- Isang espiritong nag-aanyong cobra

Tagpuan:

Puno ng Pili- Lugar kung saan masisilayan ang kurti ng bulkang mayon at mga puno ng niyog. Kung saan
naka-idlip si Teresa. Dito huling nakita ni Teresa ang cobra.

Buenavista- Lugar kung saan nakatira si Teresa. Kung saan hinubog ang pagkatao ni Teresa. Dito
nakaranas ng pait at kaligayan ang bida.

Kapilya/kumbento- Pinagdadausan ng misa. Dito ginahasa ng pare si Padre Albert si Teresa.

Uri ng Maikling Kwento:

Kwento ng Kaisipan o Sikolohiko- Ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap
ng isang pangyayari at kalagayan. Ito ang uri ng maikling kuwentong bihirang isulat sapagkat may
kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan.

Kwento ng tauhan- pokus nito nasa pangunahing tauhan. inilalarawan ang mga pangyayaring
pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigayan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng
mambabasa.

C. Pagdulog Pampanitikan

Dulog: Dulog Sikolohikal

Pagpapaliwanag sa dulog:

Kapag sinabing dulog sikolohikal, ito ay tumutukoy sa mga damdaming namamayani sa mga tauhan gaya
ng pagmamahal, paghanga, pagkadakila, gayon din ang mga negatibong damdamin ng pangamba, takot,
galit, pagkabigo, at iba pa. Mahalagang masuri ang emosyon at makilala ang tunay na katauhan ng
indibidwal. Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga salik (factor)
sa pagbuo ng naturang behavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao) sa isang tauhan sa
kanyang akda. Ipinakikita sa akda na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng panibagong behavior dahil
may nag-udyok na mabago o mabuo ito.

Patunay na nagmula sa kwento:

• Una, ipinakita sa kwento ang pagdakila o pagpuri, paniniwala na kung saan ang magulang ni Teresa ay
magkaiba ng relihiyon. Si Tonio ay debuto ng katoliko at si Ester naman ay naniniwala sa mga tawo. May
kanya-kanya silang paraan kung papaano pupurihin ang kanilang kinabibilangan at handa silang gumamit
ng dahas para sa sarili nilang kapakanan.

• Ikalawa, nasilayan din ang tunay na katauhan ni Padre Albert sapagkat ang alam ng nakararami ay isa
itong tagapangaral sa salita ng Diyos ngunit lumabas ang tunay niyang ugali nang pagsamantalahan niya
si Teresa. Ginahasa niyo ito na tila'y hindi nananalantay sa kanyang dugo ang pagka-pare.

• Ikatlo, ipinakita rin dito ang pagmamahal ng inang si Ester sa kanyang anak na si Teresa. Naipakita rito
nang unang makasalamuha ni Teresa ang Cobra. Tinanong agad ng kanyang ina na " nakasabat ka ng
tawo?" ipinapakita rito ang pag-aalala ng kanyang ina. Piniplit din ng kanyang ina na makapagpatuloy
siya sa hayskul ngunit ayaw ng kanyang magulang dahil sa kawalan ng pera. Maipakikita rin dito ang
pagmamahal ng mag-asawa sa kanilang pinaniniwalaan.

• Ikaapat, ipinapakita rin dito ang pananaw ng kanyang ama na kapag nakapagtapos ka na ng
elementarya ay kaya mo nang mabuhay basta ikaw ay nakababasa't nakasusulat. Dahil dito, sa murang
edad ay nagtrabaho na si Teresa.

• Ikalima, ipinapakita rin dito ang mga salik at naturang behavior ng isang tauhan na kung saan
Ipinakikita sa akda na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng panibagong behavior dahil may nag-
udyok na mabago o mabuo ito. Sa kwento ipinakita ni Teresa kung papaano labanan ang kanyang takot.
Kung dati'y nakikita niya ang kanyang sarili na hanggang doon na lamang ay nagbago ito dahil na rin sa
tawo. Pinakinggan niya ang kanyang puso na tinuro ng kanyang ina at yun ang kanyang sinundan upang
mahubog ang kanyang kamalayan at pagkatao.

D. Bisa ng Panitikan

Bisang Pangkaisipan:

Sa wakas ng kwento, ipinakita rito na ang buhay ay bilog. Makasasalamuha ka ng iba't ibang uri ng
indibidwal na may iba't ibang natatagong ugali. Nakadepende sayo kung papaano mo ito pakikisamahan
o gumawa ng hakbang para dito.

Bisang Pangkaasalan:
Nabago ang aking pananaw sapagkat ipinakita rito ang asal ni Padre Albert na kung saan hindi lahat ng
pare ay puro at mabuti ang hangarin sa kapwa. Huwag basta-basta nagtitiwala sa ugaling ipinapakita ng
iyong kaharap o kausap. Maaaring may nakakubli itong dahilan o rason.

Bisang Pandamdamin:

Ang kwentong ito ay nag-iwan ng epekto sa mga mambabasa. Tinuruan nito ang bawat mambabasa na
pakinggan ang binubulong ng puso. Sabi nga sa kwento "pumikit ka at pakinggan mo ang iyong puso".
Ipinapakita rito na sundin ang iyong nais para iyong sarili basta ito'y nakabubuti.

You might also like