You are on page 1of 2

Week 16 (April 27- May 2) / Week 8 Fourth Grading

Magbasa ng isang maikling kwento. Isulat ang mga sumusunod na elemento ng napiling akda.

“Si Stella At Ang Mga Kaibigan Niya Sa Araw ng Pasko”


Anak-mayaman si Stella subalit hindi siya katulad ng ibang lumaki sa karangyaan na walang
ginawa kung hindi ay mamasyal sa kung saan-saan at magpakasarap sa buhay.
Kahit ang ama niya, si Don Manuel, at ang ina niya, si Señora Faustina, ay lubos ang
pasasalamat sa mabuting loob ng kanilang nag-iisang anak. Kakaiba ang kabutihan na
ipinapakita nito lalong-lalo na sa mga mahirap na tao.
Tuwing Pasko, niyayaya ni Stella ang mga kaibigan niya na pumunta sa bahay-ampunan sa
Marga Hera. Namimigay sila ng mga laruan, pagkain, at iba pang mga regalo sa mga bata
doon.
“Stella, matanong ko lang, bakit dito tayo pumupunta tuwing Pasko?” tanong ni Fey, isa sa
mga matalik na kaibigan ng dalagita
“Malapit kasi ang puso ko sa mga bata sa bahay-ampunan. Gusto ko na kahit isang beses lang
sa isang taon ay mapasaya ko sila,” paglalahad ng dalagita.
“Hindi isang beses sa isang taon bes, isang beses sa dalawang linggo. Swerte nila sa’yo
friend,” sabi ni Bea sa kaibigan.
Masayang-masaya ang mga bata sa ampunan noong araw na iyon. Dinalhan sila nina Stella
ng piniritong manok, spaghetti, sandwich, hotdog, at salad. Marami rin silang bagong laruan
at may mga hindi pa nabubuksan na mga regalo.
Habang sumasakay sa auto ang tatlong magkakaibigan, biglang ikinuwento ni Stella ang
tunay na dahilan kung bakit malapit ang loob niya sa bahay-ampunan sa Marga Hera.
“Alam niyo, nais ko silang mapasaya dahil talagang ibang-iba ang buhay natin sa kanila.
Maswerte tayo at lumaki tayo kasama ang pamilya natin.
E, sila, doon na sila bumuo ng pamilya dahil marami sa kanila ay wala nang ama at ina. Sa
tuwing tinititigan ko nga ang iba sa kanila, ramdan ko ang pangungulila nila sa mga magulang
nila,” pagpapaliwanag ni Stella.
Hindi naka-imik sina Bea at Fey sa narinig nila. Nagpatuloy si Stella sa pagsasalita at doon nila
lubusang naintindihan ang kanilang kaibigan.

“Laking-ampunan si Mommy pero marami ang hindi alam iyon. Noong bata pa ako, palagi
niyang kinukwento ang mga naging karanasan niya.
Mahirap raw ang lumaki na walang mga magulang pero nagpapasalamat siya at may mga
mabubuting tao na nag-aalaga sa kanila roon,” sabi ni Stella.
Simula noong narinig nila ang mga sinabi ni Stella, ni minsan ay hindi na uli nagtaka sina Bea
at Fey sa kabutihang ipinapakita ng kaibigan nila sa mga bata. Lubos nilang naunawaan na
labis ang natutunan niya sa karanasan ng kanyang ina.
1.Pamagat -“Si Stella At Ang Mga Kaibigan Niya Sa Araw ng Pasko”
2. Tauhan - Stella - Anak-mayaman

- Don Manuel – Ama ni Stella

- Señora Faustina – Ina ni Stella

- Fey – Matalik na Kaibigan ni Stella

- Bea – Kaibigan ni Stella

3. Tagpuan -  Bahay-ampunan sa Marga Hera

4. Suliranin - Laging pag tanong ng kanyang mga kaibigan kung bakit nya ginagawa iyon
5. Himig -Kawalaan ng magulang ang mga nasa Bahay ampunan
6. Solusyon – Laging Pagdalaw nila Stella , Fey at bea sa Bahay ampunan

- Pag bigay  ng piniritong manok, spaghetti, sandwich, hotdog, at


salad. at mga hindi pa nabubuksan na mga regalo.
7. Kasukdulan – Pag tataka at pag tatanong ng kaniyang mga kaibigan kung bakit lagi nya
itong ginagawa at laging pag punta sa Bahay ampunan.
8. Resolusyon – Pag amin at pagsabi ni Stella kung ano ang tunay na dahilan kung bakit
nya laging ginagawa ang pag dalaw at pag bigay tulong sa Bahay ampusanan sa kanyang
mga kaibigan
9. Wakas – Pagunawa ni Fey at Bea kay stella kung bakit nya ginagawa yung bagay na yon

You might also like