You are on page 1of 3

Ang Maikling Kwento Tungkol kay Stella at sa mga Kaibigan niya sa Araw ng Pasko

MAIKLING KWENTO – Narito ang maikling kwento tungkol kay Stella at sa mga kaibigan niya sa
araw ng Pasko.

“Si Stella At Ang Mga Kaibigan Niya Sa Araw ng Pasko”

Anak-mayaman si Stella subalit hindi siya katulad ng ibang lumaki sa karangyaan na walang
ginawa kung hindi ay mamasyal sa kung saan-saan at magpakasarap sa buhay.

Kahit ang ama niya, si Don Manuel, at ang ina niya, si Señora Faustina, ay lubos ang pasasalamat
sa mabuting loob ng kanilang nag-iisang anak. Kakaiba ang kabutihan na ipinapakita nito lalong-
lalo na sa mga mahirap na tao.

Tuwing Pasko, niyayaya ni Stella ang mga kaibigan niya na pumunta sa bahay-ampunan sa Marga
Hera. Namimigay sila ng mga laruan, pagkain, at iba pang mga regalo sa mga bata doon.

“Stella, matanong ko lang, bakit dito tayo pumupunta tuwing Pasko?” tanong ni Fey, isa sa mga
matalik na kaibigan ng dalagita

“Malapit kasi ang puso ko sa mga bata sa bahay-ampunan. Gusto ko na kahit isang beses lang sa
isang taon ay mapasaya ko sila,” paglalahad ng dalagita.

“Hindi isang beses sa isang taon bes, isang beses sa dalawang linggo. Swerte nila sa’yo friend,”
sabi ni Bea sa kaibigan.
Masayang-masaya ang mga bata sa ampunan noong araw na iyon. Dinalhan sila nina Stella ng
piniritong manok, spaghetti, sandwich, hotdog, at salad. Marami rin silang bagong laruan at may
mga hindi pa nabubuksan na mga regalo.

Maikling Kwento

Habang sumasakay sa auto ang tatlong magkakaibigan, biglang ikinuwento ni Stella ang tunay na
dahilan kung bakit malapit ang loob niya sa bahay-ampunan sa Marga Hera.

“Alam niyo, nais ko silang mapasaya dahil talagang ibang-iba ang buhay natin sa kanila.
Maswerte tayo at lumaki tayo kasama ang pamilya natin.

E, sila, doon na sila bumuo ng pamilya dahil marami sa kanila ay wala nang ama at ina. Sa tuwing
tinititigan ko nga ang iba sa kanila, ramdan ko ang pangungulila nila sa mga magulang nila,”
pagpapaliwanag ni Stella.

BASAHIN RIN: Ang Bahay na Marmol sa Gitna ng Gubat

Hindi naka-imik sina Bea at Fey sa narinig nila. Nagpatuloy si Stella sa pagsasalita at doon nila
lubusang naintindihan ang kanilang kaibigan.

“Laking-ampunan si Mommy pero marami ang hindi alam iyon. Noong bata pa ako, palagi niyang
kinukwento ang mga naging karanasan niya.

Mahirap raw ang lumaki na walang mga magulang pero nagpapasalamat siya at may mga
mabubuting tao na nag-aalaga sa kanila roon,” sabi ni Stella.
Simula noong narinig nila ang mga sinabi ni Stella, ni minsan ay hindi na uli nagtaka sina Bea at
Fey sa kabutihang ipinapakita ng kaibigan nila sa mga bata. Lubos nilang naunawaan na labis ang
natutunan niya sa karanasan ng kanyang ina.

Ano ang masasabi mo sa maikling kwento na ito? Pwede mong ibahagi ang iyong reaksyon o ang
aral na iyong natutunan mula sa maikling kwento sa pamamagitan ng komento.

Ilan sa mga aral na makukuha sa maikling kwento na ito:

Maging mapagbigay at matulungin sa mga nangangailangan

Huwag maging matapobre

Pahalagahan ang mga karanasan ng ibang tao

Iba pang mga maikling kwento:

You might also like