You are on page 1of 1

Maikling Kwento

- ay isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring


kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon
lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin
itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong
isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. Si
Deogracias A. Rosario ang tinuturing na "Ama ng Maikling Kuwento". Tinawag rin
itong dagli noong panahon ng mga Amerikano at ginagawa itong libangan ng
mga sundalo.

“Si Stella At Ang Mga Kaibigan Niya Sa Araw ng Pasko”


Anak-mayaman si Stella subalit hindi siya katulad ng ibang lumaki sa karangyaan na walang
ginawa kung hindi ay mamasyal sa kung saan-saan at magpakasarap sa buhay.

Kahit ang ama niya, si Don Manuel, at ang ina niya, si Señora Faustina, ay lubos ang
pasasalamat sa mabuting loob ng kanilang nag-iisang anak. Kakaiba ang kabutihan na
ipinapakita nito lalong-lalo na sa mga mahirap na tao.

Tuwing Pasko, niyayaya ni Stella ang mga kaibigan niya na pumunta sa bahay-ampunan sa
Marga Hera. Namimigay sila ng mga laruan, pagkain, at iba pang mga regalo sa mga bata
doon.

Habang sumasakay sa auto ang tatlong magkakaibigan, biglang ikinuwento ni Stella ang
tunay na dahilan kung bakit malapit ang loob niya sa bahay-ampunan sa Marga Hera.

“Alam niyo, nais ko silang mapasaya dahil talagang ibang-iba ang buhay natin sa kanila.
Maswerte tayo at lumaki tayo kasama ang pamilya natin.
E, sila, doon na sila bumuo ng pamilya dahil marami sa kanila ay wala nang ama at ina. Sa
tuwing tinititigan ko nga ang iba sa kanila, ramdan ko ang pangungulila nila sa mga
magulang nila,” pagpapaliwanag ni Stella.

Hindi naka-imik sina Bea at Fey sa narinig nila. Nagpatuloy si Stella sa pagsasalita at doon
nila lubusang naintindihan ang kanilang kaibigan. “Laking-ampunan si Mommy pero
marami ang hindi alam iyon. Noong bata pa ako, palagi niyang kinukwento ang mga naging
karanasan niya.

Mahirap raw ang lumaki na walang mga magulang pero nagpapasalamat siya at may mga
mabubuting tao na nag-aalaga sa kanila roon,” sabi ni Stella.
Simula noong narinig nila ang mga sinabi ni Stella, ni minsan ay hindi na uli nagtaka sina
Bea at Fey sa kabutihang ipinapakita ng kaibigan nila sa mga bata. Lubos nilang naunawaan
na labis ang natutunan niya sa karanasan ng kanyang ina.

You might also like