You are on page 1of 2

"Iba Ka Na Talaga Stella'

Simple at komportableng pamumuhay ang kinalakihan ni Stella, ang nag-iisang anak ng mag-asawang Carlos at
Maribel. Sapat lamang ang kinikita ng kanyang mga magulang sa kanilang munting negosyo sa pataihan,
natutustusan nito ang kanyang pag-aaral. Ni minsan ay hindi nagreklamo ang dalaga sa estilo ng kanilang
pamumuhay.
“anak anong balak mo sa iyong pagkokolehiyo” tanong ng kanyang ina,
“ipagpapatuloy ko po ang aking pag-aaral, may pampublikong paaralan naman po sa bayan, doon na lang po ako
papasok” mahinahong sagot ni Stella
“mabuti naman anak, ngunit nabanggit saakin ng tiya Elena mo na kung sa pribadong paaralan ka daw
makapagtatapos, makakakuha ka ng magandang trabaho”
“maaari nga po, na kung sa mas mataas na paaralan sana ako mag-aaral ay mas malaki ang oportunidad saakin”
“pasensya na anak ha, kung pinagkakasya lang natin ang kita sa pataihan para sa pang araw-araw na pamumuhay
natin, kasama na dito ang pag aaral mo, hindi ka na namin kayang maipasok sa isang pribadong paaralan”
Isang normal na pag-uusap lamang yon ng mag ina dahil kadalasan ay humihingi ng paumanhin ang ina nitong si
Maribel sa pagkakaroon ng simpleng pamumuhay. Noong una ay walang naging problema dahil naiintindihan naman
ito ni Stella, ngunit hanggang sa…
Mag kasamang nagmeryenda ang mag kaibigan na si Stella at thea at napag usapan na rin nila ang nalalapit na
pagpasok nila sa kolehiyo“
"Uyy Stella san ka ba mag-aaral ng kolehiyo? at kailan mo balak mamili ng gamit?” Tanong ni Thea
Hindi nakaimik si Stella sapagkat alam niyang hindi naman siya mamimili ng mga bagong gamit, muli siyang tinanong
ng kanyang kaibigan at doon pa lamang siya nakasagot
“May pampublikong paaralan sa may bayan, doon ako papasok at hindi na ata ako maimili pa ng mga bagong
gamit dahil pwede pa naman ang mga gamit ko sa bahay” mahinang tugon ng dalaga
“ay ganun ba, maiiwan ka na dito dahil lahat kami ay luluwas ng Manila upang doon mag- aral. Alam mo ba
napakagananda ng Manila, doon na rin daw ako mamimili ng gamit dahil mas malalaki ang mga malls doon at
maraming pagpipilian” masayang kwento ni Thea
Labis naman na nakaramdam si Stella ng inggit sapagkat mapag iiwanan na ito ng kaniyang mga kaibigan.
Nakaraan ang ilang araw ay nagkaroon ng pagbabago kay Stella, pansin ito ng kaniyang ama at ina, na para bang
lagi itong naka simangot at nagdadabog. Sa hapagkainian ay naisipan na kausapin ng mag asawa si Stella upang
komprontahin ito sa kanyang pinapakitang pagbabago
“Anak may problem ba?” tanong ng kanyang ama
Dito ay hinde na napigilan ni Stella ang kanyang nararamdaman at naisipan nya ng sabihin ang kagustuhan niyang
mag aral rin sa Manila tulad ng kanyang mga kaibigan. Nagulat ang mag asawa sa sinabi ng kanilang anak
“Hindi ba’t napag-usapan na natin ang tungkol dito anak, wala kaming sapat na pera para pag aralin ka sa Manila”
mahinahon na tugon ng kanyang ama
“Hindi pa ba sapat ang pagtitiis ko mula elementarya, nagsasawa na ako sa ganitong pamumuhay, gusto ko naman
makaranas ng ginhawa, inggit na inggit na ako sa aking mga kaibigan” agresibong tugon ni Stella
Nag karoon ng argumento ang pamilya tungkol dito, hanggang sa hindi na naka imik ang mag asawa. Kinabukasan
ay napagdesisyonan ng mag asawa na sundin ang kagustuhan ng kanilang anak, nangutang sila sa kahit sinong kilala
nil ana pwedeng mauutangan. Hindi nag tagal ay naka luwas nga si Stella ng Manila upang mag-aral roon kasama
ang mg kaibigan nito.
"Iba Ka Na Talaga Stella'
Makalipas ang ilang taon ay natupad lahat ng pangarap ni Stella, ang makapag tapos at magkaroon ng
opurtunidad na makapagtrabaho sa isang malaking kompanya. Hindi nakalaon naka uwi ito sa kanilang bayan,
nadatnan nya ang kaniyang ina at ama na patuloy parin sa pagtratrabaho.
“Omg ma! Surprise eto na ako oh, ang very beautiful niyong anak na si Stella” sumasayaw pa ito sa tuwa
Natuwa naman ang mag asawa ngunit makikita mo sakanilang mukha ang pagtataka, dahil ibang iba na ang Stella
na nasa harapan nila, kung paano ito manamit at lalong kung paano ito magsalita, hindi na nga nila lubusan
maintindahan ang isinasambit ng dalaga. Nalulungkot ang mag-asawa dahil sa malaking pagbabago ni Stella, hindi
na ang Stella na masaya at kontentong namumuhay sa kanilang munting tirahan.
Habang tinititigan ng mag-asawa ang kanilang kaisa-isang anak ay di naiwasan na masambit ng ama na
“Iba ka na talaga Stella”

You might also like